Chapter 8 - Chapter 7

Day 3/7

«Kinabukasan»

Zia's POV

Kahit inaantok pa ako ay ginising na ako nila Hazel, mags-start na kasi kaming magreview.

"Wait parang may naiwan ako sa kwarto ni Marvin" sabi ko habang nachecheck ng gamit.

"Puntahan mo na" sabi naman ni Marvin at agad akong pumunta sa taas.

.

Lahat ng reviewer namin ay nilabas na, pero kay Marvin ano pa bang aasahan niyo? Makikishare nalang daw siya saakin, ang galing 'diba?.

.

.

.

.

Nasa gitna kami na kami ng pagre-review nang magdala na yung katulong nila Marvin.

"Kain daw po muna kayo sabi ni Valerie" sabi naman nung katulong at pagkalatag niya ng meryenda namin ay umalis na.

Mukhang masaya namang tumayo si Hazel dahil may pagkain na sa lamesa.

Nilingon ko naman si Marvin at tatawagin na sana siya kaso nakita ko yung pagfocus niya sa pag sosolve at pag-iintindi sa mga problems.

"Zia, kain ka na" tawag naman saakin ni Justin.

"Mamaya na, sasabay nalang ako kay Marvin mamaya." sagot ko naman sa kaniya at tumango nalang siya.

Nagpatuloy nalang ako sa pagrereview pero hindi ko paring maiwasan tumingin kay Marvin. Sa tingin ko may tinatago ding talino si Marvin na hindi lang napapansin ng pamilya niya.

"Good Morning po Sir Gerald" napatingin naman ako sa pinto nang magsalita yung katulong nila Marvin.

"Where is Marvin?" tanong agad niya at tinuro naman ng katulong si Marvin na nasa tabi ko.

"Himala naman at nagreview ka ngayon?" agad na salubong ng Daddy ata ito ni Marvin.

"Tss" yan lang ang tanging sagot na nakuha ng daddy niya sa kaniya.

"You're really going to fulfill what you said you were going to study in last semester, huh?" sabi ng Daddy niya ng nakangisi.

Ilang segundo palang ay padabog na tumayo na si Marvin at hinarap ang Daddy niya.

"Don't worry, It's for myself not for you" sabi ni Marvin at magkatangkad lang pala sila ng Daddy niya.

"For yourself, huh?" sabi ng daddy niya at tumawa ng mahina.

"Gerald nandito ka na pala" napatingin naman ako sa nagsalita, yung Mommy ni Marvin.

"Tignan mo 'tong anak natin, naisipang magreview" sabi naman nung Daddy niya at tumawa yung Mommy niya naman ay nakatingin lang sa Daddy niya.

"Are you finish?" tanong naman ni Marvin at nabaling ang tingin nung Daddy niya sa kaniya.

"What do you mean?" seryoso namang tanong ng Daddy niya sakaniya.

"Nothing, It's just that parang ngayon mo lang ulit akong tinawag na anak mo" sabi ni Marvin at nakatanggap siya ng isang malakas na sampal sa Daddy niya. Sa pangyayaring 'yon parang nawala ang paghate ko kayarvin at napalitan ng awa.

"Gerald!" sigaw naman ng mommy ni Marvin sa Daddy niya.

"Thanks for the slap" sabi ni Marvin at ngumisi sabay lumakad palabas, sa likod na ata ng bahay-- I mean Mansion nila.

Napatayo naman ako at tumingin sa Mommy ni Marvin. Pero alam niya ata na gusto kong sundan si Marvin kaya tumango nalang siya saakin, agad naman akong tumakbo at sinundan si Marvin.

"Marv--" hindi ko natuloy ang pagtawag sakaniya nang makita siyang nagpupunas ng luha. I can't believe that gangster also know how to cry. But I believe that even though he is a gangster, he also have a heart.

Nakita kong pumulot siya ng bato at tinapon sa malayo.

Pagkatapos nun ay umupo siya sa damuhan, dahan-dahan naman akong lumakad papunta sa kaniya.

"I'll say sorry for that scene" palapit palang ako nang magsalita siya, ang lakas naman ata ng pangdama niya.

"Wala kang dapat ihingi ng sorry" sabi ko at umupo sa tabi niya.

Nakatingin lang siya sa langit habang ako naman nakatingin din sa mukha niya.

"Ganun ba ako ka-walang kwenta?" bigpang tanong niya naman saakin.

"H-huh?" utal na tanong ko naman sa kaniya, kailangan ko bang sagutin yun?

"Ganun ba ako ka-walang kwenta? Na lagi nalang si Rey ang pinupuri nila?" dagdag niya pa sa tanong niya kanina.

"H-hindi ko alam, hindi naman kita g-ganun k-ka-kakilala eh" utal kong sagot.

