Chereads / [Boys Town Series 1] CHASING HER / Chapter 4 - CHAPTER 4

Chapter 4 - CHAPTER 4

BAKA BABAE

Hindi maipinta ang mukha ni Kyrelle habang nasa harap nya si Raymond. Wala na syang nagawa nang sinabi nitong maging Assistant nya, kapag hindi kasi siya pumayag ay dadalhin sya sa Principal Office. Hindi naman pwede dahil siguradong malalagot sya.

Ang problema nya tuloy ngayon ay kung paano nya sasabihin kay Raymond ang gustong maging kapalit nang Presidente nang taon, problema nya rin ang kuya nya dahil baka makilala siya nito. Ang laki talaga nang problema nya.

"Kanina ka pa tulala, may problema ba?" Napatingin sya kay Raymond na nakahiga sa kama.

Kapag nabisita sya ay palaging nasa kama ang gagong ito, kaya napapahamak sya sa pagpasok sa School na yun.

"May problema ako!" Frustrate na sabi nya.

Paano nya ba sasabihin sa ugok na nasa harap nya ang nangyari sa school, siguradong dadagdag lang iyon sa iisipin ni Raymond. Lukong presidente naman kasi iyon, para dun lang ay ginawa na kaagad syang alalay.

"Ano ba yun, kanina ka pa dyan naka titig?" Naka kunot noong tanong sa kanya ni Raymond.

Napakamot sya sa ulo dahil sa inis, natanggal tuloy ang itim na wig na nasa ulo nya.

"May nangyari sa school" Mahinang sabi nya.

Lalo naman napa kunot ang noo ni Raymond dahil hindi nya narinig ang sinabi ni Kyrelle sa sobrang hina nitong sabi.

"Para kang tanga, lakasan mo nga, hindi kita marinig!" Sigaw na sabi ni Raymond.

Malayo kasi ang kama nya sa inuupuan ni Kyrelle kaya hindi nya talaga ito maririnig kung bubulong itong.

"Maka tanga ka naman!" Inis na sigaw ni Kyrelle kay Raymond.

"Lakasan mo kasi boses mo, tsaka bakit ba ang layo mo kung umupo? hindi naman nakakahawa ang sakit ko!" Sigaw pa ni Raymond.

"Gago! sabi ko may problema ako sa school mo! narinig muna?" Inis na tanong nito.

Napa titig naman si Raymond kay Kyrelle. Hindi kaya ay napa away ang babaeng ito, yan ang tumatakbo na salita sa isip ni Raymond sa sinabi ni Kyrelle.

"Napa away ka?" Tanong nito kay Kyrelle.

"Away na ba iyon kung pinatawag ako nang president nang school mo?" Naguguluhang sabi ni Kyrelle.

Napa away ba sya sa presidente ng taon?

"ANO? NAPATAWAG KA, ANONG GINAWA MO???" Gulat na sigaw ni Raymond.

Hindi sya makapaniwala na sa dalawang araw na pag pasok ni Kyrelle sa Boys town ay napasok na kaagad sya sa gulo, sa presidente pa nang school. Ang alam nya pa naman ay sobrang sama nang ugali nito at walang pinapalampas na kahit na anong gulo sa Boys town.

"Hindi ko naman kasalanan yun, Ugok!" Depensa sa sarili na sabi ni Kyrelle.

"Ano ba kasi ang nangyari? bakit ka pinatawag nang president?" Naguguluhang tanong nya kay Kyrelle.

Hindi nya naisip na pwede mangyari ito kay Kyrelle. Wala nga palang pinapalampas na tao si Kyrelle na kahit sino. Siguradong malaking gulo ang nangyari, kilala nya ang bestfriend nya.

"Hindi ko naman alam na siya na pala yung lalaking humarang sakin nung umaga nang malate ako, tapos nung mag recess ay hinarangan nya ulit ako at sinabi na kailangan ko daw sumama sa kanya, you know me, Raymond. Hindi ako sumasama kung kanino kung hindi ko naman kilala kaya tinakbuhan ko sya tapos nalaman ko na siya pala ang presidente nyo. Nag sasabi ako nang totoo, hindi ko talaga alam na sya pala ang presidente nyo" Mangiyak ngiyak na sabi ni Kyrelle.

May kunting halong kasinungalingan ang sinabi ni Kyrelle kay Raymond. Sigurado kasi syang mapipingot ang tenga nya kapag sinabi nya na alam nya nang presidente ang kaharap nya pero tinakbuhan nya parin ito, para kahit kunti ay mabawasan ang aalahanin ni Raymond sa nangyari.

"Ano sinabi sayo?" Nag aalalang tanong ni Raymond kay Kyrelle.

Ito na ang pinaka ayaw na sabihin ni Kyrelle kay Raymond dahil baka mahimatay ito kapag sinabi nya ang kapalit.

"Magiging alalay nya ako pansamantala---ay ikaw pala, hindi naman ako si Raymond" Naka yukong sabi nya.

Napapikit naman si Raymond dahil sa sinabi nitong kapalit sa ginawa nya.

"KYRELLE LUSTRE! NAKAKA BWESIT KA!" Inis na sigaw ni Raymond.

Hindi alam ni Raymond kung babangon ba sya sa kinauupuan nya at lalapitan si Kyrelle para sabunutan o ibabato nalang ang unan na nasa likod nya.

