Chapter 9 - CHAPTER EIGHT

TIMOTHY'S POV

Napapangiti kong inabot at hinawakan ang Zodiac star. Ibig sabihin nito, makakasama na ako sa mga lalaban sa Round 2 ng Qualifiers. Matutupad ko na rin ang pangarap kong makasali sa Philippine Dark Intramurals.

Kung dati, sa mga bali-balita sa encrypted Internet sites na naha-hack ko lang naririnig ang patimpalak, ngayon ay abot-kamay ko na ang pagsali rito!

​Pinindot ko ang button sa gitna ng star, prompting me to teleport back fast to the Carina room. Medyo naduduling pa ako nang tumambad sa harap ko si Prof. Archer na may hawak na stopwatch, gaya ng inaasahan ko. Nasulyapan ko rin na nakaupo sa unang row ng seats sina Kristoff, Xavier, at Sloane. Agad akong binati ng dalawa, siyempre minus Sloane.

​"Congratulations, Timothy. You're the fourth one to come back here. You garnered an official time of 1 hour and 47 minutes. Go get some well-deserved rest," pagbati ng binatang propesor.

​Nakangiti akong tumango at nagtungo sa kinauupuan ng tatlong magic wielders, pero bago pa ako makaupo ay bigla akong nahilo at muntik nang matumba if not for Kristoff who swiftly grabbed me.

​"Hey, ok ka lang ba? Gusto mo dalhin kita sa clinic?" concerned na tanong ng kaibigan.

​I nodded sabay ayos ng upo sa second row. "I'm fine, 'di mo na ako kailangang ihatid sa clinic. Isa pa, gusto kong makita si Cilan paglabas niya ng portal mamaya."

​"Oo nga. Excited na rin akong makapasok si Cilan," Kristoff agreed with eyes twinkling.

CILAN'S POV

​Habang palapit nang palapit sa kinalalagyan ko ang malalaki at mababahong mga paa ng halimaw ay palaki rin nang palaki ang pagbuka ng aking mga mata. Kung maaga man akong mamamatay, sana naman ay hindi sa kamay, este sa paa ng dambuhalang damulag na ito!

​"Tabi!" sigaw ng isang hindi ko kilalalang boses. Bago pa ako makagalaw ay naramdaman ko ang malakas na pagtulak ng lalaki sa'kin na agad kong ikinatumba.

Bagamat masakit ang pagkakabagsak ko sa sahig ay agad din akong nakatayo to check the person who saved me. A strong tremor caused dust to cover much of the area. Wala na akong makita kundi usok at alikabok. Baka nadaganan na ito ng paa ng higante.

​Humupa na ang usok. Tahimik akong nagdasal na sana nakailag din at ligtas ang tagapagligtas ko. As the debris cleared, nakita ko ang isang lalaki— ang nagligtas sa 'kin— karga-karga ang napakalaking paa ng Cyclops! Wow, paano niya nagagawa 'yun?!?

​"Ayos ka lang ba?" usisa ko sa lalaki. Bagamat halatang pambihira ang taglay nitong lakas, hindi rin maikakailang nahihirapan na ito. Paano ko kaya siya matutulungan ?

​"Ayos lang naman ako, pero hindi rin masama kung tutulungan mo ako," sagot nito.

​Napahiya ako sa sinabi nito. He's right. I actually owe my life to him, but how can I return the favor?

Tiningnan ko ang buong palasyo. Medyo malayo ang distansya ng kinaroroonan namin at ng pinakadulong dingding. Agad akong kumuha ng isang medium-size na bato (strangely, may iilang piraso ng bato sa sahig) at ipinukol sa higante.

​"Hoy, halimaw! Ako ang harapin mo!" matapang kong sigaw bago ako kumaripas ng takbo palayo.

Sa pagyanig ng lupa, alam kong sinusundan na ako ng Cyclops. Lalo ko pang binilisan ang walang lingon-likod kong pagtakbo. Aroung 10-12 meters from the wall, bigla akong tumigil at hinarap ang higante. Magmula nung insidente sa school plaza against Sloane at sa bahay nina Timothy, hindi ko pa nagagamit o napapalabas ang powers ko kahit minsan. Ni hindi ko nga alam kung taglay ko pa íto. Ngunit kailangan ko 'yun para sa plano ko. Though I hate it, my life will depend to this risk.

