CILAN'S POV
"Anong klaseng puno 'yan? Ba't bigla na lang 'yan tumubo sa gitna ng plaza?"
Napalapit ako sa kumpol ng mga tao. Maraming estudyante ang nakiusyoso sa higanteng puno na aksidente kong naipalabas kagabi. Sino ba naman ang hindi magtataka na ang isang napakalaking puno na wala pa kahapon ay bigla na lang lilitaw ngayon?
"Cilan? Nabalitaan mo na ba?" biglang tawag ni Monique sa 'kin.
Napakabog ang dibdib ko. Alam na kaya ni Monique? "A-Ang alin?"
Ngumiti si Monique. "Inilipat kayo ni Timothy sa Sky White! Magiging classmates na tayo!"
Habang niyayakap ako ni Best friend ay nakahinga ako nang maluwag. Pero napaisip din ako. Bakit kaya kami bigla-biglang ililipat ni Timothy sa Sky White pagkatapos ng insidente kahapon? Hindi kaya... may alam si Prof. Ricafort sa mga naganap kagabi?
HYACINTH'S POV
"Hindi kita maintindihan, Hyacinth. Bakit tayo tutulong na bumuo ng isang grupo na maaaring umagaw ng kasikatan natin dito sa Celesticville?" bulyaw sa akin ni Thara.
Napangiti ako. "Thara, isang boy band ang bubuuin natin. Acoustic band naman tayo, so hindi tayo magkapareha ng genre. Basically, they will not become competition. We're just ice creams with different flavors."
"Besides, are you not confident that we are better than whoever they are?" Oliver teased.
"Of course I am confident," depensa ni Thara. "Nasasayangan lang ako sa effort natin."
Pumwesto na kaming tatlo sa respective seats namin as judges ng audition for Celesticville's newest singing boy band. Ngayong araw, masusubukan ang husay namin sa pagkilatis ng talento ng mga aspiring boy band members sa school. May makakuha kaya ng atensyon namin mamaya?
KRISTOFF'S POV
Nasa loob ako ng Antares Auditorium ngayon para sa 'Search for the New Celesticville Boy Band'. Gusto kong maging bagong guitarist ng binubuong banda. Hindi ko isinama sina Cilan, Timothy, at Monique kasi baka mas lalo lang akong kakabahan at hindi ako makakapag-perform nang maayos sa audition mamaya.
No. 75 ako sa mga auditionees. Marami-rami rin pala kaming gustong maging parte ng singing group. Apat lahat ang hinahanap na positions ng judges: isang drummer, isang bass, isang guitarist, at siyempre ang lead vocalist. Napalingon ako sa mga judges at mas lalo akong kinabahan. Paano, kasama pala sa huhusga si Prof. Melodia, ang malditang Head of Music Department!!!
Isa-isang nag-perform ang mga nagsipag-audition. May mangilan-ngilan na medyo sumabit pero sa pangkalahatan, magagaling din naman ang mga performers. Ngunit lahat sila ay nakatikim ng malupit na 'Next!!!' mula kay Prof. Melodia the Terror.
"Up next is no. 41, Mr. Aaron Xavier Reyes," tawag ni Hyacinth, ang lead vocalist ng Third Harmony Trio, sa susunod na auditionee. Sila ang pinakasikat na acoustic music band ng Celesticville.
Nanlaki ang mga mata ko. Si Xavier, mago-audition? Sa isang music band?!?
"Anong position ang gusto mong makuha?" usisa ni Oliver, bass guitarist ng banda.
"Guitarist," sagot ni Xavier. "I want to be the bass guitarist of the boy band."
Nakahinga ako nang maluwag. 'Kala ko kasi, magkakakompetensya na naman kami.
Kinuha ni Xavier ang electric bass guitar na nasa stage at tumugtog. He was playing 'Counting Stars' by One Republic, and though I hate to admit it, he was playing it so excellently. I never knew a bass guitarist can stand out ala carte, but he did.
After he performed, lahat 'ata ng nasa loob ng auditorium ay napapalakpak, kahit ako.
"Xavier Reyes, right?" mataray na sambit ni Prof. Melodia sa pangalan ng binata.
