Chapter 3 - 02

"Who can this be?" tanong ko sa sarili. Naramdaman ko ang pagtabi ni Keana sakin. Nakadapa ako ngayon sa kama, naglalaptop.

"Ano ba yan?" tanong nya. "Mukhang hindi maayos ang araw mo, ah? Anong nangyari?" pang-uusisa nya.

"Hindi ako natanggap sa mga inapplyan ko." sabi ko. Hindi sya nakapagsalita at hinaplos nalang ang likod ko. "Pero nakuha ako sa isang kompanya. As the boss' secretary, without even applying." sabi ko saka bumuntong hininga. Naalala ko nanaman yung bwisit na walang hiyang lalaki. Pakialam ko kung boss sya.

Agad kaming napalingon ni Keana sa screen ng laptop nang may magpop na message.

Hello, my secretary. I guess I'll wait for you in the building, my office, 4th floor, NOW, or maybe not.

And it came from Lopez Paintings Company.

Halata naman na yung boss yun. Duh?

Pero pano nya nalaman ang Facebook account ko?

"Ano raw? M-my secretary?" tanong ni Keana kaya tumango ako. "OMG!" nagtitili ito. Napano ba to?

"Napano ka ba?" naguguluhang tanong ko.

"Wala." nakangiting sabi nya. "Maligo ka na at mag-ayos. Gusto ka nang makita ng boss MO." she really did emphasized the MO? Umalis sya sa pagkakatabi sakin saka lumabas ng kwarto, tila pinipigilan ang tili.

Ginawa ko nga ang gusto nya. Naligo ako, nag-ayos, saka nagpaalam sakanila. Wala si Alistair ngayon, nasa school. Sigurado namang nag-aaral din yon. Oo. Alam kong playboy yun pero nag-aaral din yun nang mabuti. Makita mo mga grades non, 1.25, flat 1, ganyan.

Habang naghihintay ng darating na jeep ay may itim na kotseng tumigil sa harap ko. Bumaba ang window noon at hindi ko inaasahang agad na masisira ang araw ko sa mukha palang ng walang kwentang lalaki.

"Get in, Ms. Tuazon." sabi nya. Napakurap kurap muna ako bago pumasok talaga.

"Now get out." ano raw? Ako, lalabas? Sira ba utak neto? "I said, out!" sigaw pa nya sakin kaya nataranta ako at pilit na binuksan ang pinto nang mapagtanto kong nakalock ito. I heard him chuckle. "I'm just joking."

Anong trip nito?

"Hey, stop staring." naiilang na sabi nya. Narealize ko na nakatitig pala ako sa mukha nya mismo! Bwisit naman.

"I-I'm not staring. And please, Boss," I smirked as I emphasized the boss "Tumingin ka sa dinadaanan natin, baka mabunggo tayo, magka-amnesia ka pa." biro ko. Kasi naman! Sakin pa tumitingin. Maganda ba ako? Ano? Well, syempre.

Nang makarating kami sa parking lot ng building ng kompanya nya ay nauna syang bumaba. Pinihit ko rin ang pinto at hindi iyon nakalock kaya bumaba ako. Pero nagulat ako nang nag-stop signal sya saka nagsalita.

"Balik sa loob." seryosong sabi nya.

"What?"

"I said, balik sa loob." ulit pa nya. Okay, anong gusto nito? Masira ang araw ko? Oo nga pala. Sinira nya na.

Bumalik ako sa loob gaya ng sinabi nya at inabangan ang gagawin nya. Literal na napanganga ako nang buksan nya ang pinto para sakin at hinintay akong makalabas.

"Bwisit ka, boss." inis na sabi ko saka nauna maghintay sa elevator.

"Ako pa ang bwisit? Miss Tuazon, I am your boss. You should not call me bwisit, and, ako rin ang dapat na hinihintay mo, hindi lang ang elevator na ito." pagkasabi nya non ay bumukas na ang elevator at naglabasan ang ilang empleyado. Binati sya ng mga ito saka nagsitunguhan habang naglalakad palayo. "Pasok na."

Nauna akong pumasok at hinintay ang pagpasok nya. Nang makapasok ay pinindot nya ang 4. Sa 4th floor nga pala ang office nya. Ano bang gusto nito?

"Miss Tuazon". tawag nya.

"Yes, Sir?"

"Cancel two meetings for today. Tatlo yun para ngayong araw. Yung isa, with Mr. Ighes, together with his co-workers. And the other one is with Ms. Relfe, and some of her colleagues, too." sabi nya. Chineck ko ang schedule ng meetings nya, at oo nga. Tatlong meetings.

"Bakit mo gustong i-cancel, Sir?" tanong ko. Kasi naman! Meeting yon. Meeting. Tapos ipapacancel nya lang?

"They're not as important as the last one. And, kung ayaw mo i-cancel, ikaw ang um-attend." sabi nya saka lumabas nang bumukas ang elevator, leaving me inside.

Napakurap pa ako bago tumakbo nang bahagyang sumara ang elevator, buti nalang nakahabol ako. Sinundan ko ang boss kong bwisit, hanggang sa may pinasukan itong room.

It was the best office I've ever seen.

Almost everything is black, except for the white-colored wall. I love black, too. There are two desks with two chairs, one water dispenser, one refrigerator, one long sofa in the in the middle of two desks, and one oven. Great, I can eat here! The whole room is air conditioned, by the way.

The floor is white in color, one side of the office is all glass, makikita mo ang view, ikaw nalang. Ayaw ko sa matataas. Hindi naman ako gaanong takot, pero ang isang desk ay naroon. Ang isa naman ay katabi ng water dispenser, which is full of papers!

Meaning....

"Hey, Sir?" tawag ko. Bahala sya. Buti nga yan at hey, hindi hoy. Humarap sya sakin at pinagtaasan ako ng kilay. "Dyan ba ang desk ko?" turo ko sa may malapit sa glass.

"What's the problem?" tanong naman nya.

Nako, itong lalaking to. Tinatanong ko ba naman, tanungin din ako. Ikaw ba, Sir, patayin kita, mapapatay mo pa ba ako kung nakalibing ka na?

"This desk," turo nya sa desk na nasa may glass wall "is the same with that desk. Except for this desk has its papers that its owner is lazy to sign." he stretched his body a bit. "But don't worry, this room has its own what-you-will-need ". Itinuro nya ang refrigerator at ang oven, pati narin ang water dispenser.

"And so? What about those?"

"You won't have to go out to eat hot food. I am here." biro nya. I'm sure that's a joke, he's stupid. "Just kidding. There's the oven to heat your food, to heat me. Just kidding, again. The refrigerator, to cool your food, and the water dispenser, Miss Tuazon, Besides, the glass is thic-"

"That's not the answer to my question." kinakabahang sabi ko. "Is this.." turo ko sa desk na nasa may glass wall. "my d-desk?" tanong ko.

"Yes."

Ang yes ng aking bwisit na boss ang huli kong narinig. The very last word I've heard before I fainted.

God, 4th floor is still high enough for me to be afraid!