AUGUST 2013
.. ihip ng hangin, mga studyante na naka all in white... si manong guard at ateng guard..
yung mga maiingay sa talipapa.. pancit ni ate sa may luncheonette.. at siyempre mga volleyball buddies ko wohoho lahat namiss ko! ..
I'm back in Normal .. as in back to my school ! .. kakatapos lang ng off campus ko.. natapos na ang pagiging studyanteng guro ko,.. studyante po ulit ako.. wahahaha
sus,. haha at dahil matagal akong hindi nakapaglaro ng volleyball.. eto ako ngayon mukha na namang gusgusin .. suot ko pa talaga ang off campus uniform ko ! wahaha wala akong pakialam e sa namiss ko talaga ang paglalaro ii.. :)
kasama ko si Cercex.. :) ang pinakamalapit kong kaibigan! siya lang naman ang nagturo sa aking maging adik sa volleyball .. wahehe
"EJ!!! bola "
(oh shocks.. bakit saken na pala sineset ang bola ) hmm mabilis akong kumilos, tumalon at hinamba ang kamay ko sa ere.. at tsaka pinalo ang bola.. and yohoo..
"taray ! haha bebe dka prepared nyan e... kaso pumasok pa din " si rufa.. (binabae.. pero hindi yan maarte tulad ng ibang bakla.. )
haha.. tawa nalang ako.. nakakatawa lang isipin only girl ako dito.. ehh wala tlaga kong pakialam ee basta gusto ko lng maglalaro!...
napatigil ako sa pagtawa nang mahagip ng mata ko ang dalawang lalake.. itsura pa lang alam mo nang mga freshmen sila.. :) bakit ko sila napansin ? .. ayun may itsura ii hahha at yung isa, hmm
....para kaseng may kahawig siya ee,,, di ko lang maalala kung sino.
Sino nga ba yun ?..
"pasali po !" (ahhhhghh.. haha katuwa naman, naglalaro rin pala ng volleyball, mukhang magkaksundo kami ng mga batang to )
napangiti na lang ako,, (Lets see what they've got )
Pumalo sa Dos si Raymond, isang varsity player (DOs-yung nasa kaliwa ng setter kung nakaharap siya sa net, madalas rin siyang tawaging open spiker)...
malakas pumalo si Raymond, at malamang magaling talaga siya dahil varsity siya ng aming pamantasan.. inaasahan kon Hindi ito masasalo nung mga Freshmen kanina.. pero mali pala ako
"puto ka!!! si Cercex ang nagsalita
wahahaha hahhahah oh my GOD.. ung freshmen na may itsura. nataas niya ng maayos ang bola
mukhang may depensa siya,,
ginanahan tuloy akong maglaro ..
si Cercex ang setter sa kabila at mukhang kakilala na nya ang mga bagong dating.. Sinet nya dun sa isa pang Freshman kanina.. sa Kwatro naman siya pumuwesto ..
(Kwatro- yung nasa kanan naman ng setter kung nakaharap siya sa net,, yung nasa harapan ahh hindi yung mga nasa bandang likod...)
at.. ayun ang tulis at ang bilis ng bola... hindi ko napaghandaan yun at bumagsak na lang ito sa corner ng court..
may ibubuga ang dalawang ito,,
tsk.. bakit hindi ko nasalo yung bola... nakakainis naman..
occuppied kase yung utak ko.. iniisip ko pa rin kung sino yung kamukha niya..
"JD, Kyle.. time na .. pasok na tayo" sigaw ng isang babae na nakasalamin.. :) ang cute niya..
kaklase siguro nila yun
JD at kyle pala ang mga pangalan nila ..
Nagpaalam na sila at nagpasalamat sa amin bago sila lumayas sa court..
wala lang naCute'an lang ako.. iilan lang ang nagpapasalamat sa mga nakakalaro namin ..
APRIL 23,2014
12:50 AM
at yun ang ito ang una naming pagkikita ..
napangiti ako sa ala-alang ito..
ngiting mapait.. first meeting,.. nothing but immemorable (huh ano daw? san galing yang engilsh na yan.. lalo lang sumasakit yung ulo ko pati ang puso ko nabibiyak..
hayyyts... ganitong mga pagkakataon yung gusto ko na lang pumikit..
pag nakapikit ako... puro kulay itim ang nakikita ko atleast hindi masakit sa ulo ang
itim parang masarap pumikit
nasa kawalan pero payapa......
wala akong makita pero tahimik...
sa mga ganitong panahon... gusto kong pakiusapan ang hari ng mga zombie at
aswang para
kunin ang utak ko, at dukutin ang puso ko ...
o di kaya kahit na sinong electrician na kayang paganahin ang switch ng puso ko at permanenteng ilagay na lamang ito sa off button..
o kahit na sinong hardinero na kayang tabasin yung mga mahahabang damo na tumutubo sa aking pagkatao , mga damong mabilis na lumalago at gumagapang patungo sa puso, este buhay niya,. mali sa mundo niya..
AHHHHHrrrrrrgghhhhhh! BASTA YUN NA yun .... :(
asar naman ooohhh.. luha... napapagod na talaga ko magpunas sayo..
nasa labahan na lahat ng panyo ko ohhh.. pwede ba.. tama na..
napapagod na kase talag ko ..
tsk o sige na nga.. hayan.. sige lang , umagos ka na nga lang.. wala ka
nga palng tenga .. kaya hindi mo ko marinig yung gusto kong gawin ko..
hinayaan ko na nga lang talaga.. ayun tuloy heto na naman ako ..
yung utak ko rin ayaw makisama..