"Yes?" tila kinakabahang sagot ni Xavier. I chuckled. Marunong pala siyang kabahan.
Ngumiti si Prof. Melodia. "Congratulations, the first slot of the band is yours."
Tuwang-tuwa na bumaba ng entablado ang mokong. Napabuntong-hininga ako. Nakampante man ako dahil buhay pa ang gusto kong position, uncomfortable ako sa ideyang makakasama ko sa banda si Xavier.
Ilan pang auditionees ang sumunod na nag-perform. Wala na namang nakapasa, hanggang sa tawagin ni Oliver ang ika-no. 59.
"No. 59 auditionee, Sloane August Ramirez," pagtawag ng lalaki sa binatang sunod na pe-perform.
I almost fell from my seat. Not again! I tried to calm myself. Chillax, Kristoff. Malay ko, 'di ba? He looked confident but I knew him to be a braggard. Baka naman hindi talaga siya magaling.
Sloane sat on the seat next to the drum set. Buti hindi sa guitar area. Naghiyawan ang mga babaeng nakinuod sa audition. Sa pagkakatanda ko, sina Xavier at Sloane pa lang ang tinilian nang ganito kalakas ng audience. I'll have to give it to them, malakas talaga ang appeal nila.
He started with a few slow beats. Agad kong nakuha na 'Bring Me to Life' by Evanescence ang tutugtugin niya. As the song progressed, he created a loud yet pleasant melody of music. He was not only drumming, he was performing. Masarap siyang pakinggan at panuorin.
A single powerful blow signaled the end of his performance. Nagpalakpakan at naghiyawan ang audience pati ang ilan sa mga judges. For the second time, I applauded a person I didn't like much.
"What can I say, ang galing-galing mo!" komento ni Kithara, keyboardist ng Third Harmony.
"Congratulations. Welcome, our new drummer," bati ni Prof. Melodia kay Sloane.
Ngumiti si Sloane, kumaway sa mga tao, at bumaba na ng stage.
Nanlambot ako. Hindi na ako sigurado kung gusto ko pang tumuloy sa audition.
"Kinakabahan ka ba?" usisa ng isang boses sa likod ko sabay tapik sa kanan kong balikat.
Napalingon ako sa nagsalita. "Timothy? Anong ginagawa mo rito? Kanina ka pa ba?"
Napabungisngis si Tim. "Don't worry. I'm not here to audition. Nalaman ko kasi kay Cilan na mago-audition ka kaya pumunta ako to support. You look tense."
Si Cilan, alam na mago-audition ako? "Teka, nasaan na si Cilan?"
"Ewan ko. Ang akala ko nga e pumunta na rito. Baka kasama ni Monique."
Mula sa audition, lumipad ang isip ko kay Cilan. Sa sobrang paglipad ng isipan ko sa pag-iisip sa kaibigan ay 'di ko na napansin ang mga performances na dumaan.
"No. 75, it's your turn Philip Kristoffer Soo," tawag sa pangalan ko ni Kithara.
"Hoy, Koreanong may topak! Ikaw na ang susunod," sigaw sa'kin ni Timothy sabay sapak.
"Aw! What was that for?" asar kong tanong sa kaibigan.
He didn't answer. Instead, he pointed to the stage, then to the judges. Shocks, ako na pala! I ran to the stage, grabbed the electric guitar, and smiled to the crowd, albeit awkwardly.
"On a rush aren't we, Mr. Soo?" panunukso ni Hyacinth.
Lalong naging hilaw ang ngiti ko. 'Di bale, bawi na lang ako sa performance ko.
SLOANE'S POV
After my audition piece, I decided to stay for a while. Nais ko ring makilala ang mga magiging kabanda ko. Isa pa, tapos na ang mga klase ko so I can unwind freely.
"Congratulations. You were awesome," bati ng lalaking tumabi sa'kin. Xavier.
"Ikaw rin. Never knew you can do the bass," ganting-papuri ko sa binata.
He smiled. "'Di ko rin alam na magaling ka sa drums. Magiging bandmates pa tayo!"
We both reverted our attention back to the auditions. I hate to say it, but some were purely crap, while others were simply not good enough. I decided to go out already when...
