ISANG kaibigan ang tinanong ko..
"paano ba masasabing naging kumplikado na ang isang bagay? " at sabi niya ..
"kumplikado ang isang bagay kapag hindi na naaayon sa gusto mo, ang mga nangyayari
Napakahirap nun."
Isang tanong na siyang nagpabalik sa akin sa nakaraang >PITONG TAON ng Buhay ko.
JUNE 2006
Kinakabahan ngunit halatang Excited..
bagong uniform, bagong sapatos..
bagong tao, lumang tao,
bagong kapaligiran, bagong patakaran
BAGO? hmmm ano pa nga ba ang bago ngayon?.. TAMA.. YUN NGA!
BAGONG ADJUSTMENT :) HIGH SCHOOL na po ako !
sabe nila .. ito raw ang pinakamahirap na yugto ng buhay ng tao dahil dito nagaganap ang napakaraming adjustment at confusion natin sa buhay bilang tao... at kapag hindi ka naging matapang.. talo ka na agad .. :)
at ayon din sa iba,, ito daw ang pinakamasaya at hinding-hindi makakalimutan na part sa buhay natin.. ( ewan kung bakit? basta sabi nila ii)
hmmmmm nung maghigh school ako, parehong nasa high school na rin ang ate at kuya ko..
si ate nasa ikalawang taon, at si kuya nasa huling taon na ng high school.
Hindi kami mayaman, pero nakakain pa rin naman kami ng tatlong beses sa isang araw.. May sarili kaming bahay ngunit hindi sa amin ang lupang kinatitirikan nito..
Dito sa amin,isang Probinsya na pinagyaman ng kabundukan at malawak na kabukiran at mangilan-ngilang ilog, sapa at batis; Pangangaso, pagsasaka at pangingisda ang ikinabubuhay ng bawat pamilyang katulad ng pamilya ko ----KARANIWAN.
Sa panahong ito, hindi ko rin masasabing mahirap kami sapagkat naibibigay pa rin naman ng aming mga magulang ang aming pangunahing pangangailangan. Bunga ito ng maghapong pagtambay nila sa kabukiran.. ou tambay sa bukid ang mga magulang ko, sobra pa nga sa kalahati ng buhay nila ay ginugol nila sa bukid at bundok..
kung iniisip nyong galit ako dahil halos wala na silang oras sa aming tatlong magkakapatid ? aba'y hindi.. Masaya ako dahil sa kakatambay nila sa mga lugar na iyan..araw-araw may baon akong Sampung piso. :) ou . Ten pesos lang baon ko ii. Malaki na yun noh,,
nung elementary nga ako 5 pesos lng.. haha. hindi naman ako namamasahe dahil uso naman ang alay-lakad, malapit lang naman.. (parang vito cruz hanggang manila city hall ang layo) . kaya sa ten pesos.. nakakabili na ako ng isang tasang pansit.. at isang baso rin ng juice.. parehong tig-limang piso. oh huh :) malayo ang nararating ng ten pesos ko.
Lahat ng hirap ng mga magulang ko, ipinangako ko talagang kahit papaano ay tutumbasan ko yun sa pamamagitan ng pag-aaral ng mabuti.. hindi ko nakaligtaang gumawa ng mga takdang aralin at projects.. laging matataas ang marka ko sa mga pagsusulit,, sinikap kong maging isa sa mga nangunguna sa klase..
ok naman ang lahat nung una, masaya ako sa loob ng klase, marami akong naging kaibigan dahil pinaninindigan ko ang nunal na nasa kanang gilid ng labi ko.. (parang si PGMA lang) hanggang sa isang araw , pinaupo ako ng aking guro sa likod at doon nakasulat sa desk ang aking pangalan,, at nakaukit ang mga letrang ..
P............................
.A..........................
N...........................
G..........................
I.........................
T..........................
at
P......................
A.......................
N.....................
D................
