Pauwi na ako sa aking apartment nang mapadaan ako sa isang liblib na lugar. Madilim at walang katao-tao roon. Alas-onse na ng gabi, galing pa ako sa bahay ng ka-groupmate ko dahil tinapos namin ang final output printing ng aming thesis, submission date na kasi bukas. Noong uwian na, di na ako nagpahatid pa dahil malapit lang naman ang apartment na tinutuloyan ko. Sanay na rin akong umuwing mag-isa kahit dis oras na ng gabi. Pero kakaiba ang nararamdaman ko sa gabing ito. Kahit may pangamba, tuloy lang ako sa paglakad. Napayakap ako sa sarili sa lamig ng simoy ng hangin.
Maya't-maya pa, awtomatikong napatago ako sa isang gilid nang may makita akong mga naka-itim na kalalakihan na pumapalibot sa isang duguang babae na pilit gumagapang para makatayo. Tinadyakan,
pinagsisipa-sipa at tinutukan ng baril. Halos hindi ako makahinga rito sa kinatatayuan ko.
Napasinghap at napatakip ako ng bibig nang kasahin nung isang lalaki ang hawak niyang baril. Sapol na sapol nito ang babae. Napaiktad ito at napaawang ang bibig. Pagkatapos nilang gawin iyon, iniwan nila yung katawan nung babae na parang basura. Nang makalayo't makaalis ang mga ito. Lumabas ako sa pinagtataguan at patakbong nilapitan yung babae. Nakakaawa ang postura nito— naliligo sa sariling dugo at puno ng pasa't sugat sa iba't-ibang parte ng kaniyang katawan. Agad kong hinanap ang nabaril niyang bahagi. Hinubad ko ang T-shirt na suot, pinunit ko yun at agad itinakip sa sugat niyang walang tigil sa kadurugo. Hindi ko na inisip pa ang lamig at ang suot na manipis na puting sleeveless tank top. Ginamit ko naman ang isang kamay para dali-daling buksan ang aking bag. Hinalungkat ko roon ang aking cellphone at denial ang numero ng kaibigan. Mabuti nalang at sumagot naman ito agad.
"Hello?"
"E-ethan, I need your help." sabi ko rito na puno ng pangamba at takot.
"Huh? Bakit? What happened?" nag-alala niyang tugon.
"I'll explain it later but please, please come here." halos mangingiyak-ngiyak kong tono.
"Okay. Where are you?" nababahala niyang sabi.
"Dito malapit sa apartment ko." sagot ko agad at tiningnan muli yung babaeng halos kaedad ko lang.
Minuto ang lumipas,nakarinig ako ng busina at humintong kotse saking likuran.
"Abi!" pasigaw niyang sabi at patakbong lumapit sakin.
"E-Ethan. Tulungan natin siya. S-She's dying." nanginginig kong sabi habang nakahawak parin sa babae.
Napatingin naman siya roon sa tinutukoy ko. Napaatras at nanlaki ang mga mata niya na para bang nakakita ng multo nang masilayan ang babae. Bigla siyang natulala kaya't nagtaka ako. Ngunit nangingibaw ang pag-alala ko kaya sinigawan ko siya.
"Ethan, naririnig mo ba ako?" napailing-iling siya at kalauna'y dinaluhan yung babae pero kakaibang emosyon ang nakikita ko sa kaniyang mga mata..
"S-sinong may g-gawa nito?" hindi ko na binigyang pansin ang tono niyang gulat, galit, nasasaktan at naaawa. Halo-halo ang emosyong aking narinig.
"Hindi ko alam kung sino sila pero kailangan natin siyang madala sa hospital, may tama siya. Baka, baka maubusan siya ng dugo."
Akmang tutulong akong buhatin yung babae. Pero agad itong binuhat ni Ethan. Mabilis siyang naglakad patungo sa kotse niya. Dali-dali ko namang binuksan yung backseat at ipinasok niya yung babae. Pumasok ako agad sa passenger seat ganun din siya sa driver seat. Pinaandar niya agad yung kotse. Napahigpit ang hawak ko sa aking seatbelt sa mabilisang pagpapatakbo niya.
