Chapter 3: The Groom
"I just let the pain takeover, allowing it to numb the pain of being left behind"
***
Clydes PoV
"As usual, perfect score Mr. Fuentabella" tawag sa akin ng Prof ko at tumayo ako para kunin ang test paper ko.
"Goodness! It was such an easy exam people pero bakit iisa lang ang nakaperfect?" sermon nito nang makabalik na ako sa upuan ko.
"Pst! Brad, bakit di mo shinare sa akin kodego mo?" bulong ng isang tsinitong lalaking nasa likod ko.
I rolled my eyes, kelan ako nangodego?
"Mr. Feng! You're the lowest, again" sabi ni Ma'am at nakangising kinuha niya ang papel niya.
"Let's continue this the next time everyone" paalam ng Professor at nagsilabasan na ang mga kaklase namin.
"Uy brad, sino ba kasi yung pinagbigyan mo ng bouquet kahapon? Puro bata naman ang tumugtog dun sa Recital ah!" pangungulit ni Willam.
"Wala" bored na sagot ko habang inoopen ang laptop ko.
"Anong wala? Ano yun, parang alay lang sa puntod ganon?" kinuha nito ang isang upuan at umupo sa tabi ko.
I just saw it in commercial on TV and had a hunch that she will be joining it.
Hindi naman ako nagkamali, I saw how beautiful and elegant she was as she play her favorite violin but the way she played it, I knew she was sad. Her parents weren't able to come and watch her again.
I saw flowers being sold outside so I bought her that bouquet of white roses to somehow cheer her up.
Napatingin ako sa sira ulong lalaking ito ng mapansin kong titig na titig siya sa akin.
"Hindi kaya... Isa sa mga bata doon ang type mo?" nilapit niya ang mukha niya sa akin at tinitigang mabuti. Napansin ko ang pagtingin din sa amin ng mga kaklase ko at pasimpleng kilig ng mga babae.
"Pedophile ka brad?" bulong niya.
Inis na sinipa ko yung upuan niya kaya bumagsak siya sa sahig kasama nito.
"ARAY!" inda niya at hinilot ang ulong nasaktan.
"Kaya ako napagkakamalang bakla dahil hindi mo ako nilulubayan eh" ismid ko.
"Abah! Pasalamat ka ngat may kaibigan kang Willam Feng! Ang gwapong half Chinese half demi God tagapagmana ng kanyang mayamang pamilya! Alam mo bang madaming iba diyan na gustong makalapit sa akin pero natatakot sa iyo!" pagmamalaki niya and flashed a grin.
Bakit nga ba hindi ako tantanan ng chinoy na ito? Mula highschool pa lang ay kasama ko na siya hangang ngayong college na kami ay sinundan pa talaga ako dito sa Salvador University.
"Dapat talaga nagaral na lang ako sa Harvard" bulong ko.
"Wag naman brad, malulungkot ako pag nawala ka, alam mo namang love na love kita eh!" pacute na ngumuso pa ang gago.
"Doon ka nga, hindi ko matapos tapos tong ginagawa ko dahil sa iyo" taboy ko pero imbes ay mas lumapit pa siya sa akin at sinilip ang laptop ko.
"Ano ba iyan? Yung Feaseb study mo ba?"
"Hindi, Work Sheet ng banko" Banas na sagot ko. Ewan ko ba sa tatay ko, napakadami naman niyang empleyado pero sa akin pinapagawa ito.
"Hay grabe, ang hirap maging tagapagmana no? Ako nga ang pangarap ko lang ay maging simpleng government employee at magkapamilya" Pagshashare ni Willam, kaya tuwang tuwa siya tuwing naibabagsak niya ang mga exams namin eh.
"Sino bang nagsabing gusto kong maging tagapagmana nila?" tanong ko nang biglang natuon ang atensyon ko sa pintuan ng classroom naming.
Maangas na pumasok sa room ang isang lalaking may kasama pang dalawa pang estudyante, napatigil ang lahat ng mga kaklase namin sa mga ginagawa nila at pinanuod itong lumapit sa amin ni Willam.
"Ikaw ba si Clyde?" puno ng yabang na tanong niya pero hindi ko siya pinansin.
"Hi mga bro, anong kailangan niyo sa gwapo kong best friend?" tanong ng Smiling Chinito.
"Narinig ko nilandi mo daw ang girlfriend ko sa harap ng hallway kahapon"
Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lamang sa ginagawa ko.
"Teka, girlfriend mo yung babae kahapon na halos maghubad sa harap ni Clyde?"
"Anong sinabi mo?" galit na kinwelyuhan nito si Willam.
"T-Teka lang bro. Chill lang muna. Totoo naman ang sinasabi ko eh, kahit tanungin mo pa ang mga nakakita sa amin kahapon. Saka walang interes ang bestfriend ko sa babae" nakataas ang kamay niyang ekspleka.
"Bakit lalandiin ng girlfriend ko ang lalaking iyan eh ako ang boyfriend niya?"
Tumawa si Willam na mas nakadagdag insult dito "ikaw naman bro, kitang kita naman ang diperensya diba? Mukha palang wala ka nang binatbat kumpara sa napakagwapo kong best friend"
"Aba! Gago ka din pala ah!" sabi nito pero bago pa niya masuntok ang siraulo kong kaibigan ay mabilis akong tumayo at sinuntok sa mukha ang pangit na ito.
