Pagkatapos ng napakahabang biyahe mula sa probinsya namin papunta sa kapitolyo ay narating din namin sa wakas ang Arc Light Academy.
Kasalukuyang tinatahak ng limousine na sinasakyan namin ang kahabaan ng patag na kalsada. Sa magkabilang gilid nito ay ang hilera ng mga nagtatataasang puno. Huminto ang limousine na sinasakyan namin kaya naman napatingin akong muli sa labas ng bintana, tanging ang napakahaba at napakataas na bato lang ang nakita ko.
Tingin ko ay ito ang pinakabakod at nagsisilbing gate ng school. Kakaiba ang bakod na 'yon, dahil may tila transparent barrier na bumabalot doon. Gawa siguro ito ng mga Ligero Vier.
Gusto ko sana lumabas para makita ang itsura ng pader na 'yon dahil tingin ko ay may mga nakaukit doon, pero hindi ko na nagawa dahil agad ding umandar ang sasakyan.
Pagkapasok namin doon ay natanaw ko na ang victorian style na school, malayo pa man kami doon ay kitang-kita ko na dahil sobrang laki talaga nito. Oo nga pala at sinuportahan ito ng gobyerno ng napakaraming bansa. Special pa rin talaga ang pagtanggap nila sa mga ligero. Suwerte pa rin lahat ng mga nabibiyayaan ng ganitong kakayahan, pero tingin ko ay may mas mabigat itong dahilan na hindi namin inaasahan.
"Do you wanna see the whole entrance? We can walk from here naman," ani Lux. Sinilip kong muli ang school, medyo malayo pa kami roon sa puwesto namin dito. At mukhang hindi kakayanin ng paa ko kung lalakarin lang namin papunta roon.
Mabagal akong umiling at tumawa naman si Lux. "Don't worry, Zed can help us out. Distant doesn't matter, right Zed?"
Humarap naman ako kay Zed at kumindat naman siya. Are they thinking of teleportation?
"You'll see, bro," nakangising sabi niya kaya inirapan ko na lang bago sumunod na kay Vok na naunang lumabas.
"Wow," nasabi ko na lamang nang makita ang building sa harap ko. Mas maganda pala itong makita sa personal kesa sa mga picture at video lang na pinapalabas sa tv at magazines. Hindi ako mahilig sa victorian style pero masasabi kong napakaganda talaga. Ayon pa nga sa balita ay ang mga highest paid architecture ang nag-design nito. Pero ang pinaka nagpaganda dito ay ang iba't ibang kulay ng liwanag at usok sa paligid nito.
Bukod pa sa building na nakita ko ngayon ay ang lima pang building sa likod at gilid nito. "Those five buildings are for special classes. Each building represents your Ligero level," pagpapaliwanag ni Vok kaya napatango ako.
"So, magkakahiwalay pala? I wonder, ano'ng ligero level niyo?" tanong ko.
"No, Mira. Just like what Vok have said, the five buildings are for special classes of each level. You see, magkakaiba ng abilities bawat level," sagot ni Lux.
"Bro, regular classes o yung mga pinag-aaralan natin ay sa main building, since it's not special---" Itinaas ko ang kanang kamay para patahimikin na siya dahil naintindihan ko naman na. "So, anong level nga kayo? Eh ako, anong level ako?" tanong ko dahil hindi naman nila sinagot kanina.
"Ligero Vier ka, bro." Inakbayan pa niya ako habang patuloy pa ring naglalakad. Tumango na lang din ako. Sa pagkakaalam ko ay ang Ligero Vier ang pinakamababang lebel, so, ganoon lang pala kababa ang ability na meron ako?
Napakamot ako sa ulo nang may maalala. "Di ba barrier ang mga ability ng Vier?" tanong ko.
"Oo. Ikaw rin, 'di ba?" sabi ni Vok.
"Ah, sabagay." Pinahaba ko pa ang unang salita nang sabihin iyon bago tumawa. Ibig sabihin, hindi pala nila alam ang ability ko? Pero mas mabuti na rin siguro iyon, mas okay na hindi nila alam.
"Ano namang arte mo, Mira?" tanong ni Lux. Inalis ko pa muna ang kamay ni Zed sa balikat ko dahil masyado na siyang komportable samantalang nangangalay na ako. "Well, hindi siya arts, pero it's a form of art---singing," sabi ko.
Nakita kong napahinto sila sa paglalakad at nilingon ako nang may pagtataka. Miski ako rin tuloy ay naguluhan kung bakit ganoon ang reaksyon nila. Hindi ba halata na marunong ako?
"Ah--eh--magaling ka pala, sample naman dyan!" sabi ni Vok na sinang-ayunan nung dalawa.
"Sorry, but not today," pagbibiro ko.
