HYACINTH'S POV
"Wala pang tao. Ibig sabihin, tayo ang nauna rito," puna ni Kithara pagdating namin sa Aldebaran room. Dito gaganapin ang Wielders' meeting namin ngayong araw.
"Ano kaya ang pag-uusapan natin ngayon?" tanong ko sa dalawa.
"Malamang na tungkol sa preparations para sa Dark Intramurals," hula ni Oliver.
"Sabagay. Sa October na 'yun, 'di ba?" wika ni Thara habang nage-FB.
"Oy. Nauna na pala kayo. Kumusta ka na, Hyacinth?"
Nanigas ang leeg ko pagkarinig ko sa boses na 'yun. Nandito na pala siya.
"Hi, Charlie! Nakakatampo ka, ha. Ba't si Hyacinth lang ang binati mo?" singit ni Thara.
Napangiti si Charlemagne. "Lagi ko naman kasi kayong nakikita ni Oliver. Unlike kay Hyacinth."
I faked a smile and faced the guy. "Hi, Charlie! Yeah, you've been scarce lately."
"'Di, a. Ikaw nga 'tong sobrang hirap hagilapin," tila nagtatampong wika ng binata.
"Hi, Thara! Kumusta na? Ang tagal na nating hindi nagkikita."
In an instant, nakita kong naghugis-puso ang mga mga mata ni Kithara.
"Jacob!!! Oh my gosh, hindi man lang ako nakapag-retouch. Nasaan na ba 'yung lipstick ko?"
"'Di na kailangan, Thara. You're already very beautiful as you are," Jacob said before winking.
At ang gaga, kulang na lang e himatayin sa kilig. 'Di man lang nagpakipot kahit konti.
"Pasensya na at nahuli ako," wika ng kadarating lang na si Prof. Ricafort.
Agad na kaming nagsiupo. I sat beside Oliver para makaiwas kay Charlie.
"Alam niyo na siguro ang pag-uusapan natin ngayon," bungad ni Prof. Ricafort.
"Of course. Tungkol sa nalalapit na Dark Intramurals," tugon ni Jacob.
Tumango ang propesor. "Nalalapit na kasi ang taunang kompetisyon, kaya kinakailangan na nating maghanda. Isa pa, meron akong napakagandang balita tungkol dito."
"Ano naman 'yun, Professor Ricafort?" usisa ni Kithara.
Napangiti ang matandang lalaki. "Espesyal ang taong ito para sa Celesticville Academy, dahil nagkaroon tayo ng Elemental Magic wielder. At hindi lang isa! Tatlong Elemental wielders ang meron tayo."
Napamulagat kaming lahat. Bilang mga Zodiac Stars, ang official na Magic Wielder's guild ng Celesticville, batid namin kung gaano kalakas ang kapangyarihang taglay ng mga Elemental Magic wielders. At meron kaming tatlo! Tiyak na malaki ang bentahe namin sa darating na Dark Intramurals.
"Pero siyempre, gaya ng patakaran ay kakailanganin pa rin nilang dumaan sa Qualifying Stage. Kung makakapasa sila, makakasama na sila sa team ng Celesticville," pahabol ng propesor.
"Pero Prof., paano naman kaming lima?" pagkaklaro ni Oliver.
Tumango ang matanda. "Bilang carry-over at seniors ng team, pasok na kayo agad sa delegation."
Ibig sabihin, may pitong slots pa na paglalaban ng rookie wielders. Nakaka-excite naman!
Tapos na ang meeting nang lumapit ulit si Charlie sa'kin.
"Hyacinth, good luck sa team natin this year," wika ng binata.
"Oo nga. Sana tayo na ang mag-Champion this year," sang-ayon ko rito.
Ang akward ng moment. Ano ba kasi ang dapat naming pag-usapan? Nakita kong akmang bubuka ang bibig ng lalaki nang tumunog ang phone nito. Buti naman...
