Huminto na ang musika, at hindi ko inaasahan ang maririnig na pinag-uusapan ng mga bisita.
"Sinasabi mo bang narito at nagpapanggap ang pumatay kay Analiza bilang siya?"
Nanghina ang mga tuhod ko, kung hindi lang siguro mabilis ang galaw ng lalaking kasama ko ay baka natumba na ako.
"You okay?" tanong niya. Hindi ko nagawang sumagot na nagpailing sa kaniya. "Let me get you out of here," aniya, hinila ako. Pero agad ding natigilan nang hindi ko magawang sumunod. Hawak niya ang kamay ko ngunit sadyang na-estatwa na ako sa kinatatayuan ko. Masyadong nakakawindang ang mga balitang naririnig ko. Ang ilan pang bisita ay palingon-lingon sa paligid, tingin ko'y hinahanap ako. Pero hindi. Hindi naman kasi ako ang pumatay-sandali... hindi naman patay si Analiza ah? Shit! Bakit 'yon ang kumakalat?
Nagsisimula nang kumirot ang ulo ko sa kaiisip. Sinubukan kong hanapin si Aeralf pero hindi ko makita. Sinubukan ko rin na pakiramdaman ang hangin, pero wala namang kakaiba. Wala ang presensya niya. Hindi niya naman siguro ako iniwan, 'di ba?
At saka buhay si Analiza. Buhay siya--sabi nila...
Halos manlamig ako nang mapansing may nag-iikot na mga security sa paligid.
"Let's go," sabi ng lalaki na nakapagpabalik sa akin sa wisyo. Hindi ko alam kung ano ba ang mga nalalaman niya. Pero isa lang ang sigurado ako, kailangan ko nga ang tulong niya...
Nagpatianod ako at palabas na kami nang harangin kami ng isang security, kasama pa nito ang receptionist kanina. Shit!
Pinagmasdan akong muli nung receptionist bago binalingan ang kasama ko. "Good evening, Mr. Loriez," bati nito. Loriez? Parang pamilyar. . . Sinubukan kong alalahanin kung saan ko nga narinig ang apelyido na 'yon ngunit masyado nang okupado ng kaba ang isip ko.
"Aalis na po kayo, Sir?" tanong ng security.
"Yes, my wife's too exhausted," he answered. Walang bakas ng pagsisinungaling o pagtatago o kung ano pa man.
"Pero, 'di pa naman po nag-i-start-"
Hindi na nagawang tapusin ng receptionist ang sasabihin dahil hinatak na ako palabas nitong Mr. Loriez na 'to--kung sino man 'to.
Kung nasa normal na sitwasyon lang ako ay baka kinontra ko na ang mga sinabi niya. Masyado na niyang kina-career na mag-asawa kami. Si Klei lang naman ang nasa isip ko na pakasalan, kaya naman hindi ko talaga gusto ang lumalabas sa bibig niya.
Bago pa man kami makalayo ay napansin ko ang muling pagsulyap sa akin ng receptionist. Shaks, kailangan na talaga naming makalayo dito bago pa niya maalalang ako nga ang hinahanap nila.
Naging mabilis na rin ang lakad ni Mr. Loriez kaya unti-unti rin akong nakakahinga ng maluwag.
"Why are you doing these?" tanong ko nang makarating kami sa basement.
"Because I am your man," simpleng sagot nito bago nagpatuloy sa paghahanap ng sasakyan niya.
"Yes, thanks for you help, but we're not married. I don't even know you! So stop assuming things," umiiling na sambit ko bago hinubad ang maskarang suot ko. Nakita kong napaatras siya nang ginawa ko iyon.
"See? Napagkamalan mo lang siguro ako," natatawang sabi ko. Suot niya pa rin ang sariling maskara kaya wala akong ibang mabasa sa kaniya bukod sa unti-unti niyang paghakbang palapit sa akin. Napapamura na lamang ako sa isip dahil hindi ko maintindihan kung ano ba talagang gustong mangyari ng isang 'to.
"Then let me prove it you, wife," aniya. Pakiramdam ko pa'y nakangisi siya nang sabihin iyon. Lumalapit pa rin siya nang lumalapit habang ako naman ay paatras nang paatras. Gusto pa yata akong takutin ng isang 'to pero hindi naman ako natatakot. Wala akong nase-sense na panganib sa kaniya kaya naman naguguluhan din ako kung bakit ako umaatras.
