Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Ang Daddy kong Artista

🇵🇭zai_cat18
--
chs / week
--
NOT RATINGS
7.7k
Views
Synopsis
Natasha Alexandra Reymundo never knew her father. She live without any knowledge about who her father is until when her sick mother told her otherwise. Before her mother died she told her everything about her father that's why she's in this situation right now. She have 3 choices; one, let these people take her in the orphanage. Two, make a run for it and hide from these authorities before they put her in an orphanage. And lastly, just go and introduce herself to her father. And of course, she choose the latter.
VIEW MORE

Chapter 1 - Prologue

Natasha Alexandra Reymundo

Avilla National Hospital, Rm 320

May 2 Tuesday

Hawak ang mga kamay ni Mama ay binigay ko sa kaniya ang buong atensyon ko katulad ng hiling niya.

"Dapat matagal ko ng sinabi sa iyo ito anak, pero lagi akong inuunahan ng takot." nahihirapang panimula nito. "Noong nalaman kong ipinagbubuntis kita gustong-gusto kong lapitan kaagad ang Papa mo para sabihin sa kaniya ang tungkol sa iyo. Pero hindi ko iyon ginawa dahil hindi ordinaryong tao ang Papa mo. Maliban sa pangalang hawak niya ay kilalang-kilala siya sa buong industriya ng bansa. He's a well-known actor and singer. At sa tagal na niya sa industriya ay napakalaki na ng naiambag niya sa pagpapalago sa Entertainment industry ng bansa.

"I was only a college student that time. Hindi kilala. Walang pamilya na sumusuporta. I was a working student. Aral at trabaho lang ang pinagkakaabalahan ko. Pero sa gitna nun ay ang musika at mga palabas ng Papa mo ang naging libangan ko kapag gusto kong magpahinga. I was an avid fan but a silent one. I love watching his works and hearing his voice. Pero ni isa sa mga kaibigan ko ay walang nakakaalam sa pagkamangha ko sa kaniya. I am his fan but I want to keep that a secret for my own. He inspired me to move forward. His voice was the only one that keeps me company when I feel so lonely. And because of that I can proudly admit that I'm in love with him. Pero kahit kailan ay hindi pumasok sa utak ko na makikita at makikilala ko siya sa personal. At kahit kailan ay hindi ko din pinantasya na magugustuhan niya ako. Sapat na sa aking mapanood at mapakinggan siya. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagtagpo ang mga landas namin.

"I was working that night as a bartender. And there he was dancing the night out with his friends and different girls that surrounds him. Nang makita ko siya ay doon ko na talaga naamin sa sarili ko kung gaano siya kaespesyal sa akin. Pero nang makita ko din siya ay mas tumatak sa akin na magkaibang-magkaiba talaga ang mundong kinabibilangan namin at imposibleng magkaroon kami ng relasyon. Kaya sa gabing iyon mas nakuntento na akong mahalin siya ng ako lang ang nakakaalam.

"Hindi lang isang beses kundi maraming beses siyang pumupunta sa bar na pinagtatrabahuan ko kasama ng mga kaibigan niya. Then there was this one night, he was alone at nagpapakalunod sa alak. Hindi ko alam kung anong dahilan kung bakit siya nagpapakalasing kahit na sa harap ng kamera ay hindi naman siya nakikitaan ng problema. Gusto ko siyang lapitan noon pero hindi ko parin ginawa dahil alam kong kapag lumapit ako sa kaniya ay sisiklab lang ang kagustuhan kong mapalapit sa kaniya. Kaso nakita kong may lumapit sa kaniyang babae at may pinainom sa kaniya. Hindi pa man pumaasok ang lahat ng nangyayari sa utak ko ay nakita ko na siyang tinulak iyong babae palayo sa kaniya bago tumayo at umalis ng bar. At dahil mas nanaig ang pag-aalala ko sa kaniya sa mga oras na iyon ay sinundan ko kaagad siya. Paglabas namin sa bar ay nakita ko na may mga reporter na naghihintay sa labas ng bar kaya naman dali-dali kong nilapitan ang Papa mo at hinila kaagad siya papasok sa taxi na nakaparada bago pa siya makita ng tuluyan ng mga reporter. Hindi ko na alam ang mga pinaggagawa ko noong time na iyon. Basta ang alam ko ay kailangan ko siyang tulungan.

"Dinala ko siya sa hotel na pinagtatrabahuan ng kaibigan ko at hinatid siya doon. Ang plano ko lang ay ihatid at hayaan na siyang magpahinga ng mag-isa doon but I didn't expect that the drink that the girl gave him has a drug in it. I know I should had pushed him away and run before he even had a chance to take me. Pero mas inunahan ako ng nararamdaman ko para sa kaniya. Kahit anong pagpapaalala ko sa utak ko ay parang walang kontrol ang katawan ko na hinayaan lang siyang gawin ang gusto niyang gawin. Sinabi ko nalang sa sarili ko na ngayon lang ito. Isang gabing magbibigay ng napakagandang alaala na dadalhin ko habang buhay. Bago pa siya magising ay umalis na ako. At sinigurado ko din na walang makakaalam na ako ang nagdala sa kaniya doon at hindi niya malalaman ang nangyari sa amin. Hindi ko naman lubos na inakala na sa isang gabing iyon ay may mabubuo kaming buhay sa tiyan ko.

"Hindi pa ganun kalaki ang impluwensiya niya sa industriya noon. At pareho lang kaming mga bata pa kaya naman minabuti ko ng kipkipin ang sekreto tungkol sa Papa mo. Ayokong sirain ang pangalan niya at ipinangako ko na sa sarili ko na bubuhayin kita ng mag-isa. Kung noong una ay siya ang naging inspirasyon at liwanag ko sa buhay. Nung ipanganak kita ay ikaw na ang naging inspirasyon at liwanag ko. Mahal na mahal kita anak. Pero patawad at hindi kita binigyan ng pagkakataong magkaroon ng buong pamilya."

"Ma," lumuluhang pagpapatahan ko dito lalo na ng sinabi niya ang huling mga katagang iyon. "I understand. Hindi mo kailangang humingi ng tawad."

"But I do. Kahit na isang beses mo lang tinanong ang tungkol sa Papa mo ay alam ko at nararamdaman ko kung gaano mo kagustong malaman ang tungkol sa kaniya." pahayag nito. "Kaya naman bago pa ako mawala ay gusto kong malaman mo ang tungkol sa kaniya."

"Ma,"

"Hindi. Makinig ka. Alam nating pareho na kahit anong gawin kong paglalaban sa sakit ko ay hindi na kaya ng katawan ko. Wala ka pa sa legal na idad at ayokong mapunta ka sa bahay ampunan dahil wala kang ibang mapupuntahan. Ipangako mo sa akin ngayon din na sa kaniya ka pupunta at hindi mo hahayaang ipunta ka nila sa ampunan. Ipangako mo Natasha."

".....I-I promise, Ma." sagot ko din dito kahit na alam kong hindi ko pa sigurado kung magagawa ko ba talagang lumapit sa Papa ko. Mahigpit na niyakap ko siya dahil kahit hindi namin sabihin at kahit ayaw ko pang aminin ay alam na naming pareho na kaunting panahon nalang ang natitirang oras bago siya tuluyang mawala sa akin.

No! I can't! D*mn it!