"I'm now regretting that I did used Kiara as my name instead of Frutzy. Dumb bitch! Bakit 'yon pa?"
Hindi pa rin nakakamove-on na talak ni Frutzy habang naglalakad papalapit sa mga bahay namin.
"GG! Nagtanong ka pa? Natural, because you've been playing safe. Alam naman natin na pareho kayo ng second name ni Ate Jazzy. You're using Kiara para pag-nagkabukingan ay may lusot ka." Asik ni Nolem sa kagagahan ni Frutzy.
"Kaya ayan ang napala mo, nakalusot ka nga sa una pero namalas ka naman sa talagang Engineer. Ugh! I envy ate Jazz." Pang-iinis ko pa kay Frutzy.
"O? Pano ba 'yan nandito na bahay ko, kitakits nalang." Paalam ni Nolem.
Tumango lang kami sa isa't-isa at dumiretso na din sa mga bahay namin.
"Hayyy.. salamat naman at dumating ka na te," nilapag ko muna ang bag ko tsaka ko iniksamin ang kapatid ko from head to ingrown.
"Saan naman ang flores de mayo neng?" Nakataas pa ang kilay ko.
"Aba,Aba.. 'wag na 'wag mong e-echosin 'tong outfit ko, hindi mo ba alam na 'to ang trend ngayon?" Trend?
Napatawa naman ako.
"Trend? E, parang a-attend ka ng sagala diyan sa damit mo e, napaaga na ba ang selebrasyon n'yon ngayon?" Napangiwi pa ako ng sabihin 'yon.
"Dress 'to te, Dress. Hay, naku! Ba't ba ako nage-explain sa'yo? Panigurado namang hindi mo alam 'yon. Palibhasa kase hindi ka stylish. Makaalis na nga, ikaw ulit magbantay dito at ako naman ay sasagala--- este gagala. Babusshhh!"
Tinalikuran niya ako with matching pa flip pa ng dress niya sa ere.
Dress pa ba 'yon? E, sumasayad na nga sa sahig ang damit niya.
Gown 'yon. Gown. Bobita rin talaga ang isang 'yon. Bahala s'yang pagtawanan.
Pabagsak akong naupo sa sofa at aabalahin ko nalang ang sarili sa panunuod ng T.V.
Pero ilang channel na din ang inilipat-lipat ko pero wala talaga akong makitang magandang palabas.
Itinapon ko ang remote at pinatay nalang ang T.V. Tumayo ako at nagtungo sa kwarto.
"Matutulog nalang ako." Sambit ko sa sarili at nahiga sa kama.
Gabi na ng magising ako nakauwi na sina mama at papa pati ang chaka kong kapatid.
"Maghahapunan na po, mahal na reyna ng mga chararat!" Sabi ng kapatid kong kinulang naman ngayon sa tela.
"Nahiya naman ako sa ganda mo, gandang hindi inakala ahh."
"Naman! Mabuti naman at alam mo ang pinagkaiba natin te,"
"Oo naman syempre, ang ganda ko kasi pang exotic, 'yung sayo gandang hindi inakalang nage-exist. Tabi nga diyan! Akala mo mas gaganda kapa sa'kin!" Tinarayan ko siya at bago tuluyang makalabas ng kwarto ay nginud-ngud ko muna siya sa pinto.
"Napakaharsh mo talaga!" Reklamo niya habang iniiksamin ang mukha.
"Ano na naman ngayon 'yang style mo? Trend din ba 'yan ngayon? Kanina halos lumutang ka dahil sa kahabaan ng damit mo, tas ngayon kinulang ka naman."
"Anne Curtis kaya 'tong awrahan ko!" Pagmamalaki pa niya.
"Ang lakas din ng loob mong gayahin ang pormahan ni Anne Curtis, masyadong makinis 'yon at maputi e, ikaw tignan mo nga hindi ka na nahiya sa mga limang piso mo sa legs ang itim pa ng kuyukot mo! Kaderder ka te!"
"Ma and Pa, MaPa! Si ate oh! Binabash ang damit ko." Ang GG! Nagsumbong pa. Napairap nalang ako at dumiretso sa kusina.
"Pa'nong hindi ka ibabash, masyadong revealing 'yang damit mo." Si mama habang nag-aayos ng kubyertos.
"Ma! I can wear whatever I want, hindi naman po ako mababastos." Sabat ng magaling kong kapatid.
"Tama ka pwede mo ngang suotin ang lahat ng gusto mo dahil panigurado namang walang mambabastos sa'yo dahil feeling mo lang 'yon, ang sinasabi ko 'wag kang magsusuot ng revealing kung hindi ka marunong magkuskos ng libag mo ayan o, kulay lupa na pwede ng pagtaniman ng mga gulay ni Aleng pasencia."
Halakhak ko ang pumuno sa hapagkainan. Busangot naman ang mukhang libag kong kapatid.
Hanggang sa patulog na kami inasar ko siya ng inasar kaya ayun nauwi kami sa rambulan mukha tuloy akong bruha dahil sinabunutan niya ako.
