"Ohhh." someone said.
Dahil sa gulat nang pumasok bigla si Josh. Agad akong umayos ng tayo.
"What do you need Perkins? " cool na sabi nung nasa gilid ko.
Napabaling naman ito sa boss niya.
"Handa na po ang lahat Mr.Clinton."
Clinton? So Clinton yung surname niya? Isn't it?
"Alright.We gotta go." respond niya naman at inunahan si Josh na makaalis. Ngumiti naman sakin si Josh at akmang may sasabihin pa but;
"Come on Perkins." pagalit o naiinis na sabi ni Clinton.
Josh smiled at me again then followed his boss.
Where are they going?
And how about me?
Iiwan nila ako rito alone?
"Hey..."sigaw ko pero nakita kong pababa na sila sa hagdanan.
Tumakbo ako para mahabol sila pero biglang nagsara yung pinto kaya ang ending. Nauntog ako rito. Napapikit at napahimas ako sa noo ko.
"Shit..."
Pero di ko na ito pinansin. I swiped my palm directly to get out of his office. Bumukas naman ito agad. I run as fast as I can without minding na kumirot na ang takiliran ko. Pero wala na akong naabutang nilalang doon sa sala. Tumakbo ako papuntang kusina pero wala rin doon.
Napatakbo ako sa main door nang marinig ang ingay ng papaalis na mga sasakyan.
Oh fuck!
Napaupo nalang ako sa sahig nang makitang nawala na sila sa paningin ko. Obviously, nakalabas na sila ng gate. Then, dali-daling isinara nung dalawang tauhan ang malaking gate.
Oh may kasama pa pala ako.
I must be more careful now. I am alone here inside his mansion with his bodyguards outside.
Pumasok ako sa loob. At isinarado ang pinto. Napasandal at napapikit pa ako. Ngunit napatalon ako sa gulat nang may magsalita.
"Okay lang kayo ma'am?" boses lalaki.
Isang halos kaedad ko lang na binata ang sumulpot saking harapan. Nakakasiguro akong tauhan rin ni Clinton ang isang 'to dahil sa suot nito.
Napaayos naman ako ng tayo at sinagot siya.
"Uh-yeah."
"Ba't po namumula ang noo niyo. Halika't gamutin natin yan." sabi niya at kinuha ang aking kamay.
Agad ko naman itong binawi sabay sabing;
"Uh-no, no. Wag na. I can handle it."
"Pinabilin po kayo sa akin ni Boss. Vance nga pala." he said at nag-abot ng kamay.
Tiningnan ko naman iyon ng ilang segundo. At saka narealize na ang OA² ko.
Umayos ka Abi. Wag kang mag-inarte. Nagmamagandang-loob na nga yung tao.
Napakamot naman siya ng ulo dahil siguro hindi ko tinanggap. Para siyang ewan na nahihiya.
Hilaw naman akong ngumiti at kinuha ang kamay niya sabay shake hands.
"I'm Abigail. "
Kalauna'y napangiti rin siya mula sa pagkagulat nang ako na mismo ang kumuha ng kamay niya.
Duda ko pare-pareho lang sila ritong mamamatay-tao, but I felt that he can't harmed me. At isa pa, hindi naman siya nakakatakot tingnan as he look so charming.
Ako na ang unang bumawi ng kamay.
"Sige." nasabi ko nalang.
"Okay. Just call me if ever you need something. " sabi niya pa.
Ngumiti ako at nagpaalam. Dumiretso naman ako sa kwarto ni Clinton.
Napahiga ako sa kama at ipinoproseso sa isip ang mga nangyari.
I need to make a plan first then investigate to find information of what they really are. What organization they build. As of now, I need to act like dumb and make them believe that I don't know nothing, that I'm innocent.
______________***
Nagising ako sa ingay nung nagsidatingang sasakyan. Napabalikwas ako at tiningnan ang orasan.
Gosh, I just slept for almost 5 hours.
It's already 3:35 pm in the afternoon.
At nandito na sila. Di ko manlang namalayan na nakatulog ako sa pag-iisip-isip kanina.
Tumayo ako at dumiretso ng banyo para makapaghilamos ng mukha. Naramdaman kong naiihi ako kaya't ginamit ko yung first cubicle. Shower room kasi ang kasunod nito.
Nasa gitna ako ng pag-iihi nang biglang tumunog yung tagaktak na tubig mula sa shower.