"Pero kung gusto mo namang makita nila yung kwenta mo, pag-igihan mo, show them your true self. Gawin mo ang lahat para maka-score ng mataas. Ipakita mo yung totoong ikaw. Act as yourself for you to graduate." payo ko naman sa kaniya, english pa 'yun ah, pasalamat siya at hindi nagdugo ang ilong ko.

"But what will I do if I can't act as my real self?" tanong at napatampal naman ako sa noo ko, english na nga yun eh pai-englishin nanaman ako.

"Kalimutan mo muna ang pagiging gangster mo, for example don't be so bossy even if your family own that school. Try to act as normal person, a normal student." sabi ko namna sa kaniya at humiga lang siya sa damuhan.

Marvin's POV

"Kalimutan mo muna ang pagiging gangster mo, for example don't be so bossy even if your family own that school. Try to act as normal person, a normal student." sambit niya habang nakatingin lang ako sa langit.

"Iiwan ko sa'yo yung reviewer ko, para makareview ka ng maayos." sabi niya at napatingin naman ako sakaniya.

"Paano ka? Paano kung hindi ka makareview at hindi makapasa sa test" sagot ko naman sa kaniya.

"Unit test palang naman yan, meron pang last periodic test, dun nalang ako babawi" sambit niya at bakit parang ambait niya naman?

Nakatingin din siya langit pero napunta sa bulsa niya ang tingin namin dahil nagring yung phone niya.

"Sagutin ko lang 'to ah" sabi niya saakin at tumango nalang ako.

Nakatingin lang ulit ako sa langit nang marinig ko ang pagbagsak ng phone ni Zia na hawak niya kasabay ng pagpatak ng luha niya.

Iniwan niya lang duon ang phone niyang nahulog at kumaripas ng takbo papunta sa loob, lalabas ata siya.

Pinulot ko nalang ang cellphone niya at sinundan siya sa pagtakbo kahit na hindi alam ang nangyayari.

Hazel's POV

Nakaupo lang kaming dalawa dito ni Justin habang naglalaro siya ng hindi ko maintindihan kung anong klaseng laro yan.

Pero nagulat kami ng kumakaripas ng takbo si Zia. Napatayo kaming dalawa ni Justin dahil hindi alam ang nangyayari pero napaupo ulit kami nang sumunod na tumakbo si Marvin na sinundan ata si Zia, at bakit din nakay Marvin yung phone ni Zia?

"Tara na, ano pang tinutunganga mo diyan!" sabi ko kay Justin at gumalaw na.

Zia's POV

All this time hindi ko binabanggit sa inyo ang mga pamilya ko, si Mama at si Kuya nalnag ang natitira kong pamilya, yung papa ko naman iniwan kami nung bata palang kami ng Kuya ko.

Tumatakbo ako ngayon palabas dito sa Mansion nila Marvin. Hindi ko aasahan na aatakehin si mama sa puso ngayon, hindi ko din alam kung bakit pero pinapapunta palang ako ni kuya sa ospital.

Pinagpapatuloy ko ang pagtakbo nang may bumusina saakin kotse.

"Get in" sabi niya at wala akong oras na sinayang, sumakay agad ako at sinabi ang address ng ospital.

.

.

.

.

.

Nang makarating kami sa ospital ay agad kong hinanap si kuya at nang mahanap ko siya ay nakaupo siya sa upuan sa labas kung saan si Mama.

"Kuya..." tawga ko kay Kuya at napatingin naman siya saakin.

"Carmen, buti dumating ka" sabi niya saakin at tumayo.

"Asan si Mama" tanong ko sa kaniya pero tumingin lang siya sa pinto.

"Hinihintay ko pa lumabas yung doctor" sagot niya at umupo muna ganun din ako, si Marvin naman ay nasa labas lang.

Napatayo kaming dalawa ni Kuya nang lumabas na yung doctor.

"Doc." tawag ni Kuya sa doctor at huminti naman sa paglalakad yung doctor.

"Wala namang nakitang malala na kalagayan ng Mama niyo, nabigla lang siya at pwede na siyang umuwi bukas" sabi ng Doctor at umalis na, kami naman ay pumasok sa kwarto kung asan si Mama.

"Ano bang nangyari kuya?" tanong kay Kuya.

Umupo muna siya sa tabi ni Mama bago niya ako sagutin.

"Pumunta si Papa sa bahay..." sabi niya at nanlaki naman ang mata niya.

"Bakit siya bumalik?! Hindi pa ba siya masaya dun sa Bagong pamilya niya?!" sigaw na tanong ko kay Kuya pero napatingin lang siya saakin at nagsalita.

"Gusto ka niyang kunin, Carmen" sabi ni Kuya saakin at napatingin naman ako sa kaniya.