- TEXTER CLAN-
Ako si Jake 24 taong gulang na ngayon, Siguro alam naman natin lahat kung ano ang "texter clan". Alam ko rin marami sa inyo na naging parte ito ng inyong buhay.
Namulat ako sa mundong ito noong ako ay nasa 17 anyos pa lamang. Aaminin ko wla akong alam sa ganito. Napasali lamang ako dahil sa isang lalaking nakilala ko.
Siya si PJ o mas kilala sa tawag na " Papa P". Nagtagpo ang landas namin sa isang activity ng mga youth.
" hi PJ nga pala" pakilala niya.
Ngumiti ako "oh hello JAKE pala"
"First time mo sumali sa ganitong activity"
"Oo eh! Wla ako idea ang hirap pala maging team leader. Lahat sayo aasa kung ano ang gagawin"
" sa una lang iyan mahirap masasanay ka din basta kapag kailangan mo ng tulong tawagin mo lang ako"
"Sige PJ salamat"
Nag umpisa na naman muli ang activity. Nakakapagod takbo dito takbo doon para bang nakikipagkarera ka pero sa totoo sabay lang matatapos ang lahat ng grupo.
Breaktime
Nakita ko si PJ nakaupo habang hawak hawak ang kanyang cellphone. Sabi ko sa sarili ko mukhang enjoy sa mga katext niya ah! In the other side may itsura pala itong si PJ, napagmasdan ko siya habang ako ay nakatingin sa kanya.
"Hey Jake!" Tinatawag na pala ako ni PJ. Hindi ko napapansin hanggang sa
"Jake!" Nagulat ako,bigla na lang pala siya lumapit.
"Oh PJ bakit?"
"Layo ng iniisip mo ah. Ano yun?" Tanong na may halong ngiti na tila nang aasar.
"Ah wala yun may nakita lang ako"
"Teka baka naabala kita, kanina ka pa kasi nakangiti habang nakatingin ka sa cp mo." Pag baling ko ng topic upang makaiwas sa tanong
"Ah CLAN to" ang sabi ni PJ
"Ano yun??"
"Clan? Hindi mo alam ang clan haha" tinawanan niya ako ng may halong pang aasar
"Eh hindi ko alam, wla akong alam sa mga bagay na iyan"
"Ano kaya't isali kita? Oo halika isasali kita, dali mag isip ka ng CODENAME"
"Sinabing wala nga akong idea sa ganyan at saka codename? bakit para saan?" Pang uusisa ko sa kanya.
"Basta isasali kita akina ang number mo ipapawelcome kita. Wla ka namang ibang gagawin dun kundi mag GM (group message)."
"Oh siya sige ito gagamitin ko codename Pakundo"
Haha "ang ganda nman ng code mo bagay sayo ako nga pala si PAPA P"
Tapos na ang breaktime. Back to activities 1 week din itong program na ito kaya halos 1 week na din kami magkakilala ni PJ. Nag ka crush ako sa kanya, inaamin ko masyado kasi siyang " maboca" kaya ayun para akong nafall.
Sa isang activity namin kailangan namin takpan ang butas ng galon gamit ang aming mga daliri at punuin ito ng tubig. Hirap na kaming lahat kasi sa dami ng butas hindi pa rin namin mahagip takpan lahat, mayaya may isang kamay ang dumait sa aking mga braso napatingin ako
" oh si PJ teka ano gagawin niya?" Tanong ko sa sarili ko. Hindi ko namalayan na tinulungan na niya pala kami takpan ang mga butas ng galon. At maya maya
"Oh ayan panalo na kayo" nakangiting sabi ni PJ. "Tinulungan ko na kayo nakita ko kasing hirap ka na" namula ako kinikilig na ewan shit! At napangiti ako. Napatulala ako ng mga oras na iyon, hanggang sa mag salita siya
"Yung mga braso natin magka cross" dahil sa gulat at hiya ko sa sinabi ni PJ napabigla akong alisin ang mga kamay ko sa butas at nakakuha ako ng konting galos.
" ok ka lang JAKE??"
" oo ok lang ako. Salamat sa tulong"
" walang problema basta ikaw"
Nanalo ang grupo sa tulong PJ ewan ko ba kung bakit sa tuwing may mga games andun siya palagi, para siyang laging nakamasid. Sa tuwing nakatingin ako sa kanya mahuhuli niya ako na nakatingin din sa kanya, kaya binabaling ko na agad sa ibang bagay ang aking atensyon.
Kinabukasan
Last part, last day na ng activity may game na uli patentero sa larong ito kapag nataya ang isang member kailangan niyo lahat uli mag simula sa umpisa. Dahil bihasa ako sa larong ito minabuti ko na alisin ang suot kong tsinelas para ako ay makabwelo ng husto. Sakto laging panalo ang grupo ko. Hindi ko na namalayan na nagkasugat na pala ako sa paa dala ng paltos ng semento.
