Chereads / Ang Daddy kong Artista / Chapter 5 - Chapter 4: The Gamer's Den

Chapter 5 - Chapter 4: The Gamer's Den

Natasha Alexandra Reymundo

Gamer's Den

July 23 Saturday 9:19 am

For the whole time, simula wednesday hanggang kahapon, ay nag-bonding lang kami ni Abuela. At dahil doon mas nakilala pa namin lalo ang isa't isa. Ngayon ngay parang kung umasta kami ay kilalang-kilala na namin ang isa't isa, na para bang walang lumipas na maraming mga taong hindi kami magkakilala. And I'm sure kung nandito pa si Mama magugustuhan at magkakasundo silang dalawa ni Abuela.

It's saturday today. Dahil nga nung pumasok ang taong ito ay nakatutok lang ako ng magdamag kay Mama ang dami ko ng namis sa mga kailangan kong gawin. Mga planong dapat ginagawa na namin. This year should have been our band's year kaso sa nangyari kay Mama napurnada ang mga iyon.

Wala namang sisihang naganap sa nabulilyasong mga plano, hindi ko sinisi si Mama at ganun din ang mga kabanda ko. They were very empathetic. They understand na hindi ako makakakilos ng husto dahil sa nangyayari kay Mama kaya pinospone na namin ang lahat ng plano namin ngayong taon. Ayos lang naman sa kanila kasi parang second mother narin naman ang turing nila kay Mama.

For the weeks na naghahanap ako ng pagkakataong makita si Alex Delgado ay nagpaalam ako sa kanila at sa iba ko pang mga kaibigan na gusto ko munang mapag-isa. Hindi ko sinabi sakanila ang tungkol sa gagawin ko dahil para sa kin mas magandang ayusin ko muna ang lahat bago ko sabihin sa kanila ang tungkol dito. Kaya sa mga panahong iyon ay halos hindi namin nakita ang isa't isa.

At dahil sabi nga ni Abuela, na ngayon na niya kakausapin ang anak niya, kukunin ko narin ang pagkakataong ito para kumustahin ang mga kaibigan ko.

Maaga palang ay nakaalis na si Abuela at kagabi ngay nasabi ko narin sa kaniya ang plano ko ngayong araw para hindi siya mag-alala. Pero ang ikinagulat ko ay ng lumabas ako ng bahay ay may SUV na na naghihintay para sa akin. Nakatayo sa tabi ng sasakyan ang medyo may kabataang lalaki, siguro nasa early 30's. Nagpakilala itong driver ko at ang pangalan nito ay Merl. Pinaliwanag nito na siya ang inatasan ni Abuela bilang personal driver ko simula ngayon. At dahil nga nandito na ay hindi narin ako nagreklamo dahil sa mga panahong nakasama ko si Abuela nadiskobre ko din ang tendency nito sa pagiging over protective. Naintindihan ko naman ito lalo na ng inexplain niya sa akin na halos maraming beses na na may nagtangkang kumidnap sa mga pinsan ko para gamitin for ransom. Kahit pa wala pang nakakaalam sa identity ko, Abuela wouldn't give anyone a chance to threaten my well-being. Doon ko lang narealize na naging importante narin ako para sa kaniya. She really is a wonderful woman.

Sinabi ko naman kay Kuya Merl ang pupuntahan ko. Sa Gamer's Den. Ang Gamer's Den ay dating isang malawak na lupain na pag-aari ng pamilya ng tumatayong manager ng banda namin na si Kuya Arth. Aside sa kanya ay kasama din niyang co-owners sa Den ang dalawang kaibigan niya. Ang Gamer's Den ay unang naging Computer Cafe then na-upgrade iyon at nagkaroon pa ng isa pang building for recording studio na pinagtulungang ipatayo nila Kuya Arth.

The Gamer's computer cafe is a 3-storey building. Yes, ganun kalaki dahil kahit pa marami ng may kayang bumili ng mga sarili nilang mga laptops o pc ay hindi parin maitatanggi na marami paring gustong pumunta sa computer cafe ng Den. Sa ganda narin ng pwesto ng Den ay hindi maitatanggi na hindi nabawasan ang customers ng Den at mas lalo pa iyong lumago dahil pina-gigitnaan iyon ng dalawang naglalakihang university.

The Gamer's Den not only became a computer cafe but a very popular spot for students. Gamers or non-gamers go here. A perfect tambayan ika-nga.

The front of the Den is made into a perfect park cafe where students can hangout or do their studies without minding the noise around. The park is man made. Iyong mga malalaking puno at mga halaman ay perpektong inayos ng landscape engineer na kaibigan ni Mama na siyang tumulong sa pagpaplano dito. Sa mismong harap ng building ng Den nakalagay ang 20 na patio umbrella table sets with a maximum of 5 persons sitters. While there are some random rock tables and sits around the park and some outdoor benches na nakaharap sa maliit na pond sa gitna ng park.

The first floor of the Den is half, with the left being the cafe and the right side being the stationary store of the Den. There are only 10 computers here where you can use the computers for research and other stuff aside from gaming. There's also a lot of printing stuff that you can do here that's why this part is also popular for the students because they can find and do everything they need here for their assignments and projects.

The second floor is where the fun is. This floor is the main Gamer's Den because this floor is where you can literally find the gamers. There are hundreds of computers here, heavy duty PCs that are best for gaming. There's a lot of activities here, competitions na prinovide ng Den para sa mga gamers. Isa din ito sa mga lugar kung saan ginaganap ang ilang kilalang e-sports when it comes to the elimination rounds and sometimes quarter finals and championship games sa mga maliliit lang na e-sport games.

