Chereads / [Boys Town Series 1] CHASING HER / Chapter 3 - CHAPTER 3

Chapter 3 - CHAPTER 3

ASSISTANT

"I Can't believe that you are one of the student here, you have no respect, you even ran away from me! do you know me? I can get you out of here if I want!"

Nang mahuli si Kyrelle ay dinala sya sa President Office, kanina pa siya pinagagalitan nang presidente nila. Sino man talaga ay hindi matutuwa sa ginawa nya, buti na lamang talaga at hindi sya dinala sa Principal Office dahil kung nangyari iyon ay ipapatawag ang parent nya. Everybody knows that she is Raymond Saludo, kaya lagot talaga sya sa Bestfriend nya kapag nalaman nya ang ginawa nito, lalo pa at presidente nang school ang binastos nya.

"Wala kabang pagkain dyan? kanina pa talaga ako nagugutom" Gutom na sabi nya.

Kung pinakain lang muna kasi siya hindi na sana umabot sa ganito. Wala rin respeto ang presidente nila kaya nya ginawa ang bagay nayon, Mas masama pa ang ugali kesa sa kanya.  

"I can't believe you! untill now, pagkain parin ang nasa isip mo!" Galit na sigaw ni Kairo kay Kyrelle.

"Kung pinakain mo kasi muna ako, sasama naman ako sayo nang maayos pagkatapos!" Sigaw din na sabi ni Kyrelle.

Walang presidente at estudyante sa kanilang dalawa, kapag sumigaw ang isa ay sisigaw din ang isa. hindi ata maaayos ang ginawa nilang gulo.

Napa upo si Kairo dahil sa inis nya kay Kyrelle, si Kyrelle naman ay masama ang tingin  sa presidenteng nasa harap nya.

"President Kairo, pwede ba kita maka usap?" Tanong nang isa sa member nang SSG.

"Speak Secretary Kris, my ears are listening" Sagot nya dito.

Napatingin naman si Kyrelle sa lalaking sumulpot sa harap nila.

"Kung pwede ay tayong dalawa lang" Nahihiyang sabi nito kay Kairo.

"You can tell me, even if we have visitor,just don't mind him" Sagot ni Kairo kay Kris.

Napairap naman sa hangin si Kyrelle. Kailan pa sya naging bisita nang presidenteng to? hindi nga sya pupunta dito kung hindi lang sya nahabol at hinila nito papunta sa lungga nila.

"We have a little problem" Napapakot sa ulo na sabi ni Secretary Kris.

"Pwede bang umalis na ako, tutal naman ay may pag uusapan pa kayo" Singit na sabi ni Kyrelle sa dalawa.

Kanina pa sya gutom bukod pa dun ay late narin sya sa Afternoon class nya. Tinignan naman sya ni Kairo nang masama.

"Hindi pa tayo tapos, kaya hindi ka aalis. Stay there brat" Sagot nito sa kanya.

"Hoy ugok, wag kang assuming. Walang tayo!" Asar na sabi nya.

Napapikit naman sa inis si Kairo dahil kay Kyrelle. Sa tagal nang pamumuno nya sa Boys town ay ngayon lang sya binastos nang ganito, isa pang tranferee ang gumawa.

"Will you shut up!" Galit na sigaw nito.

Napangisi naman si Kyrelle dahil nagalit nya na naman ang lalaking naka tayo na dahil sa bwiset nito sa kanya. Si Kris naman ay hindi alam kung ano ang gagawin, mali ata na inistorbo nya ang dalawa sa pag uusap.

"Ano pa ba kasi ang kailangan mo? kanina pa ako dito, hindi na ako naka kain nang dahil sayo at ngayon ay late na ako sa next class ko!" Inis na sabi ni Kyrelle kay Kairo.

"I said, shut up!" Galit na galit na talaga si Kairo dahil sa kanya.

"Oo na, tarantado ka! hindi naman ako bobo para hindi ka maintindihan" Galit din na sabi ni Kyrelle.

Sasabog na ang dalawang ito kapag nagtagal pa kaya bago pa mangyari yun ay sumingit na sa dalawa si Kris.

"T-teka lang, mag usap nga kayo nang mahinahon, ako ang kinakabahan sa inyong dalawa" Pakiusap ni Kris.

Buti nalang at naisipan nya nang sumingit sa dalawa dahil kung hindi ay sasabog na sa galit si Kairo dahil sa pang iinis ni Kyrelle.

Nilapitan ni Kris si Kyrelle na nakatayo narin sa kinauupuan nito kanina.

"Ano bang ginagawa mo dito?" Tanong nya kay Kyrelle.

Napasimangot naman si Kyrelle at napatingin nang masama kay Kairo na ganun din ang tingin sa kanya.

"Bakit hindi mo tanungin ang presidente nyo, sya naman ang nagdala sakin dito!" Inis na sigaw nito sa kanya.

