Chereads / [Boys Town Series 1] CHASING HER / Chapter 5 - CHAPTER 5

Chapter 5 - CHAPTER 5

VICE PRESIDENT OF BOYS TOWN

"Where's my schedule?" Naka kunot noong tanong ni Kairo sa Assistant nyang si Kyrelle---si Raymond pala.

Napatingin naman si Kyrelle na busy sa hawak nyang phone kay Kairo. Naka simangot na sinagot ni Kyrelle si Kairo.

"Bakit sakin mo hinahanap?" Tanong nya kay Kairo.

Inis naman na tumingin si Kairo kay Kyrelle.

"Because you are my Assistant?" Inis na patanong na sabi ni Kairo.

"Wala naman ako alam dun, malay ko ba sa schedule mo" Sagot ni Kyrelle.

Napa pikit nalang sa inis si Kairo dahil kay Kyrelle.

"Hindi ba sayo binigay ni Kris?" Inis na tanong nya.

"Kung may binigay sya ay hindi ko sana sasabihin sayo na wala sakin" Inis din na sabi ni Kyrelle.

Nagsisimula na naman ang dalawa sa bangayan. Kanina parin mainit ang ulo ni Kyrelle dahil hindi nag rereply si Raymond sa kanya, nag aalala sya na baka kung ano na ang nagyari sa kaibigan nya.

"Why don't you stand up in your seat and go to Kris to ask him" Nag pipigil na hindi sumigaw na sabi nya.

"Oo na. lagi nalang galit, kala mo naman ay meron syang dinadala sa pagmamadali" Inis na bulong na sabi ni Kyrelle.

"I can hear you, Raymond!" Sigaw ni Kairo.

Nagmamadali naman na lumabas nang opisina ni Kairo si Kyrelle. Ang lakas nang panrinig nang gago!

Pinuntahan ni Kyrelle ang mesa ni Kris kung san ay busy sa hawak na papel.

"Kris, yung schedule daw nung bwiset na presidente ng taon" Bagot na sabi ni Kyrelle kay Kris.

Tumigil naman sa ginagawa si Kris at tumingin sa kanya.

"Pffft--- lagot ka dun kapag narinig ka nya. Ito na pala yung schedule. Sorry nakalimutan ko sayo ibigay sa sobrang dami kung ginagawa" Naka ngiting sabi ni Kris sa kanya.

Naka simangot naman na tinanggap ni Kyrelle ang inabot sa kanya ni Kris.

"Pakialam ko sa gagong iyon. Salamat pala dito. Sa susunod ay ako nalang ang kukuha nun sayo para hindi na magalit ang presidenteng yon" Sabi nya kay Kris.

"Para ka talagang babae" Natatawang sabi ni Kris.

"Idol ko nga kasi si taylor Swift" Palusot na sabi ni Kyrelle.

Dahil tuloy kay Kris ay bawat galaw nya ay iniingatan nya na, madaling makahalata si Kris kahit kunting galaw at salita nya lang ay binabasi na sya sa babae, even if it's true that she is not a boy.

"I don't understand you, anong kinalaman nun kay Taylor Swift?" Tanong ni Kris sa kanya.

Napa isip naman si Kyrelle. Ano nga naman ang connect nun kay Taylor Swift. Totoo naman na idol nya si taylor swift pero sinabi nya lang naman na dahilan yun kay Kris para hindi na sya mag tanong pa.

"Alis na ako, baka sumabog na ang isang yun sa kakahintay" Palusot na sabi nya kay Kris.

Hanggang ngayon ay wala pa syang maisip na dahilan para kay Kris, at tsaka hindi naman nya ini-expect na may mahahalata kaagad si Kris nang ganun kabilis.

"Sige. maya nalang ulit. Ngapala, sumabay ka samin mamaya kumain sa canteen" Naka ngiting sabi ni Kris.

Tumango naman si Kyrelle kay Kris. Pagkatapos nun ay naglakad na ulit sya pabalik sa opisina ni Kairo.

