"Sigurado ka ba talaga sa gagawin natin?"
Kibit-balikat lang ang isinagot ni Aeralf. Dalawa lang kami na papunta sa party dahil hindi namin ma-contact si Cass. Mukhang napadpad yata sa malayong lugar ang babaeng iyon kaya walang update.
"Pa'no kung malaman nilang hindi ako si Analiza?" tanong ko habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin. I'll be wearing a mask pero paano kung may magduda kung ako nga ba 'yon? Escaping isn't part of my ability kaya hindi ko alam ang gagawin kapag dumating sa puntong 'yon.
"Maraming beses na kaming um-attend ni Cass ng party, at pangalawa mo na 'to. Nahuli ba tayo? Hindi, kaya 'wag ka nang gumawa ng dahilan dahil lang ayaw mo sa target." Inirapan ko na lang siya. Pagdating sa trabaho, napakasungit ng lalaking 'to. Pakiramdam ko minsan hindi siya si Aeralf eh. Minsan magalang. Minsan istrikto. Tsk!
Pero hindi naman talaga dahil sa si Kaideza ang ipinunta namin. Hindi katulad ng mga misyon namin dati, mas kinakabahan ako ngayon. Siguro kasi may ability din siya na hindi ko alam. Na baka kung ano ang magawa niya. Idagdag pa na wala si Cass at hindi pa malinaw kung paano nga ba namin makakausap at mapapapayag si Kaideza.
Being good and friendly isn't in her vocabulary, sinabi niya 'yon mismo sa isang interview. Aniya matagal bago niya magustuhan ang isang tao--romantically man o hindi. Hindi siya basta-bastang nagtitiwala. Ayaw raw maulit ang betrayal na nangyari dati. Kaso lang pakiramdam ko siya rin naman ang may kasalanan do'n.
Ang ironic dahil wala naman akong alam sa pinagdaanan at mangyayari sa kaniya, pero hinusgahan ko na. I don't blame myself though. Seeing how my mother gave the attention I deserve, 'di ko mapigilang mag-isip kung ano nga bang kababalaghan ang ginagawa niya makuha lang iyon. Na kahit gaano pa niya maliitin ang ibang tao, bigyan lang siya ng bida at inaaping role sa drama, nakakalimutan na nilang masama ang ugali niya.
Huminto ang sasakyan nang makita namin ang hotel na paggaganapan. It was one of the most expensive in the country. Iba nga talaga ang nagagawa ng sikat na artista. Maraming magagarbong sasakyan ang nakapila, may red carpet pa para sa pagbaba at pagpasok ng mga tao sa venue. Ito lang yata ang birthday party na ganito. Daig pa ang awarding ceremony, product launch o kung ano pa.
"Dito ka lang, titingnan ko kung nasa area lang si Cass." Pagkatapos ng mga salitang iyon ay unti-unti nang naging kaisa ng hangin si Aeralf. Hindi ko man siya kita ay naramdaman ko naman ang pag-alis at mabilis na pagbalik niya. Ewan ko ba, pero sa tuwing nagiging hangin na siya ay nakakaramdam ako ng kakaibang takot. Parang pati ako ay nawawala. Na sa sobrang lamig na dulot noon pakiramdam ko, bigla na lang akong maglalaho.
Gayunpaman, sa aming tatlo, ang ability niya ang pinakagusto ko. Napakaraming pwedeng gawin kapag elemento na ang nakokontrol mo. Kumbaga high level na ang abilidad niya kaysa amin.
Minsang niloko ko siya na magpalit na lang kami pero tumawa lang siya. Maiinsulto na sana ako kung di lang niya sinabing may pakinabang din naman ang sa akin. Kung matututunan ko lang itong kontrolin. Pero nauubos lang ang lakas ko sa tuwing sinusubukan 'yon kaya mas pipiliin ko na lang siguro na yumuko at iwasan ang eye to eye contact para hindi na guluhin ng mga visions ko.
