"Nope! Magpahinga ka na! Di mo na kailangang tumawag mamaya," kontra ko kay Klei. Daily routine na namin ang mag-usap bago matulog pero may mga panahong pwede namang hindi kami magkausap Gaya na lang ngayon, marami pa siyang kailangang tapusin pero pinili niyang magkita kami. Kaya pati ba naman oras niya sa gabi, kukunin ko pa?
"You know you're all I need, Alie. 'Wag mo namang ipagdamot sa'king makausap ka," nakanguso niyang sabi, at I swear parang hindi na naman ako mananalo sa kaniya.
"Para kang bata, hon!" biro ko. Sumeryoso naman ang mukha niya bago pinatunog na ang sasakyan. Binuksan niya iyon at pinasakay muna ako bago siya pumunta na sa driver's seat.
"Sino nga yung parang bata?" he asked playfully. Mayamaya'y unti-unti na siyang lumalapit sa'kin. Mukhang bumalik na naman ako sa panaho na yon...
Sinubukan kong buksan ang pinto para lumabas muli pero nai-lock na niya iyon. Uh oh!
"Stop making fun of me, hon!" Nakakahiyang umamin na sobrang effective ng pang-aasar niya. Sobrang init na ng pakiramdam ko. Even the air, ano ba 'to, don't tell me I can affect the surroundings too!
"Don't worry, my Alie, this time I won't let you beg for--"
"Stop!" putol ko dahil feeling ko pulang-pula na 'ko. He continued smiling teasingly at halos hindi na nga makita ang mata niya dahil doon. I feel so--hays, e kasi naman sinong makakapagpigil sa lalaking to, e kung yung nunal pa nga lang niya sa ilalim ng mata e nang-aakit na! I mentally slap myself for feeling this way, I'm the girl yet I'm the one who wanted that so badly. Good thing alam niya ang tamang panahon para doon, pero ghad! Lagi niya talaga akong tinutukso!
Ipinikit ko ang mga mata ko para kalmahin ang sarili ko, kaso masyado talagang maloko ang isang to't sinusubukan talaga ako!
Hinawakan niya ang kamay ko at itinatapat iyon sa dibdib niya. Ramdam ko kung gaano kabilis ang tibok ng puso niya. Wala sa sariling napangiti na lamang ako. Tila nakikipagkarera iyon sa bilis din nang sa akin.
Sinalubong ko ang kaniyang mga tingin. This time seryoso na siya at walang bahid ng pagbibiro. Ganoon lang siya ng ilang minuto, hanggang sa napakunot na lang ang noo ko dahil parang may kakaiba sa kaniya. His eyes weren't blinking! Akala ko bagong trip niya lang na makipagtitigan pero hindi--tumigil din ang tibok ng puso niya at pakiramdam ko mamamatay na ako sa kaba.
"Hon? Hon, anong nangyayari?" Hinawakan ko ang kamay niya at pisngi pero wala--hindi talaga siya gumagalaw!
Lumabas ako ng sasakyan nang mapansing nag-iba na naman ang temperature ng hangin. Hindi na ito kasing init nung kanina. Lumamig at hindi ko makilala.
May mali talagang nangyayari!
Pinagmasdan ko ang buong parking lot. Nakabukas ang ilaw ng ilang sasakyan at nakahinto naman yung isa sa may exit. Napadako ang tingin ko sa pinto ng mall--nakatayo ang guard habang nakataas ang kamay niyang may hawak na stick at nakatingin sa loob ng bag ng babaeng nasa harap niya.
"Ghad! Wag mo sabihing may tao ritong kayang magpatigil ng oras? Pero bakit hindi ako naapektuhan? Weird!" Bumalik ako sa kotse ni Klei--only to find out na wala na siya roon! Nilingon ko ulit yung guard at babae't unti-unti silang naglaho kasabay nang pagbabago ng temperatura ng paligid. Na naman. Mas lumamig pero parang mainit at nakaka-suffocate. It's like I'm trapped inside an air-conditioned box. Pakiramdam ko'y nasa ibang lugar na ako pero nandito pa rin naman ako sa parking lot.