"Ang daya! Ganyan ka bro, ni hindi mo na nga sinabi sakin na marunong ka pala kumanta tapos ayaw mong mag-sample?" kunwaring nagtatampong sabi ni Zed. Kunwari dahil alam kong paraan niya lang yon para maakbayan na naman ako. Kaya nang makita kong papalapit na ang kamay niya ay tinampal ko na agad. Natawa pa siya at sinabi na namang ang daya ko. Siya kaya ang mas madaya, hindi naman ako binigyan ng Diyos ng balikat para lang gawin niyang patungan, 'no!
"So anong ligero niyo nga ulit? Magkakasama kayo, tama? Eins? Zwei? Drei? Or kapareho ko rin na Vier?" tanong ko. Sa pagkakatanda ko ay pangatlong beses ko nang tanong ito kung anong ligero level nila, hindi kasi nila pinapansin, at mukhang ayaw sabihin.
"You'll know later, Mira," ani Lux. Napahinto kami sa paglalakad nang sa bandang unahan namin ay naging kulay itim ang sahig---no---parang nagkaroon ng hole na sa sobrang dilim ay hindi ko makita ang nasa ilalim.
"A blackhole?" tanong ko sa isip.
"Tara na!" yaya ni Zed at mabilis akong inakbayan bago hinila. Doon ko lang na-realize ang balak niya. Hindi na ako nakapagpreno at nalaglag na nga kami sa blackhole na 'yon. Sobrang bilis ng pagbagsak namin gaya na lang ng tibok ng puso ko. Naipikit ko na lang ang mga mata ko dahil halos mahilo na ako samantalang tawa lang ng tawa si Zed. "Hold on tight, bro!" Sa sinabi niya ay lalong humigpit ang hawak ko sa kamay niya hanggang sa napayakap pa sa kaniya. Hanggang sa naramdaman ko na lang na huminto na kami. "Chansing ka na, bro!" komento niya.
Iminulat ko ang mata ko at nakita ang pinto ng main building sa tapat namin.
"I think I'll have a headache. Nakakainis ka, Zed," sabi ni Lux na nakahawak sa ulo niya---mukhang nahilo rin.
"Pumupurol ka na ba, Erwin at kailangan mo pang gawing gano'n kalalim?" sabi naman ni Vok na naka-poker face. Sabi na eh, hindi lang ako ang hindi nagustuhan ang bagay na yon. Bwisit na Zed talaga o!
"I don't think so, Vok. Siya yata ang nangcha-chansing kay Mira," nakangising sabi ni Lux bago hinila ako papasok. Hindi ko nakita ang reaksyon ni Zed dahil diretso ang tingin ko sa loob ng main building.
Sinalubong kami ng mahabang hallway. May mga statue at paintings din na nakalagay sa dingding---lahat ng mga 'yon ay nagbibigay ng makukulay na liwanag. Iba-ibang kulay, iba't ibang hugis gaya na lang ng gold snow flakes na lumalabas kapag ginagawa ko ang arte ko. Kaya naman hindi ko maiwasang mapangiti habang tinatahak ang daan na 'yon. Nakakamangha talaga ang ligero arte!
Nang makarating kami sa dulo ay maraming estudyanteng nagbubulungan ang sumalubong sa amin. May iba pang yumuyuko, hindi ko tuloy naiwasang mapangiti. Na-miss ko ang pinanggalingan ko.
"Woah, ayan na sila Miss Wrath, Sir Roche, at Sir Erwin."
"Oo nga! Buti na lang nakabalik na si Sir Erwin!"
"We know right! Ang tagal niya kayang nawala---good afternoon po!" bati sa amin ng babae. Hindi ko tuloy naiwasan ang mapatawa ng mahina. "Mga prof ba kayo dito?" biro ko pa.
"No. We're students too, Mira," seryosong sagot ni Lux. Nagulat pa ako sa tono ng pananalita niyang 'yon, ibang-iba kasi sa kung pa'no niya kami kausapin kanina. Nahati rin ang ilang kumpol ng estudyante nang dumaan kami. Yumuko sila. Nilingon ko si Zed at Vok, seryoso at diretso lang din ang tingin nila sa nilalakaran namin gaya ni Lux---ni hindi tinatapunan ng tingin ang mga estudyanteng nadadaanan namin.
Lumiko lang kami sa kaliwang pasilyo hanggang sa huminto kami sa tapat ng isang pinto. Ito na siguro ang Principal's Office. Pero hindi 'yon ang tunay na nakapagpahinto sa akin. Nilingon kong muli ang dalawang estudyante nang ma-realize ang sinabi nila.
"Welcome back, Ligero Supremos!"
A-a-ano? S-supremo ba kamo? Ligero---
"Ligero Supremo!" sigaw ko ng wala sa oras.
Nilingon ako ng tatlo at nakita ko naman sa peripheral ko na sa akin na nakatingin ang mga estudyante.
"Who is she?"
"Saang lupalop ba yan nanggaling at hindi kilala ang mga supremo?"
"Tama! Hampaslupa!"
Sabi ko na nga ba. Gusto kong sampalin ang sarili ko sa kakahiyan. Ghaad. Pinapahamak ko na naman ang sarili ko!