Mas pinagtawanan nga lang ako nina Cass nung sinabi ko iyon sa kanila. "Then wala ka nang ibang choice, si Kaideza ang makakatulong sa 'yo," sabi niya pa. Kaya nga nandito ako ngayon, para malaman kung pa'no pa mag-i-improve ang precognition ko.
Natigilan ako sa pag-iisip nang tumapat na ang sasakyan sa red carpet. Isinuot ko na ang maskara at bumaba. Sinalubong naman ako ng mga nakasisilaw na flash ng camera. Nagtanong pa sila kung sino nga ba ako. Hindi ko sila pinansin at dumiretso na sa loob ng hotel. Alam kong hindi dahil sa maskara kaya nakalusot ako sa kanila. Ang celebrant lang naman kasi ang nakakakilala sa totoong Analiza.
Pareho silang lumaki sa isang orphanage. Ngunit ang alam ng lahat ay galing sa ibang bansa si Kaideza. Fourteen years old siya nang nagsimula ang career niya, at simula noon ay kinalimutan na rin niya ang pinanggalingan. Ayon mismo sa diary ni Analiza, parang namatayan siya ng bestfriend nang mangyaring hindi na raw siya muling kinausap o kinumusta ni Kaideza. Hanggang sa isang araw ay nakatanggap siya ng invitation para sa kaarawan nito ngayon.
Bahagyang nag-init ang ulo ko sa katotohanang 'yon. Ganoon na lang ba talaga siya kawalang puso? Ipagpapalit ang kaibigan at mga nagpalaki sa kaniya para lang sa kasikatan? Nakakabwisit lang. Pag nagkita talaga kami ay tatanungin ko siya. Hindi ko maaatim na after eight years, heto siya at lumalapit kay Analiza na parang walang nangyari.
Kahit sino handang magpakamatay maramdaman lang na mahalaga siya sa pinahahalagahan niya. Miski ako, isusugal ko ang lahat para lang makuha ang atensyon ng mama ko. Maramdaman man lang na may halaga rin ako, at matigil ang pagsamba niya sa aktres na hindi man lang alam ang salitang iyon.
Tumayo ako sa gilid para hintayin si Aeralf. Masyado atang natagalan sa pag-park ng kotse. Nilibang ko na lang ang sarili sa pagtingin ng mga pumapasok. May lumilingon din sa akin kaya di maiwasang makita ko ang ilang bahagi ng future nila. Maliban na lang sa hindi ko talaga kinakaya. Napapabawi ako ng tingin sa tuwing aksidente o di kaya'y gawain ng mag-asawa. Geez! Nakakakilabot na para akong nanunuod ng porn, naaalala ko tuloy yung muntik na mangyari sa 'min ni-- Shocks! Oo nga pala! Tiyak na magagalit 'yon 'pag nalaman kung nasaan ako ngayon! Naku naman, Alie...
Mabilis na kinuha ko ang cellphone sa purse at in-on iyon. May mga messages na pumasok galing kay Klei at ang iba naman ay kay Eli. Binuksan ko agad ang kay Klei.
Hon: Are you okay?
Hon: Bakit ka nag-resign?
Saglit akong natigilan doon. Nalaman niya agad! Shet! Malaking gulo pa naman 'to kapag nalaman kung bakit. Nagtitipa na ako ng ire-reply nang may dumating ulit na mensahe.
Hon: Nandito ako sa inyo. Lumabas ka raw? Text mo ko kung nasaan ka. Kain tayo :)
Uminit ang pisngi ko sa nabasa. Fishtea! Kung wala lang ako sa labas baka nagtitili na ako. Miski sa text lang ay naghuhuramentado na agad ang puso ko. Alam na alam talaga niya kung paano ako magiging okay. Parang gusto ko na tuloy umuwi. . .
Naudlot na naman ang pagre-reply ko nang makita ang pagtawag niya. Pagkasagot ay narinig ko ang paghugot niya ng malalim na hininga. Nakakaloko talaga ang lalaking 'to! Hindi ko naman siya kasama pero bakit isang hinga at Hi niya lang nanlalambot na ako?
