Kimi no toriko ni natte shimaeba kitto
Kono natsu wa jūjitsu suru no motto
Motto mō modorenakutatte wasurenaide
Nan-nen tatte mo ienai kōkaishita tte kamawanai
Demo kotoba wa koko made de teru no nē summertime (summertime)
Kaigantōri o arukitai doraibu datte shite mitai
Tada shisen o awasete hoshī no nē summertime (summertime
Good morning Matcheska Villaluz the prettiest girl alive...
Napangiti ako sa huling narinig sa aking alarm clock at sabay humikab.
Tumayo na ako at agad humarap sa aking magic mirror.
"Good morning, prettiest girl alive." Bati ko sa sarili sa salamin at ngumiti ng pagkalawak-lawak ng biglang..
C R A C K K K K ---
Aba't! Bastos 'tong salamin na 'to ah?
"Okayy, one mirror down again." Sabat ng nagmamagandang kapatid ko sa likuran habang nag-uunat. "Pang ilang salamin mo na 'yan sa buong buwan te?" Pang-aasar niya.
"Tse! Bakit ba ang bubulok ng mga salamin na nabibili ko?!" Agad kong dinampot ang tuwalya at isinabit sa balikat ko.
"Hindi 'yan dahil sa bulok sila te, dahil 'yan sa bulok mong ngipin at hindi ma take ng salamin ang amoy ng bunganga mo kapag nag go-good morning, isama mo pa ang kasinungalingan mo sa harap nila." Umusok naman bigla ang lahat ng butas meron ako sa katawan.
At ayun umagang-umaga ay nahabol siya ng samurai kong nakatago sa ilalim ng kama.
Ang bwiset sinira ang umaga ko.
Nasaan na kayo?!
Halos masira na ang cellphone ko dahil sa pagkakadiin ng pindot ko ng text sa dalawang bobita.
From: Frutzy the Flirt
On the way!
Halata talagang sinungaling 'tong babaeng 'to.
To: Frutzy the Flirt
GG! On the way mo boobs mo! Bumangon ka na! Kahit weekend gamit mo pa rin talaga 'yang gasgas mong palusot!!
Ang bobita feeling may class, dialogue niya talaga 'yan kaya palaging late.
Sumilip ako sa bintanang katapat ng bintana ng kwarto ng bruha.
At ayun nag-uunat palang ang GG! Sarap n'yang e, nipper!
Wala naman akong natanggap na reply mula sa isa pang bobita.
1
2
3
Hours. Putek! Tatlong oras na akong mukhang bangag kakatitig sa kisame ng bahay halos masaulo ko na ang lahat ng parte na may butas at kung saan tumutulo.
"Matchhhhhhh!! Yowohhh.."
Mabibigat ang yabag kong tumungo sa pinto at binuksan ang malanding bobita.
"Nahiya naman ang daan sa pagiging On the way mo ghorl!" Asik ko at inirapan siya.
"Traffic kaya dyan sa eskinita n'yo."
"Traffic? O baka ikaw ang dahilan ng traffic! Pustahan, tumambay ka pa kasama ang mga dugyot na feeling F4 na hindi marunong mangulangot! Kaderder ka, Frutzy!"
Sinirado ko na ang pinto.
"Kalma ghorl! Ano 'yan lupa?" Napatingin naman ako sa itinuro niya.
"Ghorl, pwedeng ng tayuan ng construction site 'yang pusod mo! Kaderder ka!" Maarteng sabi niya.
Nakacrop-top kasi ako kaya kitang-kita ang pusod ko.
"GG! 'Wag mong pakialaman ang pusod ko, 'yang kili-kili mo'ng pansinin mo, may lakas ka pa ng loob mag sleeveless e, isang hibla nalang ng buhok pwede ng matirhan ng mga mababangis na hayop ghorl! Ang gubat ng kili-kili mo!"
B L A G G --
Marahas na bumukas ang pintuan namin.
"Punyeta!!! Ang ingay-ingay n'yo! Dinig ng buong baranggay! Magsilayas kayo!!" At hinabol kami ng samurai ng kapatid ko.
Hingal na hingal kami ng marating ang bahay ni Nolem.
"Ikaw na kumatok!" Utos ko kay Frutzy.
"Anong ako? Ikaw na, tutal ikaw war freak sa'tin 'di ba?" Pinandilatan niya ako.
"Kakatok ka? O ikaw ang kakaltukan ko? Mamili ka!" Sigaw ko sa kanya.
"Ikaw na! Close naman kayo ng yaya ni Nolem 'di ba?" Ganti niya.
"Ikaw na nga sabi! Close naman kayo ng aso niya 'di ba?!"
