"Hala sige! Pasok na pasok, ang lalakas n'yo talagang makipagbasag-ulo! Tambay, tambay muna kayo sa detention pag may time!"
B L A G G--
"Bakit hindi mo inakit, Frutzy? Waaaah!" Nagngangawang sabi ni Nolem habang inaayos ang gusot-gusot n'yang uniform.
"Yayyy, kaderder 'yang bunganga mo Nolem, kaedad lang natin ang inaakit ko noh! Hindi tumatanggap ng gurang ang sikmura ko!" Nakapamaywang pang sigaw ni Frutzy at mukhang bruha dahil sa sabog n'yang buhok.
"Match! Ipaalala mo nga sa'kin kung bakit tayo nandito?" Parang bangag na tanong ni Nolem habang nakatingin sa kawalan.
"Luh? Malala na 'yang pagiging makakalimutin mo ghorl, nakakatakot na hahaha." Umalingawngaw ang tawa ko sa buong detention room hindi alintana ang halos nawarak ko ng uniform.
Nang biglang dumaan ang isang sapatos sa mismong harap ko. Syempre umiwas ang lola niyo, hindi ko yata hahayaang masapul ako ng sapatos lalo na kung..
"Ambaho! Yackyy..yackss ang baho ng sapatos! Napakabalahura mo Nolem!" Napaka O.A na segunda ni Frutzy.
"Wow! Makareact? Bunganga mo ghorl umaalingasaw, pakisarado at baka ma-suffocate tayong tatlo!" Ganti ni Nolem.
"Kung hindi lang kasi napaka GG ng malanding higad na 'yon! May jowa na pala ang bobita.. aba't ang lakas pa ng apog daig pa ang amoy ng putok niya sa kili-kiling lumapit sa'kin para hanapan daw siya ng ka-match!" Halos pumutok naman ang litid ko. Nakakainit siya ng anit pramis!
"Ikaw naman kasi tigilan mo na 'yang kakamatch sa mga hindi naman kagandahang people! Aba't mukhang mahihiya pa si kupido sa'yo dahil inagawan mo na siya ng trabaho." Mataray na sabi ni Frutzy at inirapan pa ako.
"Aba, dapat lang siya mahiya noh! Mas marami pa ata akong natulungang higad dahil nabibigyan ko sila ng gagapangan, kesa diyan kay kupido na hindi na nga makatama, kadalasan bokya pa!"
B L A G G--
Sabay-sabay kaming napatingin sa marahas na pagbukas ng pinto.
"Tangnaaaaa!! Ang sarap n'yong murahing tatlo!"
Aba't loko 'to ah? Minura na nga kami.
"Ang layo na nitong detention room pero ang ingay n'yong tatlo ay nakakarating pa sa kabilang building!!" Halos maubos na ang buhok niya kakasigaw sa amin.
"Hala sige! Labas na labas ang lalakas talaga ng mga bunganga n'yo! Tahimik, tahimik din pag may time!"
Nagkatinginan kaming tatlo at walang sali-salitang naglakad upang lumabas pero dahil sa ako si Matcheska Villaluz bago tuluyang makalabas ay hinawakan ko na ang doorknob at walang ano-ano'y sinarado 'yon ng sobrang lakas dahilan na humampas 'yon sa mukha ng kalbong teacher.
"Aruy,Aruy,Aruy... VILLALUZZZZZZ!!"
Umalingawngaw agad ang boses ni kalbong Gomez kaya tumakbo na kaming tatlo habang nagtatawanan.
"Ilong naman ngayon ang fracture ni kalbong Gomez whahahaha!!" Nakahawak pa sa tiyan na sabi ni Frutzy.
"L.T talaga ni kalbong Gomez hahaha." Wagas din na tawa ni Nolem.
"Napakatalkshiterist talaga no'n!"
Pagkatapos ng marathon naming tatlo nagbihis lang kami ng t-shirt at agad ding lumabas ng campus at dumiretso sa paborito naming tambayan.
MilkTea Shop.
"Excuse me ladies, ito na po ang milk tea niyo." Punong-puno ng sarkasmong turan ni ate Jazzy.
Isa-isang nilapag niya ang kanya-kanya naming milk tea at agad sinapok ang kapatid.
"Arawchh! Ansakit ate ha?!" Tinawanan lang namin siya ni Nolem.
Dali-dali kong kinuha ang Matcha flavor milk tea at prenteng sumandal sa couch for the better view ng trash-talk-an ng magkapatid.
"Para 'yan sa kalandian mong hindi mo mapanindigan! Aba, Frutzy! Talo mo pa'ng multo makapang-ghosting ka! Hindi ka naman masyadong kagandahan!" Mabuti nalang at kami lang ang tao sa mga oras na 'to.
"What did I do ba, ha?!" Ganting sigaw niya kay ate Jazzy.
"Si Gio, hindi nakapasok ngayon dahil sa ginawa mo kaya ayon sobrang masakit daw ang puson--ay este ang puso!"
"Buti nga 'yon sa kanya ang manyak ng amppp.. akalain mo ba namang hingan ako ng nudes? Ano siya siniswerte?"
Ang GG pala ng ampp..
"Wow! Feeling arabo ang GG pero mas amoy ng arabo." Si Nolem.
