Chereads / Her and Her / Chapter 4 - 4

Chapter 4 - 4

Naghahanda na sa pagtulog si Nazmiya nang pumasok si Naneth at umupo sa kama niya. Nakapantulog ito na may disensyong oso. Nag-stretching at ngiting-ngiti  sa kanya.

"Tatabi ka sa 'kin?"

Sunud-sunod ang naging pagtango nito sinundan ng paghilata. Iwinasiwas ang kamay sa kama at pagkuwa'y tumagilid. Tinap pa nito ang katabing unan na tila nag-aanyayang humiga na rin siya. At iyon nga ang ginawa niya. 

"I always dreaming about it, Naz..." Naging malambing ang boses ng kaibigan. Yumakap pa sa kanya nang mahigpit at idinikit ang tungki nang ilong sa ilong niya. Naneth is sweet in this way. Dati naman na itong ganito pero this time ewan niya. Parang nakalimutan niya saglit na magkaibigan sila lalo na nang halikan nito ang labi niya. This is the very first time. Anong itong ginagawa ng kaibigan niya? Natatangay siya.

"Okay ba kayo riyan?" ang tanong na iyon ay galing kay Apollo. Sinundan iyon ng katok kaya nahinto ang namamagitang iyon sa kanila. Sabay rin silang napabangon saka naman bumukas ang pinto at iniluwa ang dalawa. Sina Apollo at Nato.

"Anong nangyari at pareho kayong namumutla?" Sabay silang napasinghap sa tanong ni Nato.

"Wala! Bakit ba kasi basta na lang kayo pumapasok?" si Naneth na unang nakabawi. Naghagis pa ito ng unan saka nagtalukbong ng kumot at tumagilid ng higa. 

Si Nazmiya naman ay nakayukong tumakbo palabas. Kumakalabog man ang dibdib ay nagawang tunguhin ang kusina. Binuksan ang fridge, kumuha ng bottled water at magkakasunod na nilagok. Nahimasmasan lang nang maubos iyon. Pero kulang pa  kaya nagpasiyang maglakad-lakad at narating nga ang balkonake. Naupo siya sa pasimano roon. Malamlam ang liwanag na nagmumula sa ilaw ng gate. Natatanaw niya ang kulisap na nagliliparan mula roon. Pilit na iwinawaglit sa isipan ang nangyari. Paano na lang kung nakita ng dalawa? Parang kahit na hindi siya palamura ay mapapamura siya. Bakit ba kasi niya hinayaang mangyari iyon? Ano na lang ang sasabihin ng kanilang Director? Na hindi siya nagpapasunod nang maayos? Siya pa naman ang nakakatanda.

"Nandito ka lang pala. Akala namin ni Nato kung saan ka na pumunta? Bakit kasi bigla ka na lang umalis sa loob?" si Apollo iyon. 

"Gusto ko lang magpahangin," aniyang walang lingon-lingon. Hinayaan niya lang kung lalapit ito.

"Nagbibiro lang ako kanina. Sana hindi ka naasar," kay Nato naman ang tinig na iyon.

Napabuntonghininga siya. Naramdaman niya ang pag-upo ng kung sino man sa tabi niya. Hanggang sa katahimikan ang kasunod niyon. Luminga na siya upang makita ang katabi at naka-wacky face ni Nato ang nakita niya.

"Patawarin mo na 'yan, Nazmiya. Nilalamok na ako rito." Sa sinabing iyon ni Apollo ay napahagalpak na siya ng tawa. 

"Okay, tara na sa loob!" aniyang nagpatiuna na.

Ihinatid pa siya ng dalawa sa may pintuan ng kuwarto niya. Sinesenyasan pa siyang pumasok na. Tango lang siya nang tango  sa mga ito na naging epektibo naman dahil sabay ng nagsipasok sa kanya-kanyang silid. Napahinga siya nang malalim nang simulang pihitin ang seradura. Nag-iinit ang pisngi niya lalo nang sumagi na naman sa isip ang nangyari. 

Sa huli, nakapasok din siya at nakahiga nang matiwasay habang pinapakiramdam ang nakatalukbong pa ring si Naneth. Pinilit niyang iwaksi ang sarili. Pumikit. Tumagilid. Patalikod. Paharap. Hindi pa rin  siya kumakalma.

"Kalimutan mo na kung iyon ang nakakapagpatahimik sa 'yo."

Napamulat siya. Nanigas sa kinahihigaan. Gising pa si Naneth at iyon ang katotohanan. Hindi niya alam kung anong pakikitungo ang gagawin sa mga sandaling iyon. Kalimutan? Hindi niya alam pero parang kumirot ang dibdib niya. Ano ba naman kasing klaseng kahilingan iyon? 

