Natasha Alexandra Reymundo
Florence State, Reymundo Residence
July 21 Thursday
Madaling araw na kami nakatulog ni Abuela kaya hindi na nakakapagtakang nagising kami ng mga tanghali na. Mag-ooffer na sana ako na, ako na ang magluluto ng tanghalian kaso ayaw ni Abuela. Sabi niya na hintayin nalang daw namin si Manang Lena dahil tinawagan niya na ito para sa pagkain naming dalawa. Kaya naman pagbangon ko sa kama ay naligo nalang ako.
After maligo ay pinuntahan ko iyong mga aso sa kwarto nila para pakainin. Buti hindi nila ako ginising sa kwarto kanina kung hindi maiistorbo ang pagtulog ni Abuela.
Hindi din nagtagal ay dumating narin si Manang Lena kasama si Mang Berting na naghatid dito. May pack lunch itong dala para sa amin ni Abuela. Nang ihain nito ang dala nitong pagkain ay doon ko lang narealize na kahit mukhang sosyal at magarbo ang dating ni Abuela ay simpleng tao lang din ito. Wala itong pakialam kahit na simpleng ulam lang ang iharap mo dito.
I still can't believe na pinaghain kami ni Manang Lena ng pakbet at adobo at sobrang sayang kinain lang iyon ni Abuela.
I don't really care if pakainin mo lang ako ng tuyo at daing dahil wala naman akong arte sa pagkain. Lalo pa't kahit may kaya ang pamilya namin ni Mama ay hindi niya ako hinayaang lumaki na mapili sa pagkain. We can eat the most luxurious food we can buy pero wala din kaming pakialam kung simpleng pagkain lang din ang kakainin namin. Laki sa hirap si Mama kaya hindi niya ako hinayaang maging maarte sa mga bagay-bagay. Sabi nga ng mga kaibigan ko "ako na ang mayaman na kung umasta ay pinakamahirap sa grupo". Napaka-kuripot ko kasi na akala mo ba ay kulang na kulang kami sa pera ni Mama. Sa tuwing may labas ang barkada sila parate ang taya. Though mapapagastos mo rin naman ako kapag sinumpong ako at kapag kailangan talaga. And at least pagdating sa pagbibigay ng mga regalo isa ako sa grupo namin na magarbo lagi ang binibigay.
Nagulat lang talaga ako na wala ding arte sa mga ganitong ulam si Abuela.
After naming kumain ni Abuela ay doon ko na ito tinour sa buong bahay. At sinimulan ko iyon sa sala.
"Oh my! You guys have a piano!" gulat na sambit nito ng makita nito ang grand piano sa may sala. Hindi kasi ito makikita kapag pumasok ka lang sa bahay. Kailangan mong pumunta mismo sa living room para makita ito. "Do you play, mija?"
"Hmm. Mom taught me." sagot ko whilst running my fingers on the keys of the piano.
I haven't played ever since ma-ospital si Mama and I don't think I'm ready to do it now.
"If you don't mind me asking, mija. What really happened to your mom?"
I clenched my fist when I heard that question that I know I've been trying to avoid since I met her. But alas, I also know that I can't really avoid this question as much as I want too. And because I know that I can't really avoid answering this question now, I made sure to block my emotions and faked a convincing smile that I've been wearing ever since I found out about my Mom's illness.
"It was a month after new year. I was busy finishing my projects with my groupmates ng may tumawag sa akin at sinabing itinakbo sa ospital si Mama. Pagdating ko sa ospital kinausap ko kaagad iyong doctor na umasikaso kay Mama at sinabi niya nga sa akin na may sakit si Mama. It was leukemia. At first the doctor told us that Mom has a high chance of recovering kasi kahit papaano ay hindi pa kumakalat sa katawan niya iyong cancer but then out of nowhere bigla nalang bumilis ang pagkalat nito. The doctor told us that the marrow transplant is our only choice to get her to really recover. But aside from the high risk of this procedure kailangan naming makahanap kaagad ng compatible donor. And yeah, we couldn't really find one ng ganun kabilis. We couldn't wait any longer dahil every single day that passed by mas humihina ng humihina ang katawan ni Mama. Pero hindi parin kami sumuko sa paghihintay. Pero ayun na nga after weeks of waiting bumigay din ang katawan ni Mama."
