Kakaiba ito ah?
Ba't parang ang lambot naman yata ng kama ko?
Yung amoy ng paligid ang bango-bango.
Wait?
Di naman ganito yung apartment ko? Oo, foamed yung kama ko pero di ganito kalambot. Malinis yung kwarto ko pero di tulad nitong ang bango-bango.
Teka nga? Nanaginip ba ako?
Ito ba ang sinasabi nilang fairytale dream?
Dali-dali kong iminulat ang aking mga mata at akmang babangon ngunit napadaing ako nang kumirot ang bandang takiliran ko.
Oh gosh, where did I got this?
And what is this? Why is that my hands are both tied up. Ano 'to? Paano?
Napalingon-lingon ako sa paligid? Nasaan ako? Am I dreaming?
Ano bang nangyayari?
"Mabuti naman at gising ka na." cold na saad nung lalaking topless. Like woah!
Ba't ang hot niya tingnan habang tumagaktak yung tubig mula sa basa niyang buhok. Parang modelo lang ng isang denim brand.
"Sino ka?" tanong ko rito.
Napatingin naman ito at nagtaas ng kilay.
"Aba! Ikaw pa ngayon ang may lakas ng loob na magtanong niyan? It is supposedly me, right? Now, answer me. Who the hell are you? "
Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Ginagago ba ako ng isang 'to?
How could he treat me this way? This is ridiculous.
Parang binaliktad niya naman ata ang sitwasyon.
Biktima ako rito and he's responsible of kidnapping me.
Kahit na panaginip lang ito. I need to defend myself.
"Hoy Mr.Kidnapper.Wag mong ibalik sakin ang tanong. Kahit nasa panaginip lang tayo. Sinasabi ko sayo 'pag ako nagising sa panaginip na ito, hahanapin kita at kakasuhan."
Siya na naman ngayon ang nalaglag ang panga. Mabilis siyang naglakad at hinarap ako mata sa mata.
Anong binabalak niyang gawin? Nababaliw na ba siya? Is he responsible sa mga nababalitang panggagahasa pagkatapos tinatapon nalang ang walang buhay na katawan? Ipinapanaginip ba ito sakin ng mga kaluluwa para mabigyang hustisya ang kanilang buhay?
Please Lord, gisingin mo na ako sa katotohanan.
"One wrong answer and I'll bury you alive." cold niyang saad na nagpaurong ng aking dila.
Pero teka nga, ba't pakiramdam ko narinig ko na ang linyahang ganyan. It is something familiar to me.
Saan ko ba iyon narinig?
"Ah...eh Boss...Pasensya na."natatakot nitong saad.
"Leave or I'll burry you alive."galit nitong sabi.
-End of Flashback-
Napanganga ako sa isang pangyayaring bigla kong naalala. Napakagat-labi ako nang maliwanagan.
This is freaking real. I thought this is just a dream but fuck, this is reality.
I am here at someone's territory because I forcedly trespassed. Now, I'm lying on his bed—hopeless and unable to move because he tied up both of my feet & hands. I remember he did almost killed me last night. The problem now is how could I escape and survive? I don't know him. Not even his name. I'm really trapped.
What if he's a killer? A leader of drug syndicate? He can kill me in just a seconds.
"So ano? Narealize mo na ang kapangahasan mo?"
"Now tell me, who the hell are you?" inis niyang sambit habang naglalakad.
"ANSWER ME!"
Napaigting ako at napasinghap sa gulat at takot sa kaniya.
Hindi naman ako nakapagsalita.Dahil walang ni isang salitang kayang lumabas sa aking bibig.
Napaawang ang bibig ko sabay nanlaki ang aking mga mata nang bigla niya akong tutukan ng baril.
"Speak up or else I won't hesitate to pull the trigger and attacks you with burning bullets."
Halos hindi ako makahinga sa sitwasyon. Pinagpawisan na rin ako sa takot.
Isang kablit niya lang, tadtad na ako ng bala. He can just kill me that easy.
"P-pag n-nagsasalita ba ako di mo ako papatayin?" nauutal kong sambit.
Sumilay naman ang kakaibang ngiti sa labi niya.
"Magsasalita ka man o hindi. There will be a punishment."
Nanginig naman ako sa sobrang takot.
"I'll count 1-5. If you don't speak, say goodbye to earth."dagdag niya pa.
Jesus,Ginoo!