Kaya't napatayo ako at parang nawala ang pagka-ihi sa gulat at kaba.Kararating lang nila?
May tao ba? Sinong gumagamit nito?
Agad akong lumabas ng cubicle at tiningnan ang shower room.Patuloy pa rin sa paglagaslas ang tubig at parang may nagshoshower.
Pero, hindi eh.Ako lang ang tao rito. Narinig ko ang busina ng mga sasakyan kanina lang.
Di kaya? Haunted Mansion ito? Baka may mga ligaw na kaluluwang tumira rito o baka naman nabili lang ito ni Clinton? Posible ring yung may-ari ay namatay sa mansiong ito.
Nangangatog na yung tuhod ko. Pero lakas-loob kong hinawakan ang door knob. At kahit nanginginig ang kamay, dahan-dahan kong binuksan yung pinto ng shower room. Nanlaki ang mga mata ko sa tumambad sa akin.
"Ahhh." sigaw ko at napatakip ng mata.
"Ahhh. Oh shit." natarantang sabi niya sabay hablot nung tuwalya sa gilid.
Lord, ipalamon mo na ako sa lupa please. Gosh, grabe yung nakita ko.
I just saw his back. Kitang-kita ko ang laki ng katawan niya sa likod. At yung puwet niya and so on down there.
"Fuck! What are you doing?" gulat niyang sabi.
Binuksan ko naman ng dahan-dahan ang mga mata ko.Nakatapis na siya ngayon ng puting tuwalya at nagtataka akong tiningnan.
"Gosh." nasabi ko nalang.
"Ba't mo ba binuksan yung pinto? Nambubuso ka ba?"
Nalaglag naman ang panga ko sa sinabi niya.
"Wow! Ang kapal."
"Eh ba't mo binuksan?"
"I don't know na may tao pala." I reasoned out.
"Fucking lies.How you fucking don't know when you can hear the water from the shower from the outside." inis na inis na sabi niya.
"Eh malay ko ba kung nagshoshower ka ba o may ligaw na kaluluwa rito sa mansion mo. Eh diko alam na nauna ka palang umuwi. I am just awaken by the noise of the cars. Akala ko kararating niyo lang."
"And besides, it's not really a big deal to me." dagdag ko.
"Not a big deal? Eh kung makasigaw ka nga kanina. Daig mo pa nakalunok ng microphone.. "
"I'm just shocked."
"Shocked of my hotness?" nakasmirk na sabi niya.
Napairap naman ako at hinarap siya.
"Conceited freak. Nagulat lang ako na may tao pala. Pero napahiya ako na yung pangit mong puwet ang bumungad sakin." sabi ko na parang nandidiri at ngumiti-ngiti.
Yari ka sakin Mr. Clinton.
"At isa pa ang dami ko ng hubo't hubad na katawan ng lalaking nakita. Mukhang ikaw ang may pinakapangit sa lahat." nakangiti kong saad bago tumalikod.
Narinig ko pa ang mga mura niya bago ko isinara ang pinto.
Napasandal naman ako rito.
Gosh, Abi.
Later on,lumabas din siya. But I didn't bother to take a glance at him.
Lumabas nalang din ako ng kwarto at nagtungo sa kusina. Walang-tao roon, but there are foods prepared sa dining table. Dali-dali naman akong umupo at binuksan ang pizza.
Nasan kaya sila Josh?
Nag-angat ako ng tingin nang may umupo sa harapan ko. Kumuha naman siya agad ng isang slice ng pizza at kinagat ito.
Napanganga naman ako kasi naiimagine ko na ang hot nung pagkakagat niya parang commercial endorser siya nung pizza.
Napansin niyang may catsup sa bandang ibaba ng lower lip niya. Pinunasan niya naman ito gamit ang pointer finger pagkatapos dinilaan ang daliri.
Gosh, why does he looked so seductive ?
He's enticing.
Di ko namalayang napakagat labi na pala ako.
"What are you doing? "
Napailing ako at tiningnan siya.
"Nothing. Pinagsasabi mo riyan. Kumain ka na nga lang."
Nakatunganga lang ako habang siya'y tumayo at naglakad papalayo.
"Hoy. Saan ka pupunta?"
Hindi naman ito nag-aksayang lumingon, nagpatuloy lang ito sa paglakad.