Masama ang tingin ni Kairo nang pumasok si Kyrelle sa loob.

"Bakit ang tagal mo?" Inis na tanong ni Kairo.

Napairap nang patago si Kyrelle. Para saglit lang ay galit kaagad.

"May sinabi lang sakin ni Kris" Naka simangot na sagot ni Kyrelle.

"Inuna mo pa ang makipag chismisan bago mo ginawa ang inutos ko sayo" Naka kunot nong sabi ni Kairo.

"May sinabi lang, chismosa na kaagad. Ito na pala yung schedule mo" Inis na inabot ni Kyrelle yung papel na hawak nya.

"Read it, your my Assistant." Naka ngising sabi ni Kairo kay Kyrelle.

Inis naman na tinignan ni Kyrelle ang lalaking nasa harap nya. Kung hindi lang mataas ang posisyon nito sa school ni Raymond ay sinipa nya na ito.

"Bakit ako pa, hindi kaba marunong mag basa!" Inis na Inis na talaga sya sa presidente na nasa harap niya.

Ano bang silbi nang presidenteng ito, e halos sya na ang gumagawa sa naka lipas na tatlong araw na pagiging Assistant nito.

"What did you said!" Galit na sabi nito sa kanya.

"Ewan ko sayong bwiset ka!" Nag lakad palapit si Kyrelle sa pinto nang opisina.

Padabog nya itong sinarado. Bahala sya dun, gawin nya mag isa!

"Raymond, saan ka pupunta?!" Sigaw na tanong ni Kris.

"Malayo sa ugok na iyon!" Sigaw din na sabi nya.

Lumabas sya sa kwartong iyon at nag lakad lakad. She need break, baka sumabog na sya dahil sa presidente nila, mahirap na dahil baka mabuking sya kapag ginagawa nya iyon. Para sa kaibigan nyang isa pang ugok ay gagawin nya ito kahit malapit na buminggo ang presidenteng yun.

Speaking of ugok, bakit kaya hindi nya ito ma-contact, may nangyari kaya? kinuha nya ang Cellphone na nasa bulsa nang pantalon na suot nya. Tinawagan nya ito, hindi naman nagtagala ay sinagot nito.

"Ano, buhay ka pa?" Bungad na tanong nya nung sumagot ito sa tawag nya.

"Nahinga pa naman" Sagot nito sa kanya.

"Bakit hindi ka nag rereply sa text ko sayo, nag aalala ako sayong bato ka. Akala ko tuloy ay natuluyan kana" Kunot noong tanong nya.

"Sorry, wala kasi ako load" Napa tampal sa noo si Kyrelle dahil kay Raymond.

Pesteng bato ito, Ang yaman yaman pero walang load.

"Gago, Itapon muna yang selpon mo, wala naman silbi yan!" Sigaw na sabi nya sa kausap nya sa cellphone.

"Grabe ka naman, nag kataon lang talaga na naubusan ako nang load." Napangiwi naman si Kyrelle.

Malapit ng mamatay pero kuripot parin hanggang ngayon.

"Namo, napaka kuripot mo talaga!" Sigaw nya.

Natawa naman ang kausap ni Kyrelle.

"Kamusta pala? may nangyari ba ulit?" Tanong nito sa kanya.

Bumalik tuloy sa isip nya yung nangyari kanina. kapag na iisip nya ang bwiset na yun ay hindi nya maiwasan na mapaisip kung anong problema nang gagong iyon. Simula nang maging Assistant sya nito ay wala nang araw na hindi sya nito pinahihirapan, para syang ginawa nitong katulong, halos wala na nga ito ginagawa dahil sya na ang gumagawa kaya bwiset na bwiset sya dito. Walang kwentang presidente ang yawa!

"Wag muna itanong dahil baka kung ano pa ang magawa ko sa kanya kapag nakita ko ulit sya" Inis na sabi nya sa kausap nya.

