MR. PRESIDENT OF THE TOWN
Pabagsak na binitawan ni Kyrelle ang pinto nang kwarto ni Raymond.
"Letche plan!" Gulat na tinignan ni Raymond ang kaibigan nyang masama ang tingin sa kanya.
"Bwiset ka, Raymond. Bakit hindi mo sinabi na transferee ka pala sa school ni kuya!" Galit na sabi nya.
Kung hindi nya pa tinignan ang Information na binigay sa kanya ni Raymond ay hindi nya malalaman na transferee pala ito. Kaya nagdadalawang isip talaga syang pumasok sa Boys town dahil dun. Mapapahamak sya nang dahil sa kaibigan nyang kulugo!
"Nakalimutan ko, Sorry Kyrelle" Natatawang sabi nya.
Imbis na mahiya ay natawa pa sya sa kaibigan nya, kahit kailan ay mabilis mapikon si Kyrelle, kaya tuwang tuwa sya kapag naaasar nya ang kaibigan nya, kung gaano sya kabilis mapikon ay ganon naman sya kagaling manginis. Kaya nga kinakabahan sya sa unang araw ni Kyrelle sa school lalo na at puro lalaki ang nag aaral dun. Kung meron lang talaga gagawa nun para sa kanya ay hindi nya na pipilitin ang kaibigan nyang pumalit muna sa kanya pumasok sa first day nya.
"Hindi na mauulit ito, gago!" Naiinis parin nyang sabi kay Raymond.
Hindi nya na talaga hahayaan na maulit pa ang nagyari, buti nalang talaga at hindi nya nakasalubong ang kuya nyang tigre, malakas pamandin ang pang amoy nun kapag sya ang usapan.
"Don't worry, bukas ay ako na ang papasok. Thank you again Kyrelle" naka ngiting sabi ni Raymond sa kaibigan.
Malaki talaga ang pagpapasalamat ni Raymond kay Kyrelle dahil kung hindi sa kanya ay hindi sya makakapasok sa Boys Town. Matagal nya nang gustong mag aral dun, hindi lang talaga sya makapag enroll dahil sa sakit nya. Last year ay balak nya na sana pumasok dun yun ngalang ay lumala ang sakit nya dahilan para hindi matuloy ang pagpasok nya. Ang alam din ni Kyrelle ay nag aral last year si Raymond sa school nang kuya nya kaya gulat na gulat talaga sya nang makita nyang bagong tranfree lang ang kaibigan nya. Kaya din pala ay Fourth year parin ito.
Kung hindi pa inamin ni Raymond kay Kyrelle na may sakit ito ay hindi nya pa malalaman ang dahilan kung bakit bigla nalang nawala ang kaibigan nya nang ilang buwan. Kung hindi pa napansin ni Kyrelle ang pagbabago kay Raymond ay siguradong hanggang sa huling hantungan nun ay hindi nya parin sasabihin. Kaya ayaw nyang nagkakaroon nang kaibigan dahil sa huli ay alam ni Kyrelle na iiwan lang din sya.
"Wag kang magpasalamat sakin, ugok! bumangon kana dyan at bukas ay pumasok kana sa school mo!" Seryosong sabi ni Kyrelle.
She's worried to his friend. Ayaw nyang gumising ng isang araw na wala na ito kaya kahit na alam nyang mali ang ginawa nya ay hindi sya mag sisisi, para sa kaibigan nyang payat ay gagawin nya ang lahat.
"Hindi kapa ba hahanapin ni Kuya Hiro?" Tanong ni Raymond.
Napangiwi si Kyrelle dahil sa sinabi nya. Kahit naman umuwi sya nang maaga ay pagagalitan parin sya lalo na at wala sya sa kanila. Sa August pa ang simula nang klase nya kaya walang problema sa kanya ang pinagawa sa kanya ni Raymond. Ang kanya lang ay kung bakit nya kailangan suutin ang makating wig na nasa ulo nya.
"Hayaan muna sya, alam nya naman na dito lang ako sa bahay nyo pupunta." Sabi nya dito.
Kinuha nya ang glass of water na nasa mesa sa tabi nang kama ni Raymond. Kanina pa sya nauuhaw buti nalang at may nakahanda nang tubig sa kwarto ni Raymond.
"Tubig ko yan" Nakangiwing sabi ni Raymond.
Tinignan nya ito at tinaasan nang kilay.
"Kanina pa ako nauuhaw, buti nga at tubig lang ang ininom ko" Sabi nya dito.
"Magpapadala ako nang pagkain kung gusto mo?" Naka ngiting sabi ni Raymond kay Kyrelle.
"No need, aalis naman na ako, sa bahay nalang ako kakain" Gusto manya magtagal ay hindi pu-pwede dahil siguradong babalatan na talaga sya nang buhay nang kuya nya.
"Ingat ka, clumsy kapa naman" Natatawang sabi ni Raymond sa kaibigan nya.