Katapusan ko na ba?
"1"
"2"
"3"
"4"
"fiv--" "A-ano p-po b-bang gusto niyong ma-marinig sa akin?"
Napalunok ako nang ibaba niya yung baril.
"Speak up."
Huh? Anong sasabihin ko?
"Ah-Hi?"wala sa sarili kong sabi at hilaw na ngumiti.
Mabilis niyang itinaas ang hawak na baril at ipinutok ito bigla.
"Bang!"
"Ahhhhh..." sigaw ko at napapikit.
"Wag mong lalong papainitin ang ulo ko. Umayos ka."
Mabuti nalang at hindi ako ang tinamaan niya. Kundi ang picture frame sa ibabaw nung bedside table.
Abigail, magpapakatatag ka.
Wag mong ipahalatang, natatakot ka sa kaniya.
People tend to scare people to get what they wanted. So don't be.
Napapikit ako ng ilang segundo at matapang siyang tiningnan.
"Anong ginagawa mo rito sa pamamahay ko?"
"Kailangan ko ng matutuluyan dahil lumalalim na ang gabi. Wala akong kaalam-alam sa lugar na ito. Kaya pumasok nalang ako sa bahay mo." saad ko na hindi nauutal.
Mas nagiging masuri ang klase ng pagtitig niya sa akin.
"Fucking Lies! How could you not know this place. Kung gayong napunta ka rito."
"Paano ka nakarating sa lugar na ito?"dagdag niyang sabi at matalim pa rin akong tinitigan.
"May naghahabol sa akin." sabi ko na siyang totoo naman.
I know I don't know him and it's not a good thing to tell him about my problem. But in my situation & our case right now, I think telling the truth is the key to survive.
Para namang napantig ang tenga niya at tiningnan ako na tila puno ng katanungan.
"Sinong naghahabol sayo?" parang interesadong tono niyang tugon.
"Hindi ko sila kilala, but I know they're the kind of assholes who kill people. They are like a group syndicate."
Natahimik naman siya saglit at tila nag-iisip. Iniwas ko nalang ang tingin sa kaniya.
"Hindi ka nila hahabulin kung wala kang ginawang ikakapahamak mo. Gaya ng pagpasok mo sa pamamahay ko. Anong rason kung ba't ka nila hinahabol?"
"I saved someone they almost killed."
Malalim ang iniisip niya kaya hindi siya nagsalita kaagad.
"Pakialamera ka kasi."out of a blue na sabi niya.
Napaawang ang bibig ko roon.
"How dare you?" inis kong bulyaw.
Para naman siyang nagulat sa pagsigaw ko. Nagtagis ang bagang niya at galit akong tiningnan.
"Baka nakakalimutan mong hawak ko ang buhay mo?"
Napatahimik naman ako nang marealized ang ginawa ko.
Abigail, umayos ka.
Pero nakakainis naman yung pagsabihan ka ng pakialamera gayung ikaw na nga itong tumulong.
"Tell me about yourself. "
"I'm Abigail Suzanne Rivera. You can call me Abi for short. A graduating nursing student. Simpleng babae. Minsan ng umibig, minsan naring nasaktan. Minsan ng iniwan at pinaglaruan. Gayunpaman, pilit na lumalaban dahil ang buhay ay weather-weather lang." I'm trying to be casual here and suddenly act as if things are going smoothly. Todo ngiti pa akong sinabi 'yon pero hindi niya ata nagustuhan ito.
"Bang! Bang! Bang!"
"Ah....Ouch...Ah..."tili ko ng magpaulan siyang ng bala.
As I take a look at the lampshade near me. OMO!
Hindi na ito mahitsura.
Afraid, shocked, and teary-eyed ko siyang binalingan ng tingin.
"Ano bang ginagawa mo? Papatayin mo ba a-ako?" nanginginig kong tanong.
"Ang ayoko sa babae. Yung may matalas na dila." nanggigigil niyang saad.
"Ano bang mali ko? For your fucking information. You've just asked me who the hell I am. I'm just being good and you should be thankful that I answered you. Knowing the fact that it's not good to talk to strangers."
Tumalim ang titig niya sakin.
"Ahhhhhh." tili ko ng sipain niya yung upuan at umalis bigla.
"Damn."huling sinabi niya.
"Hoy...Bumalik ka rito.Pakawalan mo ako rito."
"Tulong..."