"Oh, mija." kahit hinila niya ako para yakapin ay walang tumulong luha sa mga mata ko. I pushed those heavy emotions inside me at hinayaan ko lang itong yumakap sa akin. But shockingly, hearing her sob, crying for what happened to my Mom, parang unti-unti ding gumagaan ang pakiramdam ko. Dahil ayokong umiyak at magbreak down, sa ginagawa niyang pag-iyak ay parang iniluluha na niya ang luhang hindi ko mailabas sa mga mata ko. Para sa aming dalawa ay inilalabas na niya ang mga emosyong pilit kong tinutulak palayo sa akin. Because I couldn't, I wouldn't, cry and break down right now.
I'm starting to be thankful for her in doing this kahit hindi niya alam ang apekto niya sa akin.
"It must have been so hard. I can't believe na hinandle mo ang lahat ng iyon ng mag-isa."
"I have my friends with me that time, Abuela. So, don't worry."
"But still, if we could've known your whereabouts before these all happened. Hindi mo ito haharaping mag-isa. We could have been there for the both of you."
"There's no help on dwelling things, Abuela. No need for what ifs. Ang mahalaga ay magkakilala na tayo ngayon at dahil sa iyo hindi na ako mag-isa."
"Oh, mija. You wouldn't be alone anymore. I'll make sure of it." puno ng determinasyong pahayag nito.
Napa-ngiti naman ako dahil doon. Yes, I'm no longer alone. I have you now. I have a lot of family now. That's what I should look forward too.
Asia Mall
July 21 Thursday 2:38 pm
We went shopping after ng madamdamin naming pag-uusap at pagtour sa buong bahay. I don't know what we're going to shop dahil halos lahat naman na ng gusto at kailangan ko ay nasa akin na. I don't need to buy clothes dahil every week ay pinapadalhan ako ni Tita Celine ng mga clothes and stuffs na halos minsan ko lang naman nagagamit.
Tita Celine owns a boutique. The ELE's Boutique. ELE is the acronym of her son's names. E for Edmond. L for Lindon. E for Ericson.
The boutique may be on the smaller side kind of shop pero kakaiba ang boutique nito. Her boutique is where you can find affordable designer's stuffs na gusto mo. From LV, Dior, and more well-known brands that you know. I don't know how she got her permit to sell these stuff but, hey, she makes her customers happy. At dahil sa kaniya most of my stuffs are designers.
Tita Celine is my Mom's best friend and my Ninang. Actually, I could've just stayed with her and all pero dahil sa kagustuhan ni Mama na magkasama na kami ni Alex, base sa nakalkal kong mga journals ni Mama sa kwarto niya, ay kinailangan ko paring gawin ito.
Aside sa branded stuff na pinapadala niya weekly sa bahay ay may mga kasama din iyong mga local stuff na well-known dito sa bansa. She's the very reason why I'm always seem so updated in fashion. At kung bakit naadik narin ako sa fashion. Wala kasi siyang anak na babae at dahil nagkaproblema na siya sa pagbubuntis ulit ay wala na talagang pag-asang magka-anak pa siya ng babae kaya naman dahil sa gustong-gusto niyang magka-anak ng babae ako na ang tinuring niyang anak niya. It's okay naman kasi Ninang ko na siya. That's why I'm very, very spoiled by her.
Hmm, maybe I should take Abuela to her shop one of these days. Though I can only do that after Alex find out about me and everything are all settled.
"What do you want to buy, mija?" tanong ni Abuela ng makapasok na kami sa mall. "Just tell Abuela. I'll buy it for you."
"I don't really have something in particular that I want to buy. I already have lots of stuff in my closet." I said not only pertaining to the mini walk-in closet in my room but mostly the big walk-in cloest in the house.
"Oh, mija. There's no such thing as a lot of stuff when it comes to shopping."
Oh, yeah. I am going to be the most spoiled brat in the whole world because of these people.
"Well, why don't we just relax for now, Abuela. We can go to the salon, I do need to fixed my hair before the school year start. We can also go and have facial and body treatments."
"Ohhh... I like that. We can also have mani-pedi and..."
Man, my Abuela acts more like a teenager than me. She's really fun!
And for the whole day nga ay pampered na pampered kami. From our hair hanggang sa pinakatalampakan ng paa namin.
I didn't know how much I needed this. I can't remember when were the last time I relaxed ever since I found out about my Mom. I've been stressed out and drained. I'm really thankful to have my Abuela this time.
