Chereads / LIGERO ARTE (Tagalog) / Chapter 2 - The Ascension of Ligero Arte

Chapter 2 - The Ascension of Ligero Arte

Year 2016 (Taong Kasalukuyan)

MIRA'S POV

Hawak ang dumudugong labi ay padabog na isinara ko ang pinto gamit ang kaliwang kamay bago lumabas ng bahay. Narinig ko pa ang mga singhal ni Daddy at pinababalik ako sa loob pero hindi ko ginawa. Ayoko na kasing magtagal do'n at baka kung ano'ng parte naman ng katawan ko ang dumugo sa akin.

Napailing na lamang ako at pinunasan ang labi ko gamit ang panyong ibinigay sa akin ng bestfriend ko. Malala na talaga ang pagiging brutal ng tatay ko---kung tatay ko nga ba. Geez. Sinagot ko lang naman ang tanong niya kung bakit kailangan kong umalis ng maaga, at 'yon ay dahil may kailangan daw kaming pag-usapan na importante sa student council.

At saka kasalanan ko bang hindi siya maipaghahanda ni Yaya ng agahan? E siya nga 'tong may kasalanan, kung hindi ba naman niya pagurin kagabi! Geez. Kinilabutan ako bigla.

Matapos mapunasan ang labi ko ay inamoy ko naman ang uniform ko. Mahirap na at baka kumapit pala ang hininga niyang amoy alak dito---mapagkamalan pa akong lasinggera.

Kaya naman para makasigurado talaga na wala 'tong bahid ng kahit anong hindi kaaya-ayang amoy ay nag-spray ako ng maraming beses ng paborito kong pabango---di bale nang mangamoy matamis at least hindi masangsang.

Agad akong dumiretso sa garahe kung saan naka-park ang motor ko. Bago isuot ang helmet ay naagaw na naman ng labi ko mula sa salamin ang atensyon ko. Inis na napabuntong-hininga na lang ako.

"Nakakainis! Kailangan ko na namang kumanta!"

Hindi naman sa ayoko talaga pero kasi nakakasawa ring kumanta para lang maalis ang nakakainis na sugat.

The wind that breezed through the two of us, where did it carry the sadness from?

The sky after I cried seemed to be more transparent

Father's words that always seemed to be sharp felt a bit warm today

I didn't know kindness, smiles and how to talk of my dreams, so I mimicked you on everything

Geez! Tama ba 'tong kinakanta ko? Kung may makakarinig lang siguro sa'kin ay baka inisip na nilang mahal na mahal ako ng tatay ko, samantalang kanina lang ay sampal na naman ang natanggap ko.

Hindi ko pa man natatapos ang kanta ay nakita ko na ang kakaibang liwanag na nagmula sa bibig ko, ang liwanag na yon ay unti-unting nagiging kulay ginto kasabay ng pagkakaroon ng korte---gintong snowflakes na kumalat sa hangin. Napuno ang garahe ng kinang ng mga flakes na 'yon na nagdulot ng kakaibang saya sa puso ko. Agad kong iniangat ang kamay ko at kinuha ang isang flakes. Hanggang sa naglaho na lamang ito sa kamay ko. Pagkatapos ay ang kamay ko na mismo ang naglabas ng gintong kinang na katulad noon. Ramdam ko sa lamig na dulot nito ang tuwa.

Muli kong hinawakan ang labi ko gamit ang kamay na 'yon. Napangiti na lamang ako nang makita ang unti-unting pag-alis ng kinang ng palad ko kasabay ng paghilom ng sugat sa labi ko.

Mabuti na lang talaga, napaka-swerte ko pa rin at nabiyayaan ako ng ganitong abilidad---pero mas masuwerte pa rin ang tatay ko, dahil dito, wala makikitang bakas ng mga pasa at sakit na nakukuha ko mula sa kaniya sa tuwing malalasing siya. 

