Chapter 7 - 06

"But what kind of painting should we sell?" si Mr. Ighes, ang ganda ng accent nya a. Nasa meeting kami ngayon, bumaba kasi yung sales ng companya. Kaya eto, badtrip si Sir Damon.

"Paintings, of course." bored na sagot naman ng katabi ko. Pinalo ko ang braso nya.

"Umayos ka nga. Para kang sira." paninita ko.

"What?" tanong nya sakin. "What kind of painting should we sell, hmm? Paintings din, of course." he said in a that's-a-fact tone.

"Sira ka talaga. What kind daw." I snapped my fingers in front of his face para naman magising sya. Baka tulog sya nang konti. Humarap ako kina Mr. Ighes. "Pasensya na po kayo."

The man smiled while looking intently at me. I heard Damon's groan. "Stop that, Mr. Ighes." banta nya.

Now what's this?

"Now now, Leivon," I was shocked a bit. Close sila? "I just find her amazing." ngumiti ito ulit saakin. I find him weird. "Now, Ms. What is your name again?" tanong nya.

Name daw. "Ah, Selena Aiah Tuazon, Sir." tugon ko.

"Okay, Ms. Selen-"

"Call her Ms. Tuazon , Dailon." hmm? Dailon daw. Close talaga yata sila. "Call her Selena once and I'll murder you twice." huh?

Ano raw?

Literal na hindi ko sya maintindihan. Ngunit magka gayunpaman, napapangiti ako at nagugustuhan ko ang tila nagliliparang paru-paro sa aking tiyan. Ewan ko.

"Fine, fine!" the Dailon Ighes laughed while raising his hands. "I just want to know Ms. Tuazon's opinion about the kind of painting we should sell." sabi pa nya. Ano raw? Opinion ko?

"Go on, Ms. Selena." diniinan nya ang pagkakasabi ng pangalan ko at dinugtungan ng isang ngisi. Napatingin ako kay Damon. Ang dilim ng pagkakatitig nya kay Sir Dailon.

"Uh," I coughed, stealing their attentions. Oo. Marami kami dito pero tahimik lang sila. Ewan ko ba kung anong meron at parang pati ako nabibigatan sa aura nitong Damon Lopez na to.

"Perhaps, uh, the kind of painting that the company should market, depends on the wants of customers that go inside this building." tumikhim ako. "If they're into realistic arts, offer them the best of Lopez Paintings Company's Realism Arts. Same one goes with those who loves impressionism and abstract art, Mr. Dail-" I cut myself off. Yan. Napapala ko kakasanay ng first name basis. "That's my opinion, Mr. Ighes."

Napatingin ako sakanila, sa lahat ng nasa room. Damon's smirking while looking proudly at me, Dailon is currently clapping his hands slowly, and the others are nodding. So agree sila sa mga sinabi ko?

Baka. Halata naman.

"So, what can you guys say?" nakangiting tanong ni Dailon sa colleagues nya. They all looked amused. Sabay sabay pang nagsi-tanguan.

"I agree."

"Ms. Selena got that correct-"

One of Dailon's colleague didn't even got to finish whatever he is to say, Damon immediately got up, his eyebrows touching each other, his ears red, and his jaw clenched.

I heard Dailon's chuckle. "What now, Leivon?"

"Wala kayong ibang tawag sa sekretarya ko kundi Ms. Tuazon, naiintindihan nyo?" mariin ang pagkakabigkas nya ng bawat salitang lumalabas sa bibig nya.

Galit ba sya?

Napatingin ako sa lalaki kanina. Nakayuko ito. Pati ang ibang pa, nakayuko na rin. Maliban kay Dailon na nakangisi.

"Chill, brother. Masyado ka namang apektado." literal na napanganga ako sa sinabi ni Dailon. Brother daw.

Magkapatid?

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Damon na nakahalukipkip sa katabing upuan ko. "This meeting is adjourned. Let's talk about that matter the next time around." pinal na sabi nya saka tumayo, lumabas agad sa meeting room.

Tumingin ako sakanila'ng lahat. "Pasensya na po kayo kay Dam- Sir Damon. Baka po masama lang ang gis-"

"Ms. Tuazon, let's go." pinutol ako ng Damon na baka may mens. I apologized to them again, including Mr. Dailon. He smiled and I traced the door.

Standing there with evident boredom in his eyes, Damon frowned then left the room completely. Humarap ako kina Dailon saka ngumiti bago lumabas.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa opisina ay may humigit sakin bigla. Nabigla ako sa ikinilos nya. Si Damon.

Nag-aalab sa galit ang kanyang mga mata ngunit marahan nya akong itinulak pasandal sa pinto, at gaya ng naganap sa elevator, ikinulong nya ako ulit.

Tumikhim sya. Napatingin ako sa sahig.

Puso, kalma.

"I don't like what you did." sabi nya.

Nanatili ang mga mata ko sa sahig. "W-wala naman akong ginawang masama." mahinang tugon ko naman. Ano bang problema nito?

"You did something wrong." his husky voice kept on sending shivers down my spine, I find it strange.

"W-what did I do then?" tanong ko. Tinanong ko na para makaalis na kami sa gantong posisyon, para makahinga na ako.

Para kumalma na ang puso ko.

Kinuha ko lahat ng natitirang lakas ko at tinaas ko ang paningin ko. Nadaanan ng mata ko ang katawan nyang lumaki, hindi gaya nung una naming pagkikita.

His built screams roughness in front of my small torso. Pumayat ako, lumaki naman sya. Tumangkad pa. Napasinghap ako nang magtama ang mga mata namin. His eyes are softly looking at mine.

"Tell me what I did wrong, Sir." sabi ko. Kunwari matapang ako. Kunwari lang a? Ayoko nito. Pinapatatag ko nga lang din ang mga tuhod ko.

Inilapit nya ang mukha nya sa tainga ko. "You entertained them too much. And I don't like it, Selena." that was almost a whisper.

Damn, please, heart. Calm down.

Marahan akong napapikit. "Ano pala dapat ang gawin ko? You did them wrong too. Mali ang ganon, Damon." marahang sabi ko.

Nanlaki ang mga mata nya. His lips parted in shock, too. "S-say it again." sabi nya sakin.

"Huh?" nalilitong tanong ko.

"Say it again, Selena." damn. His voice sounds like music to my ears, I love it.

"L-lumayo ka na nga. Mali kasi yung ginawa mo dun. Yun ang point ko." I said. He groaned.

"Call me like how you called me earlier." sabi nya, his eyes begging.

Alin ba? Yung....

"D-Damon?" tanong ko.

His lips parted once again. Inilapit nya ang mukha sakin. Naghurumintado agad ang puso ko. "Say it once again, please."

"Damon." matapang na sabi ko, para matapos na. I can't take this anymore. Anytime pwede akong manghina totally, hindi nya maaaring malaman na may epekto sya sakin.

Ngumiti sya. "Damn it, Selena." sabi nya bago inilapit nang husto ang mukha sa mukha ko.

Nang maglapat ang mga labi namin ay doon ko nakumpirma. Doon ko nalaman na totoo nga. Nahulog na ako, ano pa bang maaari kong gawin para makaahon sa lalim ng nararamdaman ko? Wala na.

Yata.

Lalo pa nang laliman nya ang paghalik habang ang labi ko'y tila nasusunog sa alab ng halik nya.

I am really inlove with a demon named Damarcus Leivon. I hope someday, he can be my Damon. I hope.

I just hope so.