"Ethan ano ba? Please slow down." natatakot kong tugon dito.
Maya't-maya pa, narating na namin yung pinakamalapit na hospital. Agad-agad kaming nagsilabasan. Dumiretso ako papasok ng hospital at tumawag ng tulong. Dali-dali namang rumisponde yung mga nurses. Inilabas ni Ethan yung babae at ihiniga sa nakaabang na hospital cot. Mabilis itong itinulak nung mga nurses kasama na kaming dalawa ni Ethan. Diretsong ipinasok ito sa emergency room.
Hindi ako mapalagay habang pabalik-balik ang lakad at iniisip ang mga nangyayari.
"Abi, sit down. Nahihilo ako sayo."
Bumaling ako sa kaniya, nakahawak siya sa ulo niya na para bang sobra rin siyang nag-aalala. Gaya ko, hindi rin siya mapakali.
Nang bumukas ang pinto, nauna pa siyang lumapit para salubungin ang kakalabas lang na doctor.
"Kayo ba ang pamilya ng pasyente?" tanong ng doctor.
Hindi ako nakasagot agad, nagkasalubong ang mga mata namin ni Ethan.
"Yes Doc." direktang sagot niya.
Napatango naman yung doctor.
"Malubha yung nangyari sa pasyente. May dalawa siyang tama ng bala. Maraming pasa't sugat sa kaniyang katawan kaya mag-uundergo siya sa maraming operations dahil kailangang makuha ang mga bala sa kaniyang katawan." mahabang paliwanag ng doctor.
"Gawin niyo po ang lahat ng makakaya niyo." saad ko rito. Napatango naman ito at nagpaalam.
Pagkatapos, isinalaysay ko kay Ethan ang nangyari dahil nagtanong siya.
"Wala ka bang napapansin sa mga kalalakihan?" napaisip ako sa tanong niya. Wala akong maalala sapagkat takot at pangamba ang nangingibaw sa puntong iyon.
"Isa lang ang naalala ko. Nakaitim silang lahat." nakita kong naikuyom niya ang kaniyang kamao. Pero hindi ko na tinanong pa 'yon kung bakit. Siguro, gaya ko naawa lang siya sa babae at gusto niyang mapanagot ang tarantadong grupong 'yon.
"Hindi ba tayo magrereport sa pulis?" tanong ko bigla. Naalarma naman siya at agad na umiling. Napakunot ang noo ko. Bakit?
"Delikado ang kasong ito. Pag nagreport tayo, mas lalong malalagay sa alanganin ang buhay niya at pati na rin ang buhay mo." sagot niya.
"At maging ako." pagpapatuloy niya na pa. Tama naman siya kaya sumang-ayon nalang ako na esesekreto nalang namin ang nangyari.
Napagdesisyunan kong umuwi muna sa aking apartment dahil ang dungis-dungis ko tingnan. May mga dugo rin kasi ang suot ko. Pumara ako ng taxi at itinuro ang daan pauwi. Naghubad ako ng damit at naligo. Mga 30 minutes ang itinagal ko sa loob ng banyo bago natapos at saka nagbihis. Habang nag-aayos ako nung sintas ng aking sapatos, may narinig akong kumakatok sa aking pinto. Tinapos ko ang aking ginagawa at naglakad para pagbuksan ito. Ngunit biglang nakaramdam ako ng takot kagaya nung naramdaman ko nang makita ko yung babae kagabi. Napagpasyahan kong silipin sa gilid ng aking bintana kung sino ito.Nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita.
Mga nakaitim na lalaking may mga dalang armas.
Yung sikdo ng puso ko grabe ang bilis. Napasandal ako at napapikit sa grabeng kaba na aking nararamdaman. Patakbo kong tinungo ang aking banyo at nilock iyon. Naisip kong magtago roon ngunit agad akong natauhan, hindi pwede ito, kailangan kong makalayo sa lugar na hindi nakikita o napapansin ng mga kalalakihang 'yon.