Pero, hindi pala lahat ng sugat kayang alisin no'n. Tiningnan ko ang pala-pulsuhan ko at nakita ang pilat doon. Kahit anong subok ko kasi, hindi 'yon maalis-alis. Siguro kasi, kakaiba iyon. Siguro kasi, ay dahil iyon sa bituing tumama sa akin noong sampung taong gulang pa lamang ako. Tama, dahil doon nga, dahil isa 'tong marka ng Ligero Arte---at dito ko rin nakuha ang abilidad kong magpagaling.

Kinuha ko ang itim at malapad na bracelet mula sa bulsa ng palda ko. Isinuot ko iyon sa kamay ko para takpan ang nasabing pilat. Wala kasing dapat makaalam.

Magmula nang malaman kong wala sa libro ng Ligero Arte ang kakayahan ko ay itinago ko na ito. Nakakatakot kasing isipin na naiiba ako. Baka kung ano pang hindi magandang bagay ang malaman ko, kaya mas pinili kong mabuhay na lang bilang normal na bata.

Pinaharurot ko na agad ang motor nang makalabas na ako ng gate. Bahala na si Yaya magsara no'n, 'yon naman talaga ang trabaho niya at hindi ang magbigay ng aliw sa kwarto ng tatay ko tuwing gabi. 'Di na nirespeto ang namatay kong nanay, kahit man lang sana yung malaking picture niya sa pader ng kwarto nila ni Daddy ginalang, kaso hindi e.

✴✴✴

Agad na bumukas ang gate ng school namin pagkarating at sinalubong ako ng nakangiting guwardya namin.

"Miss Miracle, motor pa rin ang gamit mo? Sana nagpahatid ka na lang gamit ang kotse niyo, delikado 'yan e." Bakas ang pag-aalala sa mga mata ni Kuya Guard nang sabihin iyon. Napangiti na lang ako at sinabing ayos lang ako. Mabuti pa talaga rito ay may pakialam sa akin ang mga tao.

"Good Morning, Miss Mira!" bati sa'kin ng ilang estudyanteng nakakasabay ko. Binati ko rin naman sila gaya ng nakasanayan ko. Mabait sila sa akin, kaya mabait rin ako sa kanila. Gano'n lang naman 'yon e. Give and take.

Dumiretso na ako sa parking lot. At pagkahubad ko ng helmet ay hindi na ako nagulat nang may biglang sumulpot na lalaki sa gilid ko at inakbayan ako bago hinatak.

"Mira, bro! Pinapatawag ka sa Principal's Office!" Napairap na lang ako sa sinabi niyang iyon.

"Ayan ka na naman sa bro mo, ha!" banta ko sa kaniya. Itinaas naman niya ang magkabilang kamay niya bago nagsalita,"Sa isang taon nating magkasama hindi ka pa ba nasanay?"

"Hindi naman kasi ako lalaki para i-bro mo, no!" Pagkasabi ko noon ay tinalikuran ko na siya at lumabas ng parking lot.

"Alam ko! Pinapaalala ko lang naman na bro lang tayo," aniya at saka inakbayan ako. Hindi na lang ako nagreklamo at hinayaan na ang kamay niyang nakasabit sa balikat ko. Hindi rin naman sa ayaw ko ng bro, alam ko nama kasing para lang 'yon hindi kami ma-issue dahil sa pagiging clingy ng baliw na 'to.

Kung ano-ano pang ikinukuwento niya habang nilalakad namin ang hallway pero hindi ko nagawang makinig. Masyado kasing agaw-atensyon 'yong ngiti ng mga estudyanteng nakakasalubong namin. Nagtataka man ay ginantihan ko rin sila ng ngiti at binati. Hindi naman gawain ng student council president ang hindi pansinin ang mga schoolmate niya. Ewan ko lang dito sa kaibigan ko, sa sobrang busy sa pagkukuwento tungkol sa crush niya, nakalimutan na yatang siya ang vice-president.

"Tapos, bro, alam mo ba---"

"Siya nga pala, Zed, bakit daw ako pinapatawag ng principal?" putol ko sa kuwento niya. Na-curious lang din kasi ako dahil parang biglaan naman yata, at saka 'yong mga ngiti ng ibang estudyante, ibang-iba sa ngiti no'ng nakasalubong ko sila kahapon at mga nakaraang araw.