And lastly, ang third floor na dedicated na talaga sa mga estudyate. The Den's Library. Yes, library. It's a public library na pwedeng paghiraman ng mga estudyate to help with their research and other stuff. May 8 private rooms din dito na pwedeng gamitin for mini-conference and meetings. 3 are big rooms that can accommodate 10-15 persons while the five rooms can only accommodate 5-7 persons. Aside sa mga private rooms na iyon ay may mga randomly placed din dito na mga study tables. Pero ang parte na pinaka-paboritong puntahan dito ay kung nasaan ang floor-to-ceiling glass windows and ang veranda na enclosed sa glass. Both have bean bags and random sitting nooks that you can sit comfortably too. Pero sa veranda mo lang matatagpuan iyong mga comfy hanging hammock chairs. Yeah, alam na kung saan ang paborito kong tambayan sa Den.

Aside dito sa building na ito ay ang recording studio na bagong gawa lang last year. This building is the most memorable one dahil isa si Mama sa nagdesign nito and before she got hospitalized ito narin ang naging huling project niya. Kaya sobrang importante na ng Den sa akin dahil aside sa recording studio, hindi mabubuo ng ganito kaganda ang Gamer's Den kung hindi dahil kay Mama. She was the one who helped us make this place possible.

The recording studio is placed on the left side of the Den. Doon sa side ng studio na nakaharap sa Den makikita ang stage na pasadyang ginawa para pwedeng pagperforman ng banda or other performers that want to perform in an open setting. Sa other side naman nun makikita ang tatlong palapag ng studio. The first floor is for the dance studio. There are 6 studios there that can be used. Sa second floor naman makikita ang music recording studio. There are 7 recording studios, 5 are small studios for regular use and 2 VIP studios na talagang ginagamit for more professional recordings. And lastly, ang third floor kung saan na talaga matatagpuan ang personal Den na ng barkada. This is where all the magic happens and beautiful creative minds clash.

The Gamer's Den was only a simple Computer Cafe when it was first made. Nung ipinatayo ito nila Kuya Arth ay simpleng computer cafe lang ito na tinayo para makatulong sa mga estudyanteng hindi afford bumili ng sarili nilang computer o laptop. And aside din doon ay para makakilala at makasama ang mga taong kapareho nilang mahilig maglaro ng e-games.

And now, the Den is upgraded into a little paradise for people who want to have fun and relax without needing to get wasted and intoxicated with anything.

Mag-aapat na taon narin ang Gamers Den. Kuya Arth, Kuya Mal and Kuya Victor. Maraming nagtataka kung anong koneksyon ko sa tatlong may-ari ng Den and sa totoo lang wala. It's just my two best friends are Kuya Arth's cousins and through them nakilala at naging close ko sila Kuya Arth, Kuya Mal and Kuya Victor. At dahil din kaming dalawa lang ni Mama sa pamilya namin, the three friends took me in as their own little sister ever since then.

There are three parts of parking lots here in the Den. One on the back and the right side of the Den in front of the studio. And dahil alam ko namang nasa studio sigurado ang mga kaibigan ko ay doon ko na pinaderetso si Kuya Merl.

Nang makarating kami ay kaagad na pumarada si Kuya Merl sa bakanteng space sa parking lot at agad na bumaba ito para pagbuksan ako ng pinto.

"Ms. Natasha, hihintayin ko nalang po kayo dito." magalang na pahayag nito.

"Kuya Merl, pwede kang bumisita sa Den if you want, tatawagan nalang po kita kung uuwi na tayo. Baka kasi mapatagal pa po ako sa studio." sabi ko dito.

"Sige po, Ms. Natasha." sagot nito. "Pwede nyo rin akong tawagan if magpapabili kayo ng pagkain mamaya."

"No, it's okay. Magpapa-grab nalang po siguro kami later. There are some restaurants and fast foods around here, pwede kang kumain if hindi pa po ako matapos dito ng lunch." sabi ko dito. "Thanks po ulit sa paghatid, Kuya. See you later." paalam ko dito bago ako dumeretso sa studio.

Ang bumungad kaagad saakin sa studio ay si Manong Jaime, ang isa sa mga guards dito sa studio. Nang makita niya ako ay naka-ngiti at magalang na binati niya ako bago niya ako pinagbuksan ng pinto.

"Hello, manong." bati ko dito.

"Naku, Ms. Alex ang tagal niyo pong nawala. Namis po namin kayo."

Aside sa mga malalapit na kaibigan ko at mga kaibigan at workmates ni Mama sila sila lang ang nakakaalam tungkol sa nangyari kay Mama. Mas okay narin na ganito para hindi ako makakuha ng mga tinging nakakaawa o ano. I don't want them to pity me or act differently towards me.

Anyways, Alex. Right, could I still use this name around here? Baka magkalituan lang kami kapag dinala ko na dito si Alex Delgado.

After ng batihan at kumustahan namin ni Manong Jaime ay nagpaalam narin ako dito at naglakad na papunta sa elevator.

I wore the black sunglasses when I entered at dahil sa ibang kulay ng buhok ko ay wala talagang nakakilala sa akin ng pumasok ako. And that's what I wanted. Ayaw kong dumugin ng mga tao dito ngayong ito ang unang beses na bumalik ako dito.

When Mom stayed in the hospital, aside sa school at bahay wala na akong ibang pinuntahan. I wasn't active in any of my social media accounts at hanggang ngayon ay wala parin akong inoopen kahit isa sa mga iyon.

Pagpasok sa elevator ay pinindot ko kaagad iyong button for 3rd floor.

I can't wait to finally see my friends. I miss them.