Natasha Alexandra Reymundo
Florence State, Reymundo Residence
July 20 Wednesday
Hindi kami kaagad umalis sa Villa Vior. Habang nag-eempake ng gamit ang mga kasambahay para kay Abuela ay kumain muna kami ng dinner.
While eating, ay hindi natigil ang pagkukuwentuhan naming dalawa. We talked about my Mom, our life without his son, her son and the whole family.
I learned that, aside from Alex being the youngest son, may lima pa itong anak na nakatatanda kay Alex.
There's Garrett Axle Delgado or as everyone knows him to as Gary Delgado. He's a 5 star well-known chef not only here in the Philippines but also internationally. Panglima siya sa magkakapatid at dalawang taon ang agwat niya kay Alex. May asawa narin ito at isang anak.
Then there's Roséanne Mary Delgado. Ang unica hija ng pamilya nila. She's the headstrong and powerhouse CEO of the Thunder Agency & Entertainment kung saan naka-kontrata si Alex Delgado. She's 37 now at may asawa narin pero wala pang anak. Katulad ng sinabi sa akin kanina ni Abuela kamukha ko daw siya lalo na kapag ngumiti ako. Kung hindi lang daw sa kulay ng mga mata ko ay aakalain na ng iba na anak niya ako. Siya ang pang-apat sa magkakapatid.
Then ang kambal na si Alejandro at Alessandro. Katulad ni Alex ay mga kilalang Actor din ang dalawa. Kaso ang kaibahan lang nila kay Alex ay kilala na sila bilang mga beteranong actor sa Hollywood. They're influencial in the whole world lalo na at Ambassador din sila sa mga naglalakihan at sikat na mga brands sa buong mundo. They're 39 years old at pareho ng may asawa at mga anak. Hindi sila dito nakatira sa Pilipinas pero parati naman silang bumibisita kapag may time na sila at hindi na busy.
And lastly, ang pinaka-panganay sa magkakapatid. Si Albert Delgado. Ang CEO ng Delgado Empire. Since his early 20's ay siya na ang nagpapatakbo ng napakalaking companya ng mga Delgado. The Delgado Empire, deals with Telecommunications at Gaming Company. Gumagawa sila ng mga E-Games na halos nilalaro ko araw-araw. Hindi lang sila kilala dito sa bansa kundi sa buong mundo narin. Dahil sa mga MMORPG na ginawa nila na patok sa bawat manlalarong kagaya ko. He's 40 years old now at may asawa at mga anak narin.
It's very overwhelming to know na nito lang ay akala ko mag-isa nalang ako sa mundo kapag nawala na si Mama pero heto at ang dami palang taong hindi ko kilala na pamilya ko pala.
Wow! Not only I have a father but I also have grandparents, a lot of uncles and aunties. And most of all, cousins. Could I be really part of their family?
Pagkatapos naming kumain ni Abuela ay inihatid narin kami ni Mang Berting sa bahay.
It took half an hour bago kami makarating sa bahay. Napa-ngiti naman ako ng makita ko ang naging reaksyon ni Abuela sa bahay namin dahil kaming dalawa ni Mama ang nagdesign nito.
Hindi ganun kalaki katulad ng bahay ni Alex ang bahay namin ni Mama. Two storey-house lang siya na kulay puti. May front lawn and malawak na backyard kung saan nakatayo ang pinagmamalaki naming green house ni Mama.
Katabi ng bahay ay nandun din ang garage kung saan pwedeng magkasya ang tatlong sasakyan at may malaking space pa kung saan kasya pa ang isang sasakyan. Doon ako nag-aala mechanic at nagkukutingting ng mga sasakyan. Pareho kasi kaming mahilig ni Mama sa mga sasakyan. Quiet lang pero, dahil din doon sumasali din kami pareho ni Mama sa mga racing competitions. Si Mama sa Car Race ako sa Motocross. I started competing at the age of 14 and I'm happy to say na sa lahat ng mga sinasalihan kong competition ay lagi akong nagcha-champion. Though, no one knows the real us in the world of racing. Only our aliases as Prim, me, Roses, si Mama.