-----
"Mukhang nasaniban ka ng masayahing espirito ngayon ghorl, ha?" Puna ni Frutzy sa kanina pang nakangiting si Nolem.
"Yes naman, dahil sa hindi ako gumala kahapon, salamat sa katamaran n'yong dalawa nadagdagan tuloy ang allowance ko ngayon." Humalakhak pa siya na parang baliw.
"So dapat mo kaming ilibre ng milk tea mamaya dahil kung hindi sa'min wala kang dagdag na allowance." Pag-uutos ni Frutzy.
"Wow! Makapag-utos ka ghorl, laki ng naiambag mo noh!" Sarkastikong sabi ni Nolem sa kanya.
Teka.
Ano 'yon?
Ano'ng nangyayare?
May rally ba?
Malayo palang kami sa classroom pero kitang-kita ko na ang kumpulan ng mga babaeng estudyante sa harap ng room namin. May mga nagsisigawan pa.
"Wahhhhh! Ang ga-gwapo!"
"Grabe! Mga artista ba sila?"
"Gosh! Hihimatayin ata ako."
"Iyong panty ko nahulog pakipulot please."
"Anyayare sa mga higad na 'to?" Pabulong na sabi ni Frutzy.
"Tara! Tignan natin baka 'yong teacher nating kalbo ang pinagkakaguluhan nila. Himala 'yon!" Si Nolem.
Kaya ayun tinakbo namin ang room at wala pang isang minuto narating namin ang nagkakagulong mga higad samahan pa ng mga linta mukha na silang mga binudburan ng asin.
"Padaan! Padaan! Padaan!" Sigaw ko at pinagbubundol sila.
"Excuse mee... mga higad kayo ang kakati!" Sigaw naman ni Frutzy.
"Aray! Punyeta! Ang buhok ko bagong plantsa ko 'yan! Padaanin niyo ako!" Sigaw naman ni Nolem.
Pero walang epek sa mga babaeng hitad na 'to ang mala-trumpeta naming sigaw. Hanggang sa...
"MAYYYYYYY BOMBAAAAAAA!!!!!"
Isang iglap lang nagkagulo ang mga hitad at nagtatakbo kung saan. Ang iba nagkatulakan pa at napasubsob.
Wala pang isang minuto bumalik sa matiwasay at tahimik ang harapan ng room namin.
"O 'di ba? Bomba lang pala katapat ng mga lintek na lintang 'yon," nakangising turan ni Nolem habang nakacross-arms pa.
Napahalakhak kami bago pumasok sa loob.
Pero ganoon nalang ang gulat namin sa nakita.
"The Heck?! Akala ko sa labas lang ang mga higad may mga nakapasok pala." Mariing bulong ni Frutzy.
"Hindi lang basta higad, mga naglalakihang higad." Bulong ni Nolem sabay iling.
"Pisti! Sino ba kasi 'yang pinagkakaguluhan nila?" Tanong ko.
"Boba! Kami talaga tinatanong mo? Sabay tayong pumasok gaga!" Si Nolem.
"Good mornin---" sabay-sabay kaming tatlo na lumingon sa nagsalita pero hindi naman tinapos.
Nanlalaking mga mata ni kalbong Gomez ang nakita namin.
"Por Dios! Ano'ng nangyayare?!" Sigaw niya ang pumuno sa buong classroom. Nagsipagbalikan naman ang mga higad sa kani-kanilang upuan.
"Ano 'to? Bakit ganyan ang mga istura n'yo? Kababae n'yong tao pero halos maghubad kayo sa harapan ng mga lalaking 'to?!" At naglakad siya patungong teachers table.
Kaming tatlo naman ay dahan-dahang naupo sa magkakatabing upuan namin sa likuran.
"Sila 'yong pinagkakaguluhan?!" Bulong ko habang iniiksamin ang tatlong lalaking nakaupo malapit sa bintana ng room.
"Boba! Malamang!" Pangbabara ni Nolem.
"Hindi na ako magtataka! Look at them naman kasi, they're so freaking gorgeous! Ughhhh!" Sabay kaming napalingon kay Frutzy at binigyan siya ng isang nakakamatay na tingin.
"Ang landi talaga! Wala na, finished na! Ang reyna ng mga higad is on the way now." Pagpaparinig ni Nolem.
"Kayo ang mga transferees tama ba?" Istriktong tanong ni Kalbong Gomez sa tatlong feeling korean oppa, dahil sa kanilang mga awrahan at buhok.
"Yes sir," sabay-sabay na sagot nila.
"Tayo!" Sigaw niya sa tatlo at agad namang tumalima ang mga 'to.
"Pumunta kayo dito sa gitna at magpakilala!" Nagsisikuhan pa ang tatlo kung sinong mauuna.
"Walang pupunta?!" Sigaw na naman ni Kalbong Gomez.
Naghilahan muna sila bago nakarating sa gitna.
"G-good morning everyone, I'm Yurikhairro Laurel. Yuri nalang for short." Masayahin ang isang 'to, makangiti kase akala mo nage-endorse ng toothpaste.
"Ang gwapo niya talaga!"
"Yayayain ko 'yan ng date."
Napairap nalang ako sa mga higad comments sa paligid.