"Sorry, Hyacinth. Got to go. Nariyan na kasi si Leslie. Paano, see you around?'
Tumango ako at ngumiti nang tipid. "Of course. See you around."
Nakalabas na ang lalaki pero patuloy pa rin akong nakamasid sa kawalan.
"Hoy! Nahipan ka na ba ng masamang hangin?" untag bigla ni Oliver sa'kin.
"Ha?" gulat kong sambit. "'Kaw pala, Oliver. Si Thara?"
He sighed. "Saan pa ba? E 'di kalandian na naman si Jacob. And you were..."
"Tama na. Please, not your sermons on the mount today, Fr. Green," biro ko sa kaibigan.
Napatawa ito. "May klase pa ako at six. Iwan na ba kita?"
"Sabay na ako lalabas. Pauwi na rin ako. For sure, 'di iiwanan ni Thara si Jacob."
Lumabas na kami ni Liam (pet name ni Oliver, though ayaw niyang tinatawag namin siya nang ganun) ng room nang may makita akong isang eksenang dumurog sa aking puso.
Yakap-yakap ni Charlie si Leslie, ang girlfriend nito. Maya-maya pa, kinabig ng babae si Charlie at hinalikan ito sa lips!
"Mga taong 'to. 'Di na nahiya. Magpi-PDA na rin lang, kailangan pa talagang sa plaza ng school! E ang daming estudyante –" Napahinto si Oliver sa paglilitanya nito. "Hyacinth?"
"Ang sakit pa rin pala, Oliver. Ang sakit pa rin pala..." wika ko. Maya-maya pa ay naramdaman ko ang mga butil ng luhang nag-uunahang pumatak sa pisngi ko. "Siguro nga, deserve ko rin 'to for turning him down. Kaya ngayon na masaya na siya, wala na akong karapatang maging ganito. Pero ang sakit pa rin, e. Nasasaktan pa rin ako kasi mahal ko pa rin siya!"
Tumalilis ako palayo sa dalawang taong nagwasak ng aking puso. Hindi ko na pinakinggan si Oliver na tumatawag at pilit akong hinahabol.
XAVIER'S POV
Akala ko talaga ay magiging nakakabagot ang buhay ko rito sa Celesticville. I mean, Manila City boy ako, and this is mountain top Baguio. Kung hindi lang dahil sa parents ko, at sa isang taong lihim kong sinusubaybayan, I would never even think of choosing this school for my tertiary. But as I've said, it's surpisingly fun in here, at mukhang magiging mas exciting pa.
"Xavier?!? Sabi ko na nga ba at makikita kita rito."
Agad akong napalingon sa likuran. Shocks, it's Kristoffer Soo! My eternal rival...
"Anong ginagawa mo rito?!?" paasik kong tanong sa lalaki.
He flashed a nonchalant smile. I moaned. He's just as relaxed as ever.
"The lobby isn't the best place to talk, you know. Cafe Betelguese na lang tayo."
I sighed. Against my better judgment, sumama ako kay Kristoff. Pagkarating sa cafeteria, I ordered a serving of Aqua Gelatin shake, while he had Pineapple Jolt juice. He offered to pay my bill but I rejected his offer. Nakaupo na kami sa pinakasulok na mesa nang muli ko siyang kinausap.
"I didn't expect you showing up here," panimula ko sa kaharap before sipping my shake.
Bahagyang napangiti ang lalaki. "Ang hilig mo talagang magkunwaring tanga, Xavier."
Nag-init ang ulo ko sa tinuran nito. "Hindi ko alam 'yang sinasabi mo. Your language, Kristoff."
"Dalawa tayong Elemental Magic wielders na magkaharap ngayon. Alam kong alam mo ang ibig kong sabihin, Xavier Reyes," he snapped, though still holding a smile while sipping his juice.
Of course. We were rivals in high school, hindi lang dahil kami ang top student-athletes ng respective schools namin, kundi dahil pareho naming alam na ang isa't isa ay Elemental Magic wielders.
