Nagising ako dahil sa ingay sa loob ng... kung nasaan man ako.
"I want it fixed." napatigil ang nagsasalita, my boss, si Mr. Lopez. "Right now." inis na sabi nito saka binabaan ng tawag ang kausap. "You're awake now."
"Ay hindi. Tulog pa ako." inis na sabi ko saka inirapan sya. Ewan ko. Parang nainis ako agad sakanya. Which is normal.
"Tss. Shut up." lumapit ito sakin saka pinaupo ako sa couch na kinahihigaan ko ngayon. "We have some work to do." aniya saka hinawakan ang pisngi ko.
"Lumayo ka nga. Bwisit ka!" singhal ko. Natawa naman sya sa reaksyon ko. Kaasar!
Tumayo sya saka lumapit sa pinto. "Dyan ka lang. I'll go get you some food." anito saka tuluyang lumabas.
Inikot ko ang paningin ko sa opisina nya.
Opisina pala namin.
Bwiset.
Nagulat ako sa nakita ko. Ang desk na maraming papel. Andon na sa may malaking glass wall. At yung desk na may kaunti palang na papel, yung nasa may paanan ko kanina, baka ito na ang desk ko.
Tumayo ako saka nilapitan ang desk na baka saakin. Maayos naman. Beige ang color. Katamtaman lang ang laki. Kinuha ko ang laptop ko saka nagsimulang mag-type ng words para i-cancel ang meeting ng boss na bwiset.
Nang matapos sa gawain ay agad akong tumayo para mag-inat. Sumabay ang pagbukas ng pinto sa biglaang pagdaing ko, na hindi ko inasahan kaya napatakip ako ng bibig.
"Let's say that I did not hear anything." kibit balikat na sabi ng bwisit saka nilapag ang mga dala sa desk ko. "Let's eat." alok nya.
Dala ng hiya, hindi na ako nagsalita at umupo nalang. Umupo naman sya sa couch saka nagsimulang kumain.
Habang kumakain ay may pumasok sa isip ko.
Kaming lahat. Kaming lima. Magkakasama sa isang malaki at magandang bahay.
Napangiti ako sa naisip. Tila kay ganda kung ganon. Sana nga ay matupad.
"Stop smiling like that." asik ng boss ko. "Para kang may balak na masama." napangiwi pa ito. Aba. Ako pa ang may balak na masama ngayon?
"Alam mo boss? 'Pag hindi ka tumahimik talagang gagawan kita ng masama." sabi ko sakanya. Pinatuloy ko ang pagkain saka nagtrabaho pagkatapos. Ganon e.
-
Nasanay ako na palaging kasama ng boss na bwisit sa lahat. Yes. Lagi akong sinasama ng bwisit na yon sa kung saan saan sya sumusuot.
Mapa-meeting, mapa-mall, mapa-kung saan man ma maisipan nya. Hindi ko nga maisip na 3 buwan na ako sa trabaho ko. At sa tatlong buwan na iyan, may mga nalaman ako tungkol sa boss na bwisit.
Pinili nya na mag-stay sa condo unit kalapit ng unit ng kaibigan daw nito. Hiwalay ang mga magulang nya pero sya lang ang iisang anak. Kaya spoiled e. Ayon. Yung ama raw ang nagpamana sakanya ng kumpanyang ito, at ang ina naman ang may-ari nung kumpanya na nagdedeliver ng mga paintings dito. Bale halos lahat ng paintings na binebenta, imported. Binabayaran ng company na ito, oo.
In short, yung mga paintings na hindi maibenta sa ibang bansa, dito pinapadeliver ng mama nung boss ko.
Tapos ang kaibigan pala non, iisa lang. Yep. Masyado daw masungit yon, e halata naman. Yung kaibigan daw, Stefan Zach Oliver. Gwapo yun, kaso lalaki daw ang gusto. Naisip ko nga na baka gusto non yung boss ko e. Kaso naalala ko mas straight pa pala yun sa buhok ko na medyo wavy.
"Are you ready now?!" sigaw nya sakin habang nagpapatunog ng daliri. Nalimutan ko tawag don. Finger snapping yata.
"A-ano ulit?" tanong ko. Kasi naman! Kausap ko kayo tapos nagsasalita pala sya, ano ba naintindihan ko sa sinabi nya? Wala!
"Yan. Hindi ka kasi nakikinig." inis na sabi nya saka tumalikod saakin. Natawa pa ako nang makita syang napahawak sa sentido nya.
Yan, buti nga sayo.
"I said, be ready. May meeting mamayang 1:30 pm." napatingin ako sa wall clock. It's 11:00 am. Magla-lunch time na pala. "You'll represent me in the meeting." bored na dagdag nya.
What the heck? Represent? Him? Boss ba ako?
"Excuse me, Mr. Lopez, secretary mo ako. Hindi representative." nakapamaywang na sabi ko. Napangiti naman sya bigla.
Kaasar!
"Ms. Tuazon." ginaya nya ako. Napahawak din sya sa baywang nya. "Hindi pa. Mamaya, representative ka na." sabi nya sakin. Aba aba. Pag ang sweldo ko walang dagdag. "Nako boss, pag ang sweldo ko dati lang."
"O ano? May reklamo ka sa sweldo mo?" tanong nya. Nakakaasar sya, promise.
"Meron! 15, 000 lang sweldo ko!" nanlaki ang mga mata nya dahil sa sinabi ko. "Samantalang kung saan saan na ako sumuot dahil sayo! Sa mga bar, sa mga mall, like, hey! I'm. Not. Your. Dog!" sigaw ko.
"Miss Tuazon. ₱15,000 a month was your sweldo last month, different yung sa ngayong month, okay? Chill ka lang." sabi nya saka tinaas pa ang dalawang kamay na tila sumusuko.
"Pag yan talaga, piso lang ang dinagdag." pinanliitan ko sya ng mga mata.
"Never gonna happen." sabi nya saka lumpit sa pinto. "I'll add dalawang piso." sabi nya saka lumabas.
Aba talaga naman. Nakakaasar na sya sobra.
Napabuntong hininga nalang ako sa sobrang inis. Bahala sya. Hindi ko sya irerepresent dyan sa meeting nya na yan.
Biglang bumukas ang pinto. Napalingon ako. Andito ulit yung bwisit na boss.
"What do you want for lunch?" nang-aasar na tanong nya. Napairap naman ako.
"Adobong laman mo. Yung may buto-buto na higupin, pero buto buto mo. Tapos spaghetti na may meatballs. Yang mga mata mo bilang meatballs will do." sagot ko saka pilit na ngumiti sakanya.
Napatango tango naman sya, na syang kinainisan ko lalo. "How about a fruit? Don't tell me you want my banana." sabi nya saka binigyan ako ng nanunuksong tingin.
Hindi ko sya maintindihan. Anong banana? May saging ba sya? Ano raw?
"What did you say?" tanong ko. Promise di ko alam pinag-sasabi nya.
"Wala." pinal na sabi nya saka sinara ang pinto. Inisip ko ulit ang sinabi ng bwisit na boss.
Don't tell me you want my banana.
Ano raw? I'm literally confused. Napabuntong hininga nalang ulit ako saka nag-hum ng kanta habang hinihintay ang bwisit na Mr. Lopez.
Mamaya talaga, pagkadating ko sa bahay, tatanungin ko si Keana kung ano yung banana na sinabi nung boss ko. Baka kung ano pa yon. Ang inosente ko pa naman.