Ine-examine ko muli ang buong paligid nang may magsalita sa gilid ko't napatalon na lang ako sa gulat.
"Hindi makakapasok ang ordinaryong tao sa barrier ko."
Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses. Isang babae. Mukha siyang normal na tao lang sa suot niyang long sleeve blouse at black pants. Mahaba ang kulot niyang buhok na nakatali sa magkabilang gilid. Maputi rin ang balat niya't mas may laman naman siya kumpara sa akin.
"Mukha rin akong ordinaryo, gaya mo," aniya. Naglahad siya ng kamay at clueless ko namang tinanggap iyon. Ngumiti siya sa akin. Mukha siyang mahiyain at magaan sa pakiramdam ang presensya niya pero mukha ring hindi siya basta-basta... dahil siguro kakaiba rin siya.
"So... barrier... barrier ang kaya mong gawin?" tanong ko, diretsong nakatingin sa mga mata niya. I searched her soul, baka sakaling may vision itong gustong ipakita sa akin.
"Oo, at ikaw? Bakit kaya ganyan ka makatitig sa mata ko?" Dedepensahan ko sana ang sarili ko pero inunahan niya ako, "Wag kang mag-alala hindi kita pipiliting sabihin ang sa'yo." Nakangiti pa rin siya.
Bumuntong hininga na lang ako nang mapagtantong wala akong makukuhang pangitain sa kaniya. Natawa pa siya sa ginawa kong 'yon.
"Alam mo bang hindi ikaw ang inaasahan kong makakaharap ko ngayon?" hindi makapaniwalang tanong niya.
"Ha? Anong ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong ko naman.
"May tanong muna ako, boyfriend mo ba yung kasama mo?" Itinuro niya ang kotse ni Klei at napatango na lang ako. Anong connect no'n?
"Si Klei ba ang dapat na kakausapin mo?" tanong ko. Umiling naman siya.
"Klei pala ang pangalan niya, pati pala pangalan gwapo rin ha!" sabi niya pa na ikinakunot na ng noo ko.
"'Wag kang mag-alala, hindi ko kursonada ang boyfriend mo. Yung isa siguro!" depensa niya.
"Huh? Sinong isa?"
"'Yung babaeng usok kanina! Ang sama ng tingin niya sa inyo kaya sinundan ko kayo dito. Umaapoy pa nga yung kamay niya e, balak yata kayong sunugin. Ikukulong ko sana siya sa barrier ko--kaso nakatakas e. Tapos ngayon, ito, ikaw ang nasa harap ko!" paliwanag niya. Parang natutuwa pa yata na may nagtatangka sa buhay namin. Kung totoo nga ba 'yon...
"Pasensya ka na ha? Masaya lang talaga ako sa tuwing nakakakilala ng gaya ko! Ako nga pala si Meg. Ikaw?"
"Alienna. Pero Meg, sure ka bang kami yung sinusundan nung babae?" Hindi pa rin kasi ako makapaniwala. At hindi ko ata napansin 'yon? Ghad! Ganoon ba talaga katutok ang atensyon ko kay Klei para di maramdaman 'yon?
"It's nice meeting you, Alioth, bisitahin mo ako minsan ha!"
"Alienna ang pangalan ko," paliwanag ko. Saan ba niya nakuha ang Alioth na 'yon?
Ngumiti lang siya at may inabot sa aking card bago tuluyang tumakbo papasok ng mall. Doon ko lang din napansin na bumalik na sa dati ang lahat.
Nasa likod ko na si Klei at tila nagtataka.
"You did something." Hindi iyon tanong. Ganoon si Klei, malakas ang pakiramdam niya sa iba't ibang bagay. Minsan nakikita ko ang future niya, minsan hindi, kaya minsan din nag-iisip ako kung may kapangyarihan din ba 'to o ano e. Wala naman siyang sinasabi at kung tama nga ang sinabi ni Meg na may abilidad lang ang kayang pumasok sa barrier niya, ibig sabihin ay normal nga si Klei.
