Pagdating nina Jace at Clary sa gubat, namangha si Clary ng makita ang ayos nito. Nilagyan ni Jace ng ilaw at upuan.
"Kailan pa ito?" Ani ni Clary
"'Matagal na ito.. simula pa ng umalis ka.."tugon ni Jace
Inakay ni Jace si Clary hanggang sa makaupo.
"Ang ganda Jace..." ani ni Clary
"Mas maganda ka.. lalo na at may mga ngiti sa labi mo." Tugon ni Jace
Umupo si Jace sa tabi ni Clary.
"So bakit mo naisip na dalhin ako dito?" Ani ni Clary
"Namiss ko lang ang nakaraan.. sobrang namimiss ko.. bhie..." tugon ni Jace
"Bhie.... hindi mo pa din nakakalimutan... matagal na yan ah..." ani ni Clary
"'Matagal na nga yan.. pero kahit kailan hindi yan nawala dito sa puso ko." Tugon ni Jace
Tumingin si Clary kay Jace na tila nahihiwagaan.
"Mahal kita noon pa. At kahit nagmahal ako ng iba ikaw pa din ang sinisigaw ng puso ko." Dagdag pa ni Jace
Tila batid na ni Clary kung bakit siya dinala dito ni Jace.
Mayamaya pa ay humugot sa bulsa si Jace at kinuha ang singsing.
"Clary... alam kong walang tayo.. pero mahal kita noon pa man hanggang ngayon." Ani ni Jace
"Jace.. sandali..." tugon ni Clary
"Clary... gusto kitang makasama habang buhay. Ikaw lang at ako kasama ng anak natin." Ani ni Jace
"Jace hindi pwede..." tugon ni Clary
Naguluhan si Jace kung bakit hindi pwede.
"Bakit hindi pwede? Ano ba ang nangyayari?" Ani ni Jace
"Jace hindi na pwedeng magsama tayo ng habang buhay.." tugon ni Clary
"Clary ang gulo! Bakit hindi pwede!" Tugon ni Jace
Dahan-dahang inalis ni Clary ang kanyang wig, At ang kanyang blazer.Nanlaki naman ang mga mata ni Jace ng makita ang tunay na kalagayan ni Clary...
"Clary... anong...."naudlot na pagsasalita ni Jace
"Mamatay na ako Jace... naghihintay na lang ako ng oras." Ani ni Clary
"No! No! Hindi pwede Clary! Sabihin mo nagbibiro ka lang!" Tugon ni Jace
Napahawak ang dalawang kamay ni Jace sa kanyang ulo.
"Jace... please... ayaw ko ng malungkot... pagod na ako tanggapin na lang natin kung ano ang mangayayari." Ani ni Clary
Humiga si Clary sa mga binti ni Jace. Habang nanonood ng pag galaw ng buwan.
"Ang buwan at ako ay parang iisa.... malapit ng umalis..." ani ni Clary
Hinawakan ni Jace ang mga kamay ni Clary.
"Ssshhh.... gusto mo humiling tayo sa buwan? Malay mo dinggin niya." Tugon ni Jace
"Sige ba..." ani ni Clary
Pumikit ang mga mata ng dalawa at humiling sa buwan. Makalipas ang ilang sandali, mumulat si Jace at sinabi kay Clary ang kanyang hiling
"Alam mo ba kung ano ang hiling ko?" Tanong ni Jace
Hindi sumagot si Clary.
"Ang sabi ko sa buwan... sana...bigyan pa ako ng kahit isang araw na makasama ka.. na maiparamdam sayo kung gaano kita kamahal. Kahit isang araw lang... kahit isang araw man lang na marinig kong muli na mahal mo rin ako."ani ni Jace
Kumapit ng mahigpit si Clary sa mga kamay ni Jace.
"Ang sabi ko naman sa buwan... sana ikaw ang maging gabay ng mag-ama ko sa oras na magdilim ang mundo nila sa aking paglisan." Ani ni Clary
Habang nagsasalita si Clary, pumapatak ang mga luha nito. Gayon din si Jace kahit pigilan niya ito ay kusa itong pumapatak.
"Mabait din ang Diyos.. napagbigyan na niya ako sa nag iisa kong dasal, ang makasama ng anak ko kahit sa unang birthday niya.. at pangalawa ang makasama kang muli sa ilalim ng puno habang pinagmamasdan ang sinag ng dilaw na buwan." Dagdag pa ni Clary
Itinaas ni Jace ang mga kamay ni Clary at hinagkan ng paulit-ulit.