"Fuck you, ugok!" Tinaas nya ang gitnang bahagi nang kamay nya at hinarap ito kay Raymond.
Gagong lalaki ito, walang utang na loob ang yawa!
"Same to you!" Natatawa parin na sigaw ni Raymond.
Sayang lang talaga at hindi nya nakita ang mukha nang kaibigan nyang namumula sa galit. Minsan ay ang sarap sipain si Raymond sa gitnang bahagi nang katawan nag makaganti manlang.
Pumara nang taxi si Kyrelle pagkalabas nya nang bahay nila Raymond, nang makasakay ay nagpahatid sya sa bahay nila. Kailangan nyang unahan ang kuya nya na makauwi kundi ay lagot na naman sya dun. kahit naman ganun ang sinabi nya kay Raymond ay kinakabahan parin sya, iba magalit ang kuya nya at alam nya yun, kaya bago pa mangyari yun ay uunahan nya nang umuwi ito nang maaga.
Pagkadating nya ay ligtas syang nakapasok sa kwarto nya nang walang tigreng sumisigaw. Siguro ay maraming ginagawa sa school, mas mabuti nayun kesa naman pagalitan sya nito pagkadating.
Another day para sa kanya. Bumangon sya at nagpunta sa Cr para mag asikaso nang sarili. Sanay syang tinitignan ang Cellphone nya pagkatapos maligo, pagka bukas nya dito ay one message pop to her screen. Nang buksan nya ito ay hindi nya alam kung magwawala ba sya o susugurin ang kaibigan nyang may bato ata sa utak.
"Tangna mo, Raymond Saludo!" Nagsisisigaw na sabi nya.
Nakalagay dun ang katagang ' Kyrelle, pwede bang ikaw muna ulit ang pumasok para sakin, ngayon kasi ang check up ko hindi ako makakahabol sa moring class ko, promise this will be the last' Sinong gago ang matutuwa sa binungad sa kanya pagbukas nya sa Cp nya. Tarantadong Raymond yun, hindi manlang talaga nahiya sa kanya kahit kunti.
Inis na inis syang nagpalit nang damit, hindi sya pwede magbihis sa bahay nila dahil malalaman nang nasa bahay nila ang sekreto nilang mag kaibigan. Balak nyang magpalit sa girls restroom pagkalabas nya sa subdivision nila.
Buti nalang at nakapasok sya sa gate bago ito magsara, totoo palang sinasarado ang gate dito pagpatak nang alas syete nang umaga.
"Late kana sa first class mo" Nilingon nya ang nagsalitang iyon.
"Close tayo?" Nakataas kilay na sabi nya.
Ang dami talagang chismoso sa school na'to.
"No, but maybe we can be close" Sagot nito.
Lalo syang nahuhuli dahil sa chismosong to. Siguro kung hindi ito sumulpot kung saan ay pwede pa syang makahabol sa first class kahit late na sya.
"Hindi tayo talo pre, kaya layuan mo ako!" Sigaw nya sa kumausap sa kanya.
Hindi nya na ito hinintay na sumagot at tumakbo na sya papunta sa classroom. Kahit pagalitan sya ay okey na sa kanya basta papasukin lang sya nito.
Pagdating nya sa classroom ay kinausap sya ni Mr.Tarangka ang English teacher nya.
"Buti nalang at hindi ka nakita ni President dahil kung nagkataon ay bibigyan ka nya nang first warning." Sabi ni Mr.Tarangka.
Tumango naman si Kyrelle dito. Kung sino man yung President nila ay wag sana mag kros ang landas nila kahit minsan, dahil hindi uso sa kanya ang pumasok nang maaga, kahit noon pa ay lagi syang late kaya teacher nya na lamang ang nasanay sa kanya sa dati nyang pinapasukan.
"I'm sorry Sir" Bukal ba sa loob nya yun? parang hindi naman.
Kahit kailan ay hindi nakikinig si Kyrelle kahit kanino maliban nalang sa kuya nyang tigre kung magalit. Hindi nya kasi kaya ang boses nito kapag sinisigawan sya kaya kahit ayaw manya ay kailangan nyang maging matino sa harap nito.
Nang dumating ang recess ay hinintay muna ni Kyrelle na makalabas ang mga classmate nya bago sya sumunod. Kanina pa sya gutom, hindi na sya nakapag umagahan sa sobrang pagmamadali nyang makapasok. late narin kasi syang nag gising kaya late nya narin nabasa ang message sa kanya nang bestfriend nyang siraulo.
Paglabas nya sa building nang fourth year ay sumalubong sa kanya ang lalaking kanina nya nakausap. Ayos din talaga ang taong ito, walang paawat hinintay pa talaga sya na makalabas nang room nila.
"You are Raymond Saludo, Fourth year A-2" Bungad na sabi nito sa kanya.
Nagtataka naman na tinignan nya ang nasa harap nya.