"Teka lang, kalma lang. Magkatabi na tayo kaya wagkang sumigaw" Naka ngiwing sabi ni Kris kay Kyrelle.

Humarap naman sya kay Kairo na masama ang tingin kay Kyrelle.

"Bisita mo ba si--- Ano ba pangalan mo?" Tanong nya kay Kyrelle.

"Ky-----Raymond, Raymond Saludo" Mabubuking pa ata sya dahil sa bibig nya.

Tumingin naman ulit si Kris kay Kairo para tanungin, tumingin naman ito sa kanya nang masama. Sa kanya pa ata mabubuntong ang galit kay Kyrelle.

"Bakit ba dinala mo dito si Mr.Raymond Saludo?" Tanong nya kay Kairo.

"Why don't you ask that brat man?" Sagot nito.

Napakamot si Kris sa ulo dahil sa sagot nito. Ganun din ang sinabi sa kanya ni Kyrelle.

"Ano ba naman kayong dalawa, hindi tayo matatapos kung hindi nyo sasagutin ang tanong ko." Malapit narin ata mainis si Kris sa dalawang ito.

"Will you shut up, Kris. I am the president here. why the hell are you here, what about the problem that you talking about?" Tanong nito sa kanya.

Doon lang ulit na alala ni Kris ang dahilan kung bakit sya pumasok sa opisina nang presidente nila. Ang gulo kasi nang dalawang ito kaya nakalimutan nya ang sadya nya.

"Tungkol kay Assistant Jem" Sabi nito.

Napakunot noo naman si Kairo dahil kay Kris.

"What about him?" Tanong nito.

Ano naman kaya ang tungkol sa Assistant nya.

"His leaving, lilipat na sya nang ibang school" Sagot ni Kris.

"Then find another one"

Hindi naman na bago sa kanya ang mawalan nang Assistant, noon pa ay pa- palit palit sya nang Assistant, si Jem ngalang ang nagtagal sa kanya bilang Assistant nya.

"That's the problem, wala kaming mahanap na kapalit"

Walang gustong maging Assistant ni Kairo. Sobrang sungit kasi nito, kunting mali lang ay napupuna na kaagad nya kaya yun din ang dahilan kaya walang nag tatagal sa kanya.

"Pati ba naman iyo ay po-problemahin ko pa, humanap kayo kahit sino!" Inis na sabi nya.

Alam nyang walang may gusto sa lahat ng estudyante sa Boys town, pero hindi naman pwede na wala syang Assistant dahil tulad nya ay marami din ginagawa si Kris na Secretary nang SSG.

"Okey fine, pero kung wala kaming mahanap ay mag hired ka nalang galing sa labas" Sagot ni Kris.

Pagkatapos nun ay lumabas na sya sa opisina ni President Kairo. Hindi naman alam kung ano ang gagawin ni Kyrelle, hindi nya alam kung aalis na lang ba sya nang patago o maghihintay parin sya hanggang sa paalisin sya ni Kairo.

"Hoy, bakit hindi ka nalang mag hired sa labas kung walang may gusto na maging Assistant mo. at least yun, matitiis ka dahil may sweldo"

Ilang oras na ba syang naka tambay sa opisina nang lalaking naka kunot ang noo sa harap nya.

"I am the president, hindi lang ako kung sino kung tawagin mo nang ganyan. you really don't know how to respect me" Sabi nito sa kanya.

Napairap naman si Kyrelle. Ang arte arte, sya na nga tinutulungan, ang dami pang sinasabi.  tsaka ngayong taon lang naman sya magiging presidente, sa susunod na butuhan ay pwede nang mag iba.

"Dahil ikaw narin naman nag sabi at wala pa akong maisip na ipaparusa sayo, ikaw na lang ang kukunin ko" Naka ngising sabi nito sa kanya.

Hindi naman maintindiha ni Kyrelle ang sinasabi ni Kairo. Anong ibig nyang sabihin dun.

"Pinag sasabi mo?" Tanong nya.

"As punishment for insulting me, you will be my assistant while I have yet to find a replacement for Assistant Jem" Final na sabi nito sa kanya.

"Tangna, Hindi ko gagawin yun Mr.Presidente nang taon!" Kahit kanino ay hindi sya nakinig, kuya nya nga ay natatakasan nya ito pa kayang presidente nang taon.

'''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''

CHAPTER 4

"Para ka talagang babae kung gumalaw" Sabi nito sa kanya.

"Idol ko kasi si Taylor Swift" Nakangising sabi nya.

Mabubuking pa ata sya dahil sa galaw nya.

''''''''''''''''''''''''''''''''''''

Title: [Boys Town Series 1] Chasing her

Author:Imsecret_girl17

Author Note:

Don't copy my story, pinaghirapan ko po ito, kailangan ko pa pigain ang utak ko para may masulat lang ako. Sorry for wrong grammar and typos.