A..................
K......
at,... MAYABANG, NAGMAMAGALING:??????????????
OU alam ko , pangit at Pandak ako,.. sungki idagdag pa ang nangingitiim kong ngipin sa harap, maitim,bansot.. ano pa ba ? oo pangit ako, tanggap ko yun pero ang mga huling salita ang hindi ko kailan man matatanggap
"MAYABANG AT NAGMAMAGALING "
wow ? KAILAN PA BA AKO NAGING ganito ??
wala ni minsan .. hindi ko gnawang magyabang..
May nagagalit na pala sa akon ng lingid sa aking kaalaman,,
tinanong ko ang aking guro .. bakit may mga taong nagagalit sa akin .. kahit wala naman akong ginagawa,,,
"ganoon talaga EJ, we can't please everybody.. besides we are not born to please anyone but GOD"...
(napangiti ako sa isiping ito ).......
may mga bagay talaga na hindi naayon sa gusto natin..
NOVEMBER 2009
pareho na noon ang mga kapatid ko na nasa kolehiyo... ako naman ay nasa huling taon na.. at ilang araw at buwan na lamang bibilangin .. matatapos na rin ako. EXcited na akong grumaduate.. :) pero hindi ako lubusang masaya..
HINDI pa rin kase napag-uusapan ng mga magulang ko ang pag-aaral ko sa kolehiyo ii..
nag-aalala ako, dahil minsang tinanong ko sila tungkol dito.. maikli lang ang sagot ni PAPA..
isang nakakasugat na "PASENSYA KA NA ANAK"
Si mama naman ang sabi sa akin.. "nak, si ate muna huh ?"
hindi ako bobo para hindi maintindihan kung ano ang ibig sabihn ni mama sa kanyang tinuran,,
pero... tinanong ko pa rin sila ... pati na rin ang sarili ko.. kahit na alm ko pa ang sagot..
"BAKIT??????"
hindi ko alam kung ano talaga ang nais kong itanong sa salitang bakit na yan,,
BAKIT GANOON ?
BAKIT HINDI PWEDENG SUMABAY AKO ?.. dahil walang pera,,, hindi na namin kaya ng papa mo (tila naririnig ko pang sabi ni mama, kahit mag-isa lang naman ako ngayon)..
BAKIT KAILANGANG SILA ANG UNAHIN..
BAKIT LAGI NA LANG SI ATE ? BKIT HINDI PWEDENG AKO NAMAN,,,, ???
huh? huhuhuhuh .... tsk ANDAYA NYU MAMA, PAPA...
AHHH bsta ayoko mahinto sa pag-aaral.. at ang dahilan ko.. baka tamarin na ako at hindi ko na matupad yung mga gusto ko para sa knila.. sayang oras...
kaya sa halip na magmukmok .. nag-isip ako ng paraan..
naisip ko si tita Melva.. ang matandang dalaga kong tiyahin.
matagal na siya sa Maynila, mag-isa lsng siya doon.. wala siyang inaalala .. at tutal
nung bata ako nangako naman siyang siya na ang magpapaaral sa akin sa college.. na tinutulan ni papa (dahil sabi ni papa kaya pa naman niya.. e kaso nagyon hindi na nila kaya.. wahahha kaya malamang papayagan na ako ni papa ) ..
hindi na ako nagdalawang isip... tama .. ito na nga yun .,,
SI tita MELVA!!!!!! :) ^__________^
hindi ko na inisip kung anong mga pagbabago ang mangyayari sa akin sa puder ng tita ko at pato.. AT tipikal na probinsyana wla pa akong pakialam dahil wala pa naman akong nalalaman sa mga hamon ng Maynila sa pagkakataong to.,
basta ang gusto ko lang... "MAG-ARAL SA KOLEHIYO AT MAKAPAGTAPOS ON TIME "
SO MANILA HERE I COME ... READY TO CONQUER YOU !