"No. 75, it's your turn Philip Kristoffer Soo."
What the— si Kristoff, mago-audition din? That jerk...
"Geez, today is full of surprises. 'Di ko alam na may music inclination pala si Kristoff," hayag ni Xavier.
Nasa stage na siya, sukbit ang isang electric guitar sa kaliwang balikat nito. He started strumming the instrument. He's going fancy with 'Passenger Seat' by Stephen Speaks. Swabe ang naging performance niya. He was technically sound and on point, while showing his artistry as a musician.
After his performance, malakas na pinalakpakan ang lalaki. Oh, no...
"Kristoffer Soo... you've made it. Congratulations!" bati rito ni Prof. Melodia.
"Crap! Nakapasok si Kristoff? Kainis naman," asar na asar na reaksyon ni Xavier.
Napangiti ako. Good to know, hindi lang pala ako ang naiinis sa mokong na 'yun.
I decided to stay 'til the end of the auditions kasi wala pang nakukuhang lead vocals. Ang kaso, natapos na ang huling auditonee pero wala pa ring napipili ang judges. Naisipan kong lumabas na ng auditorium and spend my day roaming around the campus before heading home.
CILAN'S POV
The knowledge about my supposed 'powers' really bothered me these past few days. I don't feel like talking about it, 'cause if I do, kanino ba ako dapat makipag-usap? Kay Daddy? Kay Mommy? Kay Monique? Napailing ako. Not even Kristoff or Timothy, I guess.
Naisipan kong magliwaliw muna sa loob ng campus nang mag-isa. Una kong pinasyalan ang mini forest na nasa dulong hilaga ng school. Sunod ay tinungo ko ang botanical and flower garden ng school. I decided to head home nang mapadaan ako sa Deneb room. Naalala ko na isa itong dating Music room na kinonvert bilang Storage room.
Against my better judgment, pumasok ako sa loob. Agad nakuha ang atensyon ko ng isang napakagandang Grand piano. It was peculiarly colored silver, at mayroon pang microphone na naka-attach dito. The sight of the instrument brought back so many memories from the past, memories I'd rather let go than drown myself into.
A part of me wanted to sit on the chair and play the piano, pero alam kong ibabalik lang nito ang mga masasakit na alaalang ilang taon ko rin bago nalampasan. Music will just reopen the wounds I thought time had already healed.
Sa huli, I gave in to myself. Just this once, I told myself. Just once...
Naupo ako sa upuan malapit sa piano. Dinama ng palad ko ang ivory keys. It gave a pleasant and nostalgic feeling, like meeting back an old friend I never saw for a long time.
After seven years, iisang kanta ang nasa isip kong tugtugin. Sinimulan kong tumipa sa keyboard, at maya-maya ay umawit na rin ako...
SLOANE'S POV
May klase pa si Elixir at may pinuntahan si Jeanne kaya solo flight muna ako. Naisipan kong pumunta sa cafe pero hindi naman ako nagugutom. Going straight home is not an option dahil tiyak na mabo-bore lang ako. Wala naman sigurong mawawala if I loaf around for a while, para na rin mas ma-familiarize ako sa mga lugar sa school.
Sa pag-iikot ko ay napadaan ako sa Deneb room. It was kinda creepy, 'yung tipong nakakapangilabot dahil sa antique na aura ng lugar. Biglang may parang tugtog na pumainlang mula sa loob ng kwarto. Napaigtad ako. Minumulto ba ako?
I looked left and right. Walang ibang tao sa paligid. The safe choice is to run away. The out-of-my-mind choice is to peek and see what or who's inside. I sighed. I slowly turned the doorknob and pushed the door. What's inside wouldn't kill me, I guess.
Sinilip ko kung ano ang nasa loob ng kwarto. Una kong nakita ang isang silver piano. May taong nagpapatugtog nito, o 'di kaya'y... multo!!! I shook my head and pushed the door further para mas makilala ko kung ano o sino ang nasa loob, at hindi ako makapaniwala. It was Cilan!
He started singing. Hindi man ako mahilig sa mga senti na kanta, alam kong 'To Move On' ng bandang Kithara ang inaawit ng lalaki.
