CILAN'S POV
Naging maayos ang mga nagdaang araw ko sa Celesticville, lalo na nang maging magkaklase na kami nina Monique, Timothy, at Kristoff. Pareho kaming nagte-takeup ng Accountancy. Mabuti na lang Civil Engineering si Sloane, kundi...
"Hoy! Lumilipad na naman 'yang isip mo," pukaw sa'kin ng maldita kong BFF.
"'Di, a," pagtanggi ko. "Medyo napapaisip lang ako sa performance namin sa Acquaintance Party."
"Oo nga, 'no? 'Di ba sa August 05 na 'yun?" sabad ni Timothy.
"Kaya nga todo practice na kami nitong si Cilan," masayang pakikisali ni Kristoff.
Masaya kaming nagkukwentuhan habang kumakain sa pwesto namin sa Omnibono nang may isang moreno at matangkad na lalaki ang lumapit at ngumiti sa amin.
"Hello! Anong maipaglilingkod ko, este namin pogi?" Lumalandi na naman si Monique.
Lalong lumawak ang ngiti ng estrangherong binata. Hindi ko maipaliwanag, pero parang merong kakaiba sa aura niya na parang nakaka-attract sa kahit kanino.
"Sorry to disturb you guys. By the way, I'm Jacob Raphael Delgado, III-Psychology. May pinapaabot lang si Prof. Ricafort sa inyo." May iniabot na mga selyadong envelopes ang binata, tig-isa sa aming tatlo nina Kristoff at Timothy.
"Teka, wala bang para sa'kin?" tila nagtatampong tanong ni Monique.
"Sorry Miss, pero special assignment kasi nila 'yan," sagot ni Jacob na hindi pa rin inaalis ang ngiti. "Confidential ang laman niyan, so sana basahin ninyo in private. Gotta go!"
Pagkaalis ng misteryosong envoy ni Prof. Ricafort ay napatingin ako sa puting envelope na iniabot nito. Ewan ko ba, pero parang may hindi maganda akong nararamdaman tungkol dito.
"Kristoff, pwede ko bang makita ang laman ng envelope mo?" pakiusap ni Monique.
"Sorry, Monique. Bawal, e. Baka mapagalitan ako ni Prof. Ricafort," Kristoff responded.
"Ano ba kasi ang laman ng envelope na 'yan at kailangan i-secret pa?" nagdadabog na angil ni Monique. "At saka bakit wala ako niyan? It's so unfair! Nasaan ang hustisya?"
"Baka naman para 'to sa recruitment ng Boy Scouts," suhestiyon ni Timothy.
"Bakit, Monique?" nanghahamon kong wika sa kaibigan. "Boy ka ba?"
"Heh!" singhal nito. "Hihintayin ko na lang ang invitation ng Girl Scouts for me."
Napansin ko ang makahulugang tinginan nina Kristoff at Timothy. Kung tama ang hinala ko, alam na ng dalawa ang nilalaman ng sulat. 'Di bale, malalaman ko rin 'yun mamaya...
CHARLEMAGNE'S POV
"Natanggap na ba nila?" usisa ko kay Jacob.
"Yes, Boss! Areglado, just like I promised," nakangiting sagot ng bestfriend ko.
Umiling-iling si Thara. "Panigurado, ginamit mo na naman ang powers mo."
"Hindi, a. Wala ka bang tiwala sa natural charm ko?" pagyayabang pa ni Jacob.
"Handa na ba lahat ng kakailanganin, Charlie?" paniniguro ni Oliver.
"Ang Council na ang bahala sa paraphernalia, Oliver. Ang kailangan lang nating gawin ay i-inform lahat ng participants, which is Mission Accomplished," sagot ko sa lalaki.
Nasa Aldebaran room ulit kaming lima para pag-usapan ang nalalapit na Zodiac Stars draft. Dalawampung wielders ang inimbitahan namin para sumali.
Kanina ko pa napapansing walang-kibo si Hyacinth. "Hyacinth, are you okay?"
I saw her express a startled look, but she quickly replaced it with a smile. "Yeah, oo naman. Sorry, may nire-rehearse kasi akong kanta since last night kaya medyo lutang ako."