Ang ending imbis na kumatok ay nagrambulan kaming dalawa sa labas ng bahay nila Nolem.
E N G K K K K..
"Ano'ng ginagawa n'yo dito?" Sabay kaming napatigil sa pagsasabunutan ng iniluwa ng pinto si Nolem na humihikab pa at halatang kakagising lang.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Frutzy at nagpalitan ng makahulugang tingin at walang ano-ano'y...
"Araaayyyy... bakittt??" Tili niya ng siya naman ang sinabunutan namin.
"Pinaghintay n'yo na ako ng tatlong oras! Maghihintay ulit ako?!"
"May imi-meet nga ako ngayon 'di ba?!
"Mer..on ba? Arayy!!"
"Makakalimutin ka talagang bobita ka! Nanggigigil ako sa'yo!"
"Sayang ang outfit ko kung hindi makikita ng imi-meet ko dahil sa'yo!!"
Kaya ayun..
1
2
3
Tatlong oras ulit akong naghintay !! Puteks talaga! Sana hindi nalang ako maaga gumising.
"May libing ghorl?" React kaagad ni Frutzy ng makita si Nolem.
"Advance outfit lang sa magiging patay na patay mong imi-meet-up." Sagot ni Nolem.
"I know right! Ang ganda ko talaga!" Sabay nag flip pa siya ng buhok.
"Patay na patay, double dead! Dahil sa buga ng mala-pesticide mong bunganga ghorl!" Paismid na sabi ni Nolem.
Umalingawngaw ang halakhak ko sa buong bahay nila Nolem.
Mukha namang nalugi si Frutzy at hindi nalang sumabat.
MilkTea shop.
"Saan daw kayo magmi-meet n'yang pinagmamalaki mong electrical engineer?" Tanong ko sa busy-busyhang si Frutzy.
"Dito ko nalang siya imi-meet para hindi na hassle, mala-late lang daw siya ng konti dahil dumaan pa siya sa isang site nila. Yayyy! Feeling ko siya na talaga." Halos magkandirit si Frutzy sa inuupan niya, our usual spot. Malapit sa counter area kung nasaan si ate Jazzy na kulang nalang tusukin si Frutzy ng hawak n'yang chop sticks.
"Ilang milyong beses ko ng narinig sa'yo 'yan ghorl." Sarkastikong usal ni Nolem sabay sipsip sa kanyang lemon milk tea.
"Sige, pupusta ako" sabay labas ko ng isangdaan at pinatong sa table. "Kung hindi 'yon mago-ghost paniguradong hindi niya type."
"Kol! Isangdaan din sa'kin." Sabay patong ni Nolem ng isangdaan sa table.
"Ganito, kapag tama kami ikaw ang magbibigay ng tig-iisang daan sa amin ni Nolem pero pag mali kami e, di iyo ang pera namin." At ngumisi ako.
"Hindi ba ako lugi do'n? Sa akin dalawang daan ang mawawala pero sa inyo tig-iisang daan lang." Sabay binelatan niya kami.
"Boba! Natural lang 'yon dahil ikaw nga ang pinagpupustahan pabor nga sa'yo 'yon dahil pwede mong mapeke ang sitwasyon pwede mong palabasin na gusto mo 'yon kahit hindi para makuha mo ang pusta namin." Pang-eengganyo ko.
Napaisip naman siya at ngumiti.
Yes.
Mabitag ka. Hahahaha
"Oo nga noh? Sige-sige."
Tinignan naman ako ni Nolem at napangisi nalang.
"Nga pala, bakit ka may sungglass tsaka may pa scarf ka pang nalalaman?" Takang tanong ni Nolem kay Frutzy.
"Ito 'yong palatandaan ko na ako ang imi-meet niya." Nagkibit-balikat lang kami ni Nolem sa sagot niya. Kung sa bagay nakaitim pala kaming tatlo.
Maya-maya pa tumunog ang wind chimes at halos mabali ang leeg naming tatlo ng sabay-sabay kaming lumingon sa pinto.
"OMG! Naka-white polo? Check, naka-converse shoes? Check, naka brushed-up ang buhok? Check, may hikaw sa tenga? Check. Don't tell me siya na 'yan?!" Hindi makapaniwala at nandidiring sabi ni Frutzy habang naghehestirikal.
"Siya na ba 'yon, ghorl? Pffftt---"
"I guess we won? Whahaha." At humagalpak na kami ng tawa ni Nolem.
Ang taong pumasok kasi ay tugma sa lahat ng kanyang inaasahan pero ang tumambad sa amin ay mukhang engineer na nakuryente at nakulang sa bakuna at bitamina.
