Chereads / REASONS / Chapter 3 - Chapter one : ALA-ALA

Chapter 3 - Chapter one : ALA-ALA

CHAPTER ONE:

Tumayo ako... at nagtungo sa chapel, nagbabakasakaling mahimasmasan ako . Hindi ako pumasok, sa labas lang ako at naupo. 

AT napatigil na naman ako, ngunit hindi ang aking pag-iyak.. mas malapit na ako sa volleyball court..

nakagulat lang.. kanina wala sila doon.. pero ngayon... nakikita ko na ang mga kaibigan ko. Nag-aasaran at nagtatawanan sila sa loob ng court habang pinagpapasapasahan ang bola na tumatawid sa ibabaw ng net. Napakislot ako at napangit nang muli ay marinig ko silang sumigaw ng "HEY" matapos paluin ng isa sa kanila ang bola at hindi ito nasalo ng iba na nasa kabila....

pero teka

paisa-isa, wait.. 

bebe? ayaw mo na?

oi san kayo pupunta ?

Asan na sila ???? .. 

tsk.. nawala na naman.. hayyyyyys... 

Ano to ? panaginip ??

guni-guni lang pala ang lahat.. 

HUHUHUHU bakit ganito ?.. 

ano ba kasing nanyari sa aming lahat ?.. 

hayyyyyts! tama na nga iyak Jaimee.. 

kastigo ko sa sarili ko..  Ganito ako lagi, kapag naaalala ko sila.. hayts! 

ohhh WELLLL

Ako nga pala si Emerald Jaimee De la Vega.. ? tunog mayaman noh? pero pangalan lang yun... 

Fresh Graduate . BSE Mathematics, sa isang pamantasang kilala sa larangan ng Edukasyon.. katunayan dito galing ang mga magagaling na guro sa bansa.

Dati ok lang naman ako.. simpleng masiyahin, simpleng makulit.. ei ngayon? 

adik na ako sa PROBLEMA, di na ako mabubuhay kung wala ang mga ito.. 

minsan nga may nagsabi sa akin "EJ, sagana ka sa problema noh ? " (ako si EJ, nickname ko yan)  sinagot ko siya ng ganito..  "ayy oo naman, gusto mo bigyan pa kita e.. hehe libre lang " 

at kung papaano naging kumplikado ang lahat ? ang sagot.. hindi ko alam... 

Siguro sa panahon na ginusto kong mag-aral.. pero walang pang-aral.. at ang tanging solusyon lang ay ang mapadpad sa "maligalig na siyudad.. DITO sa MAYNILA" 

Dito sa Maynila, nakilala ko ang mga taong nagpangiti, nagpaiyak, nagpahalaga sa akin .. isa na dito si JD.. 

si JD ?,... sino siya ?... ewan.. (kesa magtanong ka ... Magbasa ka na lng ) !