Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Asteria de Arcana (Tagalog)

🇵🇭Shayara_xx
--
chs / week
--
NOT RATINGS
14.2k
Views
Synopsis
BOOK 1: THE BEARERS OF BIG DIPPER Seven stars. Seven individual. One asterism. How will they save her brightness that has faded?
VIEW MORE

Chapter 1 - Prologue

"Sa wakas matatapos na ang lahat," sambit ni Alie at hinawakan nang mahigpit ang kamay ng katabi. "Makakabalik na tayo sa dati," dugtong naman ng kaniyang nobyo.

Ito ang araw na pinakahihintay nila. Hindi maalis ang ngiti sa labi ni Alie habang pinagmamasdan ang unti-unting paglitaw ng mga bituin sa langit.

Isang normal na gabi lamang iyon para sa iba ngunit hindi para sa pitong taong nagtataglay ng marka ng bituin. Segundo... Minuto... Ilan na lamang ang bibilangin ay makukumpirma na nga ang kanilang tagumpay.

Nilingon niya ang globong hawak ni Rakzeus na nakahiga rin sa di kalayuan. Kasabay nang pagdilim ng kalangitan ay ang pagliwanag noon---parang kalawakan na punong-puno ng mga kumikinang na bituin. Nakamamangha ngang tunay. Kaya nga ba hindi na nakapagtatakang nahirapan silang mabawi iyon sa nagnakaw at makipag-agawan pa sa iba.

Para sa mga tao, isa lang iyong globe na ipinapatong bilang dekorasyon sa lamesa, pero hindi para sa mga bearers. It was their everything... it was the key, their life.

Tuluyan nang lumitaw ang big dipper sa kalangitan---ngunit hindi ang small dipper. Nagsimula nang magbutil ang pawis ni Alie. Isa lamang kasi ang ibig sabihin nito---na naglaho na iyon mula sa astrolohiya. But no, hindi pa rin naniniwala si Alie. Hindi puwede. It was supposedly today. Kung hindi ngayon, ay katapusan na ng lahat. Hindi sila puwedeng magkamali. Hindi puwedeng mapunta lang sa wala ang pinaghirapan nila.

Nagtatalo-talo na ang mga kasama niya sa nangyayari. Kabado man ay hindi na nakisali pa sa kanila si Alie, tahimik siyang nanalangin sa Diyos at Diyosa ng lahat.

And just when they're about to lose hope, sabay-sabay na lumitaw ang mga bituin ng small dipper. Agad na napatayo at napatalon sa tuwa si Alie.

Sa paglitaw ng asterism na 'yon ay mas lalo pang nagliwanag ang celestial globe. Napatakip pa siya ng mga mata dahil nakasisilaw ang liwanag na 'yon. But that moment... she felt nothing. It wasn't the feeling she was expecting. All those excitements, those sparks they felt... it was gone.

Unti-unti niyang iminulat ang mga mata. Sa pagdilat noon ay nadiskubre na nga niya kung bakit ganoon ang nararamdaman.

Her hands were vanishing. Maliwanag pa rin ngunit malinaw itong nasasaksihan ng mga mata niya. Hanggang sa napadako ang kaniyang paningin sa kaniyang katabi... hindi niya inaasahan ang ngisi na nagmumula rito.

And that's when she understood what just happened. He made her believe. He made them believe. He lied.

Nawala ang liwanag kasabay nang pagkabasag ng celestial globe. Malinaw na niyang nakikita ang lahat pati na ang nangyari sa iba pa niyang mga kasama...

"Alie...we failed..." umiiyak na sambit ni Kadie bago ito tuluyang maglaho.

Gulung-gulo na ang utak ni Alie. Gusto niyang magsalita at pilitin ang lalaking sabihin na panaginip lang ang lahat ng ito ngunit wala na siyang bibig---at alam din niya sa sariling hindi ito isang panaginip. Everything's real. It is happening. Gusto niyang hampasin nang maraming beses ang lalaki ngunit wala na siyang mga kamay para magawa iyon.

All that's left was her eyes, looking at the man she loves. Hindi na niya makilala ang lalaking ito. It's as if he was not that guy anymore, but he is. She already saw the signs before... pero nasilaw siya. Kaya ngayon, ito na ang kapalit ng pagmamahal niya... ang paglalaho niya at ng mga kaibigang itinuring niyang pamilya.

At ang pagkabigo sa misyong Asteria de Arcana...