"Ililipat ka raw sa Arc Light Academy?" naguguluhang sagot niya---animo nagtatanong kung isa rin ba akong Ligero o hindi. Pero hindi ko na sinagot ang tanong na 'yon at sinabing mauna na siya sa classroom. Tumango naman siya at lumiko na ako sa pasilyo papuntang Principal's Office.

Ramdam kong bumibilis ang tibok ng puso ko. Paanong nasabi nila sa akin ang pangalan ng school na 'yon? Wala naman akong naalalang may nasabihan ako tungkol sa kakayahan ko---kahit nga sa bestfriend kong si Zed ay nilihim ko. At isa pa, tuwing gagamitin ko ang abilidad na 'yon ay sinisigurado kong walang makakakita. At saka, yung pilat ko ba?---pero hindi! Never naman ako lumabas ng bahay nang hindi nakasuot ang bracelet na 'to. Kaya paanong. . .

Iiling-iling na lang na pinihit ko ang doorknob at pumasok na sa loob ng office. Sinalubong ako ng masiglang ngiti ng principal namin. "Good Morning, Ms. Feranil!"

"Good Morning din po, Sir," bati ko rin.

"Alam mo na siguro kung bakit ka nandito?" aniya at pinagsalikop ang dalawang palad.

"Sir, hindi ko po alam. Ang sabi lang po sa'kin ay ililipat ako ng school dahil ligero raw ako? E, Sir, hindi naman po ako ligero dahil normal lang po akong tao," pagpupumilit ko. Sana maniwala!

"No, no, that won't do, Ms. Feranil," seryosong sambit niya.

"Let me introduce you to some of the students from Arc Light Acad," sabi niya bago tumayo mula sa pagkakaupo sa swivel chair niya at itinuro ang isang lalaki at babaeng nakaupo sa gilid. Nilingon ko silang pareho at binati naman nila ako ng masigla nilang ngiti.

"Hi, Mira. I'm Luxianna Marie Wrath. You can call me Lux para hindi mahaba," medyo natatawa pero masiglang bati sa akin ng babaeng ani mo ay isang modelo dahil sa tindig nito at maaliwalas na mukha.

"Hi, I'm Von Kean Roche," pagpapakilala naman no'ng lalaki bago naglahad ng kamay na agad ko namang inabot tanda ng paggalang.

"So, ano pong kailangan sa akin ng mga kagalang-galang na Ligeros?" magalang kong tanong ko at yumuko pa.

"Let me make it short. We know you're one of us. Don't lie. Don't speak up anymore. We have proof," diretsang sagot ni Lux sa'kin. Napabuntong-hininga na lang ako dahil tila ayaw na niyang marinig ang mga pagtanggi ko.

"Per--" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang magsalita si Mr. Principal.

"Isa kang Ligero, Ms. Miracle Louise Feranil. Your mark is on your wrist. Remove that wristband to prove we're correct," sambit nito. Wala na akong ibang nagawa kun'di ang bumuntong-hininga muli.

"So, lilipat po ba ako ng Arc Light Academy? Kailan po para mapaghandaan ko?" tanong ko na sumira sa serious atmosphere ng kuwarto.

Ngumiti naman ang tatlong taong kasama ko sa loob ng opisinang 'to. Sila lang yata ang natuwa na tinanggap kong isa akong Ligero.

"Now na. As in ngayon na, Mira," masiglang sagot nung Lux. Hindi ko tuloy napigilan ang sariling mapatayo at mapasigaw, "Ano po? Ngayon na?"

Napatakip na lang ako ng bibig sa kahihiyan. Geez! Bigla ko yatang nakalimutan ang GMRC.

Yumuko na lang ako at ang malalakas na tawa ang nakapag-paangat muli ng ulo ko. At nakita ko nga ang dalawa, si Vok na nakahawak na sa tiyan niya at si Lux naman na halos maningkit na ang mata sa sobrang tuwa.