Kinalma ko muna ang sarili bago nagsalita. Natawa pa siya nang bahagya, tiyak na naramdaman niya ang reaksyon ko. Nakakahiya! Kinagat ko na lang ang labi at luminga sa paligid. Wala naman sigurong nag-iisip na ang weird ko, di ba?
"I'm fine, hon. Nagpapahangin lang din," sabi ko.
"Sunduin na kita. Saan ba 'yan?"
Nawindang ang pagkatao ko doon. Asdfghjkl! Ano'ng isasagot ko?
"Hmm. Kaya ko na, hon, pauwi na rin ako. Umuwi ka na rin at wala ka pang pahinga."
Nagdadahilan lang naman ako pero may katotohanan din iyon. Bakas ang pagod sa boses niya kaya dapat ay sarili niya naman ang iniisip niya, hindi naman kasi pwedeng lagi na lang ako.
"Tara na?" Literal na napamura ako sa isip sa pagdating ni Aeralf. Wrong timing!
"May kasama ka?" tanong ni Klei sa kabilang linya.
"Classmate ko dati, hon, eh ano, may inalok na trabaho. Ngayon lang siya free kaya pumayag na 'kong makipagkita."
Palala na nang palala ang pagsisinungaling ko, geez! Akala ko pa ay hindi siya maniniwala pero nagpaalam na rin siya. Mukhang pagod na pagod nga talaga. Ilang araw na kasing pinag-iinitan ng boss niya--ng tatay niya. Wala naman siyang magawa dahil alam niyang siya rin ang magmamana ng kumpanya nila. Sadyang gusto lang siguro siyang ihanda ni Tito para doon. Kaya kahit na naaawa ako, sinusuportahan ko na lang din siya. Yun lang ang magagawa ko para masuklian ang mga naitulong niya sa 'kin.
"Pangalan niyo po, ma'am," tanong ng receptionist nang makalapit kami.
"Al--Analiza! Analiza Alvins," nauutal na sabi ko.
Pinandilatan ako ni Aeralf, paniguradong napansin niyang Alienna ang dapat na isasagot ko. Sinamaan ko lang siya ng tingin. 'Pag ako talaga naasar dito sasabihin kong di ko siya kilala para di papasukin eh.
"Analiza Alvins po?" bakas ang gulat sa babae na tiningnan pa ako mula ulo hanggang paa.
"May problema ba?" kalmadong tanong ko kahit na kinabahan ako sa inasta niya. Hindi naman niya siguro kilala si Ana.
"Uhm, nothing, ma'am. This way po."
Bumungad sa amin ang hagdan na paakyat sa susunod na floor. Doon pa lang ay masasabi mo nang engrande ang selebrasyon na gaganapin. Sumisigaw ng karangyaan ang inilatag doon na pulang carpet na binubudburan pa ng gold glitters, pati na rin ang mga golden candelabras sa gilid nito. It somehow made me feel that I'm special. Masuwerte rin talaga ang isang Kaideza Bier.
Sa labas ng pinto ng silid ay ang naglalakihang portrait ni Kaideza. Kung hindi ko alam ang ugali niya ay baka humanga na nga ako sa kaniya. Mula sa blonde at wavy niyang buhok hanggang sa pagkakahapit ng gown na suot niya. Wala mang bahid ng ngiti at normal lang ang mukha ay masasabi ko na isa talaga siya sa mga tao na hindi na kailangan ng sobrang effort para lang maging maganda.
Tinigil ko na ang pagtitig doon at pumasok na sa venue. Napanganga yata ako nang ilang segundo sa nakita. Everything's gold and red, from curtains, chandeliers, to the tables, candelabras, and even the utencils screams royalty.
"Ano bang ginawa ng babaeng ito sa past life niya at ganito siya pagpalain?" Natawa ako sa sariling isipin.
