CHAPTER 26
Bumaba ang tingin ng prinsipe sa akin hanggang sa magtama ang aming paningin. "Tss." pagkasabi niyon ay saktong pagbagsak ko sa lupa.
ARGH! Ilang beses na ba akong bumagsak ngayong umaga? At ilang beses na rin bang ang prinsipe ang dahilan niyon?
"We're here, stop dreaming!" Masungit na wika ng prinsipe atsaka naglakad upang sundan ang mga ranggo. Dahil ayokong mapag-iwanan ay agad rin akong sumunod. Nadumihan na kaagad ang suot ko, at basa rin ang ilang parte ng aking damit. Mabuti na lamang at hindi bumakat ang aking mga panloob kahit paano, dahil mahirap na.
Aakyatin na naman namin ang pataas na gubat na ito. Nakakapagod naman to, hindi ako natutuwa. Ngunit wala akong magagawa.
"Stupid can you move faster?" Iritang saad ng prinsipe matapos akong lingunin. Nagulat ako ng halos mapag-iwanan na ako nito. Malaki na ang agwat ng distansya namin. Kumurap kurap muna ako bago patakbong pumunta sa kinaroroonan niya.
"Stupid!" The prince groaned in anger.
Ngunit hindi ko rin maiwasang mairita.
"Stop calling me stupid!" Mahina ngunit iritable kong saad. Tumaas ang sulok ng kanyang labi at ang kanyang kanang kilay.
"Then I should call you what?"
I secretly rolled my eyes.
"What do people call you, prince?"
"My name." Seryoso nitong saad habang matiim na nakatitig sa akin.
Matutunaw na ako rito.
"Exactly--" I became quiet all of a sudden. Napayuko rin ako matapos mapagtanto ang ilan. I want to be called by my name but I can't tell them my name. Yeah right, I deserve to be called stupid.
"Exactly what?" Tanong nitong muli. Bumaba ang tingin ko sa lupa, indicating that I can't answer his question. "Tss." he said and started to walk again.
"Prince! We have found the cave!" Tinig iyon ni Corinthians mula sa itaas. Mukhang nahanap na nga nila ang kwebang aking nakita.
Pagkasabi niyon ay mabilis na tinungo iyon ng prinsipe at saka iniwan ako. I took a deep breath then ran to where the voice came from.
Kahit na nakakapagod ay ininda ko iyon marating ko lamang ang kweba. Naroon na sila, nagpupulong sa labas at ako na lang ang kulang.
Biglang bumigat ang dibdib ko, why am I feeling sad?
Bakit nalulungkot ako dahil pakiramdam ko hindi ako kabilang sa kanila where in the first place I don't really belong to them?
Why am I hurting when I know I am only a pawn for them?
Why am I feeling sad with the thought that I don't belong to the world they are in.
Napalingon si Chrysler sa dako ko. Pagkakita sa akin ay agad niya akong pinuntahan.
"Thank God you're here. Bakit ang tagal mo?" Tanong nito atsaka hinila ako papunta sa grupo.
"Ito ba ang kweba na nakita mo?" Tanong ni Nathalia. Tumango ako bilang tugon.
"Let's go in." Saad ni Greyson.
Nauna ang prinsipe sa paglalakad, sumunod si Greyson, sabay namang pumasok sina Nathalia at Corinthians. Hinintay naman ni Chrysler na makapasok muna ako bago siya sumunod. Madilim ang loob ng kweba.
"Corinthians, light please." Ani Zavan.
Am I allowed to call him by his name? Bigla namang umilaw ang kamay ni Corinthians na nagbigay liwanag sa loob ng kweba.
"Wag mong itutok sa mukha ko gaga ka ba?" Reklamo ni Nathalia.
"Ops, I'm sorry. Akala ko pader eh mukha mo pala."
"Aba, gaga ka!"
Nagpatuloy sa pag asaran ang dalawang babae, nakakabilib naman at hindi sila nagkakapikunan. Maigi kong pinagmasdan ang nga nakaukit sa gilid ng kweba. "Siguro may mga tumira na dito dati." Saad ko.
"Why do you think so?" Chrysler asked.
"There are drawings here. It's their way of communicating with each other. Well maybe they can't speak or sign language isn't enough for them to fully understand what they have to say to they just draw it." Wika habang patuloy na nakatingin sa mga nakaukit sa kweba.
"This is fire." turo ni Chrysler.
"There may be something here na makapagtutukoy kung nasaan ang mga batong hiyas." Greyson said.
Huminto ako sa paglalakad at pinagmasdan ang nga nakaukit.
May isang deretsong linya at ang dulo nito ay naging dalawa, tila napaghiwalay ito. Sa kaliwang bahagi ay mga isang kahon na nakaukit, habang sa kanan ay mga patusok na bagay. Hindi ko matukoy kung anong klase ang mga patusok na ito at ang kahon sa kaliwa.
But there's something that got my attention. Sa dulo ng parehong linya ay mayroong malaking bilog na nakaguhit.
"There are two ways, saan tayo tutungo?" Ani Greyson. Napalingon ako matapos niyang sabihin iyon.
Sa tingin ko'y alam ko na kung ano ang ibig sabihin ng nakaguhit na ito.
It's a guide.
"We should go the left first. Or maybe we split? Tatlo sa kanan at tatlo sa kaliwa." ani Corinthians. "Grey, Chrysler, and you witch sa right kayo pupunta. Kami naman kasama ang prinsipe dito sa kaliwa." Nathalia said, pagkatapos ay dumeretso rin agad sila sa kaliwa.
"Let's go then." Ani Chrysler.
Sumunod naman ako sa kanila.
"Wala tayong ilaw." I said.
"Don't worry baby, I'm always prepared." Greyson said, pagkatapos ay naglabas siya ng isang flashlight. Napangiti ako, he's cute. He may be a playboy but he's still a baby.
Dumeretso kami sa paglalakad. Dahil hindi ako nakontento sa flashlight ni Greyson ay binuksan ko ang aking kapangyarihan. Tinakpan ko ang aking tainga dahil sa iba't-ibang tunog na aking narinig. I think waking my abilities up is a bad idea kaya naman hininto ko ito agad at nakisama sa magalaw na flashlight ni Greyson.
"What are those?" Tanong ni Chrysler. Napahinto kami dahil sa mga bagay na nasa aming harapan. "Ito na ba ang mga batong hiyas?" Tanong ni Greyson at saka ito nilapitan.
So, ang mga patusok na nakaguhit ay mga matutulis na bato?
"This is.."
"Don't touch it!" Pasigaw kong saad. Agad naman na itinaas ni Greyson ang kanyang nga kamay atsaka lumayo.
So, ano ang malaking bilog na aking nakita roon?
"What the heck is that?" Tanong ni Greyson.
Sabay sabay kaming napatitig sa napakalaking nilalang na tumatayo sa aming harapan.
The big circle is a beast.
THERE'S A BEAST! A VERY HUGE BEAST.