Chereads / THE SEARCH: Beryl / Chapter 35 - 32

Chapter 35 - 32

CHAPTER 32

Pairings

It's almost 4 in the afternoon and we still have one stone found. Hindi kami tumigil sa paghahanap, hindi ko rin masyadong nagamit ang abilidad ko dahil mas mayroong kagamitan ang mga abilidad nila kesa sa akin.

The map was given to me ngunit hindi sapat iyon upang huwag akong tuluyang mawala so Chrysler gave me his compass in case na magkahiwa-hiwalay kami.

"It's already 3:52 in the afternoon, we only have the amethyst. Kinakailangan nating magmadali, ano ba ang dapat nating gawin?" Nathalia asked in between the silent tension.

"Edi huwag huminto sa paghahanap." Greyson answered.

"Idiot, can't you see? That's what we've been doing the whole day!"

"Ikalma mo yang puso mo, huwag kang magsimula Nathalia."

"Magsimula ng ano ha? This is so frustrating, I just think we need to work onto something para mapadali ang lahat!"

"Then what? huh? What should we do?"

"Tigil tigilan mo ako Greyson!"

The two was about to use their magics but Chrysler stopped them. They wouldn't listen at first until the Prince himself stopped the war between. Bakit ba madalas mag-away ang dalawang ito? They're both short-tempered, hindi sila pwedeng magsama.

"I think Nathalia's right, we need another plan. Hindi pwedeng ganito na lang, matatagalan talaga tayo." The deluder said, it was Corinthians by the way.

"What? Makikinig ka sa isang to? Eh kung magpatuloy nalang tayo, sayang ng oras." Ani Greyson.

"GREYSON!" Nathalia yelled in anger, maya't maya pa'y inilabas nito ang kanyang patalim. As well as Greyson, in a blink of an eye he's now holding bombs.

"YOU TWO! STOP IT!" dumagundong ang baritonong tinig ng Prinsipe na siyang nagpahinto sa aming lahat.

"We need a plan, let's find a shelter first." Ma awtoridad nitong utos. Agad naman kaming tumalima, kasama na ako.

"Wag mo kasi akong kinokontra Grey, badtrip ako!"

"Ako pang mali Nathalia? Pigilan mo kasi yang init ng ulo mo!"

"Ayan, magsimula na naman kayo. Baka mahampas kayo pareho ng prinsipe, buti nga sainyo!" Awat ni Corinthians.

I used my senses to look for a better place to stay for the night, inilibot ko ang aking paningin. I was not wrong when I saw a large tree with thick bushes, perfect.

Within 45 meter radius..

"45 meters away in front, mayroon akong nakikitang malaking puno. Pwede na siguro tayong magpahinga doon." Suhestiyon ko. Paglingon ko sa kanila'y lahat sila nakatingin sa mga mata ko, including the Prince.

"Your beryl aqua-marine eyes never failed to amaze me." Greyson praised my eyes.

And I heard it once again. Sandali akong napatitig sa kaniya, nagbabakasakaling marinig na muli ang aking pangalan.

Say it again, Greyson.

"Oh right! That was aquamarine! It looks so beautiful, I wish I have one too!" Ani Corinthians papalapit sa akin. "Pano nagiging ganito ang mga mata mo?" Tanong niya.

Umiling ako, hindi ko alam ang sagot. My eyes change it's color once I use my abilities.

I want to hear my name again. Someone, say it please.

"Whatever. Nagiging dark brown naman lang siya anyway, we're still the same." Agad na bawi ni Corinthians, well they are echelons they should remain their class higher to someone like me.

"Let's go then!" Masiglang saad ni Corinthians patungo sa direksyon na sinabi ko. Sumunod naman ang iba pa maliban sa Prinsipe na tila hinihintay akong sumunod rin sa kanila.

He's still staring at me and it's making me feel awkward. Tumaas ang kilay nito, tila naghihintay ng susunod kong gagawin.

Napakurap ako at napayuko, wala na ang kulay ng mga mata ko dahil bumalik na sa dati ang senses ko. Naglakad ako patungo sa lugar na tinukoy ko at walang pasabing nilampasan ang prinsipe.

I heard him 'tsk' but I didn't bother to stop or look at him. He still made me cry hindi niya nga siguro alam iyon. Sinaktan niya parin ako, kung sana ay nagdahan dahan naman siya ng pagsasalita dahil marunong naman akong pagsabihan ay maayos pa sana ang lahat.

Nakarating kami sa malaking puno, naabutan ko sina Greyson at Chrysler na naglalagay ng malaking tela sa itaas.

"Huwag naman sanang umulan." Ani Corinthians.

"It's a part." Chrysler said.

"Tara dito Veluriya! Where is the Prince by the way? I still have 3 bags of foods, ilan ba sayo Nathalia?" Tanong ni Corinthians.

"I still have 3 too, hindi pa naman nababawasan. Nagdala ba iyong mga lalaki?" Tanong nito.

Umiling si Corinthians.