Magsasalita pa sana si ate Jazzy kaso hindi natuloy dahil tumunog ang wind chimes ibig sabihin may customer na pumasok.
Inirapan niya ang kapatid bago tuluyang umalis at ginantihan rin siya ni Frutzy.
"Weekend pala bukas so saan tayo?" Nakataas-babang kilay kong tanong sa kanila.
"Kita-kita muna tayo dito sa shop, may imi-meet ako bukas." Napairap agad kami ni Nolem.
Kailan ba naman nawalan ng imi-meet ang babaeng 'to?
"Sige, sunduin n'yo ako bukas at ipagpaalam kay mama." Nakabusangot naman na sabi ni Nolem.
Sa aming tatlo si Nolem ang mayroong strict na parents kaya nga nagngangawa nga kanina sa detention room takot na baka makarating sa parents niya ang nangyaring kaguluhan.
"Code black tayo bukas ah?" Paalala ni Frutzy.
Code. Every weekend mayroon kaming color coding ng damit at depende 'yon sa maisipan naming color.
*Tumunog ang wind chimes*
May naupo sa kabilang lamesa.
"Nabalitaan mo na ba?" Girl 1
Uyy, chismis.
"Ang alin?" Girl 2
"Syempre, ang chismis boba!" Girl 1
"Mas boba ka alam mo namang boba ako sasabihin mo pa!" Girl 2
May point naman si ghorl 2.
"May transferees daw sa monday galing ibang school." Girl 2.
Tumawa naman si ghorl 1.
"Aba, malamang galing talagang ibang school, transferees nga 'di ba? Ikaw ata 'tong boba ghorl e," humalakhak pa si Girl 1. Umusok naman ang tumbong nung isa at ayun nagsapukan.
"Ohhh.. transferees? With 'S' ibig sabihin ma-ra-mi! I'm so excited!" Nagtitili agad ang malanding hitad.
Napailing nalang kami ni Nolem.
"Tara na nga! Hindi ako pwedeng malate ngayon sa bahay may family dinner kami." Sabi ni Nolem at agad tumayo.
Kaya tumayo na rin kami ni Frutzy.
"Gaga ka! Bakit ba kita kaibigan?! Boba ka!"
"Mas boba ka hindi alam ang transferees!
"Mas boba ka dahil hindi mo alam ang chismis!
Sinulyapan lang naming tatlo ang dalawang babaeng nagsasabunutan sa kabilang lamesa.
I guess,
Friendship Over na sila.
"Ate Jazz, una na kami." Sigaw namin sa kanya sa counter area.
"Sige, mag-ingat kayo pero mas mag-ingat 'yang malandi n'yong kasama baka ma kidnap. Uy, ano ba 'yan ba't diyan kayo nagsasabunutan? ang liit ng space dito sa loob. Hala! do'n sa labas ng ma live ko." Gigil na sigaw ni ate Jazzy.
Nagpaalaman lang kaming tatlo at nagkanya-kanyang daan pauwi.
Pasakay na ako ng jeep ng may maalala.
Teka.
Wait.
E, magkakapit-bahay lang kaming tatlo!
"Mga shunga! Magkakapit-bahay pala tayong tatlo!" Sigaw ko sa kanila kaya natigil sila sa akmang pag-akyat sa jeep na may pareho-pareho ring ruta.
"Hala! Shemzzz! Oo nga pala!" Patiling sabi ni Frutzy at agad tumakbo sa jeep kung nasaan ako at ganoon din si Nolem.
Akala ko sasakay na kaming tatlo sa jeep na sana sasakyan ko pero 'yon ang akala ko.
"Mga lintek! Arayy ang sakit ng braso ko!" Nagsisigaw na ako sa sobrang sakit ng magkabilang braso ko.
"Mga boba! Wala kayo sa tug of war!" Hindi na maipinta ang mukha ko sa sobrang sakit.
Pinaghihila nila ako papunta sa jeep na sanang sasakyan nila .
"Bumitaw ka na Nolem! Mas maganda 'yong jeep dito may sounds!" Giit ni Frutzy.
"Ikaw ang bumitaw Frutzy! Mas maganda 'yong jeep dito may disco!" Hindi papatalong giit ni Nolem.
"Mas maganda dito, mas fresh ang air." Si Frutzy.
"Mas maganda dito, may air-con!" Si Nolem.
"Dito na kase, may libreng fowdss!" Si Frutzy.
"Dito nalang kase may libreng massage!" Si Nolem.
"Sa jeep ko, whole body massage!" Si Frutzy.
"Sa jeep ko, may buong restaurant!!" Si Nolem.
"Paalis na ang jeep mga langhiyaaaa!" Putok litid kong sigaw at sabay nilang binitawan ang lasog-lasog ko ng braso.
"Diyan na kayo! Mga baliw!" Sigaw ng tatlong konduktor ng jeep.
Hala.
Noooooooo.
Wala kaming masasakyan..
"Sandaliiiiiii...." sabay-sabay naming sigaw pero hindi na kami pinansin nung mga driver ng jeep.
Nilingon ko ang dalawang bobita at pinagsasabunot!
Kaya ayun umuwi kaming masasakit ang katawan at mukhang mga sabog habang naglalakad.
To be continued ---