Ang ganda ng boses niya. Technically, halos wala akong maipintas. But what caught me more was the rich emotion incorporated to his singing voice. Na-brokenhearted na kaya ito? I shook my head. Ano namang paki ko?
"And I will tell my mind, convince it I don't need you, I don't... And I will tell my heart, convince it I don't love you, I don't... And I will tell myself, that I can live, without you oh, no... Though I'd be lying, at least I'm trying... To move on..."
Habang kumakanta si Cilan, ramdam ko ang kurot sa puso niya. Ayaw ko man, a part of me wanted to go to him and comfort him. Crap, ano bang nangyayari sa'kin?
"Cilan?!? My goodness, ikaw ba talaga 'yung kumakanta?"
Napukaw ang diwa ko nang marinig ko ang boses na 'yun. Sumilip ako nang mas maigi at hindi nga ako nagkamali. It was, indeed, Kristoff. Mukhang dumaan ito sa kabilang pintuan dahil hindi ako nito napansin.
Bago pa ako mabisto ay nagdesisyon na akong umalis, dala ang isang kakaibang damdaming biglang bumagabag sa aking isip.
CILAN'S POV
Napalingon ako sa taong tumawag sa'kin. "Kristoff? What are you doing here?"
Tila namamalikmata ang kaibigan at hindi sumagot, kaya pinitik ko siya sa tenga.
"Aray!" reklamo ng lalaki sabay hipo sa nasaktang tenga.
"Ikaw kasi. 'Di ka sumasagot," wika ko. "Ano bang ginagawa mo rito?"
Napangiti si Kristoff. "I was looking for you. Hindi ka kasi nagpunta doon sa auditions pero sinabihan mo si Timothy na suportahan ako. And now, I saw you here, playing the piano like a pro and singing with the most beautiful voice I've heard in my life."
Namula ako. "Hindi mo naman ako masyadong binobola 'niyan, ha?"
"Seriously, Cilan. Friends or not, ang ganda talaga ng boses mo." Then it seemed Kristoff realized something. "Tama! Come, humabol tayo sa auditions."
"What? Ayoko nga. Mapapahiya lang ako."
Umiling si Kristoff. "I'm sure ikaw ang makukuha. Halika na, bilis!"
Bago pa ako makapag-react ay hinila at kinaladkad na ako ni Kristoff. I tried to let go but his grip was just too firm.
Habang naglalakad-takbo kami ng kaibigan ay 'di ko mapigilang mapalingon sa paligid. Halos lahat ng babae at bading ay matatalim ang ipinupukol na titig sa'kin. Paano, ang gwapo nga naman ni Kristoff, tapos hawak-hawak nito ang kamay ko? Mukhang mapapadali ang buhay ko dahil sa lalaking 'to.
Sa wakas, humihingal naming narating ang Antares Auditorium. Pagpasok, napansin naming paalis na ang apat na judges ng audition.
"Sandali!" biglang sigaw ni Kristoff. "May mago-audition pa."
Sabay-sabay na napalingon ang apat sa aming dalawa ng kaibigan.
"Kristoff! 'Yang kasama mo ba ang mago-audition?" tanong ng isang babae.
Tumango si Kristoff. "He'll be vying for the lead vocalist spot."
"Very well," anang matandang propesora. "Please start."
Umupo na ang apat na judges. Nagpunta ako sa stage, habang nakaupo sa first row si Kristoff. Umikot ang mga mata ko and good thing, I saw a grand piano. Lumapit ako sa piano, sat on the chair beside it, and adjusted the mike for convenience.
I breathed heavily, and instantly, I knew the song of my heart. Automatic na tumipa sa keys ng piano ang aking mga daliri. I will play 'Collide' by Howie Day.
"The dawn is breakin'... A light shining through..."
Napapikit ako habang kumakanta, hindi alintana ang mga nakikinig.
"Even the best fall down sometimes... Even the wrong words seem to rhyme... Out of the doubt that fills my mind... We somehow find you and I, collide..."
I slowly opened my eyes after the song. Walang nagsalita sa apat na judges, even Kristoff remained silent. Napatungo ako. Sabi ko na nga ba, going for the tryout was a big mistake.