Pero paano? Anong gagawin ko?
Hindi ako sigurado na ako ang target nila o kung bakit sila nandirito? At mas lalong hindi ko alam kung sila nga ba ang kalalakihang nakita ko kagabi pero 'yon ang hinala ko.
Ano bang problema nila? Anong kailangan nila sa akin? Ba't sila nandito sa apartment ko? Ako ba ang susunod sa babaeng iniligtas ko? Mukha silang mga sindikatong grupong kayong pumatay ng kahit sino. Kailangan kong makalayo,hindi ang magtago rito. Lumabas ako ng banyo at kinuha ang isang upuan sa may gilid at ihinampas sa aking bintana na gawa sa kahoy, kaya't nawasak ko iyon. Narinig ko ang pagkabukas ng aking pinto kaya naman dali-dali akong umakyat sa may bintana at tumapak sa nabuong butas na saktong kakasiya sa akin.Halos malunok ko yung dila ko sa lalim nung apartment nung dumungaw ako sa ibaba nito.
Dahan-dahan akong kumapit sa gilid ng dingding at maingat na tumakas.
"Halughugin ang buong kwarto." narinig kong sigaw.
Sa sitwasyon ko ngayon, para akong nagcicircus o acrobatic show. Pinagpawisan ako ngunit napanatag naman ng 5% nang umabot sa kabilang kwarto. Sinipa ko yung gawa rin sa kahoy na bintana. Nang mabasag ito, agad akong tumalon papasok rito.Nagulat at napasigaw pa yung nakacheck-in sa kwartong iyon. Agad na nagtakip ng kumot ang mag-asawang hubo't hubad. Malamang gagawa sila ng milagro o kagagawa lang nila. Gusto ko mang humingi ng paumanhin sa pagdidistorbo ko sa kanilang naudlot na pinagagawa pero wala na akong oras. Patakbo akong bumaba sa 2nd floor hanggang sa makalabas ako ng apartment building. Halos atakihin ako sa puso nang mapansin ako ng iilang nakaabang na nakaitim na kalalakihan. Dali-dali akong tumakbo sa kalsada at pumara ng paparating na taxi. Pagkahinto nito, agad akong pumasok sa loob at sinabihan yung driver na paandarin ang sasakyan. Nagtataka niya akong sinunod. Napalingon pa ako sa aking likuran kung nasundan ba ako. Halo-halo na yung emosyon ko. Napasigaw ako sa gulat nang may naririnig akong tunog ng baril. Tinakpan ko yung ulo ko at yumuko sa ilalim nung back seat. Nabubutas narin yung likuran ng taxi.Nakita kong nagpapanic na rin yung driver. Para siyang wala sa sarili na iniisip ang mga pangyayari.
"Ihinto mo!" sigaw ko. Feeling ko maabutan na kami 'pag nagpatuloy pa ito. Kailangan kong makalayo. Tatakbo nalang ako.
"Ba't nila tayo tinutugis?" saad niya.
"Anong kaila-." di niya natapos ang balak niyang itanong.
Napatakip ako ng bibig nang masapol ng bala ang noo nung driver. Napaiyak ako sa nakita. Patuloy pa sa pagtakbo ang taxi kaya't mas lalo akong nataranta at nangangamba sa pwedeng mangyari. Hindi ako marunong magmaneho. Paano na ito?
Hindi ko alam ang gagawin. Tumatagaktak na rin yung pawis ko. Napalunok ako ng di oras. Halos di ako makahinga nang makita ang paparating na ten-wheeler truck. Wala talaga akong ibang maisip na paraan o choice na pagpipilian kundi ang paglabas mula sa sinasakyang taxi. Pinatid ko ang pinto nito at kahit labag sa kalooban, tumalon ako mula sa taxi dahilan para mapagulong-gulong ako sa kalsada. Napadaing ako sa sakit ng aking katawan. Napatakip ako ng ulo nang makita't marinig ang pagsalpukan nung aking kaninang sinasakyang taxi at ng ten-wheeler truck.