I gave her a thoughtful smile. "You shouldn't push yourself too much, you know."
"Okay lang ako, Charlie. Promise. Don't worry," pang-aassurre ng dalaga.
"Sabi mo, e." Hinarap ko na ang iba pang current Zodiac stars. "Kailangan nating mag-officiate sa mga activities ng Zodiac star draft. Pakitingnan na lang ang schedule of activities to see your assignments. May iba pa bang concerns?"
Walang umimik kaya nag-decide kaming tapusin na ang meeting. Papunta na ako sa susunod kong klase nang may pamilyar na pigurang humarang sa'kin. Si Oliver.
"Oliver... May kailangan ka?" usisa ko sa binata.
"Isang tanong, isang sagot Charlemagne," seryosong wika nito. "Mahal mo pa ba si Hyacinth?"
SLOANE'S POV
August 13, Saturday. The day is marked on my calendar. It will be the day when I'll finally get the reason why I chose to study sa Celesticville: to be a Zodiac star and to compete in the most prestigious wielder's league in the country, ang Dark Intramurals.
Simula nang madiskubre ko noong twelve years old ako ang aking kapangyarihan ay lihim akong nagsaliksik ng mga bagay-bagay tungkol sa pagiging wielder ko. Isa sa mga natuklasan ko ay ang Dark Intramurals, isang kompetisyon kung saan naglalaban ang mga representatives ng anim na magkakalabang schools para tanghaling Philippine Wielders' Champion at makuha ang pagkakataong mag-compete sa Asya at maging sa buong mundo.
Napangiti ako. Bukod kasi sa pagkakataong matanghal bilang pinakamalakas na wielder ay may isang bagay pa akong nais na maisagawa. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang kahihiyang inabot ko sa kamay nina Cilan, Kristoff, at Timothy. Gagamitin ko ang Dark Intramurals bilang pagkakataon para 'legal' na makaganti sa tatlo.
Wala pang nakakaligtas sa galit ko, not even those pesky and pathetically-weak, trying-hard wielders!
CILAN'S POV
Naghahanda na kaming apat sa backstage. Sa loob ng Sirius hall gaganapin ang Acquaintance Party ng Celesticville mamayang 6:30 P.M. Quarter to five pa naman kaya may oras pa kaming mag-ensayo. Tatlong kanta ang ipe-perform namin kaya kailangang extra rehearse kami.
Una naming inensayo ang 'Shut Up and Dance' by Walk the Moon kung saan ka-duet ko si Kristoff. Mabilis ang tempo ng song at bagay na bagay ang swabeng boses ng kaibigan sa kanta. We then proceeded to 'Sunday Morning' by Maroon 5. It was a laid-back song, perfect sa pagse-second voice ng malamig na boses ni Xavier. Finally, we practiced 'Gitara' by Parokya ni Edgar. Dito ako pinaka-hindi komportable dahil si Sloane ang kasabay ko sa pagkanta. Nagulat nga ako dahil kung anong gaspang ng ugali ng lalaki ay siya namang linis ng timbre ng boses niya. Anyone who would hear him will surely fall in love.
"Salamat, sa wakas ay natapos na!" masayang sigaw ni Xavier.
"Oo nga, medyo napagod ako sa ensayo," pakikisabay ni Kristoff. Himala, nagkasundo ang dalawa. Eversince kasi, mainit na ang dugo ng dalawang lalaki sa isa't isa.
"Cilan, susuotin mo ba 'yang sunglasses mo mamaya sa party?"
Napalingon ako sa nagtanong, si Sloane. "First of all, eyeglasses 'to, and yes, susuotin ko 'to."
Napangiwi si Sloane kaya nairita ako. "Bakit, anong masama?"
"Anong masama?" Napahagikgik ang lalaki. "Magmumukha kang bulag na nangangaroling sa stage 'niyan! Ang pangit mo na nga, ang pangit pa ng fashion sense mo!"
"Kung makapanglait ka naman 'kala mo kung sinong..."
"Ano? Guwapo?" pagdudugtong ni Sloane sabay turo sa sarili. "'Di ko na kailangan pang akalaing guwapo ako kasi kitang-kita na ng lahat. It's written all over my face."