Napatigil na lang ako mapasandal sa kotse sa likod ko. Isang habang na lang ang pagitan namin, at nakatingin lang siya sa akin. Pinagmasdan ko ang mata niya, nagbabaka-sakaling malaman ang susunod niyang gagawin, pero hindi talaga umuubra ang precognition ko sa kaniya.
Kinuha niya ang kanang kamay ko at itinapat iyon sa kaliwang kamay niya. Ikinabigla ko pa ang pagkakita sa marka sa ring finger niya. Ilang segundo ko iyong pinagmasdan at ikinumpara ko sa akin--tama nga. Parehong-pareho ito! We both have the same mark. Kung bakit ay hindi ko maintindihan. Pinagdikit niya ang mga palad namin at agad na umilaw ang mismong marka. Nakakakiliti ang pag-ikot ng liwanag na iyon mula sa aming daliri, sa kamay, at hanggang sa balutin na rin ang buo naming katawan.
Seconds later, it felt like I was floating. And yes, we really are. I didn't feel the weight of my body. Parang kinuha iyon ng liwanag ng buong-buo. Pabilog ang liwanag na iyon na parang nasa loob kami ng isang malaking bula. Hindi ko masyadong maaninag ang nasa labas noon, at pakiramdam ko pa ay wala nang ibang tao sa mundo. Kami lang--at nakatitig sa isa't isa. Habang dinig na dinig ang mabibilis na tibok ng puso naming dalawa. Muli ay hindi ko naman maintindihan kung bakit ganito ang kaba ko--kaba na hindi natatakot. Kaba ng... ewan ko, hindi ko yata magagawang aminin iyon.
Unti-unting niyang inalis ang maskara gamit ang kanang kamay. Kung may ibibilis pa ang tibok ng puso ko ay napatanuyan ko iyon ngayon mismo. Hindi ko ma-imagine sa isip ko kung ano nga ba ang itsura niya. At ngayong ginagawa niya ito, natatakot ako. Kung anong dahilan ay hindi ko rin malaman. Na parang isa siyang misteryo na gusto kong masagot--pero parang hindi.
Tuluyan na niyang nahubad iyon. Nakayuko siya at nang iangat ang tingin sa akin ay para akong natunaw. He has this cold unreadable expression. Pakiramdam ko ay napakalayo niya sa akin kahit na magkaharap lang naman kami.

Binitiwan niya ang maskara at inilahad ang kamay sa akin.
"Dustin," pagpapakilala niya.
Akmang tatanggapin ko na ang kamay niya nang isang malakas na hangin ang nagpahiwalay sa aming dalawa. Nabuwag ang liwanag na kaninang bumabalot sa amin at tumalsik ako palayo--muntik pang tumama sa pader, buti na lamang ay lumutang ako palayo doon.
Agad na hinanap ng mata ko si Dustin at hindi ko napigilang mapatakip ng bibig sa nasaksihan. Muli siyang lumutang, sa isang iglap ay isang malakas na hangin ang umatake sa kaniya dahilan para tumama siya sa isang poste.
Nakasisiguro akong masakit iyon ngunit walang bakas ng kahit na ano sa kaniya--nanatiling walang ekspresyon. Hindi ko alam kung paano niya nagawa iyon sa kabila ng lakas ng impact ng pagtalsik niya, at umiling lang na parang walang nangyari.
Nang muling magtama ang paningin namin ay nagsalita siya. Hindi ko rinig ngunit naintindihan ko pa rin. "Be safe," aniya sa buka ng bibig niya.
Umikot ang tingin niya sa paligid. At alam na alam ko kung sino ang hinahanap niya--ang may gawa nito sa akin. Kay Dustin. Sa amin.
Unti-unting bumababa ang katawan ko mula sa ere at nang makatapak na ako sa lupa ay nilingon ko ang kaliwa ko. "Aeralf," bulong ko.
Mula sa pagiging hangin ay lumitaw na ang katawan niya. "Alie! Ayos ka lang ba?" Bakas ang pag-alala sa kaniya ngunit iritasyon ang dinala sa akin noon.
"Bakit mo ginawa 'yon? Paano kung napatay mo kami!"
Nanlaki ang mga mata niya at agad na dinepensahan ang sarili. "I will never kill you, Alie! 'Yung lalaking yon! 'Yun ang may planong saktan ka!" sigaw niya at tinuro pa si Dustin.
Muli siyang humarap sa akin at isang ipo-ipo ang lumabas sa gilid namin. Hinigop ako nito at halos atakihin ako sa puso nang maramdaman gumalaw ito papunta sa kung saan. "Ano na naman to, Aeralf!" asik ko.