​Itinutok ko ang nakaharap kong palad sa higante at nag-concentrate. I keep meditating na lumalabas sa kamay ko ang magic ko, pero ilang segundo na ang lumilipas ay wala pa ring nangyayari. Halos tatlong metro na lang ang pagitan ko at ng halimaw. I thought of just running away, pero wala na akong oras at lakas para tumakas. For the last time, muli kong sinubukang palabasin ang kapangyarihan ko habang nakapikit ang mata.

​"Pakiusap, kahit ngayon lang... Iligtas mo kami Phyllon Magic!"

​As I opened my eyes, isang napakalaking ugat ang biglang lumitaw mula sa sahig. Napatid ang Cyclops at nawalan ng balanse. Patakbo akong umiwas para hindi ako madaganan ng halimaw. Nauntog muna ang ulo nito sa pader bago ito humandusay sa lupa. Sinuri ko ang higante. Wala itong malay.

​"Salamat boy, iniligtas mo ako sa higante," nakangiting wika ng lalaki na nakalapit na pala sa'kin.

​Ngumiti rin ako. "Wala 'yun. Ako nga ang dapat magpasalamat, dahil ako ang una mong iniligtas."

​He shrugged his shoulders. "Well, let's call it even then. I got your back, you got mine."

​Pareho kaming napalingon sa higante nang bigla itong magliwanag. After a while, sumabog ito kaya bahagya kaming napatilapong dalawa. Nang makabawi kami, we saw two shining things left by the Cyclops' explosion: the Zodiac stars!

​Agad kaming kumuha ng tig-isa ng lalaki. Nakita kong pinisil nito ang gitna ng Zodiac star kaya ginaya ko siya. Tulad ng inaasahan ko, isang nakakahilong teleportation na naman ang sumunod.

After a seemingly endless series of swirls, nakabalik din kami sa Carina room. With my still dizzy vision, nakita kong nakakumpol sa isang side ng room sina Kristoff, Timothy, Xavier, at Sloane, along with two lady Magic wielders na 'di ko pa nakikilala.

​"Rico and Cilan... at talagang nagsabay pa kayo," matalinghagang pahayag ni Prof. Archer.

​"Ano naman ngayon kung nagkasabay kami, Prof. Archer?" curious kong tanong.

​Napangiti nang around 1 second si Prof. Archer (a relatively rare treat for anyone). "On a personal basis? None, I guess. But the two of you, both finishing at 2 hours and 28 minutes, are the 7th and 8th wielders to arrive back here. Congratulations, nevertheless."

​Napatawa ako nang bahagya. 'Yun lang pala e, akala ko kung ano na. Agad kong hinarap si Rico at inilahad ang palad ko. "Congrats and thank you ulit, Rico."

​But to my surprise, biglang tinabig ng lalaki nang malakas ang kamay ko. Madilim ang mukha nito habang nakatitig sa'kin, bago dire-diretsong lumabas ng kwarto. I immediately dashed towards Kristoff.

​"Nakakainis naman ang lalaking 'yun! Kanina lang, ang ganda ng teamwork namin laban sa Cyclops, tapos ngayon bigla niya akong susungitan? Ano siya, nagme-menopause?" himutok ko.

​"I don't think that he means it, Cilan," suggestive answer ni Timothy.

​Napatingin ako kay Tim. "Paano mo naman nasabi 'yan, Timmy?"

​"Well... naiilang lang siguro siya dahil 7th placer siya at ikaw ang 8th placer," dagdag ni Kristoff.

​"And so? Ano naman ang nakakailang sa pagiging magkasunod namin?" clueless kong tanong.

​"Ano ang nakakailang? Ito: ika-pito siya to qualify habang ikawalo ka naman. In a one-vs-one matchup where highest seed meets lowest seed and so on up to the mid-tier, and is composed of 14 fighters in total, sino sa tingin mo ang makakaharap ni no. 7?" mahabang litanya ni Sloane.

