FRIENDS
"Jake gising na tanghali ka na! May pasok ka pa malalate ka may traffic ngaun ginagawa ang kalsada!"
"Si nanay na mapagmahal ang aga ng alarma BTW thanks nay gising na po ako"
"Bumaba ka na jan. Halika ka na kakain na"
"Sige po nay"
-ting- message tone ko
"Good morning baby"
"Good morning kuya PJ"
"Kuya ka jan! 😡"
" haha siempre mas matanda ka kaya sa akin look 17 ako tapos ikaw 23 na 😂"
"Kumain ka na baby ko?"
"Im not a baby anymore kuya 😬"
"Baby nga kita"
"Ok kuya kain na ko breakfast ikaw kain ka na din"
"Stop calling me kuya"
"Hmmm... then stop calling me baby"
"Aga aga sungit mo kumusta ka ? Yung sugat mo kumusta?"
"Ah ok naman hindi na masakit sige CYL"
"CYL??"
"Oh akala ko ba clan founder ka bakit d mo alam mga shortcuts?"
"Ah oo nga pala sia CML"
"Ok."
Aga aga ang kulit. Ang sarap ng gising kapag wala kang problema. Yung sakto lang gigising ka na may ngiti sa labi.
" good morning nay"
Sabay 🤗 hug
"Oh ano nangyari sayo at ganyan ka maglakad?"
"'May sugat po kasi ang paa ko napaltos kahapon sa last part ng laro."
"Tsk tsk!! hindi kasi nag iingat!"
"Kahit naman po anong ingat masasaktan at masasaktan ka pa din"
Napatingin si nanay. Mukhang nabigla sa sinabi ko haha 😂. Hindi alam sa aming pamilya ang tunay kong pagkatao. Lalaki ako mag salita, kumilos at manamit. Subalit ang puso ko ay sadyang malambot. Natatakot ako aminin sa kanila ang totoo dahil ayoko dumating sa punto na magalit sila sa akin.
Going to school nag aabang na ng jeep...
"Pssst" isang sutsot ang aking narinig pinagwalang bahala ko na lamang dahil madaming tao sa paligid.
"Suplada"
"Oh kuya PJ ikaw pala"
"Papasok ka na?"
"Oo ikaw pasaan ka?"
"Ah wla ihahatid kita"
"Sira kaya ko mag isa sanay ako mag isa kaya di mo na ako kailangang ihatid"
"Hayaan mo na kasi... masanay ka na baby"
"Ayaw kong masanay dahil ayaw ko ng hahanap hanapin ko at isa pa hindi mo ako baby!"
"Ok jake basta ihahatid kita"
Sumakay kami ng jeep wala akong kibo hindi din ako nag sasalita. Naiilang na nahihiya ako sa mga matang nakamasid.
"PIPI ka ba?"
"Huh? Bakit naman"
"Malapit na tayo sa school mo pero hindi mo ako kinakausap"
"Kuya... diba sabi ko sayo sanay ako mag isa at ito ganito ako sumakay ng jeep mag isa tahimik lang"
"Oh ayan andito na tayo. Saka ka pa nagsalita kung kelan malapit na tayo bumaba"
"Ingat ka ano oras ka uuwi?"
"Hndi ko pa alam depende sa school works bakit mo natanong kuya??"
"Susunduin ko ang baby ko"
Napatagok ako ng malalim. Ano ba kasing ginagawa nitong si PJ. Hindi nman niya ako responsibilidad. Nahihiya naman ako magtanong kung bakit kailangan pa niya iyong gawin.
"Wag na kuya kaya ko umuwi ng mag isa"
"Ok baby sige na pasok ka na!"
SA ENTRANCE NG SCHOOL
Nakita pala kami nina Roxy at Judy. Ang mga malisyoso kong mga kaibigan sa college. At kagaya ng inaasam ko nauna na magtanong si ROXY
"Sino yun Jake?"
"Ah facilitator namin yun sabactivity na sinalihan ko last week"
"Facilitator?? Bakit ka ihahatid ng facilitator mo?? Baka naman....."
"Baka ano??"
At sumingit si JUDY
"Baka naman boyfriend mo na yun facilitator haha"
"Sira hindi. Tara na nga!"
Hindi mawala sa dalawa ang lingusin patalikod si PJ. Halata sa dalawa na hindi ako pinaniniwalaan hanggang sa sila na ang gumawa ng paraan para malaman ag totoo. As usual ginawa na nman ang asal kinuha pala ang cp ko habang nasa PE class kami.