"Nabalitaan ko ang alitan ninyo ni Sloane," bigla kong wika rito.
Nakita kong umasim ang mukha ni Kristoff. "He insulted my friend."
"Kilala nating pareho si Sloane. Kailangang mag-ingat ng kaibigan mo," paalala ko rito.
"As if hahayaan kong masaktan niya si Cilan. He will have to pass through my dead body."
Napangiti ako, hinting something. "May gusto ka sa kaibigan mo, 'no? And Cilan is the name. Ibig sabihin, he's..."
"Kaibigan ko lang si Cilan," mariing giit nito. "And why the sudden concern, Xavier?"
"Huwag kang magmaang-maangan, Kristoff. We both know na tulad nating dalawa, isa ring Elemental Magic wielder si Sloane," I responded.
"E ano naman kung Elemental Magic wielder din si Sloane?" hamon ni Kristoff.
Nag-iwas ako ng tingin. "Ayoko lang na magkagulo tayong mga Elemental Magic wielders nang dahil 'diyan sa kaibigan mo."
Ngumiti si Kristoff. "Maglolokohan ba ulit tayo, Xavier? 'Yan lang ba talaga ang dahilan mo?"
Tinitigan ko nang matalim ang lalaki. "Hindi ko alam kung ano 'yang tinutumbok mo!"
"Don't worry, Xavier. Your secret is safe with me," Kristoff teased with a wink.
Bahagya akong namula. Dapat talaga hindi na ako nakipag-usap sa baliw na 'to! Haaays...
CILAN'S POV
Two weeks passed since the first day of school, and that unfortunate encounter with Sloane. So far, masasabi kong naging maayos ang pag-aaral ko dito sa Celesticville. Madalas kaming nagba-bonding nina Monique, Timothy, at Kristoff lalo na tuwing lunch break.
"Hoy, Cilan! Uwi na tayo!" yaya ni Monique nang napadaan ito sa room namin.
"'Di pa pwede, BFF. May project pa ako, e. Sige na, mauna ka na," taboy ko sa kaibigan.
"Sure ka? E, 7:00 P.M. na. Bukas mo na lang tapusin 'yan."
"Deadline ko na bukas. Sige na Monique, bye!" muli kong paalam sa kanya.
Ipinagpatuloy ko ang paggawa sa Chemistry project ko pagkaalis ni Monique. After a little less than two hours, sa wakas ay natapos na rin ako. Inilagay ko muna sa locker ko ang project bago ako nagpasyang umuwi na.
Naglalakad na ako sa gitna ng plaza nang maramdaman kong tila may sumusunod sa akin. I decided to walk faster pero tila mas bumilis din ang mga yapak na sumusunod sa'kin. Sa huli, I decided to face whatever or whoever is chasing me.
Nanlaki ang mga mata ko after seeing the one chasing me. "S-Sloane?"
Napangising-aso ang lalaki. "Cilan naman. Ba't parang takot na takot kang makita ako?"
I refused to talk back. Dahan-dahan akong umatras, pero dahan-dahan ding humakbang papalapit sa'kin si Sloane. Bigla akong nadapa at napasubsob sa damuhan.
"Ang lakas ng loob mong ipahiya ako sa harap ng maraming tao, lalo na kay Prof. Ricafort!" galit na sigaw nito. "Ngayon, pagbabayaran mo na ang kasalanan mo... loser!"
To my much horror, nakita kong nagliyab ang mga mata ni Sloane. Parang apoy... gumagalaw na apoy! Pero mas lalo akong kinilabutan nang mabalot ng apoy ang kanang kamay ng binata!
"Tapos ka na ngayon, Cilan!" sigaw ni Sloane, sabay bato ng bolang apoy patungo sa'kin.
I ducked to the ground, my arms covering my head. Kung ngayon na ang katapusan ko, hindi ko gugustuhing makita ang magiging wakas ko.
Lumipas ang ilang segundo pero wala akong naramdamang sakit o pagkapaso.