"Tulong..."
"Tulong..."
I kept on shouting hanggang sa mapagod ako.
Later on, napalingon ako nang marinig kong bumukas ang pinto. Pumasok doon si-. Sino nga ito?
"J-josh?"tawag ko rito na parang di sigurado.
He brought food in tray then put it on the bedside table na nagkalat sa bubug nung lampshade.
"Good morning Abi."genuine niyang sabi.
"You should eat breakfast."
I looked at him then pouted.
Tumingin naman ako sa nakatali kong mga kamay at paa. I thought he was about to untie those cuffs pero niloosen niya lang ang kadena para makaupo ako.
"Subuan nalang kita."
Bumangon nalang ako dahil kumakalam na rin ang aking sikmura.
"Say Ahhhh." sambit niya at napabuka pa ng bibig.
Gusto kong matawa pero pinigilan kong magreact.
Sinubo niya sa akin ang rice and after yung beef steak.
"Ohhmmm...Ohmmmm."
impit ko.
"Huh?"
Tinuro ko naman ang baso ng tubig gamit ang aking facial expression.
Nakuha niya naman ito agad.
Dali-dali niya itong kinuha at inabot sa akin.
Napailing naman ako.
How can I drink it when my hands are tied?
"Huh?"
Di lang pala siya gwapo. May pagka slow rin ang isang 'to.
Dali kong tiningnan ang mga kamay kong nakatali para makuha nito ang nais kong iparating.
Pinainom niya naman ako agad.
Biglang bumukas yung pinto na siyang ikinagulat ko dahilan kung kaya't naibuga ko yung iniinom kong tubig at ang masaklap pa'y sa mukha ni Josh ko ito naibuga.
"Owwww." nasabi ni Josh at napapikit.
"Perkins, leave. "
Tumayo naman si Josh at naglakad paalis.
He don't even take a glance at me before he leave.
Nandidiri ba siya sakin?
"Tssss."
Inis ko siyang tiningnan.
"Kasalanan mo yun eh.Wala ka kasing modo. Matuto kang kumatok kung may kailangan ka. Alam mo ba yung salitang MANNERS? As in M-A-N-N-E-R-S? Kuha mo? "
Magkasalubong na kilay naman ang iginawad niya sa akin.
"Bahay ko 'to, kwarto ko pa.My Rules, My Choice. Gagawin ko lahat ng gusto ko. Kuha mo?"
Talaga lang ha? At ginaya niya pa talaga yung panghuling linya ko?
How ironic. Di ba niya alam iyong salitang originality.
Inirapan ko siya at tiningnan ng masama.
"Kahit na noh.Wala ka manlang sense of hospitality. "
Napataas naman siya ng kilay.
"Why should I? You're just an intruder.You're not even my guest.So get lost." naiinis niyang tugon.
"Whatever. Panira ka pa ng moment eh noh? Nagseselos ka siguro na sinusubuan ako ni Josh."
"WHAT?"
"Sorry, but it's my rule. I don't repeat what I've just said."maarte kong sabi.
"Fuck! What? "
"Tumigil ka nga sa ka what-what mo diyan. Bingi-bingihan lang ganun?"
"Seriously? You're arghhh.You're getting into my nerves."
"Whatever you say at pwede ba tanggalin mo itong mga posas sa magkabila kong kamay. "
Sumilay naman ang kakaibang ngiti sa mga labi niya.
"NO."
"Kung ganun.Subuan mo ako pwede? I'm starving to death."
Para namang wala sa sarili niyang kinuha sa may gilid ang tray nung pagkain.
"Say ahhhh?"parang napipilitan at tangang saad niya
Seriously? Is he going to feed me?
Abnormal talaga ang isang 'to. Kanina lang ang sungit-sungit but now? What d'fudge!
"Huh?"
Di pa nakatikom ang bibig ko, isinubo niya bigla yung beef steak.
"Uhmmm.Asgfjsjhdaksksksggshsjsjsdhs."nasabi ko nalang.
"Don't speak if your mouth is full."
Halos malaglag ang panga ko sa sinabi niya
"Uhmmm.Uhmmmm..."saad ko at napailing-iling.
"What?"
"Uhmmmm.Uhmmm.."
Nilapit niya naman ang tenga sa bibig ko.
Nalanghap ko agad ang pabango niya
Gosh, he smell so manly?
"Azeshhoshahfhadddjaa."