What the heck? Why he's acting like dumb.
Di ko napigilang mapatayo sa inis. Akmang hahabulin ko siya ngunit napatigil ako nang may naisip.
Kung aalis na naman siya ngayon. Ito ang tamang panahon na tumakas dito sa mansion.
Kumuha ako ng isa pang slice ng pizza at naglakad na parang normal lang ni walang binabalak.
Akala ko nung umalis siya kanina sa kusina didiretso na siya sa pupuntahan niya. Pero ganun nalang ang pagkadismaya ko nang makita siyang prenteng nakaupo sa sala habang may ginagawa kung ano sa laptop niya. Dumiretso nalang ako sa kwarto at nag-isip ng plano.
Pagsapit ng dilim, nagtulog-tulugan ako nang marinig siyang pumasok. Sinilip ko siya rito sa ilalim ng comforter.Kumuha siya ng isang business suit at lumabas pagkatapos. Napaupo naman ako sa kama at napangisi nalang.
It's time.
Tinanaw ko mula rito sa terrace ang papaalis na kotse ni Clinton. Nang makalayo ito, dali-dali akong bumalik sa loob ng kaniyang kwarto at isinuot yung dati kong pants.Patakbo akong pumunta sa terrace pagkatapos. Wala na siya kaya di niya maririnig ang mga ingay ko rito sa kwarto niya.Ang problema nalang ngayon kung paano ko matatakasan ang nagkalat niyang mga tauhan.
Gaya nung naudlot kong pagtakas, itinapak ko sa railings ang mga paa ko at handa na sa pagbaba mula rito.
Ngunit bumagsak ako sa sahig sa gulat nang biglang nabasag yung glass sliding window niya.
Paano nangyari yun? Kaya bang basagin 'yon ng hangin? O baka may bumato?
Sinong may gawa nun?
Mula sa pag-iisip ng mga posibleng dahilan, napasigaw at napatakip nalang ako ng ulo't tenga nang may naririnig akong nagbabarilan.
Anong nangyayari?
Dahan-dahan akong gumapang sa sahig. Nakita ko ang pagpasok ni Clinton sa terrace at pagbunot niya ng baril at nakipagbarilan sa kung nasaan man yung kalaban.
Kailangan kong makapasok ng kwarto niya bago pa ako matamaan dito.
Dali-dali akong tumayo at tumakbo papasok. Ngunit nanlaki ang mga mata ko nang tumakbo si Clinton at tumalon sa akin. Kaya ang ending bumagsak na naman ako sa may gilid at siya nama'y nakapatong sa akin pero nakatukod naman ang kamay niya sa sahig.
Napamura siya nang marinig ang tunog ng mga nagsidatingang sasakyan. Nagkatinginan kami.
"Magpapakamatay ka ba?" nanggigigil at tila galit na galit niyang sabi. Napalunok ako.
"Wala akong plano diyan sa sinasabi mo. Pero pwede ba, umalis ka diyan sa kandungan ko. Kalaki-laki mong tao. Ahhh." inis kong sambit at napapikit sa sakit.
Napatingin naman siya sa posisyon namin at saglit na natigilan. Dali-dali naman siyang tumayo at nilibot ang tingin sa paligid. Hinarap niya ako saka siya nag-abot ng kamay. Napatingin naman ako rito.
"Halika na."
Dahan-dahan ko namang inabot ang kamay niya. Di na rin ako nahirapan pa dahil hinila niya na ako.
Narito na naman ang pakiramdam na para akong nakalutang sa cloud nine, the moment he held my hand. I felt like I'll be safe and sound.
Nang bitawan niya ang kamay ko. Napasigaw ako bigla nang mawalan ako ng balanse.
"Ahhh."
Akala ko babagsak na naman ako sa sahig. Pero di ko akalaing mabilis niya akong mahawakan sa beywang at hinapit ng malakas niyang kamay papunta sa kaniya.
Nauntog yung mukha ko sa makisig niyang katawan. Napanganga pa ako sa sandaling iyon.
I can clearly see his crystal blue eyes. Napaganda nito tingnan at bagay na bagay sa gwapo niyang mukha. He's very appealing. I think everything of him is perfect. Wherever angle you look at, it screams perfection.
I was totally shocked nang bigla niya akong inikot at ngumiti siya sakin ng napakasarap. At isang tunog ng baril ang umalingawngaw sa buong paligid. Halos lumuwa ang mga mata ko sa aking nakita.