"Thank you for your time," wika ko bago akmang bababa na mula sa stage.
"Wait!" pigil sa akin ng babaeng propesora. "Ano nga ulit ang pangalan mo?"
"Cilan, po," sagot ko. "Cilan Yap."
Seryoso akong tinitigan ng propesorang judge, then to my surprise, biglang ngumiti ang ginang. "Where have you been? You're definitely the one we've been looking for!"
"But can you please take your colored glasses off? I wanna see your eyes."
"Tumigil ka nga, Thara! Ang landi-landi mo talaga."
"Ibig bang sabihin nito... Tanggap na ako?" di-makapaniwala kong klaro.
"Yes, Cilan," sagot ng only boy na judge. "Just remember, rehearsals niyo na sa Friday."
"Congrats, Cilan! Sabi ko na nga ba't ikaw ang makukuha!" tuwang-tuwa na bati ni Kristoff as he dashed fast for me. I wasn't ready for his charge kaya natumba ako. Nawalan din ng balanse ang binata kaya napahiga din ito, him on top of me.
Suddenly, his eyes were sparkling with happiness, but it faded into seriousness and... contentment? Hindi ko man nakikita ang mga mata ko, I knew that confusion reflected on them.
Tumayo si Kristoff at inalalayan akong makatayo. "Sorry, Cilan. Masyado lang kasi akong na-excite kasi ikaw ang napili at... magiging bandmates pa tayo."
Nanlaki ang mga mata ko. "Bandmates? Ibig sabihin..."
Tumango si Kristoff. "Yup, nakapasok din ako sa auditions!"
"Congrats, Kristoff!" nakangiti kong bati sa kaibigan sabay handshake. "Teka, kilala mo na ba kung sino ang mga magiging bandmates natin?"
"Ah... kasi..." tila nahihirapang sagot ni Kristoff.
Araw ng Biyernes, July 29. Magme-meeting kami ng mga kabanda ko para sa first performance namin sa Acquaintance Party ng Celesticville. Pansin ko ang uneasiness ni Kristoff habang papunta kami sa meeting place ng rehearsals.
"Hey, okay ka lang ba?" concerned na usisa ko sa kaibigan.
He smiled weakly, as if to reassure me. "Of course. Tara na, baka ma-late pa tayo."
Tumuloy na kami sa Procyon room. Pagpasok pa lang ay nagulantang ako sa taong nadatnan ko.
"Ikaw?" sabay naming bulalas ng gulat na gulat ding si Sloane.
"Anong ginagawa mo rito?" inis na dagdag ng lalaki.
Lumingon ako kay Kristoff. "Alam mo ba ang tungkol dito?"
Kristoff sighed and nodded. "I'm sorry, Cilan. 'Di ko kaagad nasabi sa'yo."
"Hindi pa ba sapat ang Koreanong asungot na makakasama ko sa banda, pati ba naman ang bulag at lampang 'yan?" tila naiiritang reklamo ni Sloane.
Naghurmentado na rin ako. Hindi ko na palalampasin pa ang mga pang-iinsulto ng hudyong ito.
"Akala mo naman gustong-gusto ka naming kasama? Hoy, para sabihin ko sa'yo, mas gugustuhin ko pang makasama sa zoo ang isang gorilla kaysa sa isang mayabang, masama ang ugali, antipatiko, at ubod ng kapal ang mukhang damuhong gaya mo!" bulyaw ko kay Sloane.
"May kulang pa ba sa description mo, Cilan?" amused na singit ni Kristoff.
Sloane's eyes widened. "Ah, talaga? Puwes ayoko ring—"
"Hep, hep, hep!" pigil ng isa pang lalaki na kabanda namin. "Guys, magiging bandmates na tayong apat. So whatever differences that we have, e kailangan muna nating i-set aside, okay? Ang mabuti pa, mag-isip na lang tayo ng magiging name ng band natin."
"Tama! A good band always starts with a cool name," susog naman ni Kristoff.
Tila sumang-ayon naman kami ni Sloane dahil pareho kaming napaisip din ng magiging pangalan ng banda. Then, a bright idea popped out of my mind.
"Ba't 'di natin tawagin ang band natin na... 'The Four Elements'?"
TBC