"Huh?"
"Uhmmmm.Teh-tehbeg."
Parang nakuha niya naman ang ibig kong sabihin.
He get the glass of water na kalahati nalang at pinainom sa akin. Napahinga naman ako ng maginhawa pagkatapos.
"Oh ano? Okay kana? "
"Matapos ng nangyari. Sasabihin mong okay? Siraulo ka ba?"inis kong bulyaw sa kaniya.
Napaatras naman siya dahil dun.
"Ba't ka ba sumisigaw?"inis niya ding bulyaw
Napatahimik naman ako bigla.
Ba't nga ba ako sumisigaw.
Muntikan ka ng mamatay kanina dahil sa biglaang pagsubo niya ng pagkain*sigaw ng isip ko.
"Oh ano ngayon?" dagdag niya na tila hinahamon ako.
"Hindi mo ba alam na muntikan na akong mamatay kanina sa ginawa mo."
"Mamatay?"
"Oo,mamatay. Kamuntik- muntikan na yun, siraulo ka! Kung ikaw ba naman ang subuan ko ng isang buong beef steak hah!"
"You're impossible."napailing-iling niyang tugon habang tinitingnan ako.
Napakagat-labi ako at tiningnan siya na parang ako'y natatae.
Di ako mapakali nang maramdamang ako'y naiihi.
"Pl-please let me go."mahina kong boses na puno ng pagmamakaawa.
Nagsmirked naman siya.
Magsmirk-smirk ka diyang gago ka. Pag ako nakawala talaga rito. Sinasabi ko.
Gustuhin ko mansiyang bulyawan pero hindi ngayon.
Naiihi na talaga ako, shit!
"Hindi ako stupido para gawin yan. And besides, there's no stupid rat that can ran away. After been catched by a wise cat." sabi niya na tila nang-aasar pa ang tono.
"Pakawalan mo 'ko sabi."inis na may halong pagmamakaawa kong tugon sa kaniya.
"Papakawalan kita. Not now,but soon."dagdag niya pa.
Kunti nalang talaga. Mag-eexplode na 'to.
"Naiihi ako. Ano bah?"
"Huh?"
"Wag kang maghuh-huh diyang demonyo ka. Pakawalan mo na ako, kung ayaw mong yang pagmumukha mo ang pag-iihian ko."
Nalaglag ang panga niya sa narinig.
Nanlaki in ang mga mata ko at pinamulahan ng mukha nang marealized ang mga salitang lumabas sa walang preno kong bibig.
Napapikit ako at inipit ang mga hita dahil feeling ko sasabog na. Gosh!
"Please, untie me. Di ko na kaya, lalabas na 'to. Oh noh!"
Dali-dali niya namang kinuha ang susi sa bulsa ng pantalon niya at pinakawalan ako sa lahat ng posas.
Dali-dali kong iwinaksi ang kumot sa aking katawan at umalis ng kama. Akmang lalakad na ako ngunit biglang kumirot ang takiliran ko. Mabuti nalang at malapit lang siya sa akin. Kaya't bago pa ako matumba, nahawakan ko na ang balikat niya.Napakapit naman siya sa akin.Sa gulat o siya'y nag-aalala?
Inalis ko sa isip ang kakaibang nararamdaman at pintig ng aking puso.
"Are you okay?"
"Naiihi na ako."
Inalalayan niya ako papuntang banyo.
Pinagbuksan niya narin ako ng pinto. Pumasok ako agad at isinara ito without even saying 'thank you' to him. Why would I? Kasalanan niya kung bakit ako hindi diretsong makalakad.
Dali-dali kong inilabas ang waste liquid na gustong kumalawa kani-kanina lang.
Napasinghap ako nang matapos akong umihi.
Tumayo ako at pinindot yung para magflush on it's own yung toilet bowl.
Nilibot ko ang paningin sa kabuuan nung kaniyang banyo.
I was totally amazed of its cleanliness, fragrance, wideness of the area, and the complete accessories needed in the bathroom.
Naglakad ako papunta sa malaking salamin doon. I take a glance at my reflection then decided to wash my hands. Naghilamos din ako ng mukha pagkatapos. Then comb my hair using my fingers as I looked at the mirror.Nilagyan ko rin ng kunting laway yung labi ko nang mabasa at maipsan ang pagiging dry nito.