Saktong oras kami dumating sa hotel kaya naman di na nakapagtatakang marami nang tao. Naupo na lang ako at pinagmasdan ang paligid. Umalis si Aeralf para makipag-usap sa kung sinu-sino at mangalap ng impormasyon kaya naman sinimulan ko na rin ang trabaho ko.
May ilang bumabati at ngumingiti sa akin kaya natititigan ko sila. At sa dami ng mga nakakasalamuha ko, wala pa akong nakitang interesenteng pangyayari. Pakiramdam ko'y nagpapagod lang ako sa wala. Idagdag pang wala rin akong makausap dahil wala naman akong kakilala. Puno ng mga artista at ilang respetadong tao ang party na ito. Kahit sa suot na maskara ay nakikilala ko sila. Napaisip tuloy ako kung si Analiza lang ba ang bukod tanging average lang sa mga imbitado.
Hindi pa nagsisimula ang party dahil hindi pa raw dumarating si Kaideza. Sa pagka-boring ay ininom ko na lang ang wine na iniabot sa akin kanina. Hindi gaanong mapait ang lasa noon kaya na-enjoy ko naman kahit papa'no. Balak ko sanang ubusin na nang biglang namatay ang ilaw. Natira lang ang sa mga candelabras. Ilang saglit pa ay tumugtog ang isang slow na kanta. May ilang mga tao ang pumunta sa harap para sumayaw. May nagyaya rin sa akin pero tinanggihan ko lang. Masakit sa paa ang heels na suot ko at hindi rin ako marunong sumayaw.
"Magsisimula na ba?" tanong ko kay Aeralf na kababalik lang.
"Wala pa ang bida," aniya at nagpaalam na namang aalis. Mukhang forever alone talaga ang peg ko ngayon!
Pinaglaruan ko na lang ang baso at tiningnan ang candelabra sa harap ko. May ilang star na naka-carve doon na hindi mo makikita kung hindi mo tititigan nang malapitan. Nakaka-amaze lang. It somehow reminds me of the birthmark on my ring finger. Birthmarks are typically round in shape, kaya nga mas mukhang tattoo tingnan ang akin dahil sa infinity ang hugis nito na may star sa gilid. Hindi ko pa nga malalamang star iyon kung hindi ko aksidenteng nakita gamit ang magnifying glass.
Natigilan ako sa ginagawa nang muling may maglahad ng kamay sa akin. Plano kong tumanggi ulit ngunit nahila na niya ako at dinala sa gitna ng mga nagsasayawan.
Tumugtog pa ang paborito kong kanta... hindi ko tuloy alam kung maasar ako o ano eh.
Measuring days in the spaces between our goodbyes
Learning to wait through the endless parade
Of our same old see-you-next-time's
"Who are you?" Sa sobrang lamig ng pagkakatanong niya ay napataas na lamang ako ng kilay.
Iiwan ko na sana siya sa gitna pero mas hinigpitan niya ang pagkakahawak sa bewang ko. Mabilis niya pang nailagay ang mga kamay ko sa batok niya. Inalis ko iyon pero binalik ko rin dahil mukhang wala talaga siyang balak na bitawan ako.
But when I close my eyes, the miles melt away
Like you're here in my arms at the end of the day
Alam kong nakatitig siya sa akin pero hindi ko magawang salubungin. Ibinaling ko na lamang ang tingin sa iba pang sumasayaw. Naasar ako na wala akong magawa kundi sumunod sa bawat galaw niya. Sabi ko kanina ay hindi ako sasayaw pero ano bang nangyayari at ginagawa ko 'to ngayon?
"I don't remember seeing your name on the lists," sabi niya ulit.
So bring me the night, send out the stars
Cause when I'm dreaming we don't seem so far
"You must be mistaken then. I'm invited," sagot ko, pinakakalma ang sarili. Ngayon ay tumingin na rin ako sa kaniya. Nagbago na kasi ang isip ko at gusto kong malaman kung sino nga ba ang kasayaw ko ngayon. Na baka kakilala ko siya at pinagtitripan lang ako. Pero wala akong makuhang sagot. Buong mukha niya ang natatakpan ng kulay puting maskara.