-ting- message tone
Judy at Roxy
"May nagtext kay Jake! Halika basahin natin" ang sabay na ginawa ng dalawa
Kuya PJ
"hi baby andito lang ako sa labas what time break time nyo? Sabay na tayo mag lunch isama mo na din yung dalawa mong kaibigan"
Napatili ng malakas ang dalawa. Napatingin kaming lahat at bigla ako nagtaka at bakit ang pula pula ng mukha ng dalawang bruha. Ano na naman kaya ang ginawa nila. Agad na pumasok sa isip ko na
"Syet! ang cp ko wala akong passcode! Humanda kayo mamaya sa akin"
Hindi ako mapakali dahil baka biglang magtxt si PJ mas lalo ako maiintriga ng dalawa kung bakit baby ang tawag sa akin. Nag reply pala yung dalawa sa message ni paul ng hindi ko namamalayan
"Yes sure dun tayo sa favorite na restaurant naming tatlo"
Jake
Ayun na nga ang plano mag kikita pala kaming apat. Kaya pala easy go lucky ang dalawa pagdating ko kasi nabura na ang conversation. And take
Note busy busyhan mode ang dalawa.
"Roxy, Judy tara na mag break dun na tayo uli sa favorite nating kainan"
"Sure" aba anong meron at ngiting ngiti with matching excitement pa ang mga loka??
"Bilis para naman masulit natin ang oras na magkakasama tayo."
-roxy-
"Im just wondering why??"
At after 15 minutes andun na kami sobrang bilis pano ba nman kasi tatakbo ang dalawa. Then finally kagaya ng tumatakbo sa utak ko. Pero i was shocked!! At that time. Ano to set up.
"Roxy?? Judy?? What's the meaning of this?" Bakit nandito si kuya?
Nakanguso kong tanong sa dalawa
"Hey baby"
"What the fuck!! We'll hello Kuya"
"Oh good sakto good for four ang mesa"
"Halika dito ka sa tabi ko dun yun dalawa sa harap natin."
"Ano pa nga ba??" Nakaismid na sambit habang nakatingin sa dalawang kilig na kilig.
Tuwang tuwa ang dalawa sa nakikita at tila parang nakakita ng dalawang couple at ganun na lamang kung kiligin at halos hindi na makakain.
"Hi im PJ facilitator ni Jake last week." Ang kapal din naman ng taba nito at nagpakilala na agad.
"Im roxy"
"Im Judy"
"Nice to meet you"
(Pabulong to roxy)
"Akala ko ba baby? Bakit facilitator daw?"
"Ewan ko ba sa dalawa ang gulo"
"Itanong kaya natin yun tunay"
Napangiti na lamang ako sa bulungan ng dalawa. Duda kasi ng duda hindi pa ako ang paniwalaan. At nadinig siguro ako ni PJ
"Anong sabi mo baby?" Sabay akbay sa akin
(Nakangiting nang gagalaiti) "ang sabi ko yung kamay mo baka pwede mo alisin"
Agad namang sumingit si JUDY
"Teka nga kayo ba ni Jake?"
"No! hindi kami ni PJ"
"But soon to be my baby" umepal na naman ang mokong!
"What the nililigawan mo ang kaibigan namin?" Isa pa naman tong si Roxy galak na galak.
Oh God bakit ba kasi may mga ganitong bagay. Napakamot na lang ako sa ulo at sinabing
" we're just friend at hangang dun lang yun!"
At natahimik ang lahat. Napatingin na lang si PJ sa akin. Ayaw ko kasi mag boyfriend pa hindi ko pa Feel. Nakita ko sa mukha ni PJ na nadismaya siya. Pero sorry hindi tlaga ako sanay.
Ganun din ang mga kaibigan ko dahil ngaun lang nila ako nakitang ganito na tila may pinagdadaanan.
"Wala pala tayong klase ngaun so maaga ang uwian after nito uwi na tayo see you tomorrow"
-roxy-
At kagaya ng sinabi ni PJ sabay kami uuwi. Oo sabay kami umuwi. Walang usapan walang kibuan walang pansinan tila hindi mag kakilala. Hanggang sa makarating na kami sa terminal ng jeep. Naglakad na kami ng mag kaibang way. Nililingon ko siya subalit deretso lamang siya sa pag lalakad.
Finally im home..
Im tired...