"Stalker kita tol?" Naka kunot noong tanong nya.
Pangalawang araw nya palang dito at may stalker na kaagad sya. Kahit naka bihis lalaki na sya ay may nagagandahan parin sa kanya. She must to thank her parent dahil magandang dilag ang nabuo nila.
"No, Tinakasan mo ako kanina kaya sumama ka sakin" Tanga ba ang lalaking to? sinong gago ang sasama sa taong ganito.
"No thanks pre, told you hindi tayo talo pareho tayong lalaki" Naka ngiwing sabi nya.
Ang kulit nga naman nang mga lalaki, hindi makuha sa isang sabi.
"Who told you that i like you? You're a transferee so I think you still don't know me------" Bago pa matapos ang sinasabi nito ay pinutol na ni Kyrelle.
"Oy teka lang, Hindi naman ako interesado sayo kaya pwede ba padaanin muna ako, kanina pa talaga ako gutom. Kung pwede lang naman" Naiinis na sabi nya.
Kung kailan ka gutom ay tsaka naman may taong ganitong kakausap sa iyo.
"No and I don't care kung bumagsak ka dyan sa gutom. So I was saying, you're a transferee kaya dapat alam mo kung ano ang bawat rules nang school na ito." Seryosong sabi nito sa kanya.
Napakamot sa ulo si Kyrelle dahil sa inis. Badtrip na badtrip na si Kyrelle dahil sa lalaking nasa harap nya.
"Sino kabang gago ka nang matapos na yang speech mo?!" Sigaw na tanong nya.
Ayaw nalang kasi sabihin nang matapos na.
Parang wala silang pakialam na pinagtitinginan na sila nang ibang estudyante. Marami ang nagtataka kung bakit sa gitna pa nila naisip na mag usap kung pwede naman nila gawin sa tabi yung hindi nila nahaharangan yung daan, pero marami din naman ang nagulat dahil kanina pa sinisigawan ni Kyrelle ang lalaking nasa harap nya.
Nagtitimpi na sinabi nang lalaki ang pangalan nya kay Kyrelle.
" I am Kairo Lacostre, Second year College taking Business Administration. The President of this School Town" Maliwanag na sabi nito sa kanya.
Hindi alam ni Kyrelle ang irereact nito sa lalaking nagpakilala sa kanya. Parang kanina lang ay pinalangin nya pa na sana ay hindi nya makasalubong ang lalaking ito, tapos ngayon ay malalaman nya na ang taong ito ang presidente. Kung siniswerte nga naman talaga sya.
"Nasabi muna pangalan mo, pwede na ba ako umalis?" Mamaya nya na p-problimahin ang tagpong ito sa ngayon ay gusto nya na talaga umalis sa kinatatayuan nya at magpunta sa canteen para maka kain.
"I told you sasama ka sakin. First warning is not enough to you" Sagot nito sa kanya.
Napapikit siKyrelle dahil sa sinabi nito. Siguradong lagot sya kay Raymond kapag nalaman nito ang nangyari.
"Pwede bang kain muna bago sama sayo?" Kahit isang subo lang ay okey na sa kanya. basta makatikim lang talaga sya nang pangkain sa oras nayun.
"Kahit mamatay kapa sa harap ko ay hindi pwede" Nagpintig ang tenga ni Kyrelle sa sinabi nito.
Ano daw? kahit mamatay sya ay wala syang pakialam. Gagong taong to! Kung alam lang nang tarantadong presidenteng to na ginagawa nya ang lahat nang ito dahil natatakot syang mawalan ng bestfriend, tapos ay ganun lang ang sasabihin nito sa pagtitiis na ginagawa nya sa paaralan na ito!
"Bahala ka dyan!" Katulad nang ginawa nya kanina ay tinakbuhan nya rin ito.
"Where are you going, Mr.Saludo!" Sigaw na tanong nito.
Natatawang nilingon nya ang presidenteng tumatakbo narin para habulin sya.
"Fuck you, Mr.President!" Natatawang sigaw nya sa galit na galit na presidente nang school nila.
"Go to the Detention Office, You brat!"Nanlilisik ang mata na sinabi sa kanya. Mukang nagalit nya nang sobra ang presidente.
'''''''''''''''''''''''''''''''''''''''
CHAPTER 3
"As punishment for insulting me, you will be my assistant while I have yet to find a replacement for Assistant Jem" Final na sabi nito sa kanya.
"Tangna, Hindi ko gagawin yun Mr.Presidente nang taon!" Kahit kanino ay hindi sya nakinig, kuya nya nga ay natatakasan nya ito pa kayang presidente nang taon.
'''''''''''''''''''''''''''''''''
Title: [Boys Town Series 1] Chasing her
Author:Imsecret_girl17
Author Note:
Don't copy my story, pinaghirapan ko po ito, kailangan ko pa pigain ang utak ko para may masulat lang ako. Sorry for wrong grammar and typos.