"Oo, 'di lang namin kita, ramdam pa namin sa lakas ng hangin," pakiki-asar naman ni Kristoff.
"At least hindi ako tulad ni Cilan, mukhang bulag na masahista," tumatawang pang-iinis ulit ni Sloane. "Ang mabuti pa, mag-ayos na tayo para sa party mamaya. And Cilan, pakiusap mag-suklay ka naman. Ayokong mapagkamalang pugad ng ibon 'yang buhok mo."
Nang makaalis na sina Sloane at Xavier ay saka ko binuhos ang kanina pang naiipon kong inis. "Kainis! Eh ano naman kung pangit ako? Problema ba niya 'yun?!?"
Napalingon ako kay Kristoff, at ang hudyo... nakangiti? Pinagtatawanan ba ako nito?
"Hoy! Anong nginingiti-ngiti mo 'diyan? Pinagtatawanan mo rin ba ako?"
Sa sinabi ko ay biglang humalakhak ang kaibigan. Punong-puno na ako kaya isang malakas na sapak ang pinadapo ko sa braso nito. "Sige lang, pagtawanan mo pa ako!"
Unti-unting humupa ang tawa ni Kristoff. When he finally stopped, he looked at me intently. His eyes were... twinkling. Or am I just imagining things? Hmmm...
"Sorry, Cilan. I was not laughing at how you look. Natutuwa lang ako, sa'yo..."
Napakunot-noo ako. One of his enigmatic words again.
"Ewan ko sa'yo." The last thing I needed right now ay isang taong malabong kausap.
Naglakad na ako palayo sa backstage, habang nakasunod ang tumatawag na si Kristoff.
Six-forty five P.M. Sabay kaming dumating ni Monique sa venue ng 201x Acquaintance Party ng Celesticville. Sa research ko, almost one hectare (9,471 square meters to be exact) ang land area ng pinakamalaking building ng school, enough to comfortably accommodate the 9,723 students ng campus. "The Great Gatsby" ang theme ng party, kaya nagpatalbugan sa mga vintage costumes ang mga dumalo.
"Saan kaya magandang umupo?" tanong ni Monique habang sinisipat ang mga mesa.
"Miss, may designated tables na po lahat," imporma ng isa sa mga usherettes.
Pumunta kami sa reception area. Una naming nakita ang table ni Monique. Table 95, malapit sa right side buffet. Sunod naming hinanap ang table ko. Table 6, isa sa pitong tables na pinakamalapit sa stage.
"Ano ba 'yan! Ba't 'di tayo magkapareho ng tables?" himutok ni Monique.
"Para siguro ma-entice tayong makipagkilala sa ibang mga estudyante," wika ko na lang sa kaibigan.
We both headed to our respective tables. Bago pa ako makaupo sa assigned seat ko ay isang pamilyar na mukha ang nauna na sa'kin. "Kristoff? Dito ka rin sa Table no. 6?"
Napalingon ang binata at tila nagulat. "Cilan? Ah... oo! Ikaw, dito ka rin ba?"
Umupo ako beside Kristoff to his right. Pabilog ang mesa, good for four people at most.
"Ang pogi natin ngayon, a," puna ko sa kaibigan. Well, he's a stunner at any moment, pero iba pa rin ang dating nito in a silver suit na tinernuhan ng lemon button-down shirt, silver pants, black loafers, at silver watch. Mukha itong isang prinsipe ngayon!
"Thanks. Ikaw rin, you look totally different tonight," he replied with a wink.
"Nagmukha akong alien?" nakataas ang kaliwang kilay kong tanong rito.
Napatawa si Kristoff. "Silly, no! Ibig kong sabihin mas maporma ka today. Though I think you will look a lot better wearing contact lenses. And Cilan, natural ba na kulot ang buhok mo?"
Natigilan ako sa tanong ng binata. "Ah... oo naman. Teka, si Timothy ba nakita mo?"
Tumango si Kristoff. "He's at Table 94. Mag-isa pa siya nung nagkita kami."
"Magkatabi pala ang tables nila ni Monique. Good, para may makausap naman si best friend."
"Sorry, pero nakakaabala ba ako?"