"Pero---"

"Please?" Humarap na ito. "Kung kani-kaninong babae ko na ginawa iyon kaya normal na lang sa akin. Pasensiya ka na. Na-overwhelm lang ako na makakatabi ka sa pagtulog. Mag-isa lang kasi ako palagi sa malaki kong kama sa bahay kaya nangarap akong may katabi." 

"O-okay." Ngumiti siya. Nawala na ang awkward feeling. Mabuti na lang. Ilang saglit pa ay humikab na siya.

Alas siyete na nang umaga ngunit madilim pa sa labas. Nagbabadya ang pagbuhos ng ulan ngunit hindi iyon naging hadlang para tamarin bumangon si Nazmiya pati na ang mga kasama niya lalo nang tumunog pare-pareho ang naka-set na alarm sa selpon. Nag-inat. Tumungo sa kusina at nang makatanggap ng parehong mensahe ay kanya-kanya tungo sa balkonahe kahit may nginunguya pa. 

"Ano kayang anunsiyo ni Miss Santillan?" si Naneth. Isinubo ang huling kagat na tinapay, pinagpag ang kamay at inayos ang pagkakatali ng buhok.

"Di ba sabi, maghintay lang tayo dahil ngayon ang balik niya galing long vacation," si Apollo na may dalang bottled water pagkuwa'y uminom roon.

"O, andiyan na pala kuya ni Felicity," si Nato dahilan para sabay napatingin ang tatlo sa lalaking naka-helmet na bumaba ng motorsiklo.

"Gising na siya?" anang lalaking nagtanggal ng takip sa ulo.  

Agad itong nilapitan ni Nato at pinagbuksan ng gate. "Hindi pa. Mga fifteen minutes pa iyon." Kabisadong-kabisado na nito ang bata.

"Bago siya?" hindi pinansin ang sinabi ni Nato na baling nito kay Nazmiya. "Ely," pagpapakilala agad nito, naglahad ng kamay sa dalagang hindi agad nakareak.

Napangiwi lang si Naneth habang sina Apollo at Nato ay nagkatinginan naman.

"A, si Miya. Dati na siya rito. Balik-bayan. Mahiyain talaga 'yan," mabilis na hawi ni Nato sa kamay ni Ely. 

Nakatitig lang si Nazmiya sa nagpakilalang Ely kahit na hinawi ni Nato ang kamay nito ay doon pa rin nakatingin ang mga mata niya. Sa pagkamot nito ng batok ay nasundan pa niya saka siya biglang napangiti at nagsalita.

"Eliseo Paredes?"

Napitlag ang magkapatid pati na si Apollo. Iisa lang ang nasa isip--- kilala ni Nazmiya ang mokong.

"Yeah! How come?" Amazed ang tono nito.

"Nakita na kita last year sa gig mo. Ikaw 'yong bokalista ng E-21, di ba?"

Naging malawak ang ngiti ni Ely. "Ako nga pero huwag kang maingay sa Turkey lang ako kilala at kakaunti lang nakakaalam dito," anitong hininaan ang boses. Tumingin sa tatlo saka sa kanya. "Paano mo nga pala nalamang isa ako sa mga iyon?"

"Seven years ako roon at tulad nga ng sabi ni Nato..." Sumulyap muna siyang may ngiti sa kaibigan bago nagpatuloy. "Kababalik ko lang ng Pilipinas."

"Kuya!"

Hindi na natuloy ang pinag-uusapan dahil kay Felicity na yumakap sa legs ni Ely. 

"Uwi na tayo?" ang tanong nitong tinanguan ng binata. 

Kinarga na ang kapatid. "O, paano heto ang calling card ko. Text mo ako ha. Ipapasyal ko pa kasi ang batang 'to. See you next time guys!" sunud-sunod nitong sabi. Ikinumpas pa ang kamay ng malungkot namang si Felicity. Mukhang ayaw pang umalis.

Nang mawala naman sa paningin ang magkapatid ay saka lang bumuntonghininga ang tatlo dahilan para matauhan ang nakatanaw pa rin sa kawalang si Nazmiya. 

"Sorry, idol ko lang talaga siya at ngayon ko lang nakita nang malapitan kaya---" paliwanag niyang ikinatawa dahil sa tingin ng tatlo na parang sinasabing, 'hindi nga.'

Ilang segundo lang si Miss Santillan naman ang dumating kasama ang matangkad na lalaki.