Continuation of Day 4/7
Zia's POV
Pagkatapos kong magreview sa library ay bumalik nalang ako sa Dorm Room ko kaagad. Ang unti ng ginawa ko ngayong araw at tinawagan na ako ni Kuya na nakauwi na sila ni Mama sa bahay.
Nang makarating ako sa Dorm Room ko ay patay ang mga ilaw, syempre dahil hindi ako umuwi dito kahapon.
Pumunta nalang ako sa higaan ko at kakaupo ko lang sa higaan ko nang mag vibrate ang cellphone ko na ibig sabihin ay may nagtext.
Hazel: Hindi ako makakauwi ngayon diyan, see you nalang tomorrow ^_^
Kala ko naman kung sino, si Hazel lang pala. Ibig sabihin 'di siya uuwi dito sa Dorm? At bakit naman?
Mag-isa ako dito sa Dorm. Ano kayang pwedeng gawin?
Nag-iisip palang ako kung anong pwedeng gawin nang tumunog yung tiyan ko. Oo nga pala, hindi ako nakalunch kanina at hindi pa din ako kumakain ng dinner. Kaya naisipan ko nalang magluto.
Ano kayang pwede ko namang lutuin?
Pupunta na sana ako sa kusina nang mag-ring yung phone ko.
Si Marvin, tumatawag. Kalma Zia si Marvin lang yan. Tumitibok na naman yung puso ko ng parang wala ng bukas, idagdag mo pa yung pisngi kong namumula na.
Sinagot ko naman yung phone pero huli na ata akong sumagot dahil inend call na niya, tatawag tapos hindi maghihintay na sagutin ko.
.
.
.
.
«Kinabukasan»
Day 5/7
Zia's POV
Naghihintay nalang ako sa tawag ni Marvin dahil tatawagan niya nalang daw ako kapag nandun na siya sa baba, susunduin niya daw kasi ako na lagi naman niyang ginagawa, at nga pala maaga akong nagising ngayon excited ata ako sa Unit Test namin haha.
Ilang minuto rin ay nag-eing na yung phone ko at si agot ko nsman na iyon.
"Hello? Bababa na ako"
«Sige»
Yun lang ang sinagot niya at inend niya na kumunot naman ang noo ko dahil dun.
Pagbaba ko naman ay nakita ko ang kotse niya at kumatok sa bintana inopen niya naman yung bintana at sinabihan na pumasok na ako, kaya pumasok na ako.
Pagkapasok ko ay nakita ko siyang nakablack shades at nakabonet ng brown, bakit 'to naka bonet? Hindi tuloy kita yung berde niyang buhok. Mukha na siyang may cancer hindi na gangster(^o^).
"Bakit ka naka-bonet?" tanong ko sa kaniya at naghintay ng ilang segundo para sa sagot niya pero wala akong natanggap na sagot.
BAKA NAMAN MAY CANCER TALAGA SIYA?! OMO!!!.
"Bakit hindi ka sumasagot Marvin? May sakit ka ba?!" taranta ko namang tanong at tumingin naman siya saakin at tumawa ng malakas.
"Ano bang pinagsasabi mong babae ka. Do you really wish that I'll be dead?" sabi niya habang tumatawa pa rin.
"Eh hindi ka kasi sumasagot eh!" sigaw ko ulit sa kaniya at ginilid niya naman muna yung sasakyan sa daan at humarap saakin sabay tanggal ng shades niya.
"Nag-aalala ka ba sakin, Zia? Sineseryoso mo na ba ang pagiging boyfriend mo ako, huh?" sabi niya saakin na parang nang-iinis dahil nakapout pa siya habang nakangiti. At naramdaman ko namang uminit ang mukha ko.
"Tshh, ang dami mong alam, tara na nga baka malate pa tayo" sabi ko at hindi niya pa rin tinutuloy ang pagmaneho.
"Ay ganun ba? Eh bakit ka nagba-blush?" sabi niya at tinakpan ko naman ang mukha ko.
"Magmaneho ka nalang, dali na!" sigaw ko at tumingin nalang sa bintana para hindi niya makita ang mukha ko.
.
.
.
.
Nang makarating kami sa school ay dumeretso kami sa classroom at buti nalang ay hindi pa sila nags-start.
Nakita ko naman sila Hazel at Justin pero hindi sila magkatabi, maging kami ni Marvin ngayon ay hindi din magkatabi. 1 Chair apart kasi kami ngayon. Umupo nalang ako sa upuan ko at nakita ko duon ang nakaready ng pencil, eraser at headsets. Oo may paganun ang school namin, para daw makafocus kami sa sasagutan hindi sa ingay ng paligid.
"In 5 minutes we will start, get ready" sabi ni Prof. Loku at niready na nag mga test papers.
Lumipas na ang 5 minutes at dinidistribute na ni Prof. ang testpapers saamin.
At nang makarating siya diti sa lane namin ni Marvin ay huminto siya at nilatag ang testpapers namin sa lamesa namin.
"I heard that you study, Mr. Novazaki, and please don't wear your bonet inside. You can take it off now" sabi ni Prof. at umalis na.
Nakay Marvin ang tingin naming lahat at naghihintay na tanggalin yung bonet niya.
Nang matanggal niya iyon ay lahat kami nagulat, maging kaming tatlo nila Hazel at Justin.
"Woah! Ang gwapo mo Master Marvin!" sumigaw nun.
Hindi ako makapaniwala, bakit i-itim na ang buhok ni Marvin?
"Don't stare at me like that, Zia or I'll kiss you in front of this class" bulong niya saakin at umiwas naman ako ng tingin.