What's happening?
Napaliyad siya at napanganga nang tumama sa kaniyang likuran ang bala.
Napanganga ako at di alam ang gagawin. Para akong naestatwa bigla. I don't what to say & what to do. I am damn speechless. I was unfortunately mental blocked.
Saka lang ako nakakilos nang mawalan ng lakas ang mga kamay niyang nakahawak sa aking beywang.
Dahan-dahan siyang bumitaw at bumagsak sa sahig.
Binuwis niya ang kaniyang buhay to someone like me that is just an intruder. He don't know me and he did sacrifice his goddamn life for Pete's sake to protect me.
"Clinton."
"Clinton."
"Clinton." sigaw ko at niyugyog ang balikat niya.
Hinawakan ko rin ang mukha niya.
"Tulong!"
"Hey, no, no. Don't close your eyes. Tulong!" sabi ko at sigaw.
Nanginig ako sa takot nang makita ang puting sleeveless niyang suot ay nagiging kulay dugo na.
Napaiyak ako sa konsensya at takot sa nangyari.
Narinig kong may nagsitakbuhan papalapit sa amin.
"Oh My God! Zachary." gulat at napatakip pa ang bibig nung babaeng may kulay pulang buhok.
"Oh damn!" nasabi nalang nung isang lalaki.
"Shit!" Josh said.
Dali-dali nilang binuhat si Clinton at ipinasok sa kwarto nito.
Nagsisigaw naman yung babaeng kasama nila habang may kausap sa telepono.
"Alin sa kailangan namin ngayon ng medical team ang hindi niyo maintindihan. Ngayon na!" rinig kong sabi niya.
Sumunod naman ako sa kanila. Ihiniga nila si Clinton sa kama niya. Silang tatlo ngayon ay busying-busy sa pagkakalikot ng mga cellphone nila. Habang ako ay nakatayo lang dito sa may gilid. Nakatungangang pinagmasdan sila at ang nakakaawang si Clinton.
Napahawak yung babae sa ulo niya at naglalakad na tila'y wala sa sarili.
"My God. How could this be happening?" di makapaniwalang sambit niya.
"Kailangang makuha yung bala sa likuran niya." the guy said.
"We runned out of time." Josh said.
Napantig naman ang tenga't buong kaluluwa ko dun.
"Dalhin na natin siya sa hospital." sa wakas nakapagsalita rin ako.
Sabay naman silang napalingon sa akin.
"No, we can't do that. Critical ang condition ni Zach. Baka di pa tayo nakaabot ng hospital, patay na siya." sagot nung babae.
"So anong gagawin natin ngayon. Hahayaan siya sa lagay na yan at maghintay kung kailan siya mamamatay." naiinis kong sambit.
"Paparating na daw ang medical team. " saad ng babaeng kakapasok lang.
"Pero patuloy ang pag-agos ng kaniyang dugo." nagpapanic na saad nung babaeng red hair.
Napalunok naman ako at naghanap ng medical kit.
Nang makita ko ito agad kong dinaluhan ang walang malay at nasa critical na condition na si Clinton.
Agad kong inilabas ang nasa loob nung medical kit at hinanap ang kailangang mga gamit.
"Hey, anong ginagawa mo?" frustated na tugon nung red hair.
Di ko siya pinansin ni nag-abalang tingnan at sagutin siya.
I tried to unbotton him pero napatigil ako nang hilahin ako ni red hair.
"Alam mo ba ang ginagawa mo? Teka nga, sino ka ba?" inis niyang tugon.
Naiinis na rin ako sa daldal ng isang ito. Pero nagtitimpi lang ako at pinahaba ang aking pasensya.
"We badly need to get the bullet out from his body before things get worse. I am a nursing student so gagawin ko 'to." I said calmly at nilagpasan siya para masimulan ko na.
"Wa-wait what? You're just a student? Yet, you are acting like a hero? For Pete's sake buhay ng kaibigan namin ang pinag-usapan dito, kaya wag kang magpabida." red hair said.
"Atleast I'm trying my best to help. Yes, it maybe risky, but we should give a try or else his condition will become more critical." naiinis ko ring sambit.
"But what if you'll do it wrong ha? Can you afford seeing him gone just because you insisted to do it even without asking yourself if you can do it the way it should be done?" other girl said.