Luminga-linga sa paligid ang lalaki na animo'y may hinahanap.
Hindi naman mapakali si Frutzy at pinagpapawisan.
"Uyy, tulungan n'yo naman ako. Itago n'yo ako please..." pagmamakaawa ni Frutzy.
At dahil sa mabuti kaming kaibigan ayun..
Tinawanan namin siya buong oras..
"Anyayare?" Tanong ni ate Jazzy ng lapitan kami. "Ba't mukhang constipated 'yang kasama n'yong higad? T-teka a-ano 'to?" Pati kami nagulat ng biglang isinabit ni Frutzy ang scarf niya sa leeg ni Ate Jazzy pati ang sungglass.
"Excuse me!" Nagulat kami sa boses na nanggaling sa likuran.
Natuod naman si Frutzy sa harapan namin. Si ate Jazzy naguguluhan sa mga nangyayari.
"Yes?" Ako na ang sumagot sa engineer ni Frutzy.
"Magtatanong sana ako kung sino--"
"H-hindi ako he-he.. siya." Kinaway-kaway pa niya ang kamay at tumawa ng sobrang awkward sabay itinuro si Ate Jazzy.
Naguguluhan namang inilipat ng lalaki ang paningin kay Ate Jazzy.
"Siya 'yong naka sungglass at naka scarf hindi ako he-he." Sobrang defensive na sabi ni Frutzy.
"A-ano na naman 'to Frutzy?!" Halos bulyawan na niya si Frutzy kung hindi lang iniisip ang ibang customer sa loob.
"Ahh.. ikaw po pala ang manager dito maam? Magpapasa po sana ako ng application form ma'am." Malawak na ngiti ng lalaki sabay abot ng isang folder kay ate Jazzy.
Wait.
What?
Literal na napanga-nga kaming tatlo.
Ilang minuto din kaming hindi nakagalaw.
Awkward silence.
Kruu.kruu.kruu
"Uhm.." cleared throat.
"Hi, excuse me?" Sabay-sabay naman kaming nabalik sa ulirat at nilingon ang bagong boses na nagsalita.
Jaw dropped + wide eyes + gulping
Blink.blink.blink
Struggle to breath.
Cause of Death: too much intake of saliva + hotness overdose
"You're Kiara right? Scarf and Sunglass, I knew it. I'm Engineer San Diego. Nice to finally meet you Miss. Kiara Dela Reva." Mas lalo kaming nagulat ng kuhanin niya ang kamay ni ate Jazzy at halikan.
"Y-yeah, y-yes.. o-ohh? Ha-ha-ha." Super awkward na sabi ni ate Jazzy habang nauutal pa but her excessive admiration for this guy is really visible in her burning red face.
Nang mahismasan nagkatinginan kami ni Nolem at sabay nakagat ang straw ng aming milk tea. Stoping ourselves from screaming.
This guy is so freaking gorgeous.
Masculine body.
Superr neat and clean.
Superrr mabangooo.
Looks really intelligent and family oriented. Gracious! Mahabag ang panginoon sa amin. Isang Malaking SHANA OWLLL!
"A-ahh, I think nagkakamali ka--" bago pa matuloy ni Frutzy ang sasabihin tinapalan na siya ni ate Jazzy ng mismo n'yang sandwich sa bibig saka bumelat at hinarap muli si Mr. Engineer.
"Don't mind her, let's go there pere mekepeg-eshep teye ng mashenshenan. Ahihihi." Kinuha niya lang ang folder sa kamay ng applicant na gulong-gulo sa pangyayari at umangkla sa braso ng Engineer.
"Enggg.. tegesh nemen ng bresho mow. Hihihi." Dinig pa naming sabi ni Ate Jazzy bago sila tuluyang nagtungo sa kabilang table.
"Wahhhh! She's really a bitch! Ako sana 'yon ehhhhh. Huhuhu." Pagngawa naman ni Frutzy.
"Too bad for you Frutzy. Karma is a damn bitch right?" Humalakhak pa kami ni Nolem na parang mga kontrabida sa t.v.
"Iyan ang napapala ng mga ghoster at superrr judgemental." Pang-aasar pa ni Nolem.
"Amina ang dalawang daan." Inilahad ko ang palad ko sa harap niya.
"Lah? Ba't ako magbabayad e, kay ate naman napunta 'yong Engineer... huhuhu."
"Sabi ko talaga may patay e, Hayaan nalang natin Match, Abuloy nalang natin sa double dead n'yang expectation."
And there we laughed hard again hanggang sa pag-uwi.
To be continued ---