I don't think masasabi ko kay Abuela ang tungkol dito sa ngayon dahil baka may masama siyang isipin sa amin ni Mama. Buti nalang lahat ng tungkol dito ay nandoon lahat sa garage kasama ng mga trophies and pictures na kinuha nila saamin.
Katulad ng sinabi ko kay Abuela kanina, I wouldn't need her son's money or anything else dahil nabigay na lahat sa akin ni Mama ang mga gusto ko. Yes, my Mom spoiled me a lot and I'm always going to thank her for that. Kahit na mag-isa lang niya akong pinalaki kahit kailan ay hindi siya nagkulang sa akin. Hindi niya pinaramdam na wala akong Papa dahil lahat ng ginagawa ng isang tatay ay ginagawa din niya. She's my superhero all throughout. I just wished we could have had a long time to spend together. A time for me to give back to her.
Inakay ko si Abuela papasok sa bahay habang kasunod si Mang Berting na buhat ang mga gamit nito. Pagpasok sa bahay ay sumalubong kaagad sa amin ang pinakamamahal kong mga aso.
Si Aiko ang female pure black chow-chow breed, si Kiefer o "Kief" ang male counter part ni Aiko na pure white chow-chow. They've been with us for 4 years now. Then there's Dai and Azure our gray and white male and female Alaskan Malamute. These two have been with us for 3 years. These four are me and my Mom's family.
"Oh my! You have a lot of huge dogs." hindi makapaniwalang sambit ni Abuela.
I can't help but release a laugh when I hear her say that. Habang naka-upo sa harap ng apat ay hinayaan ko lang na i-greet nila ako sa mga sarili nilang paraan.
"Don't worry, Abuela. They treat family very well. They will only be tough and scary kapag naramdaman nila na threat ka sa akin." pag-aalo ko dito para hindi ito matakot. Dahan-dahan ko itong inakay paupo sa tabi ko para ipakilala sa apat pero kapagkuwan ay napatigil din ako at hinarap iyong apat. "Move back and sit." utos ko sa kanila na kaagad naman nilang sinunod.
"Oh, wow! They're very obedient." komento nito.
"Abuela, I'm sorry if I didn't ask you bago kita dinala dito. Are you allergic to dogs or any kinds of animals?" nag-aalalang tanong ko dito.
"Don't worry, mija. I don't have any allergies." sagot nito. "Though I think I'm beginning to have allergies from your Abuelo's horses. That old man is obsessed with horses. Kulang nalang tumira siya sa kwadra para makasama nila. Kung hindi ko lang talaga siya mahal matagal ko na siyang kinulong doon." reklamo nito na kinatawa ko naman ng husto.
"He has horses?" tanong ko dito.
"Oh, taking care of horses is his life. That old man, nang masiguro niyang kaya na ni Albert patakbuhin ang kompanya ng mag-isa he left him there at kaagad pumunta sa Ranch para mag-alaga ng kabayo. At dahil asawa niya ako kailangan kong sumunod sa kaniya sa Ranch. But of course, I wouldn't dare live in that Ranch for a whole year kaya naman palipat-lipat lang ako sa mga bahay ng mga anak ko para bisitahin sila at ang mga apo ko."
"Don't worry, Abuela. If you don't want to stay there, then don't. At kapag napagod ka na sa pagtravel mo, my house is your house. You can live here with me and I will take care of you."
"Ahhh... Sabi na nga ba at granddaughter lang ang magmamahal at mag-aalaga sa Abuela." maluha-luhang komento nito bago ako niyakap. "Hmp. Walang mga kwenta iyong mga anak ko. They don't care about me as much as you do. Hayaan mo kapag hindi ka talaga tinanggap ng magaling kong anak siya ang itatakwil ko sa pamilya natin."
Natawa nalang ako sa mga sumunod niyang sinabi at inalo ko nalang ito para kumalma siya. Mahirap na mamaya tumaas pa ang dugo niya.
"So, what are their names, mija?" tanong nito ng maka-recover na ito sa tirada niya sa mga anak niya.
And there, pinakilala ko isa-isa ang mga miyembro ng pamilya namin ni Mama. At katulad nga ng sinabi ko sa kaniya, the four sweetly greeted her ng masigurong hindi siya nandito para kantihin ako.