Napatingin ako sa iba't-ibang perfumes, body lotion, and other stuff for his personal hygiene na nakadisplay sa gilid.Kumuha ako ng isa at inamoy ito.
Familiar scent?
It's his perfume.
Inispray ko ito sa sarili at binalik sa nilagyan pagkatapos.
Napatingin muli ako sa salamin.
Gosh, I looked like a tomboy wearing his clothes.
Ngumiti ako at nagpose-pose pa. Ngunit napatigil ako nang malakas na kinatok niya yung pinto.
Ang KJ talaga ng isang 'to.
Inis akong naglakad at pagalit kong binuksan yung pinto. Bumungad naman sa akin ang guwapo este makapal niyang mukha.
"Ano bang problema mo?"
"Balak mo bang tumira sa loob ng banyo?"
"Pano kung sabihin kong oo? Eh ano naman ngayon?"inis kong saad at hinahamon siyang tiningnan.
Sasagutin ka ba din naman ng isa pang tanong? Tsss...
"Edi tapos ang usapan.Diyan kana sa loob at wag ka ng lumabas pa."sabi niya.
Nagulat ako ng mabilis niyang hawakan ang door knob at isinara ako sa loob.
"Bogggshhh..Bogggshhh."
"Hoy ano ba? Buksan mo ito?"sigaw ko sabay katok ng malakas.
"Diba sabi mo diyan ka titira. Pwes manigas ka diyan."rinig kong sabi niya sa labas.
"Buksan mo 'to. Hinayupak na lalaki ka. "
"Tangina..Open the door." hindi talaga siya nadala kahit ako ay napamura na.
"Pesti kang buanga ka. Abliha ning purtahan. Nemal." inis kong sigaw in Cebuano.
Patuloy lang ako sa pagkatok at pagsisigaw ng mga mura.
Nakabisaya na hinuon ko. Yawa ning lakiha.
"Ahhhhhh."napasigaw ako nang bumukas bigla yung pintuan dahilan para mapasubsob ako sa sahig.
"Agggghhhh."daing ko sa pagkabagsak. Kumirot pa ang sugat ko sa takiliran.
Dali-dali akong bumangon.
Di manlang ako tinulungan. Damn this walang modong abnong demonyo.
"YOU--."galit kong bulyaw sa kaniya pero di ko natapos nang magsalita siya.
"You deserved it stupid."sabi niya at iniwan ako sa ere.
Wh-what?
Nalaglag ang panga ko at di makapaniwala sa sinabi niya.
"Come back here."sigaw ko.
"You bastard."I added.
"Bogggsssh."I heard the door closed.
"Arrrggghhhhh."inis kong sigaw.
Pero napalundag ang puso ko at halos mapatalon sa tuwa knowing na wala na akong posas. I'm free.
I can escape now and hopefully leave this hell mansion of him.
Dali-dali akong napalingon-lingon sa kung saan pwedeng daanan sa pagtakas.
"Haysss...Bahala na nga."sabi ko at tumakbo papuntang terrace.
Dumungaw ako sa terrace.
Nakaya kong akyatin ang terrace na ito. Kaya di imposibleng kaya kung bumaba mula rito. Akmang itatapak ko ang kanang paa ko sa railings ngunit napatalon ako sa gulat nang may biglang magsalita.
"Where do you think you're going?"cold nitong boses.
Saan nanggaling yun?
Where is him?
Umayos naman ako ng tayo at nagpanggap na tumitingin-tingin lang sa ibaba.
"Huwag ka ng magbalak na tumakas pa. I'll know and see whatever you think you're planning to do."
"Nasan ka? How did you know what I'm doing. Damn you!" sigaw ko sa hangin.Wala naman kasi akong kausap.
Paano niya nakita't nalaman ang bawat galaw at kinikilos ko.
May extra power ba siya o may sixth sense siya?
Nalaglag ang panga ko nang makita ang sobrang liit na devices na umiilaw ng kulay pula, CCTV ba ito? Seriously?
"Bawat sulok ng mansiong ito ay may nakakabit na CCTV. So don't bother to escape idiot."
Nagpupuyos naman ako sa inis.
Pumasok ako ulit sa kwarto at binuksan yung pinto roon palabas. Kailangan ko siyang makaharap at makausap.
Tuloy lang ako sa paghahanap nang marinig ko ang boses ng mga lalaki na nag-uusap-usap. Isa na roon si Josh.