Somehow may point siya pero I've studied for years on this course. There's no way I can't do it. Huminga ako ng malalim.
"Just trust me." I said firmly then my turn back to proceed on what I must do.
The boys help me to undressed his top. Napasabunot nalang ng buhok si red hair habang yung isang babae kinagat yung kuko niya.
Inutusan ko rin silang idapa si Clinton.Nilagyan ko agad ng betadine yung sugat at kumuha ng bandage then directly press against the wound using the palm of my hand. I continue for about a minutes kahit na pinagpawisan sa kaba as the bleeding does not stop. Nanginig ako sa kaba, but I stayed on focus. I've decided to check the location of the wound and start re-positioning myself.
I added a new bandages over the old. Without removing the bandages though it become soaked. I waited for a couple of minutes before applying the gauze to the wound when I make sure that the bleeding subsides. I wrapped it around the wound to apply pressure. But not that tightly so that it can't loses circulation or feeling in his extremities.
Hindi ko nalang din siya sinuotan ng damit but I covered him with the comforter so that he does not get cold.
Sakto namang pagkatapos ko'y bumukas ang pinto at nagsipasukan ang medical team.
"You did a good job hija." one of them said. I just nodded. Ang ginawa ko lang naman ay patigilin ang pagdurugo.
Habang busy silang lahat sa pagtutok kay Clinton nang gamutin na ito ng medical team.
Lumayo ako roon at pumunta sa dining room. Uminom ako ng tubig at napatulala nalang habang binalikan ang mga pangyayari.
Siguro mahigit 40 minutes akong nagtagal doon, pinuntahan ako roon nung isang babaeng nagngangalang Marga at kinumusta. Humingi din siya ng pasensya sa mga nasabi niya kanina.
Bumalik ako sa taas at mukhang kakatapos lang yata ng medical team sa paggamot kay Clinton.
Seryosong nag-uusap ang mga kaibigan ni Clinton. Pinagmasdan ko lang sila habang katabi si Josh sa couch.
"Okay ka lang?" tumango lang ako.
Nang magpaalam ang medical team, nagpasalamat sila rito. Tumayo ako nang may ma-realized.
I think this is the best time to get away from this place.
It's time, Abi. Habang walang malay pa si Clinton.
Sasamantalahin ko na ang pagkakataong makatakas dito.
Before I walk away. I take a look at him.
Mabilis akong naglakad papalabas ng kwarto. But I feel guilt in every step I make. Aalis na ba talaga ako na hindi manlang magpapasalamat?
"Abi, saan ka pupunta?"
Napatigil ako nang magsalita si Josh. Napapikit ako at nag-isip ng isasagot.
Kalma akong lumingon at seryoso siyang tinignan.
"Sa baba lang ako." pagsisinungaling ko rito.
Napatango naman siya kaya't nagtuloy-tuloy na ako sa pag-exit.
I sighed at binilisan ang pagbaba sa hagdanan.
Walang pagdadalawang-isip kong binuksan ang main door.Patakbo kong tinungo ang malaking gate pero napatigil ako when I saw many men in black na nakabantay sa gate.
Napalunok at huminga ako ng malalim bago napagpasyahang tumuloy sa paglakad.
Papalapit pa lang ako napabaling na sa akin ang atensyon nila.
Bago pa ako nakarating sa gate hinarang na ako nung isa na malaki ang mga braso at katawan. Nakakatakot pa ang awra nito sa daming tattoos at armas.
"Maam, saan po kayo pupunta?"
Nanlamig ako bigla pero nag-isip ako ng alibi.
"Ako ang napag-utusang bumili ng gamot para kay Clinton."
Nagtinginan naman sila ng mga kasama niya.
Mabibisto na ba ako?
Nangangatog naman ang tuhod ko sa kaba.
Akala ko hindi ko sila mauto. Pero napahinga ako ng maluwag nang inutusan niya ang isa na buksan ang malaking gate.
Agad akong lumabas at binalingan ang mansion.
Thanks for saving my life Clinton, but I need to get away from you & to situations like this. Ang pagpasok sa mansion mo ay isang malaking pagkakamali. Mas lalo ko lang ipinapahamak ang sarili ko.