Nakakapagtaka. Slowly, I peeked to see what happened, only to be surprised even more. Si Kristoff, nakatayo na sa harap ko, at nababalot ng visible electricity! Saan siya nanggaling... at iniligtas ba niya ako?!?
"Kristoff..." Dahan-dahan akong tumayo at tinapik sa balikat ang kaibigan. "Salamat, pero..."
"Walang anuman. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung sakaling may mangyaring masama sa'yo," he reassured me, flashing a smile as bright as his electric aura.
"Ang sweet niyo naman," pang-aasar ni Sloane, before reverting to villain mode. "Pakialamero ka talaga kahit kailan, Kristoff. Pero mas maigi 'yan, para sabay-sabay ko na kayong tutustahin! Ha! Ha! Ha!"
Kristoff smirked. "Tingin mo, hahayaan lang kitang magawa ang gusto mo?"
"Grrr... tingnan natin ang yabang mo ngayon! Pyros Magic: Flame Pillars!" sigaw ni Sloane.
Itinutok ni Kristoff ang bukas nitong palad kay Sloane. "Astrapi Magic: Static Force!"
Nagsagupa ang nagngangalit na apoy ni Sloane at kakila-kilabot na kuryente ni Kristoff. Parehong napakalakas ng dalawa! Sa huli, isang malaking pagsabog ang naganap. Tabla sila.
"Itigil mo na ito, Sloane! This is pointless!" pakiusap ni Kristoff.
Ngumisi lang ang kalaban nito. "'Yan ang problema sa'yo, Kristoff. Masyado kang malambot!"
Isang bola ng apoy ang binuo ni Sloane at inihagis diretso sa'kin! I thought of dogding but I froze in fear. Before I knew it, itinulak na ako ni Kristoff at ang kaibigan ang sumalo ng atake.
"No! Kristoff!" Agad kong dinaluhan ang nakalugmok at sugatang kaibigan.
"Ah..." mahinang daing ni Kristoff. Mukhang masama ang pagkakatama rito.
"'Yan tuloy ang napala mo! Ha! Tutal, gusto niyong magdamayang magkaibigan, sabay ko na lang kayong tatapusin," banta ni Sloane. Isang mas malaking fire ball ang binuo nito using both his hands.
Tumayo ako at iniharang ang katawan ko to protect Kristoff.
Napatawa si Sloane. "As you wish, uunahin na kita. Paalam na, loser!"
Ipinikit ko na lang ang mga mata uli, pero hindi na naman dumapo sa'kin ang atake ni Sloane.
"Imposible! Ibig sabihin, may kapangyarihan din ang loser na 'to?!?"
Anong pinagsasabi ni Sloane? Binuksan ko ang mga mata ko. Isang napakalaking puno ng akasya ang nasa harap ko at sumangga sa atake. Teka... hindi naman ako ang gumawa niyan, 'di ba?!?
"'Di bale, kahit pareho pa kayong may kapangyarihan, hindi niyo pa rin ako matatalo!"
"Itigil mo na 'to, Sloane, kung hindi ay mapipilitan akong saktan ka."
Napalingon ako sa nagsalita. Si Timothy! Nakasuot ito ng royalty costume at may hawak na espada. Nandito rin siya, pero anong trip niya sa suot niya?!?
Tumawa si Sloane. "Tingin mo Tim, masisindak mo ako 'diyan sa espada mo?"
Ngumiti si Timothy. "Hindi. Pero sa kanila, baka oo. Animo Magic: Multiple Soul Gift!"
Timothy opened a chessboard. Biglang naglitawan sa paligid ang mga life-sized chess pieces at pinalibutan si Sloane! Lahat sila ay armado at tila handang-handa nang umatake. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagkabigla ni Sloane.
"Bibigyan kita ng pagpipilian, Sloane. Payapa kang aalis at hahayaan kaming makauwi na o manlalaban ka at babalian kita ng mga buto?" matalim na pagbabanta ni Timothy.