​Nanlaki ang mga mata ko. Ba't 'di ko kaagad naisip 'yun? Kaya pala biglang nagbago ang mood ni Rico dahil siya at ako ang maglalaban bukas, sa Round 2 ng Qualifiers.

​Napaupo ako sa isang sulok. Malaki ang utang na loob ko kay Rico. Iniligtas niya ako mula sa higante kanina kaya ako nakapasok sa Round 2. TIngin ko, hindi ko kakayaning labanan siya bukas.

SLOANE'S POV

​Pagkatapos makalabas ng virtual simulator ang ikalabing-apat na kalahok na pumasa sa unang yugto ng Qualifier phase ay inanunsyo na ni Prof. Archer ang mga wielders na magkakatapat sa laban bukas.

Agad akong umalis ng Carina room when the announcement was done. Wala akong pakialam sa kung sino mang makakalaban ko. What I need to do is to train. Lalo ko pang palalakasin ang kapangyarihan ko para pataubin ang sinuman na magtatangkang humarang sa daanan ko.

​I grabbed my wheels and headed home. Pagkarating sa bahay ay agad kong tinungo ang basement. Hiniling ko sa parents ko na maging teritoryo ko ang basement magmula nung madiskubre ko ang powers ko. Kompleto sa targets, ultra-sensitive thermometers, at heat resistors ang 'training facility' na ako mismo ang nagdisenyo. Meron din itong state-of-the-art flame control mechanism kung sakaling hindi ko makontrol ang lakas ng apoy ko. I also brought a mechanical dummy downloaded with almost all sorts of martial arts as my sparring partner. Kahit na isa akong Elemental magician, importante pa rin na bihasa ako sa empty-handed combat.

​Una kong sinubukan ang 'firing range' station. Ipinorma kona parang baril ang kamay ko, supported by my left hand. I focused my fire magic sa dulo ng hintuturo ko. Naglabasan ang mga gumagalaw na targets. As they passed through the center, I 'fired' my flame bullets as accurately as I can. After 50 attempts, I scored 84 % today. Hindi na masama, I thought. Sunod kong tinungo ang sparring dummy. Level 25 ang highest level nito. After four years of training, nakaabot na ako sa Level 11, enough for me to earn a black belt in both karate and taekwondo. Ngayon, susubukan ko ang Level 12.

​Pumwesto na kaming dalawa ng dummy sa fighting arena. When the signal was given, agad itong nagpakawala ng mabibilis na kombinasyon ng mga suntok. Mabilis ko itong sinalag, ngunit isang biglaang leg kick ang sumapol sa kaliwa kong hita, dahilan para matumba ako. I immediately stood up, pero 'di pa man ako nakakaporma ay isang jab sa sikmura ang pinadapo ng walanghiyang dummy. Lugmok ulit ako sa sakit.

​Dahan-dahan akong pilit na bumangon. As I tried to recover, biglang lumitaw ang mukha ni Cilan sa aking gunita. Nakangiti ito. Ayos na sana, but to my much annoyance, sumingit ang ungas na si Kristoff. This time, nagtatawanan na ang dalawa. 'Di ko maipaliwanag kung bakit pero biglang uminit ang pakiramdam ko. Gusto kong sumigaw, magwala, mambugbog! Ewan, pero nagagalit ako!

​Hindi ko napansin ang pagdaloy ng kakaibang lakas sa katawan ko. I just felt like throwing hundreds of kicks and punches habang walang tigil sa pagsisigaw. Nang mapagod ako ay saka lang ako huminto. Napansin ko na lang na wasak at pira-piraso na ang training dummy ko. Sa isang tunay na laban, maaaring nakapatay na ako ng taong bihasa sa martial arts... nang 'di ko namamalayan.

​Napasadsad ako sa sahig. Ano ba kasing nangyayari sa'kin? Hindi naman ako dating ganito. Parang may ano akong nararamdaman, na hindi ko maintindihan. A, ewan. 'Di bale na.

CILAN'S POV

​After the winners of the Round 1 Qualifiers were announced, nagmadali akong bumiyahe pa-Maynila para puntahan ang isang lugar na malapit sa puso ko, ang hardin ng mansyon namin. I flew back home dahil hindi mawala ang pagkalito sa isip ko, lalo na patungkol sa laban ko bukas.

