Chereads / MATCHA, MATCH / Chapter 5 - CHAPTER FOUR

Chapter 5 - CHAPTER FOUR

"Kayo?!" Sabay-sabay na sigaw naming tatlo.

"Yup! Mukhang sa amin lang sila makikinig e," mayabang ang dating na sabi ng masayahing feeling korean-oppa.

"Bilib na bilib e, noh? Psh!" Sarkastikong bulong ni Nolem sa tabi ko.

"Lumabas nga muna kayo diyan, bilis." Utos ni Ate Jazzy kaya agad kaming lumabas ng counter area.

"Mabuti nalang at nandito ang tatlong 'to muntik ng mabasag ang glass door ng shop ko dahil sa mga babaeng higad na 'yon? Bakit nga ba kayo hinahabol ng mga 'yon?" Takang tanong ni Ate Jazzy.

Agad kaming napairap dahil do'n.

"Hindi na kataka-takang napigilan nila ang mga desperadang 'yon, dahil silang tatlo mismo ang dahilan kung bakit kami hinahabol." Tunog sarkastikong sabi ni Frutzy.

"Huh? Kami? Bakit kami?" Tanong ng isa pang feeling korean-oppa.

"Nagtanong pa? Hanep din." Bulong na naman ni Nolem.

"Basta mahabang istorya at wala na kayong pakialam do'n, basta kayo ang dahilan! Kaya 'wag feeling hero!" Malditang sagot ni Frutzy.

Patago naman s'yang kinurot ni Ate Jazzy dahil sa inaasta niya.

"Pag pasensyahan n'yo ang matabil na dila ng kapatid ko, nga pala siya si Futzy at 'tong dalawa ay mga kaibigan niya sina Nolem at Match." Tamad namin silang tinapunan ng tingin dahil wala kaming balak pakitaan sila ni konting interes.

Hinarap kami ni Ate Jazzy at pinanlakihan ng mata. "Ngumiti naman kayo, hindi na nga kayo nag pasalamat." May diin talaga ang bawat salita niya.

Kaya ayun pilit na ngiti ang binigay namin mukhang naglabas nga lang kami ng ngipin.

"Girls, 'to si Yuri, Crester at Calyx." Tinuro niya isa-isa ang mga feeling korean-oppa.

"Kilala na namin sila." Matabang na sabi ko.

"Talaga?" Manghang tanong ni Ate Jazzy.

Tumango ako."Bukod sa sila ang bagong transferees na dahilan kung bakit kami muntik ng magkapira-piraso, sila din 'yong mga feeling korean-oppa. Kaya oo, kilala na namin sila." Walang kabuhay-buhay na paliwanag ko.

"Feeling Korean-oppa?" Sabay na tanong nung dalawa maliban sa hari nilang si feeling Go Jun Pyo.

Nanlaki na naman ang mga ni Ate Jazzy at agad hinarap ang tatlo.

"A-ahh.. he..he.. nagbibiro lang sila. Di ba nagbibiro lang kayo?" Nagliliyab na ang mga mata ni Ate Jazzy paniguradong nasabunutan na kami kung wala lang ang tatlong 'to sa harapan namin.

Pero imbis na sumagot naka poker face lang kaming tatlo.

*tumunog ang wind chimes*

"Hi, o? Ba't nandito ang tatlong 'to?" Si Engineer pala ni Ate Jazzy ang pumasok.

Wait. Teka.

Napaisip ako bigla.

Panong nakilala ni Ate Jazzy ang tatlong 'to?

"Hello kuya, dadalawin lang sana namin si Ate Jazz wala kasi ang teacher sa subject namin ngayon, kaya walang klase." 'Yong crester ang sumagot.

"Ah ganoon ba? Hi, Kiara." Binalingan agad nito si Ate Jazzy na kahit hindi paman siya ang kausap ay namumula na. Hala siya!

"H-hello Caster, hihi." Nandidiring bumubulong naman si Frutzy sa tabi ko.

"By the way, si Caster pala kapatid niya si Crester."Malamang ito ang dahilan kung bakit kilala sila ni Ate Jazzy.

Kaya naman pala hindi nalalayo ang itsura nung dalawa. Kaso 'yun nga lang magkaiba sila sa awrahan.

Si kuya Engineer kasi mukhang napaka professional talaga at pormal kung manamit.

Si feeling korean-oppa naman, mukhang k-pop na kulang sa purga.