"Someone named Meg, a girl who can create an illusion barrier," paliwanag ko. Alam niya ang ability ko kaya ayos lang naman siguro kung sinabi ko ang kay Meg. Inabot ko rin ang calling card sa kaniya para patunayang totoo ang sinasabi ko pero nangunot lang lalo ang noo niya.
"It's not Meg."
Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya kaya inagaw ko ang card. At tama nga siya. Ibang pangalan ang nakasulat doon.
"Baka nagkamali lang siya ng inabot," kibit-balikat ko at nauna nang pumasok sa kotse niya.
"O baka naman isa siya sa nagre-recruit sayo. Sumasama ka ba sa kanila?" Napaandar na niya ang sasakyan pero hindi ko pa rin siya nasasagot. Nakaka-guilty. Tama kasi siya, weeks ago, may nakilala akong may power din gaya ko. They did asked for my cooperation. Pumayag naman ako at hindi alam ni Klei iyon. Inilihim kong sumasama ako sa mga misyon nila.
"Hindi siya kasama," sabi ko dahil 'yon naman ang totoo.
"Sigurado ka? Pa'no kung pinadala siya para yayain ka na naman sa misyon nila? I already told you, Alie, wala akong tiwala sa mga 'yon." Iyan ang laging niyang sinasabi. Na wala siyang tiwala. Hindi ko nga lang maintindihan kung bakit.
"Are you jealous of Aeralf, hon?" pagbibiro ko kahit alam ko naman ang sagot.
"You know it's not jealousy, Alie," sabi niya na parang hindi makapaniwala sa tinanong ko.
"Yeah. Yeah. It is because you judged them easily." Gusto ko sanang sabihin sa kaniya 'yon pero ayoko namang mag-away kami. Sa kanila lang naman siya naging judgmental nang ganito kaya nakapagtataka.
"What if feeling mo lang talaga 'yon, hon?" tanong ko. Wala naman kasing mali sa mga misyon namin. Last time nga may nalutas kaming isang mahirap na kaso. Kung hindi siguro kami tumulong, malamang nagpapakasarap yung isa habang ibang tao ang nagbabayad ng kasalanan niya. At isa pa, curious din ako sa sinasabi nilang isa rin daw akong bearer ng bituin. Parang ang cool? Yes, may kakaibang akong abilidad at cool nga iyon. Pero ako? Bearer ng bituin? Makita nga lang yung mga star masarap na sa feeling eh, maging konektado pa kaya?
"You know me, Alie." Hindi na ako muling nagsalita. Yeah. Yeah. He's a psychology major before. 'Yun siguro ang na-feel niya nang ma-meet niya sina Aeralf at Cassiopeia, umiral ang napag-aralan niya. Well, gusto ko pa ring patunayan na mali siya.
Saglit lang ang naging biyahe namin dahil malapit lang naman ang bahay ko sa mall.
"I'll call you later," sabi niya. Hindi na ako kumontra't humalik na sa kaniya para makauwi na siya dahil dumidilim na. Wala pa rin siyang nasisimulan sa reports niya. Pakiramdam ko nga magkasakit pa siya dahil sa araw-araw na pagpupuyat. Buti sana kung puyat lang, pero dalawa hanggang apat na lang na oras ang tulog niya. Ihahatid ako papasok, papasok sa trabaho niya, susunduin ako, babalik sa trabaho niya... Minsan ayoko na lang magpasundo pero ayaw niya naman Ako yung napapagod para sa kanya eh.
Hindi pa man ako nakakapasok ng bahay ay alam na alam ko na ang ginagawa ni mama. Binuksan ko ang pinto at nakita siyang nakaupo sa sofa. Hindi niya pa nga yata naramdamang nakauwi na ako.
"Ma, may TV din ang kapit-bahay, hindi nila kailangang marinig ang pinapanuod mo," sabi ko. Naka-focus pa rin siya doon at napansin lang ako nang agawin ko ang remote para hinaan ang volume.
"Alienna, aalis tayo bukas ha. Bibilihan ko ng regalo si Kadie."