"Bakit, pinapahirapan kaba nya?" Tanong sa kanya.

"Hindi nya lang ako pinapahirapan, ginawa nya na akong katulong dahil halos ako na ang gumagawa sa gawain nang gagong iyon, ang sarap tirisin nang hinayupak na yon!" Sigaw nya.

Wala syang pakialam kahit may makarinig sa kanya. Kung pwede nya lang hambalusin ang yawang yun ay ginawa nya na. Paano ba naging presidente ang gagong iyon e, halos wala naman ginagawa.

"Pag pasensyahan mo muna. don't worry sa lunes ay ako na ang papasok" Napangiti naman si Kyrelle sa ideyang iyon.

"Siguraduhin mo lang, kundi ay susunugin ko yang bahay nyo nang matapos na!" Napangisi si Kyrelle.

Sa wakas ay hindi nya na makikita ang presidenteng iyon, halos wala na syang pahinga sa lumipas na araw.

"Yes ma'am!" Natawa naman sya na sagot nito.

"Sige na, kailangan ko nang bumalik sa lungga nun" Nagpaalam narin sa kanya si Raymond.

Binalik nya sa bulsa nang pantalon nya yung cellphone nya. Nag lakad narin sya pabalik sa lungga nang mga SSG. Kusang napahinto ang dalawa nyang paa nang makakasalubong nya ang kuya nya.

Ito na nga ba ang kinakatakutan nya!

Huminto ito sa harapan nya. Nakilala kaya sya? Payukong nag lakad ulit si Kyrelle. Not now!

"Stop" Napahinto sya nang magsalita ito bago nya pa malagpasan.

Inangat nya ang paningin nya at tinignan ang kuya nya.

"B-bakit?" Kinakabahan na tanong nya.

"You are Raymond Saludo, my sister bestfriend right?" Naka kunot noong tanong nito sa kanya.

Kinakabahan na tumango si Kyrelle sa Kuya nya.

"Oy, nandyan lang pala kayo!" Saktong sumulpot ang iba pang member nang SSG, kasama narin ang presidente nila.

"Kilala mo pala si Raymond, Vice President" Naka ngiting sabi ni Kris.

"His my sister bestfriend" Sagot nito.

Napa pikit si Kyrelle dahil sa kaba. What if mabuking sya nang kuya nya? lagot talaga sya!

"Hindi mo sinabi na kaibigan mo pala ang kapatid ni Hiro" Natatawang sabi sa kanya ni Kris.

"W-wala naman dahilan para sabihin ko" Kinakabahan parin na sabi nya.

"Tara na, kanina pa ako gutom!" Agaw pansin na sabi ni Renzo. Isa pa sa member ng SSG.

Nagsimula na silang lahat maglakad papunta sa canteen. Sumabay narin naman si Kyrelle sa kanila.

"Wait" Napalingot ang lahat ng biglang magsalita at huminto si Hiro.

"Bakit Hiro?" Tanong pa ni Renzo.

"Bakit suot mo ang kwintas ni Kyrelle?" Tanong sa kanya ni Hiro.

Lagot na! Mabubuking na ata sya nang kuya nya. Pahamak na kwintas.

"Pinasout sakin ni Kyrelle, Lucky charm nya daw ito kaya pinahiram nya muna sakin" Palusot na sabi nya.

Kagatin sana nito ang palusot nya. Bakit kasi sa sobrang pagmamadali nya ay naka limutan nyang hubarin ang kwintas na regalo sa kanya nang ermats nya.

''''''''''''''''''''''''''

CHAPTER 6

"Let's quit" Seryosong sabi nya.

''''''''''''''''''''''''''''

Title: [Boys Town Series 1] Chasing her

Author:Imsecret_girl17

Author Note:

Don't copy my story, pinaghirapan ko po ito, kailangan ko pa pigain ang utak ko para may masulat lang ako. Sorry for wrong grammar and typos.