"Lalaban ka Clary.. lumaban ka para sa aming mag-ama mo.. please Clary..."tugon ni Jace
"Jace.... ikaw na ang bahala sa anak natin ha..."ani ni Clary
"Clary...."tugon ni Jace
"Basta Jace kahit anong mangyari tandaan mo walang nagbago sa pagmamahal ko para sayo... mahal pa rin kita hanggang ngayon. Mahal na mahal....kita...." ani ni Clary
"Mahal na mahal din Kita Clary.... mahal na mahal..." tugon ni Jace
Ngumiti si Clary habang lumuluha...
"Isuot mo na ang singsing... habang kaya ko pa ang sumagot." Ani ni Clary
Nangangatal na sinuot ni Jace ang singsing kay Clary. Punong puno ng emosyon ang gubat ng mga oras na ito.
"Will you be my wife until the rest of my life?" Ani ni Jace
"Yes i will be your wife until the last of my breath" tugon ni Clary
"I love you Clary.... i love you so much" ani ni Jace
"Nakakatuwa no... napaka mapaglaro talaga ng tadhana... sino bang mag -aakala na "the Day you Loved me I Die..."tugon ni Clary
Matapos ang salitang iyon ni Clary, kasunod na noon ang isang malamig na hangin na dumapo sa kanyang mga kaibigan.
"Clary!" Ani ni Isabelle
Nagtipon tipon sila sa salas at iisa ang kanilang naramdaman. Napaupo si Isabelle sa sofa at napahagulhol ng iyak.
"No..... Clary!!!! No...." sigaw ni Isabelle
Samantala, dahan-dahan namang bumibitaw ang mga kamay ni Clary sa pagkakahawak niya kay Jace.
"Clary.. kapit lang please.... Clary..." sigaw ni Jace
Tuluyan na ngang bumitaw si Clary sa paghawak niya kay Jace.
"Clary!!!!!!l"sigaw ni Jace
Iniangat ni Jace ang katawan ni Clary patungo sa kanya. Inakap niya ito ng mahigpit at doon niya napagtanto na wala na si Clary.
"Diyos ko! Isang araw man lang! Isa pang araw nakikiusap ako! Ibalik mo muna ang buhay niya parang awa mo na...." dalangin ni Jace sa itaas
Bumuhos ang napakalakas na ulan kasabay ng pagbuhos ng mga luha ng mga kaibigan ni Clary. Binuhat ni Jace si Clary Pauwi.
Pagdating nila sa labas ng bahay ni Clary. Napaluhod si Jace habang karga niya ang walang buhay na katawan ni Clary.
"Clary!!!!!!!!" Isang malakas na sigaw ni Jace
Nagtakbuhan ang magkakaibigan palabas at doon nila nakita ang dalawa. Kaagad na tumakbo at inakap ni Isabelle ang walang buhay na si Clary.
"Clary... bakit!!!! Tinakasan mo na naman ako..." ani ni Isabelle
Lumapit si Simon at inalalayan si Isabelle. Samantala nakaupo lamang sa lupa si Jace habang pinagmamasdan si Clary.
"Sorry... nawala ka na naman sa mga kamay ko... im so sorry..." ani ni Jace
Muling kinuha ni Jace ang katawan ni Clary at inakap ng mahigpit. Inawat naman siya ni Alec at Brian.
"Tama na Jace... nagpapahinga na si Clary.." ani ng dalawa.
Makalipas ang magdamag, naiburol na nila ang mga labi ni Clary. Karga ni Jace si Baby Clarace habang pinagmamasdan si Clary sa loob ng ataol.
"Sweetie...wala na ang mommy... iniwan na niya tayo...nasayang ko ang mga oras na sana naiparamdam ko sa mommy mo kung gaano ko siya kamahal." Ani ni Jace
Hindi na nila pinatagal pa ang burol ni Clary, pinacremate siya at inilagay ang kanyang abo sa loob ng bahay.
Makalipas ang isang taon, nanatili si Jace at Clarace sa bahay ni Clary. Ito ang nasa last and will testament ni Clary, si Isabelle naman ang nagpatuloy sa kompanya hanggat wala sa tamang edad si Clarace para hawakan ito.
Sa madaling salita, nagawa ni Clary ang lahat para sa kinabukasan ng kanyang anak sa oras na siya ay mawala.
"Maikli lamang ang buhay, matuto nawa tayo na gawin ang sinisigaw ng ating puso, huwag na nating hintayin pa na sa huling hininga na lamang niya natin masabi kung gaano natin kamahal ang isang tao."
π€+ THE END +π€