​Tanging mga miyembro lang ng pamilya Yap at mga piling kaibigan ang may access sa exclusive na parte ng bahay namin, ang Amity Sanctuary. Dati, lagi akong pumupunta rito kapag gusto kong mapag-isa o tuwing may matinding suliranin akong dinaramdam. Ngayon, nandito ako para magsanay. Napapalibutan ang hardin ng mga damo at sari-saring halaman sa paligid. Kung saka-sakali, dito ang pinakamagandang lugar para matutunan kong kontrolin ang taglay kong wielder magic.

​Dahan-dahan akong pumikit. Idinikit ko ang kaliwa kong palad sa aking dibdib at nag-concentrate. May nais akong maisagawa, at sigurado akong mangyayari ang nais ko.

​Ilang sandali pa, narinig ko ang mahinang lagasgas ng mga tuyong dahon, hanggang sa unti-unting naging bayolente ang paggalaw ng mga ito. Naramdaman ko ang pagpalibot ng mga dahon sa katawan ko. Binuksan ko ang aking mga mata at ikinumpas pakanan ang kamay ko. Napangiti ako nang gumalaw ang mga dahon sa direksyong gusto ko. Pinaglaruan ko ang mga lumulutang na dahon sa ere at sa isang iglap, kinuyom ko ang kaliwa kong kamao. Sumabog ang mga dahon at nagbagsakan ang mga pira-pirasong bahagi nito.

Napangiti ulit ako. Alam kong malayo pa ito sa kabuuan ng aking kapangyarihan, pero pasasaan ba't matututunan ko ring gamitin ang buo kong potensyal.

SLOANE'S POV

​Sa wakas, dumating na ang araw ng Sabado. Magsisimula na ang ikalawang yugto ng Qualifier phase. Ang natitirang labing-apat na kalahok ang maghaharap-harap sa isang 1 vs 1 battle, at pito lang sa amin ang makakapasa at magiging parte ng Celesticville Zodiac Stars ng taong ito.

​Magiging venue ng paligsahan ang Betelguese Gymnasium, ang pinakamalaking covered court ng school. Nakatalaga ulit bilang ring announcer si Prof. Archer, habang ang magsisilbing referee ay ang head ng P.E. department na si Prof. Icarus Gustavio. Binubuo naman ang arbitrary committee nina Prof. Ricafort, Prof. Mitos Perez, at ang captain ball ng current Zodiac Stars na si Charlemagne.

​"Challengers, magsisimula na ang 2nd and last round ng Qualifier phase. Always remember that the seven winners of this phase will join our five senior Zodiac Stars to represent Celesticville on this year's Dark Intramurals," masiglang anunsyo ni Prof. Archer, earning claps & cheers from us contenders.

​"'Wag na nating patagalin 'to! Para sa unang laban, maghaharap ang no. 1 seed na si Sloane Ramirez at ang no. 14 seed na si Horace Ildefonso."

​Napaismid ako. Ang gusto kong makalaban ay ang no. 2 seed, si Kristoff, at hindi ang kulelat na wielder na nasa harapan ko ngayon. Sigh... this will be one hell of a boring battle.

​Pumwesto na kaming dalawa sa loob ng fighting arena, with Prof. Icarus between us.

​"May oras ka pa to forfeit para hindi ka na masaktan," alok ko kay Horace.

​Umismid ang lalaki. "Hindi ako sumusuko sa anumang laban, lalo na sa mayayabang na tulad mo!"

​I smirked as well. "Oh well, I'll just give this fool exactly what he wants."

​"Challengers, fight safe and fight fair. Matatapos ang laban oras na may sumuko o mawalan ng malay sa inyong dalawa. Wielders of Celesticville, give it your best and good luck," paalala ni Prof. Icarus.

​"First Match: Sloane laban kay Horace, simulan na!"

​Nakita kong ikinuyom ni Horace ang magkabila nitong kamao. Ilang sandali pa ay binuksan na nito ang mga palad at nagpakawala ng makukulay na energy projectiles na parang paputok sa direksyon ko.