"Hindi ko naman sinasadya, Ray" Naka ngusong sabi nya.

Kaya ayaw sabihin ni Kyrelle dahil alam nyang ganito ang magiging reaksyon nya kapag nalaman nito.

"Anong gagawin natin? Hindi pwedeng hindi sumunod sa gusto nyang mangyari dahil pwede akong ma-kick out sa school" Napabuntong hininga nalang si Raymond dahil sa frustrated nya.

"Pwede naman ako gumawa nun kapag hindi mo kaya" Sabi ni Kyrelle.

Ito lang kasi ang pwede nyang gawin para sa ginawa nya. May sakit na nga si Raymond ay dinagdagan nya pa ito nang isa pang problema.

"Hanggang kailan daw ba?" Tanong ni Raymond kay Kyrelle.

"Hangga't hindi pa daw sya nakaka hanap nang kapalit,  nag transfered kasi sa ibang school ang dati nyang Assistant" Sagot ni Kyrelle.

"Paano kapag nakita ka nang kuya mo? May pagkakataon na mangyari iyon dahil palaging mag kasama ang President at Vice President" Nag aalalang tanong ni Raymond.

"Naka wig naman ako, tsaka hindi ako magpapahalata kapag kasama sya" Mabilis na isip na sagot ni Kyrelle.

Tsaka nya na iisipin ang bagay na iyon sa ngayon ay kailangan nyang tulungan ang kaibigan nya dahil sa ginawa nya. Pansamantalag lang naman, siguro naman ay bago pa magsimula ang pusakan nya ay naka hanap na ito nang kapalit.

Kinabukasan ay tinawagan nya si Raymond para sya muna ang pumasok, baka kasi ipatawag siya nang presidente. Mabuti na yung sya muna ang maka harap nito bago ang bestfriend nya. Pumayag naman si Raymond sa gusto ni Kyrelle kaya mabilis syang nag punta sa Boys town.

Hindi naman siya nag kamali dahil pagka recess ay sinundo sya nang isang Officer sa classroom nya. Pagdating sa opisina ni Kairo ay inabot sa kanya ang limang page ng bond paper na may sulat.

"Anong gagawin ko dito?" Tanong nya kay Kairo na busy sa laptop sa harap nito.

"Mag pa-photo copy ka nang sampu nyan" Sagot nito sa kanya habang hindi inaalis ang tingin sa laptop.

"Bakit sobrang dami? hindi ko ito magagawa nang mabilis, may sunod na klase pa ako" Inis na sabi nya.

Tinignan naman sya ni Kairo na naka kunot noo.

"Why don't you start now, nang matapos ka kaagad." Sabi nito.

"Pwede bang kumain muna ako?" Tanong ni Kyrelle.

Gagawin nya ang lahat nang iyon ng walang laman ang tyan nya? Siguradong gutom na naman sya pag pasok nya sa next class nya katulad kahapon.

"Mr.Saludo, pati pagkain mo ay po-problemahin ko pa?" Naka busangot na sabi nya.

Inis naman na umalis si Kyrelle sa harap ni Kairo. Bwesit na Preisdente iyon, buti nga ay pumayag sya sa kapalit nito, kung hindi lang sya nag aalala sa kaibigan nya aya wala syang pakialam kahit ipatawag pa ang parent nito.

Napabuntong hininga sa inis ni Kyrelle habang nag papa photo copy.

"Ang lalim naman nun" Natatawang sabi ni Kris.

Napatingin naman si Kyrelle sa kanya. Ang mga lalaki talaga ay chismoso, hindi na sana siya nito pinansin, baka mapagalitan sya ni Kairo kapag nakita siya nitong nakikipag usap sa ibang member ng hindi nya naman inutos.

"Languyin mo baka may pakita kang ginto" Walang ganang sabi ni Kyrelle.

Natawa naman sa kanya si Kris.

"Para ka talagang babae kung gumalaw" Sabi nito sa kanya.

Gulat naman na napatingin si Kyrelle kay Kris. Nawala ata ang bwesit nya kay Kairo dahil sa sinabi nito.

"Idol ko kasi si Taylor Swift" Nakangising sabi nya.

Mabubuking pa ata sya dahil sa galaw nya. Hindi nya talaga maiwasan na kumilos na parang babae. Delikado ata to.

'''''''''''''''''''''''''''''''''

CHAPTER 5

"Bakit suot mo ang kwintas ni Kyrelle?" Tanong sa kanya ni Hiro.

Lagot na! Mabubuking na ata sya nang kuya nya. Pahamak na kwintas.

"Pinasout sakin ni Kyrelle, Lucky charm nya daw ito kaya pinahiram nya muna sakin" Palusot na sabi nya.

Kagatin sana nito ang palusot nya. Bakit kasi sa sobrang pagmamadali nya ay naka limutan nyang hubarin ang kwintas na regalo sa kanya nang ermats nya.

''''''''''''''''''''''''''''''''''

Title: [Boys Town Series 1] Chasing her

Author:Imsecret_girl17

Author Note:

Don't copy my story, pinaghirapan ko po ito, kailangan ko pa pigain ang utak ko para may masulat lang ako. Sorry for wrong grammar and typos.