"Caster ito pala ang kapatid ko si Frutzy at ang dalawa n'yang kaibigan si Nolem at Match." Pagpapakilala samin ni Ate Jazzy.

Ngumiti kami kay kuyang Engineer at ngumiti din siya pabalik.

"Ang unfair naman nila, ngumiti sila kay kuya tapos sa'tin ngumiti nga, pilit naman." Bumubulong na sabi ni Yuri kay Crester pero dinig din naman namin.

"May binubulong ka?" Malditang tanong ni Nolem kay Yuri sabay taas ng kilay.

Napalunok muna 'to bago sumagot."Ha? W-wala ah.. guni-guni mo lang 'yon."

"Idiot!" Asik ni Nolem sabay nag cross-arms.

"Psh! Tara na, mukhang hindi na naman tayo guguluhin ng mga bobitang 'yon. May quiz pa tayo sa next subject." Mahinang sabi ni Frutzy samin.

"Shocks! Oo, nga pala. Tara na! Tara na! Nakalimutan ko." Nagpa-panick na sabi ni Nolem.

"Ghorl, 'wag ka ng magulat makakalimutin ka talaga." Pangbabara ko sa kanya kaya ayun nakatanggap pa ako ng isang malutong na batok.

"Ate! Mauna na kami." Hindi na kami nilingon ni Ate Jazzy dahil busy na s'yang magpabebe kay kuyang Engineer.

Dali-dali na kaming naglakad upang lumabas at nilampasan lang ang tatlong koreanong hindi naman singkit.

Parang hangin lang kaming dumaan sa library bago pumasok sa subject namin kaya puro hangin lang din ang laman ng mga utak namin nung nag exam na. Mabuti nalang at hindi namin kaklase ang tatlong itlog na 'yon dahil ayon sa nakalap kong tsismis irregular ang schedule nila.

"Lintek! Bokya na naman." Inis na nilakumos ni Nolem ang papel bago binato kung saan.

"Sus! Buti pa ako naka score kahit one." Pagyayabang ni Frutzy.

Porket naka one? Magyayabang agad? Kurutin ko sa nipples ang babaeng 'to e,

"O? Ikaw? The Famous matchmaker?" Sabay na tanong nilang dalawa.

"Ako pa ba? Syempre, perfect." Confident na sagot ko at kitang-kitang ko ang paglaglag ng mga panga nila.

Napangisi pa ako.

"Wehhhhhhhhhhh? Patingin!" At nag umpisa na silang mag-agawan sa papel ko.

"Arayy!" Reklamo ko ng bigla nalang nila akong sinabunutan.

"Boba ka talaga! Asan ang perfect dito?!" Nagngingitngit na sabi ni Frutzy.

"Boba kayo ghorl? Boba? Ayan o, ayan!" Sabay nginudngud ko sila sa perpektong pagkakabilog ng zero sa papel ko.

"Ang GG mo talaga! Akala namin naperfect mo talaga, 'yon pala ang pagkaperfect ng zero!" Kawawa na naman ang buhok ko sa walang katapusan nilang pagsabunot.

"Sino si Nolemerraine Arzaga?" Namayani ang tanong na 'yon sa buong room kaya naramdaman ko agad ang pagluwang ng pagsabunot nila.

"Bakit?" Nakataas ang kilay na tanong ni Nolem sa taong nasa pinto.

"Nothing. Nakita ko lang 'tong papel mo sa labas kaya pinulot ko." Sumakit agad ang tenga ko sa nakakabinging tili sa paligid.

Kung dala ba naman talaga nila ang malas, isa sa feeling korean-oppa pala ang lalaking nasa pinto. Si Yuri.

Ngumisi pa 'to bago tinapunan ng tingin si Nolem.

"So what?" Supladang sagot naman ni Nolem.

"Wala naman ulit, Ang cute lang nung zero. Hahaha. Sige, bye." Dinig na dinig pa sa loob ng room namin ang papalayo nitong halakhak kaya napatawa din ang buong klase.

Nakakuyom ang mga palad at pulang-pula naman ang mukha ni Nolem nung malingunan ko.

"Babangasan ko talaga 'yon mamaya pag nakita ko!" Inis na inis na sabi ni Nolem habang papunta kaming cafeteria para mag lunch.