Iyon lang ang sinabi niya at binalik na muli ang atensyon sa TV. Napairap na lang ako. Nilakasan niya na naman ang volume at talaga namang halos mabingi na ako sa maarteng boses ng Kaideza na yon! Ni hindi ko nga alam kung anong nagustuhan niya sa babaeng 'yon. Nakuha pa niyang bigyan sa nickname. Kadie raw. Samantalang ako, buong pangalan ang tawag. Hayy!
Hinayaan ko na lang siya at pumunta sa kusina. ako nang makitang walang laman ang kaldero't walang ulam sa lamesa.
"Ma naman! Ba't walang pagkain? Panunuod na naman ba kay Kaideza ang inatupag mo maghapon?" Hindi na ako nagulat kung nasigawan ko siya. Pero mas lalong nag-init ang ulo ko nang hindi niya ako pinansin. Asar! Tama nga ako. Hindi siya nagluto! At malamang hindi na naman siya kumain maghapon!
Padabog na lumabas ulit ako ng bahay. Bibili na lang siguro ako ng pagkain niya. Haay!
"Alie! Alie!" Narinig ko ang paulit-ulit na pagtawag sa pangalan ko. Hinanap ko ang pinanggalingan at nalamang galing sa hangin iyon.
Kinakausap na naman ako ni Aeralf gamit ang hangin.
"Bakit?" sabi ko at nagpatuloy na muli sa paglalakad.
"Magkita raw kayo ni Cass sa park. May ibibigay siya sa'yo."
"Okay. Sabihin mo bukas na lang," sabi ko at bumili na ng pagkain sa carinderia.
"Hindi puwede dahil baka bukas nasa malayong lugar na naman siya. Pumunta ka na. Asap, Alie."
Walang choice na lumiko na nga ako sa kabilang street. Iyon kasi ang pinakamabilis na daan para makarating sa park.
Nang makarating doon ay hinanap ko agad si Cass, at nakita ko naman agad siya nang may kumaway sa akin.
"Baka naman masira 'yang swing sa'yo, Cass," pang-aasar ko nang makalapit sa kaniya. Umirap naman siya at natawa na lang ako. Ang weird lang kasing makakita ng lalaking may katawan na pang-bouncer na umiirap.
"Ang panget ng katawan ko ngayon, no? Hindi talaga choosy kaluluwa ko, gosh!" reklamo niya. Tumawa na naman ako at pinagmasdan ang kabuuan niya. Kakaiba na naman kasi. Kahapon ay bata, tapos ngayon... bouncer? Para sa akin, napakamalas niya sa ability niya... Wala kasi siyang choice. Araw-araw tuwing magigising siya ay nasa ibang katawan na siya.
Walang permanenteng katawan. 'Yung pangalan nga niya ay siya lang ang nakaisip at hinango lang sa constellation.
"O sya, ito na yung box. Kunin mo na at gusto ko na ring umuwi sa bahay nitong nakakatakot na nilalang na 'to, gosh talaga! Sana naman bukas sexy na ko!"
💫💫💫
Nang makarating sa kwarto ay binuksan ko agad ang laman ng box. Feeling ko naghugis puso ang mata ko sa damit na nakita--a tulle high neck dress. Kulay gold iyon at hanggang tuhod ang haba. Napangiti rin ako nang makita ang sandals na ka-partner nito. Pero napawi ang saya ko nang mabasa sa isang card ang isang pamilyar na pangalan.
Kaideza Bier.
Masquerade Birthday Party.
Ang magpanggap bilang si Analiza Alvins.
At ang misyong isali siya sa grupo namin.
"Aeralf! Ayoko! Bahala kayo! Hindi ako pupunta!" sigaw ko. Sigurado akong maririnig niya iyon dahil lagi naman siyang sumasagot kapag tinatawag ko ang pangalan niya.
"Kailangan natin siya, Alie. Iisantabi mo muna ang selos mo sa kaniya. Trabaho muna," aniya.
Napairap na lang ako. So wala nga akong choice. Trabaho 'to. Mas malaki ang kita ko rito kumpara sa part time job ko. Haay!
Ipinagdadasal ko na lang talaga sanang mabisto nilang hindi ako si Analiza at 'wag papasukin sa party!