"Puwede ka nang dumilat." Sinunod ko siya at napansing wala na kami sa lugar kung nasaan kami kanina. Nasa shotgun seat ako habang katabi ko naman si Aeralf. Ito yung sinakyan namin kanina. Sinilip ko ang labas ng bintana at nagtataasang mga puno ang nakita ko. Kung saan ito ay wala akong ideya dahil madilim na rin sa labas.
"Ano ba talagang nangyayari?" tanong ko ngunit hindi niya ako sinagot. Sinipat niya lang ang braso ko, ang katawan ko, at ang kamay ko.
"Hindi niya ako sinaktan, okay? Tinulungan niya pa nga ako," paliwanag ko. Huminga siya nang malalim pero mas lalo lang namula ang mukha. Mukhang nagpipigil pa rin sa galit.
"Hindi ka pa rin dapat sumama sa kaniya," aniya habang pinapakalma pa rin ang sarili.
"Bakit? Nasaan ka ba kanina? Kung hindi ako sumama sa kaniya e di--teka! May hindi nga pala kayo sinasabi sa 'kin! Nasaan si Analiza?"
"You could have died kung hindi ko napigilan ang ritwal na 'yon," aniya, na mas lalong bumibilis ang hininga sa kabila nang pagpipigil niya. Napapikit na lamang ako. Hindi iyon ang tinanong ko!
"Akala ko ba safe siya? Saan niyo ba talaga siya dinala? Akala ko ba ibabalik niyo siya sa orphanage pagkatapos ng party ni Kaideza?"
"Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag nalaman na nasaktan ka niya," aniya.
"What the heck, Aeralf? Hindi mo sinasagot ang mga tanong ko! Hindi nga ako sinaktan, 'di ba? Wala ka namang nakitang galos sa katawan ko! Kasalanan mo pa nga to da--o baka naman ikaw pa ang balak manakit sa 'kin gaya ng ginawa niyo kay Analiza?"
Namilog ang mga mata niya. Miski ako ay nagulat sa sinabi ko pero hindi ko babawiin iyon. Lalo na at umiiwas lang siya sa mga tinatanong ko sa kaniya.
"Hindi ka niya sinaktan ngayon, but he will! Hindi ko alam kung sino ang nag-imbento ng balitang iyon, Alie! Baka siya! May kapangyarihan din siya, Alie! Hindi malabong gawin niya 'yon!"
Biglang bumigat ang pakiramdam ko sa narinig. "Paano ka nakakasiguro?" nanghihinang tanong ko. Wala na akong maintindihan sa mga nangyayari.
"Bakit, Alie? Naniwala ka ba? Naniwala ka ba nung sinabi niyang mag-asawa kayo? Naniwala ka ba! Fck, Alie! Ano na lang iisipin ng boyfriend mo 'pag nalaman 'to!" I don't understand what I'm seeing with Aeralf. Ano ba talaga ang ikinagagalit niya... At isa pa... kahit kailan ay hindi ako magbabalak na palitan si Klei. Gusto ko iyong sabihin sa kaniya. Pero hindi ko magawa. Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawa...
Ginulo niya naman ang sariling buhok bago muli akong tiningnan.
"That mark. Pareho kayong meron niyan, di ba? It's because that mark is the proof that you are destined to kill each other." Mas lalong hindi ako nakapagsalita. Naninikip ang dibdib ko at nanginginig ang kamay ko. Ibinaling ko ang paningin sa birthmark ko.
Hindi ko maintindihan kung bakit sobrang gaan ng pakiramdam ko nang magliwanag ito kanina. Dati, tuwang-tuwa ako rito, inisip pang baka lucky charm ko ito. Pero ngayon ay kinukwestiyon ko na. Sana, sana wala na lang ako nang marka na 'to...
"Both of you are bearers of the same star, Alie. At isa lang dapat sa inyo ang makabalik ng Galacia." Binuksan niya ang pinto. Hindi pa man naproseso ng utak ko ang mga nalaman ay agad din akong lumabas para habulin siya.
"Saan ka pupunta?" tanong ko kahit na alam ko naman ang sagot. Natatakot ako. . . Dahil ibang Aeralf na naman ang kaharap ko. Ang Aeralf na 'to... nilamon na ng galit niya.
"Plinano niyang saktan ang kaibigan ko. Hindi ko palalampasin 'yon."