"Mamaya pa naman pala 'yon, kumain muna tayo." Asik ni Fruzty sabay naunang pumila ng tuluyan na kaming makapasok kaya naman sumunod agad kami.

"Wala na bang may mas ihahaba 'to?" Reklamo ko ng makita ang haba ng pila.

"'Wag mo ng pangarapin ghorl, baka may ulcer na tayo bago pa tayo makarating sa unahan." Sabi ni Nolem habang pinapaypayan ang sarili.

Tagatak na ang mga pawis namin dahil sa sobrang init idagdag pa na puno ang cafeteria.

"Punyeta talaga! Nagrarambol na ang mga bituka ko sa loob isama pa ang mga peste kong bulate." Halos sumigaw na si Frutzy.

"Awatin mo nalang muna sila ghorl gamit ang laway mo." Sabat ni Nolem.

"Ano ako, ikaw? Pag walang tubig iniipon mo ang laway mo tsaka lulunukin. Kaderder ka talaga!"

"Magtigil nga kayong dalawa, ang ingay na nga dumadagdag pa kayo!" Singhal ko sa kanilang dalawa.

Kaya agad naman silang tumahimik pero hindi pa man tumatagal iyon ng ang paligid naman ang mas lalong nag-ingay.

"My ghad! Crester San Diego please, marry me!"

"Yuri my loves pa notice pleaseeee!!!

"Calyxxxxx!! Ang gwapo mo talaga!!

"Wahhhh! Ang DB! I'm gonna die, I'm gonna die!" Tsk! GG! O, e' di mamatay ka! Buang!

"DB! DB! DB!" DB? Ano naman 'yon?

"The jerks are now approaching, bwiset!" Si Nolem.

"Kanina kinikilig ako sa kanila, ngayon nanggigigil na ako sa inis!" Bakas ang labis na inis sa mukha ni Frutzy.

"Ano naman kayang DB ang sinasabi nila?" Tanong ko.

"Aba malay ko! Pag BP siguro alam ko pa. Dahil makita palang sila tumataas na ang BP ko." Si Nolem.

"Sus! Ang mga desperada nga naman wala talagang pinipili." Napairap ako sa mga higad na pinalibutan agad ang mga bagong pasok na k-pop-angit!

Nagulat nalang kami ng biglang nawala ang mga nasa pila. Nagkatinginan kaming tatlo at napangisi. Hindi na kami nagpatumpik-tumpik pa at agad bumili ng makakain.

"Sige mga higad! Magpakamatay kayo sa gutom para sa kalandian niyo. Tignan natin kung may mapapala kayo diyan." At humalakhak pa ako na parang kontrabida habang pinapanuod ang mga babaeng desperada.

"Akalain mo 'yon, may magandang dulot rin pala ang tatlong 'yon. Kung ganyan ba naman sana palagi e, 'di pabor sa'tin hahaha." At humalakhak kaming tatlo.

Bitbit ang mga tray naghanap kami ng bakanteng upuan. Nang may makita agad kaming naupo at nag-umpisang kumain.

Pinapanuod lang namin ang tatlong k-pop na halos hindi na makita dahil sa kumpulan ng mga babae. Walang sinabi ang mga height nila sa dagsang mga higad.

"Pero paano pag bumalik na si Marty?" Tanong ni Nolem.

"E, di bumalik siya. Makapagtanong naman 'to akala mo jowa niya 'tong feelingera nating kaibigan." Sinamaan ko naman ng tingin si Frutzy.

"For sure, walang matitira sa fans club ng tatlong 'yan." Saad ko.

"Ghorl! 'Wag tanga okay? Mas mabuti ngang wala ng fans club si Marty at least wala ng epal sa panlalandi mo sa kanya. In short, wala ka ng kaagaw kaya malaki ang chance na mapansin ka na niya."

Akalain mong may utak rin pala 'tong si Nolem? Hmm.

Dahan-dahang sumilay ang ngisi sa labi ko.

"Ako lang 'to, Match, 'wag kang ano okay?" May bahid yabang na sabi ni Nolem dahil sa kanyang bright idea.

Nagkatinginan kaming tatlo at mukhang iisa ang mga nasa isip namin. Sabay naming dinampot ang kanya-kanyang MilkTea.

"Cheers!" Saka kami humalakhak na parang mga baliw. Binalewala ang nangyayare sa paligid.

Humanda ka Marty dahil mapapasakamay na kita! Ha.Ha.Ha

To be continued---