Hinintay ko munang maisarado ang gate bago kumiripas ng takbo sa anong makakaya ko. Mabuti nalang at may solar lights sa kalsada. Napahingal ako sa pagod at napahinto. Malayo-layo na rin ako sa mansion. May iilang bahay na rin akong nadadaanan. Talagang tago ang lugar na ito, yung mga bahay hindi pang mayaman kundi gawa sa kahoy at kawayan lang.
Bakit naisipan ni Clinton na magtayo ng mansion sa tagong lugar?
Napatigil ako sa isang waiting shed at nagdasal na sana may sasakyan na dumaan. Nakita ko kasi yung crossroad kanina kaya malaki ang posibilidad na may darating o dadaan from the 4 different roads. Di nga ako nagkamali dahil iilan din ang nagsidatingan pero may pasahero naman kaya nanatili ako roon.
Mahigit dalawang oras na ang lumipas nang umalis ako sa mansion. Nabuhayan ako ng dugo nang makitang may paparating na taxi. Hindi ko na napansin kung saang road lane ito nanggaling dahil tumingala ako sa mga talang nagkalat sa kalangitan.
Agad naman akong kumaway-kaway at naglakad sa gilid ng kalsada dahil baka di ako nito makita. Sa awa ng Diyos, huminto naman ito. Agad kong binuksan ang backseat at pumasok sa loob.
"Sa may bus terminal po manong." sabi ko habang nakatingin saking likuran.
This is the first and last time that I'd see this place.
Hindi ako pwede bumalik sa apartment. I need to go away and hide.
Napakagat-kuko ako sa kakaisip kong anong dapat gawin.
Nadaanan na namin yung tulay kung saan ako tumalon. Ang layo nga ng narating ko at umabot pa sa teritoryo ni Clinton. Napanatag ang loob ko nang hindi patungong apartment ko ang tinahak ni Manong Driver kundi ang kabilang road to the bus terminal. Kalauna'y naalarma ako nang mapansing lumiko ang sasakyan. Kaya't bumaling ako kay Manong. Alam kong straight lang yung biyahe papuntang bus terminal kaya bakit nag-ibang ruta siya?
"Manon-"
Ba't parang pamilyar siya.
Ba't siya nakacap?
Pero impossible. I'm just hallucinating.
Napailing ako.
"Manong ang sabi ko sa may bus terminal hindi sa kung saan? Anong daan 'to?" pagalit kong singhal dito.
Nang mapatingin ako sa salamin sa ibabaw sakto namang tumingin din siya. Ganun nalang ang pagkagulat ko at paglaki ng mata sa kung sino siya.
"C-clinton?" nauutal kong sambit.
"Pa-paano--?"
Nagsmirk siya na ikinataas ng mga balahibo ko.
"I told you already. There's no stupid rat that can ran away & escape after been catched by a wise cat." mapaglaro niyang sabi sabay tingin sa salamin at nagpatuloy-tuloy sa pagmamaneho.
Okay na ba ang pakiramdam niya para habulin ako? This can't be happening. I need to get out of here.
Dali-dali kong hinawakan ang door knob ng kotse para mabuksan iyon.
"Ahhh." napasigaw ako sa gulat nang bilisan niya bigla ang pagpapatakbo.
Halos masubsob pa ako sa inuupuan niya sa harapan ko. Napahawak ako sa dibdib ko sa kaba.
What the hell he think he's doing?
"Ano ba! Itigil mo yung kotse. Mababangga tayo,ano ba? Nakikinig ka ba ha?" galit kong tugon sa kaniya.
Bigla-bigla niya namang ihininto ang kotse dahilan para muntikan na naman akong masubsob. Binalingan ko naman siya at tiningnan ng masama.
"Kung gusto mong magpakamatay. Wag mokong idamay." nanggigigil kong sabi.
Agad kong tinadyakan ang pinto nung backseat at tumalon. Napagulong-gulong ako sa kalsada.
Nagawa ko na ito ng isang beses kaya't di impossibleng magagawa ko ito ng paulit-ulit.
Agad akong tumayo sa pagkakahiga at kumiripas ng takbo. Bahala na kung gaano kasakit yung buong kong katawan. Ang importante ay ang makawala at matakasan ko ang lalaking 'yon.
Nandito na kami sa syudad kaya't maraming buildings at tao sa paligid. Mahihirapan siyang sundan ako dahil agad akong humabilo sa mga taong bumibili ng street foods. Umakto ako ng normal at di na nag-abalang lumingon pa.