"Hindi nga namin alam, kanina pa yung batang yon, nako naman o!" si Mama. Nawawala daw kasi si Alistair. Malay ko ba don. Pero feeling ko hindi yun nawawala.
May kasama yon.
Babae.
"Ma, chill. Kaya na ni Alistair ang sarili nya." sabi ko. Kasi naman! Kanina pa ganito si Mama. Hindi pa daw kasi umuuwi. Kagabi pa yun wala e. Kahit ako kinakabahan din pero tinatago ko lang. Ako lang kasi ang kasama ni Mama ngayon. Si Papa, wala pa. Si Keana naman, ayon, nasa trabaho pa.
Dali dali pa nga akong nagpaalam sa boss ko na yon para makauwi muna. Mago-overtime nalang ako bukas.
"Anak, kahit pa. Baby parin natin yun si Alistair, ano ka ba?" tanong ni Mama saakin. Aba. Baby, huh? E marami nga yata yung tinatawag na baby nya. Playboy pa man din.
"Sige, Ma. Basta, chill ka lang. Dadating na yun si baby." sabi ko. Pilit naman na kinalma ni Mama ang sarili nya. Tinanong ako tungkol sa trabaho ko, kung okay lang nama daw ba yung boss ko, kung mabait.
Nako, Ma. Kung malaman mo kung gaano kabait yung bwisit na yon.
Nagpatuloy ang kwentuhan namin ni Mama hanggang sa dumating na si Papa dala ang mga gulay na inani sa sakahan. Tinanong pa ako kung ano't narito ako.
Ano pa ba, Pa. Edi umuwi dala ng pag-aalala kay Mama. Napaka-playboy ho ng anak nyong bunso e.
Umabot na ng alas-singko ng hapon nang maalala ko na babalik pa pala dun kay boss. Lagot na. Baka bawasan non ang sweldo ko!
"Ma, balik po muna ako dun sa boss ko. Baka po kasi mabawasan ang sweldo ko e." paalam ko.
"O sya, sige. Salamat at dumating ka kanina." aniya. Lumabas ako ng bahay pagkatapos mag-ayos. Dumating ako sa kompanya, madilim na.
Andito pa kaya si Mr. Lopez?
Napangiwi ako sa naisip.
Mr. Lopez?
Hindi ayos. 'Pag naiisip ko kasi yung last name na Lopez, naiisip ko, formal, matino, maayos, gentleman. Diba ang gulo?
E ano pala ang itatawag ko sakanya? Hindi naman pwedeng Mr. Lopez, kasi nga, hindi sya formal, minsan, hindi sya matino at maayos, and lastly, hindi sya gentleman.
Hindi rin pwedeng Damarcus, hindi kami masyadong close para sa first name basis. Mas lalo na sa Leivon, hindi kami masyadong close. E ano kaya kung Marcus? Napailing ako don. A BIG NO!
How about Davon?
Napangiwi ulit ako. Nakita ko ang boss ko na naglalakad palapit sakin. Him? Davon? Nevermind.
"What took you so long?" iritadong tanong nya sakin. "Sabi mo madali ka lang. May biglaang meeting kanina. Wala ka tuloy." ngumuso pa sya. "Wala akong kasama kanina. I hate you, Miss Secretary." malungkot na sabi pa nya.
"Hoy, boss. Manahimik ka nga dyan. Besides, wala akong sinabi na madali lang ako. Pasalamat ka nga at bumalik pa ako." nanlaki ang mga mata nya doon saka lumapit sakin.
"Thanks po." he said while showing a devilish grin. Demonyo.
Napakurap kurap ako sa naisip.
Tama! Mukha syang demonyo sa mukha nyang yan. Walang hiya rin sya. He's more like a demon. And, I can take Dam from the Damarcus and the on from Leivon! Yes! That's it. He's Mr. Damon now.
"Earth to Selena Aiah Tuazon." naiinis na sabi ng demonyo sa harap ko.
"Ano ba? Lumayo ka nga." tinulak ko pa sya nang mapagtantong ang lapit lapit nya sakin.
Bwisit sya. Demonyo pa.
Damon. Damonyo.
"Stop that. Para kang may masamang balak sa akin." sabi nya saka lumayo layo. "You look like a killer, actually." pang-iinis pa ng demonyo.
Tinuro ko sya. "Ikaw, tigil-tigilan mo ako." tinalikuran ko sya saka naglakad papuntang elevator. Pasara na ito nang may kamay na naipit. Agad akong nagpanic pero bago ko pa man malapitan ang mga button, bumukas na ang elevator at nakita ko nanaman ang demonyo, nakangisi pa ito. "Ako boss, tigil-tigilan mo ako." kalmadong sabi ko. Baka kasi mang-inis nanaman.
Inis na inis na ako sakanya. Super.
"I'm doing nothing." nagkibit balikat pa sya saka tumabi sakin. "Bat bumalik ka pa? Gabi na a?" tanong nya pa.
Hinarap ko sya. "Alangan namang iwan ko lang ang mga gamit ko dito?" nakapamaywang na tanong ko.
"Pwede namang pakiusapan mo akong iuwi sainyo." nakapamaywang din ang demonyo, hinahamon yata ako nito.
Tinaasan ko sya ng kilay. "Hindi mo alam ang bahay namin. Alam mo ba kung nasaan?"
Tinaasan din nya ako ng kilay.
Aba! Nanghahamon nga ang bwisit!
"Pwede namang sabihin mo sakin kung nasaan." inis na sabi nya.
I can say that he's annoyed. Pinagmasdan ko ang kabuoan nya. Nakapamaywang habang nakataas ang isang kilay. Natawa ako sa itsura nya.
"What are you laughing at?" iritadong tanong nya. Tumawa ako lalo. "Hey, stop that." natawa pa ako lalo sakanya. Inis na inis na sya. Nakakatuwa pala itong inisin.
Pero hindi ko inaasahan ang sunod na ginawa ng bwisit na Damon. Itinulak ba naman ako saka hinarang ang isang braso sa kanang parte ng ulo ko. Ayon, kabedon style kami dito sa elevator.
Mas lalo kong napagmasdan ang mukha nya.
Inis na inis a? Effective.
"Stop staring. And please stop laughing." kalmadong sabi nya sakin. Dahan dahan akong tumango. Seryoso sya e.
Nasa ganon kaming posisyon nang bumukas ang elevator at bumungad saamin ang mga empleyadong naghihintay. Nanlaki pa ang mga mata nila nang makita ang posisyon namin. Agad na nag-init ang mga pisngi ko.
Baka kung anong maisip nila.
Naghanda ako na itulak ang demonyo sa harap ko. Ngunit kasabay ng akmang pagtulak ko sakanya ang pagharap nya sakin.
Naging mabilis ang pangyayari.
The next thing I knew, my lips brushed with his.
Mas lalong uminit ang mga pisngi ko nang marinig ang ilang tilian ng ibang empleyado kaya agad kong itinulak ang bwisit na boss saka dali-daling lumabas ng elevator.
Hinanap ko ang opisina namin saka agad na pumasok doon. Napasandal agad ako sa pinto, naalala ang nangyari.
Napahilamos ako sa mukha ko nang may maisip.
He got it. No, he stole it! He stole my first kiss!