Sa mata na lang niya ako nag-focus ngunit kahit anong pagpipilit ko ay wala akong makitang vision na kahit na ano. Maliban lang sa lungkot, pangungulila at galit.
Darken the sky, and light up the moon
So that somehow you'll be here with me soon
Bring me the night
"Really?" tanong niya, diretso pa rin ang tingin sa akin. Masyadong arogante ang lalaking ito kaya hindi ko maintindihan kung bakit ganoon ang emosyon ng mga mata niya. Magulo rin na labis ang kabang idinudulot nito sa akin.
Bring me the night
That brings me to you
You
"Yup. Anyway, I'm Kaideza's childhood friend. Hindi natin kilala ang isa't isa, kaya nagkakamali ka lang." Hindi ko maalis ang tingin sa kaniya. Gusto ko pang malaman kung ano pa ang nararamdaman niya. Siya naman ay parang binabantayan ang bawat galaw at inaalam ang tumatakbo sa isip ko.
"Analiza Alvins huh?" he looks amused. Kukwestyunin ko sana ang reaksyon na 'yon at tatanungin kung paano nakilala si Analiza, ngunit natigilan ako nang muling tingnan ang mga mata niya.
Swear I don't know if the days are as slow as they seem
From black to. . . a galaxy? What? Hindi ko ma-explain! Totoo ba 'tong nakikita ko? Kumurap ako ng dalawang beses pero hindi nabago iyon. Bakit--bakit ganun? Anong--shet! Bakit... pakiramdam ko hinihigop ako. . .
Wondering when you'll be with me again and this
Finally can be more than just a dream
"Really?" tanong niya ulit. Pero parang wala na ako sa sarili. Nahihilo at---
But when I close my eyes, I want only to stay
Umiilaw ang birthmark ko! Ilang segundo lang iyon pero sigurado ako sa nakita ko! Nawala ang hilong naramdaman ko kanina at nang malipat ang tingin ko sa mata niya, bumalik na ulit ito sa pagiging kulay itim.
Where the farthest you are is a heartbeat away
So bring me the night, send out the stars
"Ang weird mo." Nagulat ako sa sarili nang lumabas iyon sa bibig ko. Pero hindi ko na rin binawi dahil totoo naman. Ang weird na ng mga nangyayari simula nang hinila niya ako.
Lumuwag na ang pagkakahawak niya at doon ko lang napansing hindi pala ako makahinga ng maayos mula pa kanina.
Cause when I'm dreaming we don't seem so far
"You're not Analiza," sabi niya. Hindi iyon tanong. Mukhang nakatitiyak nga siya pero di ko alam kung paano niya nalaman.
Darken the sky, and light up the moon
So that somehow you'll be here with me soon
"Who am I then?" hamon ko.
Bring me the night
Bring me the night
That brings me to you
"My wife," aniya.
Napangisi na lamang ako. Hindi ko akalaing magagawa akong patahimikin noon. Ang tagal bago ako nakaisip ng sasabihin. Na hindi ko rin naituloy dahil sa biglaang pagyakap niya sa akin.
"Sshh," aniya. Naguguluhan na ako kung bakit hindi ko magawang itulak siya kahit na paulit-ulit iyong sinisigaw ng utak ko. Bwiset na 'to! Lalong bumibilis tibok ng puso ko sa sobrang asar eh! Pag-aari ko ang katawan ko pero bakit parang ayaw nitong makinig sa 'kin.
Natapos na ang kanta na gano'n lang ang aming eksena. Umpisa pa lang dapat iniwan ko na siya, pero pakiramdam ko ay dapat ngang hinahayaan ko siyang gawin ito. Nababaliw na yata ako... sana naman may sumagot sa mga tanong ko. Hays!
Huminto na ang musika, at di ko inaasahan ang maririnig na pinag-uusapan ng mga bisita.
"Sinasabi mo bang narito at nagpapanggap ang pumatay kay Analiza bilang siya?"