Sumabog pa ito sa lakas ng impact. Hindi na mahitsura yung taxi samantalang nawasak at nabasag yung harapan ng ten-wheeler truck. Napalingon ako sa mga nagsihintuang mga sasakyan.
Nandito na sila.
Gumapang ako at ininda ang sakit para lang makatayo. Para akong lasing na naglakad papunta sa kung saan.
"Ayon ang babae." sigaw nung isa dahilan para mapalingon sa kung saan ako ang mga kasamahan nito.
Napamura ako at binilisan ang pagtakbo. Kukuripas na sana ako ng takbo sa tinatahak na kalsada ngunit napaatras ako nang may mga itim na sasakyang nagsidatingan mula roon.
"Oh my God!" napasigaw ako nang makarinig ng tunog ng barili sa aking likuran.
Paano na ito?
Nangangatog ang mga tuhod ko sa kawalan ng pag-asa. Maraming nakaitim na kalalakihang may dalang armas na nakatutok sa akin ngayon.
"Sumuko ka na." sigaw nung isa.
"B-bakit? Anong kailangan niyo sa akin?" nauutal kong sambit at napasandal sa railings nung tulay.
"Wag ka ng magmaang-maangan pa."
"Pakialamera ka kasi. Kung di ka nalang sana nakialam."
Parang alam ko na ang ibig nilang sabihin.Tinutugis nila ako dahil tinulungan ko yung babaeng halos patayin nila. Kung susuko ako,tiyak na gagawin nila sa akin ang ginawa nila sa babaeng iyon.
Marami pa akong pangarap sa buhay. At hindi ko hahayaang mamatay ng walang saysay. Lahat ng tao namamatay. Mamamatay ako dahil sa kagustuhan ng Diyos. Hindi dahil sa mga taong walang karapatang kumitil ng buhay.
Napalunok ako at napatingin sa langit.
Tulungan niyo po ako, sambit ko saking isipan.
Napatingin ako sa gilid ko. Nasa tulay ako. Isang delikadong ideya ang pumasok sa isip ko.
"Hindi ang mga katulad niyo ang kayang pumatay sa isang kagaya ko." matapang kong sambit at mabilis na pumatong sa railings nung tulay at walang pag-aalinlangang tumalon mula roon.
"Lintek na."
"Barilin siya."
"Wag hayaan ang babaeng yun na makatakas." mga salitang naririnig ko mula sa kanila bago ako tumaob sa malalim na tubig.
Narinig ko ang pagpapaulan nila ng bala ngunit agad akong lumangoy ng mabilis sa ilalim ng tulay. Nakakagulat na hindi ako nalunod, ngayon ko lang napagtanto na marunong ako lumangoy. Is it because of adrenaline rush?
Kalahating oras akong nagtago't naghintay roon. Kalauna'y lumangoy ako papunta sa gilid at tumakbo papunta sa kakahuyan. Halos madapa-dapa at masubsub ako sa lupa sa aking nadadaanan habang iniinda ang sakit ng halos lahat ng bahagi ng aking katawan. Napatigil at napasandal ako sa malaking kahoy sa pagod. Ilang minuto ang itinagal ko roon bago nagpatuloy sa paglakbay sa kung saan mang destinasyong aking marating. Puro malalaking puno ang nasa lugar na ito. Walang katao-tao ni bahay man. Nakaramdam na rin ako ng takot dahil dumidilim na ang paligid. Paano kung babalik nalang ako? Pero malayo na itong narating ko. Hindi ko kakayaning bumalik pa sa pagod at kawalan ng lakas ng loob dahilan sa pagkulimlim ng kalangitan.
Nagising ang diwa at bumalik ang sigla ko nang makarinig ng busina ng sasakyan sa di kalayuan. Parang nawala yung pagod at napalitan ito ng pakiramdam na may pag-asa. Dali-dali akong naglakad at sinundan kung saan nanggaling yung ingay ng kotse. Mula sa aking kinaroroonan ngayon, nakita ko sa ibabaw ang isang di kalakihang kalsada. Dali-dali akong naglakad at kumuha ng suporta sa maliliit na kahoy nang sa ganun makaakyat ako papunta roon.
