Year 2000
Isang napakalakas na lindol ang bumulabog at yumanig sa sangkatuhan. Kasabay nito ay kumalat ang mga kakaiba at mistulang maliliit na bituin sa iba't ibang panig ng daigdig.Â
"Tulong! Saklolo! Maawa kayo sa amin! Tulungan niyo kami. . ." Ilan lamang sa hiyaw ng mga taong naapektuhan nito. At kasabay naman noon ang pagdaing ng mga batang hindi magkamayaw sa hapding nararamdaman matapos tamaan ng mga inakalang bituin.
"Mommy!"
"Mama!"
"'Nay! Nasaan po kayo!"
"Masakit po!"
"A-aray!"
Lumipas ang mga araw at ang bangungot na kumitil sa napakaraming buhay ay tuluyan nang ibinaon sa nakaraan. At tanging ang mala-pilat na natamo ng mga bata mula sa butil na bituin na lang ang tanging naiwang marka nito.
Year 2010
Nadiskubre ng mga nakatatanda na ang pilat na tinamo ng mga bata ay isa palang palatandaan, na ang mga ito ay biniyayaan ng Diyos ng kayayahang wala sa mga normal na tao.
"Kamangha-mangha!" bulalas ng ilang mga doktor matapos makita ang isang kakaibang pangyayari.
"Anong ibig sabihin nito? Hindi kaya ng isang normal na tao---at higit sa lahat ng isang bata---ang magpalutang ng mga bagay!" gulat at naguguluhang sambit ng isang doktor na nakatuklas ng kakayahan ng kaniyang unica hija.
Bakas sa mata ng mga doktor na 'yon ang tuwa at pagkabilib sa kanilang nasaksihan.
Naagaw ang atensyon nila ng isa pang bata na nagkukulay naman ng krayola. Muli na naman silang nagulat nang mapansin na ang pilat nito sa may bandang hinliliit ay nagliliwanag.
Higit pa roon, ang bawat guhit at ang bawat kulay ay lumilikha ng kakaibang liwanag. Liwanag na bumalot sa buong lugar. Hindi maitanggi ang tuwa sa mga mata ng nakasaksi nito.
"Tatawagin natin itong Ligero Arte," sabi ng isa pang doktor. "Ligero na ang ibig sabihin ay liwanag at Arte na ang ibig sabihin ay sining."
At simula nga noon ay nabigyang pansin na ang mga batang ito. Nagpatayo ang gobyerno ng paaralan na para lamang sa mga tulad nilang may angking kakayahan.
Year 2015
Nang dahil sa Ligero Arte ay maraming tao ang hinangaan sila---ngunit may ilan rin ang lumalayo dahil sa takot na baka kung ano ang gawin nito sa kanila.
At dahil na rin sa natural na pag-uugali ng mga tao ay nabuo ang diskriminasyon. Diskriminasyong naghati sa mga Ligero at tumutukoy sa kung sino ang nasa itaas at nasa ilalim.
Nagkaroon ng apat na lebel ang mga ligero arte o lebel ng mga taong nagtataglay ng Light of Arts. Ito ang naghahati sa mga estudyante ng Arc Light Academy---ang nag-iisang paraalan para sa mga may Ligero Arte.
Four Levels of Ligero Arte
Level 4 (Ligero Vier)
Consist of people who has the power to use arts and produce light that can be formed into a barrier to protect themselves or fellows.
Level 3 (Ligero Drei)
Consist of people who has the power to use arts and produce light that can be used to create weapons that can aid them to their battles.
Level 2 (Ligero Zwei)
Consist of people who has the power to use arts and produce light that can be used to move things by levitation and communicate with others.
Level 1 (Ligero Eins)
Consist of people who has the power to use arts and produce light that can be used to empower once body by having a great strength, high speed, and others.
Lastly, the highest level,
Level 0 (Ligero Supremo)
Consist of only 6 people. They are the one's chosen by God among thousands of Ligero Arte. They had the power to affect the highest elements.
Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat na ang trahedya ng nakaraan ay isa pa lang pahiwatig at babala upang paghandaan ang nalalapit na panganib.
Paano nga ba magagampanan ng mga batang ito ang kanilang tungkulin na mailigtas ang mga tao mula sa nalalapit na delubyo?