This is also one of the reasons kung bakit ayaw kong mag-stay sa bahay ng anak niya. When he accepts me, he also need to know na package deal kaming lima. Saan man ako pumunta dapat kasama silang apat sa pupuntahan ko. I'd rather live alone than living them behind. Family always sticks together.
Hindi ko na tinour muna sa bahay si Abuela dahil medyo gabi na. Inakay ko lang siya papunta sa guest room kung saan siya tutuloy. Iiwan ko na sana siya doon para mag-ayos pero pinigilan niya ako.
"I don't think I can sleep tonight. Eh! I did told you mag-isleepover tayo. Bakit tayo magkahiwalay ng kwarto?"
At dahil nga sleepover, ayun nga at inakay ko na siya sa kwarto ko.
Kung ikukumpara ang kwarto ko sa kwarto ni Mama mas malaki ang kwarto ko. I did say na spoiled brat ako ni Mama kaya hindi na nakakapagtaka na malaki at malawak ang kwarto ko.
Architect slash interior designer si Mama kaya malaki-laki talaga ang kita niya kapag may mga projects siyang inaasikaso. Then isama pa ang mga racing competitions na sinasalihan namin ni Mama na may malalaking cash prices. Hindi na talaga nakapagtataka kung bakit kaya naming tumira sa ganitong lugar at kung paano ako pampered na pampered ni Mama.
Before joining Abuela sa kwarto ay inakay ko muna iyong apat sa kwarto nila para pakainin.
Yes, may kwarto ang mga aso namin. At mayroon din silang sariling bath and toilet room. Pero siyempre iyong toilet hindi iyong katulad sa toilet bowl na ginagamit ng tao. Flat surface lang siya na pag-ihian at poo-poo nung mga aso kapag gabi para hindi na nila kailangang lumabas ng bahay.
After ko silang pakainin ay nag-good night na ako sa kanila. Dumeretso narin ako sa kwarto at dahil mukhang nasa bathroom pa si Abuela, dahil wala siya sa mismong kwarto ko, dumeretso na ako sa walk-in closet ko para kumuha ng pamalit ng damit.
Yes, aside sa bathroom ko sa kwarto ay mayroon din akong walk-in closet. Though this one is only a mini version where my casual and everyday clothes are. Yes, may isa pang walk-in closet dito sa bahay. Then there's also my study room that is like a mini library on its own.
Aside sa room ko, room ni Mama at dalawang guest room ay may tatlo pang room dito. Ang isa ay ang Art & Work Room ni Mama. The room is halfed for my mom's work and for my arts such as, paintings, drawings, scultures, and other more. Then there's my own version of bat cave. The biggest room here in the house. 1/4 of the room is set up as my gaming area then the rest are the walk-in closet. Dito nakalagay ang mga special clothes namin ni Mama. Para na ngang shopping area ito dahil sa dami ng mga gamit namin ni Mama. From different kinds of clothes, shoes, accessories, bags and other stuff. Ang pinaka-espesyal din dito sa room na ito ay nandito ang mga gamit ko for cosplaying. I have 2 big glass cabinets, na from ceiling to the floor ang laki, kung saan nakalagay ang mga costumes na nagamit ko sa pagko-cosplay. May designated area din ako dito kung saan ako gumagawa ng costumes ko, area where you can find all kinds of makeups, prosthetics, paints, accessories for cosplay, and a whole top to bottom cabinet for different kinds of wigs. And lastly, an area where we can do an indoor photoshoot.
The last room is where our music room is. May piano, violin, cello, flute then a lot of different kinds of guitars here, drums na simula 5 years old ako ay ginagamit ko na. Aside sa mga instrusments ay may recording studio din dito. Tumutugtog si Mama dito kaso minsan lang iyon dahil mas gusto niyang tumugtog sa grand piano na nasa may sala. Ako at ang banda namin ng mga kaibigan ko ang madalas gumagamit nitong studio for recording.
Our house is not huge, grand and fancy like my father's but this house is home.
Kinuha ko iyong snorlax onesie ko at pumunta sa bathroom ng guest room para makapag-freshen up narin ako.
This night is going to be a long night for sure.