Napahiga ako sa gilid ng kalsada sa panghihina ng aking lakas.
"Hooooooo." na sabi ko nalang at napaupo na.
Nasan na kaya ako?
Anong lugar ito?
Tumayo ako at pinagpagan ang sarili. Natuyo na rin yung damit ko.
Naglakad ako patungo sa katuloy na kalsada. Ilang minuto rin at nasilayan ko ang napakalaking bahay. Ang yaman siguro ng may-ari nito.
Pero sayang naman ang laki at ganda nito gayong nasa gubat ito? Bakit ito nandito sa walang katao-tao?
Naglakad ako sa gate ng mansion.Mabilis akong napasandal at napatago sa gilid nang makita ang dalawang guards na nagbabantay sa guard post. Shit!!!
Muntikan na yun!
Paano ako makapasok rito? Kailangan ko ng matutulogan at makain.
Anong gagawin ko?
Napatingin ako sa unahang gilid ng gate. Isang ideya ang pumasok sa isipan ko. Dali-dali akong tumakbo sa parteng iyon at tumingala sa mataas na pader. Paano ba ako makaakyat dito?
Napako ang tingin ko sa nahulog na sanga nung niyog sa ilalim ng puno nito. Dali-dali ko itong kinuha at nang makabalik sa gilid ng pader, isinandal ko kaagad ito roon. Walang pagdadalawang-isip akong umakyat gamit iyon. Nang maabot ng kamay ko ang dulo ng pader.Napasinghap ako nang may tumama saking kamay at naramdaman ko ang paghapdi nito. Nang tingnan ko ang aking kamay, may maliit na sugat ito at dumurugo pa. Shit!!!
Basag na bote? I wonder why kung para kanino ito. It's for thieves I guess, not for a goddess like me. Napamura ako sa isip.
I need to be careful.
Muli akong sumubok ulit na puno ng pag-iingat na hindi matamaan ng mga basag na bote. Matagumpay ko namang nagawa iyon. Pumatong ako sa ibabaw ng pader at maingat na tumalon papasok sa malawak na bermuda grass sa loob ng mansion. Di naman ako napansin ng mga guwardiya sapagkat medyo madilim sa bahaging ito. Inilibot ko ang mata ko sa buong paligid. Napanganga ako sa ganda nito from the imported flowers sa gilid nitong pader na konektado sa gate, fountains sa gitna at sa magkabilang gilid at ang heart-shaped nitong swimming pool. Na-amazed pa ako lalo nang makita ang sari-saring sasakyan sa may garahe tulad ng White Limousine, Red Ferrari, Mercedez, Porsche, at marami pang ibang sports car na nakahilera sa garage nito. Eh baka naman, car company owner ang nagmamay-ari ng mansion? Possible ngang ganun.
Parang naging ninja ang mga galawan ko.
Takbo. Tago. Takbo ulit. Tago na naman.
Naisipan kong sa likurang bahagi ng mansion ako dadaan. Hinubad ko ang sapatos at itinago sa ilalim ng halaman. Inakyat ko yung haligi nung papuntang terrace sa likuran. Nang maabot ko yung railings, kumuha ako ng suporta rito upang ako'y makaakyat na ng tuluyan. Hindi ako lumikha ng anumang ingay habang sumisilip sa bintana. Pinihit ko ang door knob at bumukas naman ito agad. Dahan-dahan kong itinulak ang pinto at tumambad sa akin ang malaking kwarto na may white & black motifs. Ang linis-linis at arrange na arrange ang lahat. Naglakad ako sa may closet nito at naghalungkat ng pwedeng maisuot. Naghubad ako ng pants at isinuot ang isang puting boxer short. Bahala na,wala akong choice. Pinalitan ko rin ng V-cut grey shirt ang suot ko kaninang sleeveless at coat. Ihinagis ko nalang ang kaninang suot sa ilalim ng isang king-sized bed.