"Paano po yung mga gamit ko?" putol ko sa saya nila at para na rin matanggal na ang isip nila mula sa kahihiyang nagawa ko.

"No need to worry about it. Everything is provided by the school. And you'll be staying inside for absolute protection. Am I clear?" ma-awtoridad na sabi ni Vok. Parang nanliit tuloy ako at Okay po na lang ang naisagot ko.

May kumatok sa pintunan na kumuha sa atensyon naming lahat at iniluwa noon ang bestfriend kong si Zed.

"Lilipat na si Mira sa Arc Light. Yey! Makakauwi na rin ako sa Arc light, wohoo!" Nagtatatalon at puno ng sayang sabi niya na ikinagulat ko. Bigla tuloy bumuhos ang pagtataka sa isip ko.

Makakauwi?

Sa Arc Light?

"Teka, teka---ibig sabihin ni---" Hindi ko natapos ang tanong ko sana dahil bigla na naman akong inakbayan ni Zed.

"Yup, bro, Ligero ako. I've been watching you for one and a half years now, Mira," sambit niya bago kinindatan ako. Bigla naman akong kinilabutan sa ginawa niya at napahawak sa magkabila kong braso.

"Pero paano yung Da--" Hindi ko na naman natapos ang tanong ko, pero this time, si Lux naman ang pumutol.

"Yung Daddy mo? Well, he can manage naman, di ba? And I know you have maids in the house? Tsaka we ask him the permission last night and he said Sige lang alisin niyo yang batang salot na yan dito sa pamamahay ko---like you even care for him kahit na gano'n trato nya sayo?" malungkot na sabi ni Lux at pilit na ngiti na lamang ang naisagot ko.

So pinapaalis na niya ako sa bahay?

Okay! If thats what he wants. As if naman may babalikan pa ko ro'n.

"Okay, so let's go now?" pag-anyaya ni Zed na sobrang excited na pumuntang Arc Light.

"O-okay," sagot ko na lang at nagkibit-balikat dahil nag-aalangan pa rin ako.

"Tara na!" yaya naman ni Vok.

"Can't wait to introduce you to the gang!" sabi ni Lux at pumalakpak pa.

"Have a wonderful journey, Ms. Feranil. Don't worry, may papalit na sa posisyon mo sa school, " sabi ni Mr. Principal bago nagpakawala ng malakas na tawa. Geez! Ready na agad? Mukhang ako na lang yata talaga ang hindi.

Paglabas namin ng school ay nandoon ang maraming estudyante na nagsisibati sa akin. Ang ilan pa nga ay mangiyak-ngiyak na. Hindi ko tuloy maiwasang malungkot sa mga narinig sa kanila. Sila lang kasi ang nagpahalaga sa akin. Sila lang ang nakakaintindi sa akin. At sila ang itinuturing ako---at kong pamilya. . .

"Pres. Mira, good luck sa Arc Light!"

"Pres, mami-miss ka po namin!"

"Miss Mira, ingat ka po doon, madami bully do'n."

"Miss Mira, pag may umaway sayo, tawagin mo kami! Susugod kami don, promise!"

Gustong tumulo ng mga luha ko pero isang malalim na buntong-hininga ang ginawa ko para mapagilan ito.  Nginitian ko na lamang sila at nagpaalam.

Hindi ko talaga akalain na darating ang araw na aalis ako rito para lumipat ng ibang school. I dedicated my time and effort sa school na 'to at hindi lang 'yon dahil sa parte ako ng student council.

"I think they love you so much, Mira. Naiiyak ako, they're sweet!" komento ni Lux bago ikinawit ang kamay niya sa braso ko. Ang dami niya pang kinuwento tungkol sa kung gaano niya nagustuhan ang mga pakikitungo sa akin ng estudyante rito. At huminto lang siya nang marating na namin ang parking lot at sumakay sa isang limousine.

"Okay, next stop, Arc Light Academy."

....

Reference: Multimedia

○ Mira's Gold Snow Flakes

○ Song Nandemonaiya by

Raon Lee (MIRA)