​"Siguradong mapupuruhan ka na," kampanteng wika nito after firing the projectiles.

​Napangisi ako sa narinig. I allowed the attack to go through. A small commotion occured, but it left me without a dent. Muntik na akong mapabulahakhak with the obvious shock in his face.

​"Imposible. Direkta kang nasapol ng atake ko," clueless na reklamo nito.

​"Your cognitive skills are as weak as your magic," umiiling kong puna. "Isa akong Fire Elemental Magic wielder. Walang kwenta sa'kin ang pipitsugin mong mga paputok, tsk."

​Nagtagis ang bagang ni Horace sa mga sinabi ko. Then he started running around my position. Natatawa man ako sa hina ng wielder Magic niya, I have to commend his effort in trying. Too bad for him, hindi kami magka-level.

Napansin kong tila umiilaw ang buong katawan ng lalaki habang tumatagal. Sa wakas, sumugod na sa direksyon ko ang lalaki. I just smiled and didn't bother to dodge.

​"Para to sa pagmamaliit mo sa magic ko! Pompae Magic: Supernova Bliss!"

​A huge explosion followed. Smoke covered the arena so thick na halos wala nang makita sa paligid. As the smoke cleared, napansin kong nakadapa sa sahig si Horace (recoil perhaps from his attack) pero may malay ito at nakangiti. Iniisip siguro ng mokong na natalo na niya ako. Asa pa siya!

​"Buti't hindi siya nakailag," narinig kong sabi nito. "Tiyak malaking pinsala ang tinamo—H-Hindi..."

​Napatawa ako. Tuluyan na akong nalantad kay Horace at sa audience, walang sugat o bakas ng pinsala kahit hindi naman ako gumagalaw. "You were weaker than I expected. I thought you could at least make me take a step. Turns out, ikaw na nga 'yung umopensa, ikaw pa ang nabugbog."

​"Pero wala pang nakakaligtas sa Supernova Bliss ko..." naguguluhan nitong turan.

​I sighed. "Magiging mabait ako sa'yo for the last time, Horace. Kung gusto mong 'yan lang ang abutin mo, quit now. But if you wish to experience more pain, just tell me when to start giving it to you."

​The guy looked confused at first. Seconds later, to my dismay, tumayo ulit ito kahit halatang nahihirapan. "Hindi ako susuko. This battle will end with me fighting!"

​Napabuntong-hininga ako. "Suit yourself, but I don't have much time and patience for the likes of you, so I'll finish this quick. Pyros Magic: Searing Fireballs!"

​Nagpalabas ako ng walong maliliit na fire energy balls na pumalibot sa ulo ko.

​"I will make you surrender in less than 8 balls," wika ko, sabay bato sa unang fireball.

​Nakailag si Horace sa unang atake kahit iika-ika na. Agad kong sinundan ng isa pang fireball. Bahagya itong natamaan sa pisngi, causing him to scream. I followed with the third attack na sumapol sa kaliwang hita ng lalaki. With my fourth fireball attack, Horace fired a firework energy to counter. Pero sa halip na kumontra, sumanib ang atake nito sa fireball at tinamaan ang binata ng parehong projectiles.

​"I'm sorry loser, but as much I want to play with you longer, I still have more important things to attend." Pinagsama ko ang natitirang apat na bola ng apoy to create a huge fire sphere na nakalutang sa kanan kong kamay. "One more chance, Horace. Surrender, or I'll let you experience hell?"

​Umiling ang lalaki. "I'll never surrender! Lalaban ako hanggang sa huli."

​Tumango ako at ngumisi. "As you desire. Good riddance!"

​Pinakawalan ko ang higanteng fire sphere and hurled it towards Horace. The guy jump out of trouble but he was seconds slower. Nasapol ito ng nagngangalit na apoy. I heard his cries of agony for a while, then silence. When the flames extinguished, all that was left was his charred skin and clothes.

​Prof. Icarus checked out my opponent. Apparently, I rendered him unconscious.

​"For the first match of our Final Qualifier, the winner and the first to take one of the seven spots for the team, the Pyros magician Sloane Ramirez," anunsyo ni Prof. Archer.