Mula sa pagkakayuko, natarantang napatago sa ilalim ng kama nang may biglang kumatok.
Narinig ko ang pagkabukas ng pinto.
"Nasaan kaya ang gagong yun?" sabi pa nito.
Ang may-ari ba ng kwarto ang tinutukoy niya?
Naglakad-lakad pa ito at nagpunta sa may closet.
Sana naman di niya mapansin ang paghalunglat ko roon.
"Aba! Talaga lang ha. Sabi ko na nga ba may pagkamanyak itong si Boss. Bumili pa talaga ng bra? Hahaha." natatawang sabi niya at sa tingin ko'y napapailing-iling pa.
Napasapo naman ako ng noo. Pinamulahan ako ng mukha sa hiya.
"Shit." I said in my mind.
Anong katangahan na naman yun Abigail? Sa lahat ng pwede mong maiwan sa ibabaw nung closet, ba't yung bra mo pa?
Napakagat-labi ako at natahimik nang marinig ang isa pang pinto ang bumukas.
"What the hell are you doin' in here?" nakakatakot na bulyaw nung pumasok o kalalabas na boses lalaki.
Napaatras naman yung isa.
Don't tell me natatakot siya?
Nakakatakot naman talaga ang boses na iyon.
"Ah eh Boss. Pasensya na." natatakot nitong saad.
"Leave or I'll bury you alive." galit nitong sabi.
Agad namang umalis yung lalaki.
Wow ha! Maka-ililibing kitang buhay si Kuya?
Alam ko na yung mga ganyang linyahan.
Pananakot lang ngunit di naman talaga nagagawa.
I wonder kung kaya bang pumatay ni Kuya. Baka langaw nga di niya mapatay, tao pa kaya?
Duhhh. Hambog din itong boss niya eh?
Boss? So siya ang may-ari?
"Holy shit! Whose bra is this?" umalingaw-ngaw ang sigaw nito sa buong kwarto. Napatakip naman ako ng bibig sa pangalawang pagkakataon.
This yung sabi niya? Ano nga iyong kaibahan nung This sa That?
Gosh, baka kinuha niya na ito. Oh no!
Napatingin ako sa mga paa niyang naglalakad papalapit sa kama.
Ilang minuto ang lumipas, nakatayo lang siya. Nanlaki ang mga mata ko nang may tumagaktak sa sahig?
Sweats? Or fresh water? Pero ba't naman siya pagpapawisan? Parang maliliit na butil ng tubig ito.
Oo tama* di kaya kakagaling niya lang sa shower room?
Pero paano kung? OMO! Don't tell me?
He's mastur—.
No no no.
Halos lumuwa ang mga mata ko sa kapilyuhang naiisip.
Abi, wala siyang ginagawa! Be positive, masyado ka lang green.
Nalaglag ang panga ko nang may nahulog na white Calvin Klein.
What the? Seriously brief ba 'to?
Anong ginagawa niya, ba't may nahulog na brief dito?
Sa kaniya ba talaga ito?
The size seems so big. Fuck! Sa isip ko minumura ko yung sarili ko sa pagiging green.
My God!
Maya't-maya pa, pinulot niya ito at naglakad papunta sa pinanggalingan ko kaninang terrace.
Gumapang ako sa sahig hanggang sa makalabas ako sa ilalim ng kama. Agad akong tumayo at maingat na naglakad papunta sa pintuan para makalabas.
Lumabas ako at nakitang may mataas na hagdanan kaya't bumaba ako rito. Kailangan kong mahanap ang kusina para maipsan ang aking gutom. Pagkatapos, maghahanap nalang ako ng storage room para roon magpahinga nang hindi napapansin ng kahit sinuman sa mansiong ito.
I feel so hungry. Mabuti naman at wala akong mga nilalang na nakakasalubong.