Margaret Rosanna Lopez-Delgado
Florence State, Reymundo Residence
July 21 Thursday
For the whole time ay unti-unti kong kinikilala ang apo ko na wala akong ideya na nabubuhay sa mundo. Base from what I've learned from her and observed she's a very outstanding young lady. Her Mom did an outstanding job of taking care of her. I just wished that we've known her a little more ealier. I also would've loved to meet her, so, I can thank her for everything she had done for my son and granddaughter.
Naka-ngiting pinagmamasdan ko siya sa tabi ko at hinahaplos ang kulay abo niyang buhok. It actually look like a silver color but with blue tips. After naming matapos sa mga treatments ay kumain na kami sa restaurant bago kami umuwi. Mga quarter to 10 na ng gabi kami nakauwi dahil doon. At pagdating nga namin sa bahay ay pareho na kaming bagsak sa kama. Hindi naman nakakapagod ang mga pinaggagawa namin but with all the relaxing and pampering pareho nalang naming gustong ipagpatuloy ang pagpapahinga.
And here, nakatulog na nga si Natasha sa tabi ko.
She looks like an angel. A very, snow white looking angel. Sa sobrang puti ng kutis niya ay mas lalo pang naenhance iyon dahil sa kulay ng buhok niya.
I didn't mind her coloring or styling her hair because her cousins can do a lot of more weirder hairstyle than her. I'm no strict Grandma. I love my grandchildren so much. My husband can be the uptight and strict one for the both of us, so, I'll be the spoiler and pampering one instead.
Hay, my granddaughter had suffered so much. Kahit hindi niya sabihin sa akin ang lahat ng nangyari sa kanila ng Mama niya ay may ideya na ako kung gaano siya nag-suffer sa mga panahong nasa ospital ang Mama niya. I can't just imagine how hard it is to plan your own mother's burial at such a young age.
"Oh, poor thing." parang ngayon nalang siya ulit nakapag-relax. She must be really tired.
Kailangan ko na talagang makausap si Alex as soon as possible. I don't need a DNA test just to clarify that she's my son's daughter. Sabihin ng lukso ng dugo pero kitang-kita ko din kung gaano kalaki ang impluwensiya ng itsura ni Alex kay Natasha.
I've seen the pictures of Natasha's Mom around the house and she look like a very beautiful and respected woman. I've seen her tropies, certificates including Natasha's own in the living room. She really influenced Natasha so much and I'm very thankful for that.
Pero kahit ganun ay hindi parin nakaligtas sa mga mata ko ang mga katangian ni Alex sa kaniya. From those enchanting blue eyes and the natural curls of her long hair. Nakuha niya iyon sa Dad niya. When she crinkled her nose kapag may nakita siyang hindi niya nagustuhan at pati narin ang pagka-disgusto niya sa makalat at magulo. Like my Alex ay may OCD din siya. Hindi man sila nagkasama at nagkakilala hanggang sa lumaki si Natasha ay nakakatuwang makita na nakuha niya parin ang ilan sa mga habits and mannerisms ni Alex. I can't wait to see them together. They will be so cute together. Siguro kung noon ay hindi ko masasabi ito pero her temperament ay parehong-pareho ngayon kay Alex.
Hay, I'm really thankful at napalaki siya ng maayos ng Mom niya. She really did an outstanding job sa pagpapalaki sa kaniya. I may not know how hard it is to take care of a child on my own pero alam ko kung gaano kahirap magpalaki ng anak kahit na kasama ko ang asawa ko. She must have worked really hard.
Natigil naman ang pag-iisip ko ng marinig ko ang pag-tunog ng cellphone ko. I took it immediately bago pa magising si Natasha. I wouldn't want that. She need her rest so much.
Nang makita ko ang pangalan ng asawa ko na tumatawag ay napa-ngiti nalang ako. I may have worried him so much for him to call me. Doon ko lang din naalala na simula pa kahapon ay hindi ko pa siya natatawagan. Every time na umaalis kasi ako ay gumawa na kami ng deal na every night ay tatawag ako para mag-usap tungkol sa mga nangyari sa araw namin. At namis ko na ang dalawang gabi na hindi siya nakakausap.
Hay, even though naiinis ako sa kaadikan niya sa mga kabayo niya alam kong ako parin ang higit na pinakamahalaga para sa kaniya at kung gaano din niya ako kamahal ng sobra. Kaya nga kahit pa naiinis ako ay hindi ko siya pinipigilan sa mga kagustuhan niya.
Oh, I need to tell him about Natasha. He'll want to meet her soon, I know. Mukhang may dahilan ako para papuntahin siya dito at mailayo siya sa mga kabayo niya.