CHAPTER TWENTY FOUR
AMETHYST
My steps were heavy just as how I stepped from that labyrinth in the palace before. Ang kaibahan nga lang ay nasa realidad na ako ngayon, this is life and death. This ain't fairytail and illusion anymore. This is happening.
My extrasensory perception remained awake. Mabilis ang aming paglalakbay patungo sa lugar na tinatahak ko.
"Are we still far?" Tanong ni Corinthians.
"Malapit na tayo."
"Sa paningin mo malapit na tayo. I can't even see a cave here, it's full of thick bushes and stems." ani Nathalia, I didn't respond. Dumeretso lang ako. Palapit ng palapit sa aking paningin ang kweba, at tuluyang lumilinaw ang mga bagay na kumikinang sa loob niyon.
"Fray is coming!" Masiglang saad ni Greyson. Ngunit agad na kumunot ang noo nito pagdapo ng agila sa kanyang balikat. "What is it Fray?"
Maingay ang agila, hindi ito mapakali. "Did you roam around?" Hindi huminto si Greyson sa pagtanong sa kanyang alaga na tila sila lamang ang naroon at sila lang din naman talaga ang nagkakaintindihan.
"Greyson, what did Fray said?" Tanong ng prinsipe.
"Marami raw na hayop ang gumagala sa gubat na ito. Mababangis, malalaki at mabibilis. Ang iba raw ay naririto sa lugar natin, malapit mismo sa kinatatayuan natin." Greyson said.
Biglang umakyat ang dugo sa aking mukha ng makarinig ng malakas na kaluskos at tunog. Ibang iba iyon sa normal na tunog ng gubat, it's something more than thick bushes and leaves.
Something roared, tinig iyon ng isang leon. Dahan dahan akong napalingon sa aking kaliwa. Bigla akong napahinto, ganoon rin sila. Alam kong ako lamang ang nakakarinig ng tinig na iyon dahil malayo sa amin ang leon. It's 48 meters away from us at tumatakbo ito patungo sa aming direksyon.
Napaatras ako.
"What is it?"
"What?"
Nagulo ang kanilang posisyon. Agad na lumapit sa akin si Chrysler.
"What is it?"
"There's a lion..." No. Shit! "There are lions," I became hysterical. "There are 6 lions coming on our way. The cave in front of us is 67 meters away, the lion on our right is 48 meters away and there are two of them. Approaching 37 meters away 3 lions from left. And, 17 meters away.. No, 16 meters away, It's running fast!" Nagsimula na akong manginig. Nakita kong naghanda ng kani-kaniyang gamit ang aking mga kasama. "Approaching 13 meters away. Sa harap natin. This is insane!" naguguluhan na saad ko. Hindi ko alam kung saang parte ako lilingon, hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa nangyayari sa akin ngayon.
I aimed my bow and arrow, at inihanda iyon sa leon na nasa aking harapan. Can't these lions be good to us? We're good persons anyway.
"What are we going to do?" Nathalia asked.
"Stay calm baby, just aim your weapon from your right." Greyson answered.
"What the heck! Paano ako kakalma? Hihintayin natin ang mga leon na dakmain tayo?"
"Shhh, just aim your weapon!"
Pati ako ay nagpapanic na rin dahil ako mismo ang nakakakita sa mga nagtatakbuhang leon papunta sa amin. This jungle is dangerous, these animals are the rulers here kaya naman ramdam nilang may estranghero sa kanilang lugar.
"Corinthians? What's on your mind?" Tanong ni Chrysler.
"Okay, calm down everyone. Nathalia, guard your right. Grey, and Chrysler to your left. And Zavan since you can do anything guard us, alam kong alam mo na ang gagawin mo Prinsipe. I will be with Nathalia. And you witch watch out ahead of you. Since you can determine your distance and the lion just aim your weapon. We will be firing a bullet with the nearest lion first, sunod sunod na atake and gagawin natin then bombing will be the last. We have 2 minutes to run after the plantation of the bomb. Since the cave is 67 meters away from us, we will run as fast as we can para makalayo sa pagsabog ng bomba. Ready?" Corinthians was serious and so are we.