Sandaling tila nag-isip si Sloane. Maya-maya ay bigla itong sumigaw sa sobrang pagkainis. "May araw din kayong tatlo sa 'kin. Tandaan niyo 'yan!"
Mabilis na tumakbo paalis si Sloane at sumakay sa red na BMW nito. Binuksan ni Timothy ang hawak nitong chessboard at pumasok ang mga chess pieces doon, returning to their normal size.
Dinaluhan namin ni Timothy si Kristoff at tinulungang makatayo ang kaibigan.
"Ayos lang ba kayong dalawa?" tanong ni Timothy na may pag-aalala.
Tumango si Kristoff. "Buti na lang at nakarating ka agad. We owe you one, bro."
"I was actually late. Napuruhan ka pa tuloy ni Sloane," ani Timothy.
"Ano ba kayo? Bakit may mga powers kayo?" naguguluhan kong tanong sa mga kaibigan.
Nagtinginan ang dalawa, tila nagtuturuan kung sino ang sasagot sa tanong ko.
"Cilan, mga Magic wielders kami ni Timothy, pati na rin si Sloane," malumanay na sagot ni Kristoff.
Napakunot-noo ako. "Magic wielders?"
"Magic wielders ang tawag sa mga indibidwal na nabiyayaan ng kakaibang kapangyarihan mula pagkapanganak. Kadalasan, kusang lumalabas ang powers namin pagsapit ng ika-12 birthday namin," muling pagsagot ni Kristoff. "At base sa nakita namin... isa ka ring Magic wielder, Cilan."
Umiling ako. "Hindi totoo 'yan. Wala akong kapangyarihan. Ordinaryong tao lang ako."
"Paano mo ipapaliwanag ang malaking puno na nakatayo ngayon sa plaza?" hamon ni Tim.
Muli akong napailing. "Ewan ko... bigla na lang 'yang lumitaw, e."
"Hindi, Cilan," giit ni Kristoff. "May kapangyarihan ka. Isa ka ring Magic wielder."
Sa dami ng kakaiba at 'di kapani-paniwalang pangyayaring naganap ngayong araw na 'to, 'di na kinaya pa ng isip ko at bigla na lang akong nawalan ng malay. Narinig ko pa nang bahagya ang boses ng mga kaibigan bago ako tuluyang nilamon ng kadiliman.
Nagising ako sa isang hindi pamilyar na kwarto. Nilibot ng mga mata ko ang kabuuan nito, at agad kong napansin na ang daming laruan. By the looks of it, lalaki ang may-ari ng kwarto.
"Thank God at gising ka na," bati ni Kristoff, bakas sa mukha ang pag-aalala.
Napangiti ako. "Okay lang ako, Kristoff. Ikaw nga ang dapat kong inaalala, e."
"Don't mind me. I'm just so happy na ok ka na," sinserong wika ng kaibigan.
Bumukas ang pinto ng kwarto at iniluwa nito si Timothy. May hawak na tray ng mango float at pineapple juice ang binata. "Cilan, gising ka na pala. O, kumain muna kayong dalawa."
"Nasaan ba tayo?" nagtataka kong tanong while rescanning the room.
"Nasa kwarto ko tayo ngayon," sagot ni Timothy. Ibig sabihin, mahilig si Tim sa mga laruan?!?
Naalala ko na naman ang mga nangyari kanina. "'Yung mga nangyari kanina..."
"Totoo lahat nang 'yun, Cilan," putol ni Kristoff sa sinasabi ko. "May powers tayo, Cilan. Taglay ko ang Astrapi Magic, kaya ko nakokontrol ang kidlat at kuryente."
"Nasa akin naman ang Animo Magic. Kaya kong magbigay ng buhay sa mga bagay na walang buhay in a short amount of time at gamitin sila sa laban," dugtong naman ni Timothy.
"Ibig sabihin, hindi kayo mga tao?" gulantang kong tanong sa dalawang kaibigan.