" shit ang sakit ang laki ng sugat ko" pabulong kong sabi sa sarili ko. Maya maya ay nagdatingan ang aking grupo siempre sa halip na tumulong ang ginawa nila ay nakamasid lamang. Ay buhay nga naman ginawa mo na nga ang lahat parang wala pa din.
" JAKE ! Ok ka lang?"
"Tabi kayo!" Sigaw ni PJ - at nagtabihan nga ang mga manonood.
"I'm ok PJ maliit lang ito. Thank you"
" anong maliit? Tingnan mo nga malaki pa sa limang piso yung paltos tapos sasabihin mo ok ka lang! Sira ka ba??"
Laking gulat ko kung mag alala naman ito sobra. Pero salamat na din. Sa totoo lang sa halip na masaktan ako mas kinilig pa ako.
" halika ka na dadalhin na kita sa loob!"
"Wag na PJ kaya ko naman maglakad"
"Wag na kasing matigas ang ulo JAKE!"
Inakay niya ako dahan dahan lahat ng tao nakatingin. Makikita sa mga mata nila na nagtataka sila sa kung ano ang meron sa amin ni PJ. Maya maya pa natanaw ko ang bestfriend ko si Lea as usual isa din itong chikadora.
"Jake ano yun?"
" anong ano yun Lea?"
" kunwari ka pa. Kayo ba ni PJ?"
"Huh? Tanga hindi grabe ka naman sa kin"
"Wag ka nga denial JAKE! Matagal na namin kayo nakikitang ganyan"
" hindi nga kami isa pa bestfriend kita lahat naman sinasabi ko sayo."
" sus sige deny pa! Malalaman ko din ang totoo"
"Lea naman. Pag naging kami ikaw una ko sasabihan" pabiro kong sambit sa kanya.
"Alam mo naman na hindi alam sa bahay na ako ay half half"
" ay oo nga pala haha pasensia na besh"
" oh siya besh jan na muna ikaw pupuntahan ko muna yung ibang facilitators."
"Sige besh ingat ka"
"Kinikilig ako may baby na si JAKE" sigaw ni lea habang papalayo.
"Ay shit ka namn besh pasalamat ka masakit paa ko kundi nahabol na kita"
Maya maya may nagtakip ng mga mata ko
"Guess who?"
"PJ?"
"Kilala mo na boses ko ah"
"Kanina ka pa anjan sa likod ko?"
"Hindi naman bakit?"
"So wala kang narinig sa usapan namin ni besh?"
"Wala naman. Bakit may kailangan ba akong malaman?"
"Ah wala nevermind"
"Ah ok! Oh kumusta yung sugat mo JAKE?"
"Ah ok na hindi na masakit thank you sa pag lapat ng first aid"
"Wala yun diba sabi ko sayo basta ikaw"
"Ok salamat uli. Teka bakit wala ka pa dun sa meeting niyo together with facilitators?"
"Papunta na din ako dinaanan lang kita to make sure na ok ka." Pacute pa am pota
"Ah ok ako punta ka na dun baka kailangan ka na nila."
"Ok ok see you later BABY"
Sabay alis na ni PJ, nagulantang ako sa sinabi niya, bumilis ang tibok ng puso ko namumula ako teka bakit BABY? Ano yun??
Nanahimik na lamang ako sa isang tabi at nag intay ng oras. Nag awarding na at masaya ako kasi grupo ko ang nanalo. At higit sa lahat napili ako para maging isang facilitator. Ang sarap sa pakiramdam na may bunga yung pag hihirap ko.
"BABY!"
Napalaki ang mata ko sa isang sigaw ni PJ.
"Oh PJ BAKIT!" Sumagot ako na naiinis
" congrats! Facilitator ka na din mas magkakasama na tayo" mga salitang puno ng ngiti mula sa kanya.
"Ah thank you.. pero one time lAng ako sasama kasi magiging busy na ako mag 2nd year college na ko magiging busy na ko"
"Ay ganun? Eh di last ko na din ito sabay na tayo umalis"
"Bakit ka aalis? Papasok ka na din?"
"Ah hindi tinatamad na kasi ako. Magiging busy na muna ako sa clan"
"Ah ok."
"So uuwi ka na baby?"
" PJ pwede ba! Wag mo kong tawaging baby"
"Ayaw mo ba?"
"Oo ayoko kasi hindi tama! Basta mahirap iexplain!"
"Ok Jake. So uuwi ka na sa bahay niyo?
" oo deretso uwi na ako pagod ako!"
"Ah sige ingat"
Nakauwi na ko ng bahay. Napahiga sa kama, at napaisip sobra ata akong magsalita nasigawan ko pa siya. Bahala na..
Nakaidlip ako sa aking pag kakahiga, nagising na lamang ako sa isang tawag.
-unknown-
"Hello baby" sweet voice
"PJ? Teka san mo naman nakuha number ko?"
"Aba baby nakalimot ka na agad? Diba binigay mo sa akin kasi sasali ka sa clan ko"
"Ah oo sorry nakalimutan ko"
"Ikaw naman kakahiwalay pa lang natin nakalimutan mo na agad ako"
"Pasensia pagod ako sige na tulog na muna uli ako bye"
End call