Chapter 9 - Chapter 8

Continuation of Day 3/7

Zia's POV

"A-ano?! B-ba-bakit pa?!" tanong ko kay kuya nang malaman kung bakit bumalik pa yung Papa namin. At pasalamat siya Papa pa ang tawag ko sa kaniya.

"Gusto daw ng lola natin na babae ang anak pero hindi nanganak ng babae yung bagong asawa ni Papa, kaya ikaw lang daw ang kukunin" nakayukong sagot saakin ni Kuya. Kung hindi lang din nila tanggap ang Kuya ko, then 'wag na nila kaming guluhin dahil kahit ano pa ang idahilan nil ay hindi ako sasama sakaniya, sakanila, kahit mayaman pa sila.

Kung pera lang ang usapan, handa ako maghirap para makasama sila Mama at Kuya.

"Hindi ako papayag, kuya" sabi ko kay Kuya habang seryoso ang mukha. Hindi talaga ako papayag.

Napatingin naman kami sa pinto nang may pumasok. SI PAPA KASAMA SI LOLA?!

"Iha" tawag saakin ni Lola at hahawakan na sana ako pero umatras ako ng unti.

"Don't be like that to your Grandmother, Carmen" sabi ni Papa at napatingin naman ako sa kaniya.

"Don't call me Carmen" sabi ko at pinipigilang tumulo yung luha ko.

"Sumama ka na samin, Carmen" sabi ng Lola ko at lumapit saakin pero umatras ulit ako napalingon naman siya kay Papa na parang may ibig sabihin.

"I said don't call me Carmen, only my Brother and my Mother have the right to call me in that name" sabi ko sa kaniya at kumunot namna ang noo nito.

"At umalis na kayo dito dahil hindi ako sasama sa inyo, kahit na usapang pera ang pag-uusapan." dagdag ko pa at umapit naman si Papa saakin at hahawakan dapat ako para pilitin na sumama pero hindi siya nagtagumpay dahil pumunta sa harap ko si Kuya.

"Get out of the way, Richard!" sigaw ni Papa kay kuya at tinulak ito pero hindi nagpatumba si Kuya.

"Don't force her to come with you, kaya naming maging masaya kahit wala ka at ang pera niyo" sabi namna ni Kuya kay Papa at nakatanggap naman din si kuya ng sampal galing kay papa.

"Ang galing mo namang panampal, Mr. Gordon" sabi naman ni Kuya kay Papa habang nakangisi.

"How dare you talk like that with your father" singit naman ni Lola.

"And how dare you to comeback just to satisfy your wish to had a girl granddaughter" sabi ni kuya pabalik sa Lola namin.

"Walangya kang lalake ka! Pasalamat ka sa lola mo dahil pinanganak ako at magpasalamat kayo sa akin dahil nabuntis ko ang nanay niyo at iniluwal kayo" singit naman ni Papa.

"Pero hanggang dun lang ang pasasalamat namin dahil kay Mama kami lumaki, siya ang nagsilbing Nanay at Tatay saamin" sagot ko sa kaniya at ngayon, dalawa na kaming nakaharap sa kanila ding dalawa.

"Wala tayong mapapala dito Ma, tara na" sabi ni Papa kay Lola at lumabas na ng pinto.

"Mabuti naman at narealize mo din yun? Mr. Gordon" sabi ko at tinarayan nalang sila at tuluyan na silang lumabas.

Napatingin nan si Kuya saakin at ako naman ay ngumiti lang sa kaniya.

"Umiyak ka lang kung gusto mo" sabi ni kuya at paano niya nalaman na kanina pa gustong lumabas ng mga luha ko.

"Pa-paano mo nalaman kuya?" tanong ko naman sa kaniya at ngumiti lang siya.

"Kilala na kita, Carmen. Madali kang masaktan kahit nakikitang lumalaban ka." sabi niya at tumulo yung luha ko. Sana last ko na 'tong makita sila.

Nagpunas ako ng luha ko at nagring naman yung phone ko.

Tumatawag si Marvin.

"Kuya sagutin ko lang' to" sabi ko sakaniya at tumango nalang siya.

"Hello?" panimula ko sa tawag.

«Umalis na ako diyan, baka sakaling hanapin mo kasi ako, tawagan mo nalang ako kung magpapasundo ka» sagot niya saakin at bakit ako napapangiti ngayon? Bakit kasi ganyan siya magsalita eh.

"Okay lang, baka bukas nalang ako makabalik ng School, pwede naman din ng lumabas si Mama dito" sagot ko sa kaniya.

«Sige, mag-ingat ka» sabi niya at in-end call na.