After a few minutes, halos takbuhin ko yung kusina at binuksan ang refrigerator at naghalungkat ng pwedeng makain. Sandwich yung kinuha ko at nagprepare pa talaga sa dining table. Umupo ako agad at nilantakan iyon. Akmang iinumin ko ang isang chocolate liquid drink nang may biglang magsalita dahilan para manigas ako sa aking kinauupuan.
"Oh Jesus.Who are you?" gulat na sabi nung pumasok na may pamilyar na boses.
Yung takot sa boss!
Diko nakikita ang hitsura niya at paniguradong siya rin. Sapagkat nakaharap ako sa pagkain at natatakpan nung buhok ko yung aking mukha.
Napakagat-labi ako.
Gosh, paano na toh? I'm dead.
"You're wearing—. Oh ikaw pala ang may-ari nun. Tama,tama." napapaisip at natatawa nitong sabi.
May-ari? Anong tinutukoy nitong pagmamay-ari ko?
Yung bra ko? Nakapikit ako nang mapagtanto ang ibig niyang sabihin.
"Ikaw ang lucky girl ni Boss." dagdag pa nito.
Nanlaki ang mga mata ko at napanganga.
Naglakad ito sa kabilang upuan, umupo roon at hinarap ako. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin at nagsmile na parang tanga.
"H-hi?" nauutal kong tugon .
Ngumiti naman ito ng napagwapo.
Oh My!
"Hello pretty. By the way, I'm Josh Lei Perkins at your service." saad nito sabay kindat at lahad ng kamay.
Umayos ako ng upo at confident na nagpakilala. Dapat umakto ako na hindi ako kahina-hinala.
"I'm Abi." sabi ko at tinanggap ang kamay niya.
"May itatanong ako sayo. Sa atin lang ito ha?"
Tumango naman ako. Napasinghap ako nang lumapit siya sa akin bigla at may ibinulong.;
"Magaling ba si Boss sa roman—." hindi niya natapos 'yon nang may sumigaw.
"What the hell is this?"
Napatayo kami sa gulat at napatingin doon sa bukana nung pintuan.
"Bo-boss." halatang kinakabahang sambit ni Josh.
Lintek na. Patay!
Mabubuking na ba ako?
"Boss wala po akong intensyong masama. Mali po ang iniisip niyo. Boss, pasensya na po." dagdag niya pa.
Josh, anong pinagsasabi mo?
"What! Who the fuck is that woman?" inis na bulyaw nito at tinuro pa ako.
"Boss, porke't nakuha mo na. Kakalimutan mo na agad. Di ka nagsabi boss na magdala ka ng babae sa mansion mo. Kaya pala galit ka kanina. Nadisturbo ko tuloy kayo."
"Hold her!" galit niyong utos.
"Po Boss?" nagtatakang saad ni Josh na tila nalilito.
Nanlaki naman ang mga mata ko at ramdam ko ang panginginig, di lang ng tuhod ko kundi pati ang buong bahagi ng katawan ko.
Is this really the end?
Naalala ko yung sikat na kasabihan."Habang may buhay,may pag-asa."
Tama, tama. May pag-asa pa!
Dali-dali akong tumalikod at kumaripas ng takbo papunta sa di kalayuang pinto sa likuran. Akmang bubuksan ko yung pinto ngunit isang tunog ng barili ang nagpatigil sa akin.
"Boss!." rinig kong sigaw ni Josh.
"Ahhh." napasigaw ako at napaliyad sa sakit nang may tumama sa aking takiliran.
Bumagsak ako sa sahig.
"Boss, anon—"
"Who the hell are you bitch?" saad nito nang makalapit sa akin at tinutukan ako ng baril.
"Are you a spy?
Sinong nagpadala sayo rito." marahas nitong sambit.
"Ano sagot!"
Nanginig ako sa takot. Nanlaki ang mga mata ko nang makita na ang daming dugong umaagos mula sa takiliran ko.
Mamamatay na ba ako?
Lord, help me.
Daplis lang ito ngunit grabe ang pagdurugo. Ito ba ay parusa sa pagpasok sa bahay ng isang misteryosong mayamang estranghero na may mansion sa gitna ng kakahuyan?