"May shipment mamayang gabi. Ihanda ang mga tauhan."
"Siguraduhing safe ang lugar."
"Kung magkabulyaso man. Tumawag agad ng back up."
"Ikaw Xander. Siguraduhing walang aberya."
Narinig ko sa pag-uusap nila.
Shipment? For what?
What business do they have?
What kind of transaction are they talking about?
Di ko nalang yun inisip. Akmang liliko ako ngunit napaatras ako nang halos mabangga ko yung dalawang lalaking nakaitim na may dala-dalang armas.
Napalunok ako at di mawari'y ang daming tanong sa aking isip.
Katulad na katulad nila yung mga lalaking naghahabol sa akin.
Di kaya'y kagrupo lang sila?
Kaya ba ayaw niya akong pakawalan?
Anong gagawin ko? Ako na mismo ang nagpahamak sa sarili ko.
Mamamatay tao sila. No doubt. I need to get out of here sa lalong mas madaling panahon.
"Ma'am okay lang ho kayo?"
Napabalik ako sa tamang pag-iisip ng magsalita ito.
"Ah-Oo." nauutal kong sagot at akmang maglalakad na ngunit hinarang ako ng mga ito.
Abi,wag kang magpadalos-dalos.
"Ma'am bawal po kayo rito.This area is intended only sa mga miyembro ng organisasyon."
"Organisasyon?" nagtatakang saad ko.
"Let her in."cold na boses mula sa gilid ko. Lahat din ba ng bahagi ng mansion niya may intercom? Napalukso pa ako sa pagsalita niya bigla.
So he's monitoring me from wherever he is right now?
Naggive way naman yung mga tauhan niya.
"Pasensya na po Ma'am. "
Nagpatuloy naman ako sa paglakad. Pero di mawawala saking isipan ang sinasabi nilang organization?
Mas lalo akong kinabahan na baka tama ang hinala ko.
Napailing-iling ako at kinalma ang sarili. I need to confirm everything that's bothering me bago magconclude. First thing to do, hindi ako dapat magpahalatang may pagdududa ako.
Napatigil ako sa pinakadulong kwarto.
How can I open this? It doesn't have any door knob.
Sinusuri ko talaga kong paano ito mabuksan.
"Just swipe your palm at the center-part."
Inis akong napatingin sa kung saan galing yung boses. Wala namang tao pero nakita ko ang katulad na CCTV dun sa terrace.
Agad ko namang sinunod ang sinabi niya.
Napanganga ako nang bigla itong bumukas.
Wow, this is very high-tech.
Nakita ko naman ang hinahanap ko. Nakatalikod siya habang nakatingin sa labas ng glass sliding window.
"Hey!"
"Yes?" he said without looking back.
"Ba't ang--"
"Cring! Cring! Cring!"phone ringing.
Napatigil ako at napatingin sa ingay nung telepono sa may gilid niya.
Kinuha niya naman ito at sinagot without minding kung maririnig ko ang pag-uusapan nila.
"Boss nalocate na po namin kung nasaan siya."
"Keep an eye."sabi niya.
Sinong nalocate nila?
Are they planning of killings na naman?
Kailangan ngang makatakas ako rito. So that I can report them to the police and they'll be put in jail.
Kinurot ko ang sarili para matigil sa mga advance na pagcoconclude without proper research, investigation, and verification.
Binaba niya yung telepono at binalingan ako ng tingin.
"Speak up.,"
Anong sasabihin ko? I am lost of words.
Bahala na nga.Hindi naman siguro siya nakakaintindi ng bisaya.
"Wala uy. Ge adto nako." nakangiting sabi ko at mabilis na tumalikod.
I just walk without turning back.
E-sa-swipe ko na sana yung palm ko ngunit bigla itong bumukas na ikinagulat ko. Kaya't napaatras ako. Hindi ko naman alam na may libro sa sahig dahilan para maslide ako.
"Ahhhhh."sigaw ko at hinintay ang pagkabagsak ko sa sahig.
Ngunit naramdaman kung may makikisig na kamay ang sumalo sakin at nauntog pa ang ulo ko sa matipunong katawan nito.
Nag-angat ako ng tingin at nakita ang matangos niyang ilong, makapal na kilay at ang mga asul niyang mga mata.
Napanganga ako at napaisip.
Naririnig kaya niya ang lakas ng pintig ng aking puso?