At, all this time, wala akong galang at kinakausap ko lang ng basta-basta ang mga legendary Supremo? Sila ang pinaka kinatatakutan dahil kaya nilang kontrolin ang iba't ibang elements. The hell, Mira! You're doomed.
Dahan-dahan kong nilingon si Lux at gusto ko sanang magsalita, pero sinenyasan lang ako ni Vok ng Sa-Loob-Na-Lang-Namin-Ipapaliwanag Look.
Pumasok na nga kami sa opisinang 'yon. Pagkasara pa lang ng office ay hinarap ko agad sila at yumuko. "Sorry for being rude, Supremos. I know I deserve it---but please don't punish me for my acts." This is how it goes. Ganito naman ang sinasabi ng mga tulad ko 'pag may kasalanan sa mas mataas sa kanila, 'di ba?
Napaangat na lamang ako ng tingin nang marinig ang malalakas nilang tawanan.
"Seriously, bro! LT ka talaga kahit kailan."
"You shouldn't be sorry, Mira. We don't wanna be bound to the title of Ligero Supremo. We want friendship and a fair society, but then there's people who will abuse our abilities for their own sake."
"And we're the one who should be sorry. For not answering your questions earlier. Lux's right, so friends?" sabi ni Vok at inilahad ang kamay, nag-aalangan pa ako nung una pero yung ngiti kasi niya ay tila sinasabing tanggapin ko na. Makikipagshake-hands na rin sana ko kaso tinapik ni Zed ang kamay ni Vok.
"No need for a handshake. Magkakaibigan na tayo, right bro?" sabi ni Zed pagkatapos ay umakbay na naman.
Inalis ko agad ang kamay niyang 'yon bago nagsalita,"But being friends doesn't mean you're allowed to do this."
"That's right, Mira! Don't let this guitarist asshole bully you," pang-aasar ni Lux sa kaniya. Sinamaan naman siya ng tingin ni Zed pero tinawanan lang namin siya.
"By the way, mind introducing yourselves to me officially?" tanong ko. Na-realize kong marami pa rin kasi akong hindi alam sa kanila, tapos kung makaasta ako kanina, haaay. Masiyadong feeling close.
"Ah, ahem! Zed Luke Erwin, treat me just like before. My Ligero level is Supremo, ako ang nag-go-govern sa Void element na may kakayahang kontrolin ang spaces. Ang Arte ko ay guitar concerning music," pagpapakilala niya. Ngayon ko lang din nalaman na marami pa pala akong hindi alam sa bestfriend ko.
"Luxianna Marie Wrath, well people call me Lux, Ligero is Supremo, ako ang nag-go-govern sa nature element, syempre I can command nature at my will. Piano is my arte, music too. "
"Von Kean Roche. Vok. Supremo and governs the air element. Arte is saxophone, music too."
"Pero ang nakakapagtaka lang, music base tayong mga supremo pero bakit music base rin si Mira na isang Vier? Normally, Viers are Painters---no---all of them are painters and good at drawing and such. How come na iba ka, Mira?" Miski ako ay hindi alam ang isasagot sa tanong ni Lux. Bukod sa hindi ako marunong magdrawing, wala rin naman sa Ligero of Arte book ang power ko. Pero may isang bagay ang pumasok sa isip ko, is there a hidden---rather, a missing ligero level?
"Maybe it's a special case, madami pa tayong hindi alam sa mga ligero." Napatingin kaming lahat sa nagsalita na kakapasok lang.
"Oh, good afternoon po, Principal Steffan. Nandito na po si Mira na isang Vier," wika ni Vok.
"Okay, halika na muna sa kusina at baka gutom na kayo, madami pa tayong pag-uusapan ukol sa rules and regulation dito sa Arc Light, Ms. Feranil," sabi ni Principal Steffan at binuksan ang glass door. Nakita ko naman ang isang victorian style na mesa doon.
"Tamang-tama gutom na 'ko," bungisngis ni Zed. Natawa na lang kaming tatlo sa kanya na dali-daling pumasok sa dining area. Kahit dito pala sa Arc Light, makapal din ang mukha niya. Tsk tsk.
"Tara na sa loob nang mai-discuss na sayo ni principal ang mga rules and regulation sa Academy," yaya ni Vok.
"After this, we'll introduce you to the gang!" tuwang-tuwa na sabi ni Lux. Lumakas naman ang pintig ng puso nang sahihin niya iyon. Gang? Sila ba ang iba pang Supremos?
Napatitig na lang ako kina Vok na sumunod na rin kay Zed. Hinila na rin ako ni Lux kaya sumunod na rin ako. Gosh! Iniisip ko pa lang na makikilala ko sila, mababaliw na ako!
"C'mon, Mira! Don't be shy."
Ngitinian ko na lang din si Lux pero napawi ang ngiti kong 'yon matapos manlamig ang pakiramdam ko sa isang tinig na narinig.
"Such a bitch. Die now, Miracle Louise Feranil."