Sabay kaming napalingon sa nagsalita. Xavier looked dashing in his sky blue suit and pants, white inner shirt, itim na oxfords, at leather wristwatch. Teka, 'wag mong sabihing...
"Table 6 'din pala kayo," he added. "That means, I'll have to sit with both of you."
Habang umuupo ang lalaki katapat ko ay 'di mapigilang kumulo ng dugo ko. Pinalalabas ba nitong parusa ang pagiging magka-table namin sa kanya? If that's the case, malaya na siyang umalis!
"No, Xavier. It's us who's going to bear seating with you. So to spare us both this ordeal, you are much free to join other tables," nakangiting banat ni Kristoff, yet his words oozed with sarcasm. Wait, is this really my goody friend Kristoff talking?!?
"Sorry gents, but as much as I'd like to provide liberty to your preferred spots, your seats are already designated," nakangiting imporma ni Hyacinth na nasa likuran ko na pala. Siya ang lead vocalist ng Third Harmony, ang pinakasikat na acoustic band ng school.
"Then can you at least give the rationale of this ordeal?" iritableng tanong ni Xavier.
"It was supposed to be a mix-and-match para mas makilala niyo ang mga students ng Celesticville," pakikisabad ni Oliver, bandmate ni Hyacinth. "But ours is a special case. Since performers tayo, we need to sit on one table together para mabilis ang formation ng performance."
I froze. Ibig sabihin, makakasama ko rin sa table si...
"Bingo! Table 6... Teka, what the... pati ba naman sa seating arrangement?"
Lumingon ako sa'king likuran to meet a disgusted Sloane. Kitang-kita ang inis sa mukha nito, but despite the facial expression hindi maipagkakailang napakakisig nito sa suot na jet-black dinner jacket at pants, red inner shirt, at leather loafers.
"Isa ka pa! 'Wag ka nang magsasalita, baka kumota ka sa'kin," iritableng banta ni Kristoff.
Sloane looked stunned at first, pero sa huli ay pinili nitong maupo na lang at tahimik na tumingin sa stage, kung saan ay may ina-announce na mga bagay-bagay ang emcee.
Wala kaming kibuang apat sa mesa. Magkahalong uneasiness at excitement ang nasa mukha ni Xavier. Hindi pa rin maipinta ang facial expression ni Kristoff, habang si Sloane naman ay nag-decide na libangin ang sarili by playing games with his smartphone.
The party was, shall I say, rather boring. Dumaan ang pinaghalinhinang speeches ng mga guests at special numbers ng mga estudyante. Around 7:30 ay nagsimula nang kumain ang mga tao. Ito na rin ang cue ng Third Harmony to start their show.
Nakapwesto na sa stage sina Hyacinth, Kithara, at Oliver. I already heard Hyacinth's singing voice, pero ito ang unang pagkakataon kong makita silang mag-perform kaya excited ako.
"Good evening guys!" masiglang bati ng lead vocalist na si Hyacinth, which earned loud cheers from the audience. "Hope you're enjoying the party. Pero para mas maging special sa inyo ang gabing ito, we are singing three songs, so sana magustuhan ninyo."
Oliver started strumming, then Thara followed suit. The melody was so familiar, it's "Officially Missing You" by Tamia. Unang line pa lang, napahanga na ako ni Hyacinth. Para siyang isang anghel na mula sa langit. Her voice was so soft yet so full of emotions.
When the song went to chorus, napansin kong sa iisang direksyon lang nakatingin ang dalaga. Out of curiousity, I tried to follow her gaze. If my calculations are correct, sa table 52 siya nakatingin. Two girls and two guys are occupying the table, and one of them is Charlemagne. Strange... may hugot ba ang dalaga sa isa sa mga lalaki? Baka naman malisyoso lang ako.
The song went on a breeze, and before I knew it, second song na pala ng banda. They're performing "Summer Sunshine" by The Corrs. It was a lively song yet Hyacinth nailed it in every sense of the word. Pagdating ng chorus, napatingin ulit sa Table 52 ang singer. Sino ba kasi ang lagi niyang pinagmamasdan sa table na 'yun? Si Charlie kaya?
Magsisimula na ang third song ng grupo nang kalabitin ako ni Kristoff.