.....................................................................
kanina,,,,
Dapat maglalaro kami ng mga kaibigan ko pagkatpos ng Review.. ako pa nga ang nagdala ng bola.. Dapat rin aantayin ko Rio kaso di ko na siya naantay.. kaibigan ko pero incoming sophomore palng siya.. nasa school siya kahit summer , may practice sila ii sa banda... gitara ata tinutugtog niya haha di ako sure,, basta string instruments.. (o wag na magreklamo... haha di ko maalala tawag dun ii)..
bigla kaseng nagkayayaan , kami ng mga classmates ko nung first year college ako..
naisip ko.. tama , siguro kailangan na rin namin magbonding naman.. nd give myself a break.. so yun nga hindi ko na nahintay si Rio... sumama ako sa Dati kong kaibigan, kina Angenel at Reign ..
LUneta trip lang naman,..
kahit sa luneta lang talaga kami nagpunta kanina.. sobra yung saya ko.. Namiss ko talaga sila !
"hoy Emerald ! namiss kita ! namiss ko kayo " (sila lng mga classmate ko lng noong freshman ako ang tumatawag sa akin ng Emerald) si Reign..
dahil iba't-iba kami ng majorship.. parepareho rin kaming naging abala sa loob ng tatlong taon.. bagamat iisa lamang ang Pamantasang aming pinapasukan hindi talaga kmi nagkakakitaan..
hmm naisip ko kung pwede ko na yun itanong kay Reign yung tanong na gusto kong itanong dati pa.. help me LORD...
bigla akong tinanong ni Angenel..
"oi ilang months ba kayo nung naging jowa mo.. hahaha dalawa pa nga yun , dba ?.. ayyyiiie!"
"woshoo,,haha di naman yun gwapo ! 3 months lng pareho" .. -akon
"ahaha baliw ,, e kahit na naging jowa mo pa rin " :) - si Reign
" sus e bakit ikw? kmusta puso".... balik tanong ko kay Reign,
Tumingin siya noon kay Angenel.. sabay ngiti..
"ay hindi mo pala alam yung tungkol kay Paulo,, yung Phscy major.. i.. siya lang naman e"
LIKE OH MY GOD .. OH MAY MOOOOMMMMMAAY ! O_____O
so tama nga ang marami dati na hindi talga siya straight, e amkulit ako.. gusto ko talaga sa kanya manggaling..
"oi Reign.. wahaha gusto ko lang itanong"..
"ano yun ?
Kase dati pinagpipilitan ko talagang lalake ka.. wahahaha
"so ano kaba talaga , lalake bakla o bi ?"
BOO...
grrr eto na.. "BI" siya as in bisexual...
marami pa kaming napagkuwentuhan.. hanggang sa mahantong sa usapang puso ko na naman..
Dito pa talga sa may Fountain... at sa harap ng Jose Rizal Stadium kami naupo .. lugar kung san unang beses ko siyang nakitang umiiyak..
... naikwento ko nga,, kung papaanong nasusugatan yung puso ko ngayon,,
at ito lang ang sinabe nila saken,,
"Emerald.. naku kase para kang kumuha ng Bato na pinukpok mo jan sa ulo mo " o huh. coming from Angenel..
si Reign naman ang sabi niya saken,,
" iniisip mong hindi kayo pwede dahil nagiguilty ka.. "
nagbabadya nang tumulo yung mga luha ko..
para maiwasan yun.. niyaya ko na lamng silang maglakad at maglibot-libot..
... NAGIGUILTY NGA BA AKO ?..
ang sagot OO.. SAAN ?.. ayoko banggitin hindi pa natatanggap ng puso ko..
at ang isip ko nagsasabeng wala akong nagawang mali.. o kasalanan
AT ISA PA NATATAKOT NA AKO..
bakit?.... kase dati..........................................
datii.....
may pinanghahawakan ako.. kaya malakas loob ko..
ehh ngayon..
wala na..
nagbago siya ,,,
naduwag,,
wala naman akong magagawa..
TIME CHECK : 2:07 am na ..hayts.... umaga na .. 8am pa pasok ko
tapos hindi pa rin ako natutulog.. ...
pipilitin ko na lng matulog...
pero bago yun , tinignan ko pa rin ang Fb ko,, ung message ko sa kanya kung binasa na ba niya.. .. hndi na talaga ata ako nito papansinin...
yung status ko kanina..
" nagiging kumplikado ang isang bagay kung hindi na naaayon sa gusto mo ang mga nangyayari"
at sa mga pagkakataong ganito..
hindi ko na alam ang gagawin ko.. ...
pwede bang pumikit na lang.. ...
at ilagay sa off switch ang utak at puso ko para wala na lng akong maramdaman ...
#SORRY
hmm si Zha, sinangayunan ang sinabi ko.. si Cercex at Jehru talaga nagcomment umiral na naman ang pagiging makata nila.. :
(Zha) sana kung madaling lng ilagay sa switch off ang utak at puso .. natuwa na ko
"Nandyan lang yung switch off. Pero makikita mo lang yun pag natanggap mo na lahat. Acceptance is the key to happiness.(Cercex)
(Jehru) : di lahat ng bagay madaling matatanggap kung alam mo sa sarili mo ang kahinaan at kalakasan mo.. ang masaklap kc sa mundong ito, bakit b laging sa mahirap na paraan kailangang padaanin ang lahat.? bakit b sa mas kumplikado? bakit sa mas nakakaloko?
isa lng ang alm kong sagot.. dahil lahat ng bagay sa mundong ginagalawan ntin ay NAGBABAGO..
it makes sense... tama naman talaga sila..
ou acceptance.. ou happiness.. ! lintik na happiness na yan!
iiiiiii gggggrrrr...
bakit ba nagbabago.. ewan ko sa knya..
Wala naman siyang isang salita
hayts...Pikit,,
PIKIT NA EMERALD JAIMEE DE LA VEGA,...
pIKIT NA TALAGA...