"I think they didn't. Asa yang mga yan sa atin sa ganitong bagay, bago pa ba yon? Minsan na nga tayong nagutom sa training dahil sa kanila. They chose not to bring those bags dahil ayaw nilang mabigatan kaya naman tatlong araw tayong walang nakain, still remember that?" Natatawang kwento ni Corinthians.

"Ah yes, doon kami nagsimulang mag-away ni Greyson. Ibinalibag ako eh edi pinaputok ko labi, ano siya lang matapang?" Nathalia also laughed. Maging ako ay natawa narin, mukhang masasaya ang mga ala-ala nila dati.

They were kids when they started to train for their lives and this search, hanggang lumaki sila hindi nila iniwan ang isa't-isa. That's how solid they are, and I know this search won't be a hindrance for them to come back alive.

Excluding me. That's always my sad part, hindi ako kabilang sa kanila.

They have each other to protect samantalang ako ay bagong salta lamang sa grupo. I still don't even feel that I belong here.

"Gutom na ba kayo?" Corinthians asked.

"Give me a bread." Ani Zavan.

I should call the Prince by his name, in my mind. It's perfect, Zavan.

"Here. Himala, gutom ka ba? It's the first time you asked me to give you a bread. You always do it your own Zavan." Tanong ni Corinthians, napatingin naman ako sa Prinsipe na agad nilantakan ang tinapay. My heart smiled, the prince may look dangerous outside but he's still a baby.

"Tss." maikling tugon nito.

Makalat siyang kumain. Umabot pa sa kanyang matangos na ilong ang puting mayonnaise na palaman sa tinapay.

"Punasan mo ilong mo, ang kalat mo parin." Nathalia gave Zavan a towel na siyang pinunas nito sa kanyang kalat.

"Give me one too!" ani Greyson.

"Kumuha ka mag-isa mo hayop ka!" Masungit na tugon ni Nathalia.

"Edi kumuha!" Sigaw ni Greyson. "Ang daming arte! Wohh!" sigaw pa nito atsaka kumuha ng tinapay.

Kumakain din pala sila ng mga ganito, I thought they only eat delicious foods. Habang tumatagal, napapansin kong halos lahat kami ay nawawalan ng pagkakaiba.

I'm starting to realize things.

Kahit gaano ka kayaman, you still have no difference from everyone since you're human. You just have money and that's what makes you think you're different but you're not. Money just give you the false idea of judging paupers and becoming one of those who are greedy in money.

Hindi salamin ang status kung paano ka mabubuhay, rich or poor, royals or beggars, a prince or a thief walang magagawa ang yaman oras na may dumating na isang sitwasyon na magpapantay pantay sa lahat.

I may be the lowest among them if we will consider the status, but right now we don't have differences. We are all eating the same foods, wearing almost ripped shirts, and will be sleeping in the same dangerous uncomfortable area.

I will prove Eufrata wrong about them building a barrier for the paupers and the elites. We are all people of Eufrata, we should be treated nicely and the same.

Habang tumatagal ang oras mas lalo kong ninanais na makakuha ng bato, iaahon ko ang unang distrito. We the paupers are people of Eufrata too, the officials in the palace building a barrier is indeed very wrong. I will not let them kill the homeless people with starvation and poverty.

I need to find a stone.

"Ang lalim naman ata ng iniisip mo." Napapitlag ako ng banggain ako ni Chrysler.

"What? No!" Wala sa sarili kong tugon.

"See ang lalim nga ng iniisip mo, bakit hindi ka kumain?"

"I'm not hungry."

"Hindi ba talaga? Bakit hindi ka sumama sa amin?"

I sighed. Umakyat ako sa malaking puno at humiwalay sa kanila. They were busy talking so they didn't noticed me, but I think Chrysler did. Sumunod siya sa akin sa itaas ng puno.

"Wala gusto ko lang dito sa itaas." Maikli kong tugon.

"Come on, we're going to eat and talk about the plan." Anyaya nito.

Napangiti ako. Atleast, Chrysler treats me nice. Magaan rin sa pakiramdam na mayroong isang taong sigurado kang makakasundo mo sa lugar na tingin mo'y hindi ka kabilang.

"Susunod ako." Nakangiti kong saad.

"Come on, what's the problem? Hindi ka pa rin ba komportable sa amin?"

Umiling ako.

"Then what?"

Napalingon na ako kay Chrysler, andaming tanong ng isang to. Pag di nito nasagot tanong ko itutulak ko siya pababa.

"Ikaw..." I said, tumaas ang kilay niya tila nagtatanong kung ano.

"Anong problema mo? Bakit ganyan ka sakin?" I asked him, he suddenly became mute. Tahimik akong napangisi, this is why sometimes you better answer a question with a question too. Pero dapat iyong tanong eh talagang mapipipi ang taong tanong ng tanong sa iyo.

"Bakit Chrysler?" dugtong ko pa.

He sighed. Napangisi ako, ngayon di ka makasagot itulak kita diyan.

"N-nothing, gusto ko lang. Gusto kasi kita..." he stopped. Nag antay pa ako ng karugtong ngunit wala akong narinig.

Kumabog ang puso ko, what does he mean? Umangat ang kaliwa kong kilay, ginagago ba ako ng isang to?

Are you damn crazy Chrysler?