"Cilan, backstage na tayo. Tayo na ang next na magpe-perform."
"H-Ha?" tila gulat kong tanong. "E, Kristoff kasi... kinakabahan ako."
Napakunot-noo ang Koreano. "Ba't ka naman kakabahan?"
"Kasi naman... ang galing-galing ni Hyacinth, tapos ako..."
"You're an awesome singer," nakangiting dugtong ng kaibigan. Bigla pa akong kinurot nito sa pisngi na ikinagulat ko. "Para sa'kin, ikaw ang the best singer in the world."
"Hoy, mamaya na kayo maglambingan. Kailangan na nating pumunta sa backstage," masungit na sabad ni Sloane bago ito tumayo at naglakad palayo, with Xavier slightly trailing.
Nagkatinginan kami ni Kristoff. "'Anyare 'dun?"
Kristoff shrugged his shoulders. "Dunno. Tara na, excited na ako sa performance natin."
Pagdating sa backstage ay agad kaming pinaupo sa mirrors kung saan kami lalagyan ng konting makeup. My makeup artist wanted to take away my colored glasses pero pinigilan ko siya, kaya inayusan niya na lang ako habang naka-glasses.
We were all set, at narinig kong ipinapakilala na kami ng emcee.
"Ladies and gentlemen, may bagong bandang ipapakilala ang Celesticville na tiyak na magpapakilig sa lahat! Give it up for Xavier, Kristoff, Sloane, and Cilan... the 'Four Elements'!"
Isa-isa kaming lumabas mula sa backstage. Paglabas pa lang ni Xavier, halos mabingi na ako sa lakas ng sigawan ng mga tao. Pero nang makalabas na kaming tatlo, pakiramdam ko ay guguho na ang buong hall. Kanya-kanyang sigawan ng mga pangalan ng tatlo ang mga babae. I was supposed not to mind it, nang biglang...
"Ay, sino ba 'yang naka-colored na glasses?"
"Oo nga 'no? Mukhang bulag. Kasama ba siya sa banda?"
"Ewan. Sayang, super guwapo ng tatlo, kaya lang may kasama silang..."
I got stunned. May point nga naman ang mga fans sa sinabi nila. Magagandang lalaki nga naman ang mga kasama ko, samantalang ako... They're right. I don't belong here...
"Don't mind them. After this performance, you'll surely win their hearts over."
Lumingon ako sa taong bumulong sa tenga ko, and saw Kristoff smiling back.
Pumwesto na kaming apat sa stage. Seconds past, pero hindi pa rin nag-uumpisang tumugtog si Sloane.
"Hoy Loser! Ano pang hinihintay mo?" tila inis na inis na bulyaw ni Sloane.
Napakunot-noo ako. "Ha? Ikaw nga ang hinihintay kong unang tumugtog."
"Engot," palatak nito. "Ikaw ang lead vocals. Dapat mo munang i-introduce ang banda."
Natigilan uli ako. He's right. I tried to open my mouth, but I couldn't find my voice.
"Akong bahala." Pumwesto si Xavier sa harap ng mike. "Good evening, guys!"
Muling nagtilian ang mga fans. Meron pa ngang napa-'I Love You Xavier!'
"Excited na ba kayo?" Tilian uli. "Please give it up for the bass guitarist yours truly, acoustic guitarist Kristoff Soo, drummer Sloane Ramirez, and lead vocalist Cilan Yap!"
Narinig ko na ang paghudyat ni Sloane using his drumsticks. Sabay na tumugtog sina Kristoff at Xavier. Inayos ko na rin ang posisyon ko sa microphone.
"Good luck, guys! Let's break a leg," pange-encourage ni Xavier. Himala.
'Oh don't you dare look back, just keep your eyes on me... I said you're holding back, she said "Shut Up and Dance with Me!"'
Narinig kong maraming napa-'Oh My God...' sa audience.
"OMG, ang ganda pala ng boses ni Mamang bulag!"
"Ano nga ulit 'yung name niya?"
"Cilan. Kaya naman pala siya isinama sa Four Elements!"
Napangiti ako. Kristoff was right, all I have to do is sing...
TBC