Chapter 5 - Chapter 4

Continuation of Day 1/7.

Zia's POV

Bakit nandito si Rey?! Eh wala naman siya kahapon ah?

"Hazel, bat nandito si Rey?" pabulong na tanong ko kay Hazel, pero mukhang nagulat din siya na nandito si Rey.

"Hindi ko din alam. Akalain mo yun, Top Student dito sa Novazaki College, gangster din pala" sabi saakin ni Hazel habang nakatingin kami kay Rey. Bigla namang tumingin samin si Rey kaya umiwas kami ng tingin dalawa.

"Hindi siya kasali sa grupo namin" singit naman ni Justin sa pag-uusap namin ni Hazel at napatango nalang kami.

Kahit hindi kami nakatingin kay Rey ay nakikita namin na papalapit siya saaming dalawa.

"Ikaw yung nakakulong sa bodega kahapon diba?" tanong niya kaya naman nasaamin ngayon lahat ng tingin nila.

"S-sa bodega ka niya kinulong?!" sigaw na tanong naman ni Hazel kaya tumango nalang ako.

"What do you mean kinulong?" sabi naman ni Justin.

"Kinulong ko siya sa bodega kahapon, at ikaw pala ang nagligtas sa kaniya?" singit naman ni Marvin habang nakangisi.

"Bakit mo naman siya kinulong?" seryosong tanong ni Rey kay Marvin. Tama yan Rey ipagtanggol mo ko hihi^o^.

"Why do you have to know? Ano ka ba niya?" tanong naman sakaniya ni Marvin habang nakangisi pa rin

"Nothing it's just that she is a girl, siya palang ang babaeng nagawan mo ng ganung parusa, yung iba kasi tinatakot mo lang eh" sabi niya namna kaya nanlaki ang mata ko. Saakin niya lang ginawa?! Yung ganung parusa?!.

"Bakit ang sama mo saakin?!" singit ko naman kaya bumaling sila ng tingin saakin.

"Trip ko lang? Bakit ba? And hindi pa yun yung pi akamasama kong ugali. " mahinahong sagot saakin ni Marvin.

Wala akong magawa kaya kinuha ko na ang bag ko at umalis na.

Wala lang parang napahiya lang ako dun kasi, ako lang daw yung ganun tapos trip niya lang? Pero bakit ba ako naiinis?

Hazel's POV

Bakit umalis yun? Nainis ata.

"Marvin, sundan mo, girlfriend mo yun eh" sabi naman ni Justin.

"Girlfriend?" tanong naman ni Rey.

"Don't worry, just a dare, cousin" sabi naman ni Marvin sakaniya.

Cousin? Magpinsan si Marvin at Rey?! Sayang naman at hindi narinig ni Zia yun.

"Ako na ang susunod sa kaniya" sabi naman ni Rey kay Marvin.

"No. Ako na, ako ang boyfriend" sabi niya. Wait parang ang lutong nun ah? Ako yung boyfriend? 'Wag mong sabihing tinototoo ni Marvin yun?!

"Just a dare" sabi ni Rey at ngumisi at tumakbo na palabas.

Parang ang swerte ni Zia ngayon ah. Dalawang Novazaki ang naghahabol sa kaniya.

"Rey bumal--" hindi na natapos ni Justin ang sasabihin niya nang magsalita si Marvin.

"Pabayaan mo siya, let him be, let him chase that girl." sabi ni Marvin ng seryoso at umalis na din.

"Nag-away nanaman sila dahil sa isang babae" sabi naman nung isang kasama nila

"Shut up, Drake" sabi naman ni Justin at binigyan ito ng nakakatakot na tingin.

"Okay" sabi naman nung drake habang tumatawa.

"Angelo, tara na nga" sabi naman nung drake.

"Eh paano naman ako?" sabi nung isa pang kasama nilang lalaki, yun yung hindi ko pa alam a ng pangalan.

"Don't be childish, Jim" sabi ni drake at umalis na kasama si Jim at Angelo.

"Tara na, Hazel. Hindi na sila babalik dito." sabi naman saakin ni Justin kaya tumango nalang ako.

"Bakit yun yung sinabi ni Drake kanina? Nag-away sila dahil sa iisang babae" tanong ko kay Justin.

"Mamaya ko na ikukwento sa'yo" sabi naman ni Justin at hinila na ako paalis ng tambayan nila.

Marvin's POV

Nakasunod lang ako kina Rey at Zia, ang sweet ah.

I will not let Rey have his happiness, sinira niya ang kasiyahan ko noon, pinafall niya sa sarili niya ang girlfriend ko dati. At hindi ko na hahayaang ganun ulit ang mangyari.

I am not saying that Zia is my girlfriend, but I can't let her fall with Rey, even if he's my cousin.

I will let Zia fall in love with me, in short I will use her.

Gagamitin ko siya para masaktan si Rey. Hindi ko hahayaang ako lagi ang nawawalan.

Nandito ngayon sila sa 7/11 nakaupo at nag-uusap, ang saya ng babaeng yun ha.

Sakaling saakin pag kasama ako parang anaconda.

Naglakad naman ako papalapit sa kanila para kunin ang girlfriend ko for 7 days. Yun lang talaga, dare lang talaga 'to at paraan para makabawi kay Rey, sounds like childish, but I'll do it.

"Zia" tawag ko sa kanya at napatingin naman siya saakin at sumimangot.

"Anong kailangan mo?" tanong niya saakin habang nakatingin sa mga daliri niya.

"Ihahatid na kita, anong oras na oh" sabi ko at tinignan ang oras sa relo ko.

"Anong oras na? Magsi-6, katulad ng oras nung nakalabas ako sa bodega na pinagkulungan mo saakin." sarkastikong sabi niya saakin habang si Rey naman ay tumatawa nalang.

"I manage to take her back to her dorm yesterday, at tingin ko naman ay kaya ko ulit gawin yun ngayon. Don't worry, I'm not a bad guy like you." sabi naman ni Rey. Nang-iinis din ata 'to eh.

"I'm a gangster, but I can change for this girl" sabi ko sa kanya at kinuha na ang bag ni Zia at pinatayo na siya.

"Kaya kong umuwi mag-isa" sabi niya at binawi ang braso niya na hawak ko.

"Pag ayaw sa' yo, 'wag mo ng pilitin" sabi ni Rey saakin at tumayo na.

"That's your word, not mine." sabi ko at binuhat si Zia na parang pang bagong kasal.

"Hoy, ibaba mo ako!" sigaw naman ni Zia pero hinigpitan ko ang paghawak sa kaniya.

"Don't move or I'll drop you" sabi ko at tumahimik naman siya.

I hate to do it, but I need to.

Para kay Cynthia....