​Pumalakpak ang karamihan sa mga manonood. Of course everyone expected me to win, but maybe not as commanding or dominating as it turned out. I stepped out of the arena and headed to a sideline seat. Gusto ko rin kasing malaman kung sinu-sino ang mga makakasama ko sa Celesticville Zodiac Stars team.

KRISTOFF'S POV

​Napailing na lang ako pagkatapos ng unang laban. Too bad for poor Horace, he had the ordeal of facing someone as insanely powerful and brutally cruel as Sloane. I may admire his power and skill but his attitude totally sucks.

​"Ang susunod na maglalaban para sa second match ay ang no. 2 seed na si Kristoffer Soo at ang no. 13 seed na si Anthony Versoza," anunsyo ni Prof. Archer.

​Humakbang na ako papunta sa battle arena. As I stepped inside, agad kong napuna ang makakalaban ko. Kilala ko na si Anthony Versoza. Siya ang team captain ng football team namin sa high school. 'Di ko alam na may itinatagong kapangyarihan pala ang dati kong senior sa Parklane.

​"Malas ko naman. Kay Kristoff Soo pa talaga ako natapat," nakangiting biro nito.

​Napangiti rin ako. "C'mon, Anthony. The pretentious humility is uncalled for. Just drop it off."

​"Second match: Kristoff laban kay Anthony. Laban na!"

​Few seconds past. Wala pa ring gumagalaw sa aming dalawa. Gusto kong manalo and the only way to do it is to make my opponent surrender or to knock him out, pero ayaw ko ring masyadong masaktan si Anthony. Isa pa, hindi ko pala alam ang taglay niyang magic so I must be vigilant.

​Humakbang sa direksyon ko si Anthony and attempted a tackle. Agad akong tumalon para umiwas bago magpakawala ng roundhouse kick. Sapol ang kalaban ko sa mukha. Pagka-landing, magpa-follow up sana ako ng isa pang sipa pero nahuli ang paa ko ng lalaki at ibinalibag. Nagawa kong itukod ang kanan kong kamay para bawasan ang impact ng pagbagsak ko.

​"Magaling ka rin pala sa mano-manong laban," puri ng lalaki.

​"Ginamit mo pa ang skills mo sa football dito, ha!" ganting komento ko rito.

​He dashed again and this time, he engaged into a fistfight. Nagpalitan kami ng mga suntok at panaka-nakang sipa, na agad din naming nasasangga. Sa huli, pareho kaming bumitiw dahil sa pagod.

​"Why don't you shoot me with your lightning bolt, Kristoff?" he taunted.

​I chose not to answer him. Instead, I did something unexpected. I initiated a charge!

​Agad kong pinuntirya ang mga hita niya. Dahil siguro sa gulat, hindi nakapiglas ang lalaki at malaya ko siyang naitumba. I locked his right leg with my arms and pulled it backed as hard as I can. I heard him cry in excruciating pain. Baka mapasuko ko na siya nang hindi ginagamit ang Magic ko.

​"Anthony, sumuko ka na! Hindi ko gustong saktan ka pa lalo," pakiusap ko sa lalaki.

​"Not so fast, Kristoff..." tila nang-iinis nitong tugon. "Ericius Magic: Porcupine Forme!"

​To my surprise, parang mayroong tumusok sa kamay ko na matulis na bagay mula sa balat ni Anthony. I immediately let go of my grab and distanced myself from him. My eyes widened as Anthony quickly transformed... into a human porcupine!!!

​I smiled. "Sabi ko na nga ba, mapipilit din kitang ilabas ang wielder Magic na taglay mo."

​"And I'll make sure you'll suffer for doing that, Kristoff," confident nitong sagot. "Ericius Magic: Spiked Cannonball!"

​He curled into a spiky ball. His sharp bristles are all pointing to my direction. He's going to attack!

​"Ako ang papasok sa Celesticville Zodiac Stars, Kristoff. Gagawin ko lahat to fulfill my dream, at kung kinakailangang tadtarin kita ng mga tinik ko para mangyari 'yun, so be it," matatag nitong hayag.

​A second later, his deadly spikes were released, all aiming towards my position.

​Malungkot akong napailing. Looks like I really have to finish the fight right now.

TBC