Para ba saakin o Dahil ba saakin ang pagpapakulay niya ng buhok?
Masyado naman ata akong asyumera.
Marvin's POV
Kahit hindi ko tinitignan si Zia sa gilid ko ay nakikita kong tingin pa rin siya ng tingin saakin.
Curious ako kung iniisip niya ba o tinatanong niya ba sa sarili niya kung para o dahil sa kaniya kaya ako nagpakulay ng itim. Pati ako hindi alam ang rason kung bakit ko pinakulayan ng itim ang buhok ko.
"You can start answering now" sabi ni Prof. Loku at nagsimula na lahat syempre pati ako.
.
.
.
.
Zia's POV
Inabot kami ng ilang oras habang sumasagot ng Unit Test, at sa wakas ay katatapos lang namin. Walang recess at lunch saamin kaya pinapakain kami ng breakfast mula sa school, 6 o'clock na at naglalakad kami palabas ng Room namin. Magkakasama ulit kaming apat at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makalimutan yung kulay ng buhok ni Marvin.
Napagpasyahan naming apat na kumain sa labas dahil tapos na ang Unit Test ang gagawin nalang namin bukas ay kunin ang result ng Unit Test at reviewhin yun para makakuha pa ng mas mataas na score sa Last Periodic Exam.
"Dun nalang tayo, Chinese Restaurant, mahilig si Zia dun eh." sabi ni Hazel at tumango naman silang dalawa.
Humanap muna kami ng mauupuan, nang makahanap kami ay umupo na kami alangan naman kasi tatayo kami 'diba?.
"Oorder lang kaming dalawa, ha?" pagpapaalam ni Hazel sa aming dalawa ni Marvin dahil dalawa nalang daw silang mag-oorder.
Habang nag-oorder sila ay nag-cellphone muna si Marvin at ako naman ay nakatingin lang sa kaniya, I mean sa buhok niya. Mas bagay niya ang itim kesa sa berdeng buhok. Sineryoso niya ba yung sinabi ko na 'wag munang isipin yung pagiging gangster? Oo tama, baka para dun naman hindi para o dahil saakin ang pagpapalit niya.
"Tapos na kaming mag-order" sabi ni Hazel nang bumalik sila ni Justin dito sa table namin.
"Asan naman tayo pupunta pagkatapos?" tanong ko naman sa kanila.
"Time Zone!" request naman nila Hazel at Justin habang nakangiti.
"Tsh, matanda na kayo" napatingin naman kami kay Marvin nang magsalita siya.
"Pero pwede pa rin" sabi ni Justin at binelatan siya.
"Psh, Childish" sabi naman ni Marvin at wala siyang magagawa dahil sasama siya sa ayaw o gusto niya.
.
.
.
.
"Aww, ansakit ng tiyan ko" reklamo ni Hazel nang matapos kaming kumain.
"Pare-parehas lang tayo dito, andami kasi ng inorder niya eh" komento ko naman.
"Kasalanan ko ba? Eh sabi ni Justin yun eh" ani Hazel.
"Isisisi mo pa saakin talaga?" reklamo naman ni Justin kay Hazel.
"Tara na sa Time Zone" sabi ko naman at napatingin silang tatlo saakin.
"Parang katatapos lanh kumain eh, magrest ka naman" reklamo nan ni Marvin saakin.
"Hihihi" tawa ko nalang at tinignan ang oras sa cellphone ko.
7 o'clock na at ang closing naman ng mall ay 9 o'clock so makakalaro pa naman kami sa Time Zone.
"Tara na" yaya ni Hazel at tumayo na, nakarest na daw kasi siya(^o^).
Nang makarating kami sa timezone ay medyo madami pang tao dito, bumili muna kami ng tokens at humanap ng pwedeng malaro, humiwalay sila Hazel at Justin saamin dahil moment daw namin tong mag-girlfriend at boyfriend, para naman nilang tinototoo.
"Dun tayo sa racing car" sabi ko kay Marvin at tumango nalang siya, tumakbo naman ako at umupo sa upuan ng racing car.
Hinulog na namin yung token at nagsimula ng magdrive.
"Wag mo akong banggain!" sigaw ko kay Marvin pero patuloy niya parin akong binabangga kaya ginilid ko yung kotse at ang kinalabasan ay siya parin ang nanalo, ang daya niyaa.
"Ang daya mo" sabi ko sa kaniya at nagpout.
"Tara dun tayo sa pagpicture-an, 5 tokens daw ang bayad sa dalawang Pics" sabi niya nan habang tinuturo yung lugar na yun, tumango lang naman ako at pumunta na kami dun.
"2 pictures" sabi ni Marvin sa taga-picture at binigay yung 5 tokens.
"Punta nalang po kayo dun, Sir." sabi ni Ateng tagabantay at pumunta naman na kami dun.
"1.2.3, post" sabi ng ate at nagpost naman kami ni Marvin ng nakangiti.
"Next po Ma'am at Sir."
"1.2.3, wacky" sabi ni ate at nag-wacky naman kami.
"Done na po Sir" sabi ni ate at inabot saakin yung pictures, tag-isa daw namin ni Marvin yung picture sabi niya at kinuha niya naman yung naka-wacky kami, mas pinili ko yung naka-smile kami kasi minsan ko lang siya noon makitang ngumiti.
"Tara na ba?" tanong saakin ni Marvin at tumango naman ako.
Nakatingin lang ako sa picture namin ni Marvin nang may tumakbong bata sa gilid ko at natulak naman ako sa harao ni Marvin.
A-ang gwapo niya talaga sa black hair, yung mata niya at yung labi niya na pula... Nagugustuhan ko na ba siya?