Napatumba ito sa sahig at di makapaniwalang tiningnan ako.
"Hayop-"
"Bago ka mangakusa ng ibang tao, siguraduhin mo munang tama ang alam mong kwento. At wala akong ineteres sa nobya mong mukhang bakla" sabi ko at dinuro ang dibdib niya.
Bumalik ako sa table ko at kinuha ang laptop ko saka kinaladkad sa tenga ang siraulong si Willam na umaray lamang.
''''
Tahimik akong nagsosoundtrip sa headphone ko habang nakaupo sa bintana ng kuwarto ko. Mula dito ay kita ko kumukutitap na liwanag ng syudad sa labas.
Nakarinig ako ng katok sa pinto ko pero di ko ito pinanasin. Dahan dahang pumasok sa loob ang mama ko at lumapit sa akin.
"Clyde, how was your day?" malambig na tanong niya.
"Fine" walang ganang sagot ko.
"Hindi iyan ang narinig ko mula kay Willam" kompronta niya sa akin at tingal ko ang headphone ko "What did that traitor said?"
"Sinuntok mo daw ang anak ni Vice Mayor Velasquez sa classroom niyo" nakakross ang mga kamay na sagot ni Mama. Oh, kaya pala maangas ang isang iyon dahil anak siya ng isang politician. Tsk, pake ko naman?
"I did" bale walang amin ko. Sira ulo talaga iyong Willam na iyon, ako na ngang tumulong sa kanya para hindi siya masuntok ako pa ang nilaglag. Humanda siya sa akin bukas.
"Clyde, gaano katagal ba iyang pagrerebelde mo sa amin ng ama mo?" napahilot si Mama sa noo niya. Mula sa bintana ay napatingin ako sa Mama.
"I am not rebelling or anything Ma. You're just dramatic"
"You were not like this three years ago anak. May pagkukulang ba kami sa iyo ng Papa mo?"
"Wala. Sobra sobra pa nga ang binibigay niyo" amin ko at napahiloy siya sa noo.
"Kung ganoon bakit ka nagkakaganito?"
"Can you remove me from the family registry?" I asked my mother out of nowhere.
Nanlaki ang mata ni Mama sa sinabi ko as if I said something so ridiculous. Agad niyang siniguradong nakasara ang pintuan ng kuwarto ko.
"Watch your mouth Clyde Dale Fuentabella! Wag mong ipaparinig yan sa ama mo!"
"Ayokong maging tagapagmana niyo ni Papa. Hindi niyo ba maintindihan?" naiinis na sabi ko.
"Ano bang problema niyo ng mga pinsan mo ha? Pare parehas kayong matigas ang ulo!"
Ayun, nadamay pa tuloy ang dalawa kong nananahimik na mga pinsan sa Japan.
"You will never understand it Ma"
Napabuntong hininga na lang siya. "Your Dad and I will visit your Tita Pau and Tito Raven tomorrow. Would you like to come?" pagiiba niya ng usapan.
"No"
"Clyde don't you want to see Eiffel?"
Napatigil ako sa sinabi niya at naalala ang mukha ng batang iyon.
"It's been a long time since you saw each other, at hindi man lang kayo nakapagkwentuhan ng matagal. I don't know why but you always keep your distance every time she's near" dagdag niya.
Tiningnan ko siya "Ma, I'm not in the mood to play with a child" may diing sabi ko.
Biglang kumunot ang noo niya, hindi nagustuhan ang sinabi ko "Anak. Simula bata naman kayo ay lagi mo na siyang kasama at kalaro. Hindi nga kayo mapaghiwalay and now you treat her as if you don't know her."
I rolled my eyes "Ma, three years had passed. I'm seventeen already."
"And so what if you're seventeen?"
"Things change. I just find it not cool to play with an eleven-year-old child"
Umiling nalang siya at tumalikod, nasa tapat na siya ng pinto ko ng nagsalita siya ulit.
"I miss my son..." malungkot na sabi niya at lumabas na.
Naiwan ako na nakokonsensya sa naging trato ko sa Mama ko. Dati naman ay hindi ako ganito. I was once a very sweet son who loves his family.
But like I said. Everything changes. Even I am. They believe na nasa rebellious stage ako kaya ako nagkakaganito.
Pero iba ang dahilan...
Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa bintana at nagpunta sa study table ko.
Binuksan ang maliit na drawer at kinuha ang isang lumang picture frame.
Isang nakangiting batang lalaki at batang babae na naglalaro sa swing ang nakalagay dito.
She was my treasure, my friend, my little sister and my Princess...
The reason why I became like this.
Wala akong pakealam noon kahit na sabihin nila akong bakla kasi babae ang kalaro ko. Hindi importante kung may playstation ako o gadgets basta siya ang kasama ko. Hangat nakikita ko siyang masaya ay ayos na sa akin ang lahat.
Hangat kasama ko siya lagi.
Pero hindi ko inakala na napakaimportante niya pala sa buhay ko para maging dahilan kung bakit naging ganito ako ngayon.
Isang lalaking mas malamig pa sa yelo. Walang pakealam sa paligid at mas gustong mapagisa...