Napatawa si Timothy. "Siyempre, mga tao pa rin kami. But we were given special gifts, our powers."
"At ganun ka rin, Cilan," dugtong ni Kristoff. "May taglay ka ring kapangyarihan."
"Hindi ko alam ang mga sinasabi ninyo. Wala akong powers. Period," inis kong wika.
"Kung wala ka talagang kapangyarihan, patunayan mo," hamon ni Timothy.
Tumango ako. "Game! Pero paano ko gagawin 'yun?"
"Nakikita mo 'yang tanim na nakalagay sa plastic pot?" Timmy asked, to which I nodded. "Utusan mo 'yan na tumubo nang husto at itali kami sa baging."
Muntik na akong mahulog sa kama sa sinabi ni Timmy. Ako, uutusan ang isang halaman na tumubo at itali silang dalawa? "This is plain ridiculous! Pero sige, para matapos na. Susubukan ko."
Nag-concentrate ako, at gamit ang isipan ay sinubukan kong 'utusan' ang halaman na gawin ang iniuutos ni Timothy. Halos malukot na ang mukha ko sa kaka-'concentrate' pero ni hindi natinag sa kinalalagyan nito ang halaman.
"This is absurd. Tulad ng sabi ko kanina, wala akong powers."
"You must've been limiting yourself. Try harder!" pange-encourage ni Kristoff.
"Hindi nga kasi ako isang Magic wielder!" hindi na nakatiis kong sigaw.
Sa gulat ko, biglang lumago ang halaman sa paso at agad na pinuluputan ng mga baging nito sina Kristoff at Timothy! Teka, ako ba talaga ang may gawa nito?
"Nagawa mo, Cilan! Sabi sa'yo, e. May powers ka nga!" masayang bati ni Kristoff.
"Pero Cilan... baka naman pwede mo na kaming pakawalan dito?" pakiusap ni Timothy.
Napangiti ako. "Ginusto ninyo 'yan, 'di ba? Puwes, i-enjoy niyo muna. See yah!"
Lumabas ako ng kwarto ni Tim na tawa nang tawa habang naririnig ko ang paghingi ng tulong ng dalawa lalo na't humihigpit na ang pagpulupot ng mga baging sa katawan nila. Buti nga sa kanila!
PROF. RICAFORT'S POV
"Prof. Ricafort, nalaman na po ni Cilan," nag-aalalang wika ni Archer sa akin.
Napangiti ako. "Alam ko. Hindi ko inaasahang ganito kaaga niya madidiskubre ang kapangyarihan niya, at lalong hindi dahil sa mga kapwa niya Elemental Magic wielders."
"Ano na po ang binabalak ninyo ngayon?" usisa ng batang propesor.
Napabuntong-hininga ako. "Hindi magtatagal, marami na rin ang makakaalam ng bagay na ito. Ang tanging magagawa ko na lang ay ang siguraduhing ligtas si Cilan."
"Isasama niyo na po ba siya sa mga sasali sa Dark Intramurals?"
"Ang lakas niya ang magtatakda sa bagay na 'yan, Archer," sagot ko.
Naisip ko ang sampung Elemental Magics. Sa kasalukuyan, taglay ng Celesticville ang apat sa mga iyon: ang Pyros Magic ni Sloane, ang Astrapi Magic ni Kristoff, ang Hydrein Magic ni Xavier, at ang Phyllon Magic ni Cilan. Lima sa natitirang anim na iba pa ay hawak ng iba pang eskwelahang kalahok sa Dark Intramurals. Iisang Elemental Magic na lang ang 'di ko pa natutukoy kung sino ang nagtataglay: ang Nyctos Magic.
"Archer, siyanga pala. Ihanda mo ang paglipat nina Cilan at Timothy sa Sky White. Ihanda mo na rin ang mga uniporme nila," bilin ko pa sa binatang propesor.
"Masusunod, Prof. Ricafort."
TBC