The nearest lion, is in front of me. I aimed my bow and arrow para sa nalalapit nitong pag atake. Mabilis itong tumatakbo patungo sa amin.
Maya maya pa ay nakita kong may mga malalaking batong humarang sa amin bilang panangga. I knew it was the prince, he can do anything with his mind and hands.
Now I know how powerful he is.
"Aiming, 8 meters away.." mahina kong saad. Napalunok ako. I can now see it clear.
"Ang pinakamalapit na leon ay nasa ating harapan, after we get rid of it we run ahead." Simpleng saad ng prinsipe na tila agad na naunawaan ng lahat.
Ang lahat ay naghanda. Maging ako, inihanda ko ang aking sarili. Maingat kong itinutok ang aking pana sa mabangis na leon na tumatakbo tungo sa aking pwesto.
"What the heck!" sigaw ni Chrysler. "Bakit hindi mo pa pinapana?" Chrysler yelled at me.
"Just focus on your right!" sigaw ko pabalik.
5 meters away.
"Are you damn insane? Shoot it!" Sigaw ni Chrysler.
"Just wait!" I gulped. The lion is very fast, at iba iba ang direksyon ng pagtakbo nito. The lion stopped 3 meters away.
"I said shoot it!"
"I said wait!"
Nagtatalo kami ni Chrysler habang hinihintay kong tumalon ang leon papunta sa akin. Oras na lumayo ito, dederetso kami ngunit oras na sugudin ako nito wala akong choice kundi panain ang isang ito.
Come on, just run away already.. We don't mean to harm you, go..
Tingin ko'y nauunawaan ako ng leon. Dahil dahan dahan itong umatras palayo sa akin.
"What are you doing?" Takang tanong ni Chrysler. "If you don't shoot it, I'll shoot it!" Pagbabanta nito.
"No! It is listening!"
"Oh shut up!" and with that, Chrysler shoot the lion. Nakailag ito, at dahil doon ay nagalit nang tuluyan ang leon. It roared the area.
Nagulat ako ng sumugod ito ng tuluyan sa akin.
"OH NO!" Corinthians shouted.
Bago pa man ako tuluyang masugod ng leon, isang malaking bato ang tumama sa katawan nito at tumilapon ito pabagsak. It was the Prince!
Sinamantala ko ang pagkakataon na iyon upang panain ang bumagsak na leon. I let go of my arrow, and it shooted the leg of the lion.
Another bullseye.
"Run!" Sigaw ng Prinsipe.
So I fucking ran! We ran!
Mabilis kong tinungo ang direksyon ng kweba, habang ang ibang leon ay tumakbo sa direksyon namin at patuloy kaming hinabol.
"Grey, the fucking bomb!" the prince shouted again.
"There you go! Corinthians faster, I'mma gonna throw this at your back!"
Lumingon ako sa likod, saktong pag tapon ni Greyson ng bomba ay sinalubong ito ng malaking bibig ng isang leon.
Halos mabuwal ako sa kinatatayuan nito ng sumabog ito ng napakalakas. Nagkalat ang ibang parte ng leon na sumabog sa iba't-ibang bahagi ng lugar. Tila umulan ng dugo sa gubat na kinatatayuan namin.
"We mean no harm lions, stop chasing us!"
"Run! Faster!"
This is crazy! Ginagawa akong baliw ng mga ito! Alam kong nakakahibang ang nangyari sa labyrinth noon, ngunit ang nangyayari ngayon ay hindi ko lubusang maipaliwanag.
"Witch, run fast. Lead us to the cave, don't worry about us we got your back so just run!" Nathalia yelled at me.
So I did.I ran as fast as I can, wala na akong pakialam kung gaano katigas, kung gaano kakapal ang mga dahon at puno na nakakasalubong ko. I jump then I run. Death is behind me, and I need to come home alive. All I have to do is run.
Nanlaki ang aking mga mata ng mapalingon ako sa aking kaliwa. FUDGE! Isang napakalaking oso ang nagbabadyang itumba ang malaking puno sa aking tabi.
Its movement was fast, at tuluyan na akong nalito sa aking gagawin ng matisod ako ng isang malaking bato.
I'M FALLING HARD, AND I CAN'T CONTROL MY BODY.
I'M DOOMED.