Chereads / REASONS / Chapter 2 - PROLOGUE

Chapter 2 - PROLOGUE

LUNES, APRIL 21, 2014

Binagtas ko ang kahabaan ng Quirino St. , dala ang isang payong bilang pananggalang sa mainit na panahon. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal ni haring araw; dahil bawat hakbang ko ay binibiyayaan ako ng mainit-init na likidong dumadaloy mula sa aking noo pababa sa aking sentido. 

Narating ko ang sakayan papunta sa aking destinasyon. Kakatapos lamang ng "Holy Week" , ibig sabihin tapos na

rin ang pananahimik ng mg kakalsadahan ng kalakhang Maynila.

LUNES...

tulad ng inaasahan, pista nga patungong TAFT avenue! Maraming taong aligaga sa gilid ng kalsada.. lahat

mga nag-aabang ng masasakyan, marahil ay pareho ko ng late ang mga ito. Samo't-saring paninda rin ang nahamba sa

mga bangketa... at higit sa lahat... prusisyon ng mga  sasakyan... mabilis pa ang pagong kaysa sa usad ng mga ito.

HAYYYYY... naisip ko tuloy, sana araw-araw na lang ay holy week.

alas-onse-syete ng umaga...

Narating ko rin ang mahal kong Pamantasan. Pumasok ako sa main gate, walang lingon lingon kay "manong-guard" , hindi

na rin naman nila chinechek ang mga bag at ID, mag-aaksaya lamang ako ng oras. Sa halip na dumeretso sa lugar kung saan

ginaganap ang Review para sa aming nalalapit na LET, andito ako ngayon aming paboritong tambayan, (kami ng aking mga

kaibigan) dito sa Talipapa.

hindi tulad ng mga nakaraang linggo, mag-isa akong naupo dito at tumambay.

Tanging ihip ng hangin ang naririnig ko.. payapa ang paligid. Pinagmasdan ko ang mga paroot-paritong mga studyateng katulad ko.

karamihan ay mga guro na kumukuha na ng kanilang Masters Degree, nakakatuwa ring panoorin ang mga ibon na palipat-lipat

sa mga puno ng narra na nakapalibot sa open court ng pamantasan.

at nahagip ng paningin ko ang Volleyball court... nilamon na talaga ko ng katahimikan, unti-unti akong hinihila ng mga ala-ala..

nagpumiglas ako, ngunit wala akong nagawa.

Muli.. natagpuan ko na naman ang aking sarili na nagpupunas ng luha; mga luhang pilit kong ikinubli nang mga nagdaang gabi.

Naging abnormal na naman ang aking paghinga ...taas- baba ang aking dibdib.. napakabilis..

.heto na naman ako .. UMIIYAK

"HANGGANG KAILAN BA AKO IIYAK?"

NAPAPGOD NA AKO PERO AYAW PAAWAT !

Tuloy lang ako sa pagpunas sa mga luha kong walang tigil sa pag-agos.. hindi ko na alintana ang tatlong babaeng kanina pa

namroroblema sa isang tao na hindi naman sila prinoproblema!

bakit ba ganun? Nag-aalala tayo sa mga taong wala namang pakialam?.

Sa puntong ito gusto ko nag tumigil, nakakapagod, pero pasaway tong ballpen na hawak ko. ayaw makisama, siguro nararamdaman

nyang sasabog na ako kapag tumigil ito sa pagsusulat...

BALIW NA TALAGA KO . hahah kailan pa nagkaroon ng pakiramdam ang ballpen?

hahha nagyon lang siguro.. tsk.

buti pa siya may nararamdaman para sa akin (huh? ano daw)

SABI KO... "naiintindihan ko siya.." totoo naman eh.. naiintindihan ko naman talaga siya

SOBRA TALAGA!!!

pero , bakit ang sakit ?

SANA hindi ko na lang sinubukan...

SANA pinukpok ko na lang yung ulo ko dati pa,, para hindi ako naaapektuhan ng ganito !

sana...

sana hindi na lng...

sana talaga ...

NAPAKARAMING SANA... hindi ko na mabilang... hindi ko na malaman...

basta isa lang ang sigurado ngayon... 

NASASAKTAN AKO..!