Bumalik na ako sa loob ng kwarto kung asan si Mama at nakita ko naman na gising na siya.

"Ma.." tawag ko sa kaniya habang nakangiti.

"Bakit ka pa nag-abala na pumunta dito? Malapit na ang Exam niyo ah" sabi ni Mama na parang siya pa ang nag-aalala para saakin wala lang ba siyang nararamdaman na pag-aalala para sa sarili niya?

"Ma naman, alam mo namang hindi ko maiwasang mag-alala kahit unting galos lang sa inyo" sagot ko at mgumiti lang din siya saakin.

"Kuya, uwi na muna ako sa bahay, magre-review pa ako eh" paalam ko kay kuya at tumingin naman siya saakin.

"Sige, bukas pa makakauwi si Mama eh" sagot niya saakin at tumango nalang ako.

Marvin's POV

Sinabi ko kay Zia na umalis na ako pero hindi pa talaga ako umaalis, nag-aalala kasi ako na baka hindi siya okay. Pero bakit ba ako nag-aalala, 'diba na hindi naman dapat.

Nang makita kong lumabas na si Zia ay sinimulan ko ng paandarin ang kotse ko pabalik sa Mansion.

.

.

Nadatnan ko sa labas ng Mansion ang nag-aalalang si Justin at Hazel.

Nang makalapit naman ang kotse ko sa kanila at agad akong lumabas.

"Asan na si Zia?" alalang tanong ni Hazel saakin.

"Baka bukas nalang daw siya babalik sa school" sagot ko nan kay Hazel.

"Kinabahan naman ako, ano bang nangyari?" tanong naman ni Justin. Pero kahit ako hindi ko alam kung anong nangyayari pero may nakita akong lumabas sa kwartong pinagpasukan ni Zia.

"Hindi ko din alam eh, itanong niyo nalang deretso kay Zia bukas" sabi ko at pumasok na sa loob. Ipagpapatuloy nalang ata namin yung pagre-review kahit wala si Zia.

«Kinabukasan »

Day 4/7

Zia's POV

Papunta na ako sa library ng school at dun nalang magre-review, nasa bahay nila Marvin yung mga reviewer ko at hindi ko naman pwedeng kunin dahil sabi ko na sakaniya muna para makapagreview siya ng mabuti. Pero hayaan mo na, nandiyan naman yung library eh.

Marvin's POV

"Asan ka pupunta, Marvin?" tanong ni Mommy saakin habang inaayos ang kwelyo ng damit ko.

"Magre-review lang ako tapos may puountahan lang po ako mamaya" sagot ko at tumango nalang siya.

"Akyat na po ako" paalam ko at umakyat na.

Mahirap isolve yung mga problems na pinag-aaralan namin kasi hindi nga ako nakikinig sa teacher, pero magse-search nalang ata ako para malaman kung paano isolve yung mga problems dito.

2:30 pm.

Tapos na akong magreview at hindi pa naman ganun kasakit yung ulo ko.

Pumunta ako sa banyo ko para maligo, may pupuntahan ko nalang at kung itatanong niyo naman kung ano yon, then It's secret for now.

.

.

.

Tapos na akong maligo at tinitignan ko ngayon sa salamin yung buhok ko, baka kailangan ng baguhin 'diba? Mukha kasi talaga akong gangster with this hair color.

Gumayak na ako at pumunta sa Men' s Parlor. Yung secret na sinabi ko kanin ay nothing special, it's just my hair, papalitan ko na yung color ng hair ko ng black, kakalimutan muna ang pagiging gangster.

"What color, sir?" tanong saakin nung gagawa sa buhok at ang sagot ko naman ay black.

.

.

.

After 1 hour ay tapos na akong magpakulay ng buhok, at wala na akong gagawin pa dito kaya uuwi nalang ako.

Sinimulan ko ang kotse ko papunta sa bahay.

Ewan ko lang pero parang sineseryoso ko yung sinabi ni Zia na magbago at kalimutan ang pagiging gangster pero parang mas bagay naman sakain ang itim na buhok kaysa sa berdeng buhok.

Nang makarating kao sa Mansion ay napapatingin aaakin sayung mga katulong namin. Pagkataas ko namna ay nakaaalhbong ko si Mommy.

"Woah, Marvin. Why did you suddenly change your hair color?" sabi naman ni Mommy saakin at ngumiti.

"Nothing" sagot ko pero hindi ata siya naniniwala kaya tumawa.

"Is it for Zia or Because of Zia?" tanong naman saakin ni Mommy at ngumiti lang ako. Para ba 'to kay Zia? O dahil kay Zia. Parehas lang pero parang may pagkakaiba eh.