"Good morning to all, I'm Crester San Diego you can call me whatever you want but I preferred to be called--- your baby." Then He winked. Kaya biglang nagrambulan ang mga higad sa sobrang kilig.
Nandiri naman ako bigla at napairap sa tatlong feeling F4.
"Good morning, I'm Calyxander Agustin and just call me Calyx, never mentioned other name unless, you want be dead." Seryoso naman ang mukha ng isang 'to nakuha pang magbanta.
Napaismid ako, feeling Jun Pyo?
Dito niya pa talaga piniling hanapin ang Jan Di niya ha?
Pinaupo na silang tatlo ni Kalbong Gomez.
"Match!" Nilingon ko naman si Frutzy na mukhang hindi na mapakali ngiting aso pa ang lola niyo.
"Ano?!" Mahinang singhal ko.
"Ngayon ko talaga ipinagpapasalamat na naging kaibigan kita, the Famous MatchMaker. E' match mo ako kahit isa lang sa kanila hihi." Ang landi niya talaga. Sarap n'yang e, nail- cutter.
Hinila ko ang buhok niya. "Arayy!"
"Boba ka talaga! Hindi ko nga kilala 'yang mga 'yan, tapos e-mamatch kita? Hoy! Mga kakilala ko lang lalaki ang minamatch ko, tsaka malay ko ba kung saang lupalop nanggaling 'yang mga 'yan."
"Ano'ng ingay na naman 'yan diyan?!" Sigaw ni Kalbong Gomez.
Siniko ko si Frutzy para 'wag na akong kausapin, mamaya ako pang makita ng Kalbong 'to. Madedo na naman ako at ipatapon ulit sa detention room.
R I N G G - R I N G G...
Agad kaming tinalikuran ni Kalbong Gomez ng tumunog ang bell kaya tumayo na rin kami upang lumipat sa ibang classroom for next subject.
Nauna kaming lumabas dahil ang mga kaklase naming higad ay mukhang walang balak lumabas. Pinalibutan na naman ulit nila ang mga feeling korean-oppa.
"Feeling F4, ni hindi nga man lang napantayan ang styles and looks ng F4," sabi ko.
"Ghorl! Anong F4? F3 kamo dahil tatlo lang sila. Nabobo na talaga? Hindi na marunong magbilang?" Inirapan pa ako ni Nolem kaya inirapan ko din siya.
"Matchhhhhhhhh!!!" Literal na nanlaki ang mga mata ko ng makita ang papasugod na mga higad.
"Match! E' match mo ko kay Yuri please!"
"Friend, pa-match ky Crester pleaseeeeeeee.....
"Magbabayad na ako this time Match, basta e' match mo lang ako kahit kanino sa kanila."
"Matchhh! Pleassseee kay Calyx lang!huhuhu."
"Pleaseee! Match nagmamakaawa ako e'match mo ko sa kanilang tatlo!"
Mga higad talaga! Pisti! Ang sakit ng tenga ko left and right ang mga nagsasalita.
May mga lumuluhod pa, ano ako santo?
Kaderder talagang mga desperada 'to!
"Halika na! Boba ka talaga, statue of liberty ka ghorl?" Sigaw ni Frutzy sa'kin.
"Bilis! Bilis!" Si Nolem.
Hinawakan nila akong dalawa sa kamay at sabay hinila mula sa mga nagdagsaang higad.
"Takbo!" Sabay nilang dalawang isinigaw.
Kaya ayun nag marathon na naman kaming tatlo. Hinabol pa kami ng mga higad pero agad kaming nakapagtago kaya hindi na kami nasundan.
"Ano'ng nangyare sa inyo?" Bungad ni Ate Jazzy pagkarating namin sa MilkTea shop.
Walang nakasagot sa amin pero itinaas ni Frutzy ang kamay na sinasabing wait lang.
Pasalampak kaming naupo sa couch habang hingal na hingal pa rin.
"Punyeta talaga ang mga alagad mo Frutzy!" Singhal ni Nolem.
Nailibot naman agad ni Ate Jazzy ang paningin sa paligid mabuti nalang dahil mukhang wala namang pakialam ang mga tao kahit nag mura ang bobitang 'to.
"Bakit ano na naman ba'ng nangyare? Ano na naman ang ginawa nitong higad kong kapatid?" Nakataas kilay na sabi ni Ate Jazzy pero ang mga mata ay nakatuon na kay Frutzy.
"Ako agad? Hindi uso magtanong muna? Dumb bitch!" Sarkastikong sabi ni Frutzy at inirapan ang ate niya.
*tumunog ang wind chimes*
"Sandali may mga customers, babalikan kita." Sabi ni ate Jazzy pero ang mga mata ay nakatuon kay Frutzy at may banta sa huling sinabi.
"Anong--- nagkalintikan na!" Bulalas ni Nolem habang nanlalaki ang mga mata. Napalingon naman kami kung saan siya nakatingin.
"Bilis magtago na tayo, dali!Lintek na mga 'to hindi talaga tayo pagpapahingahin?" Hesterikal na sabi ni Frutzy.
Ako naman ay nanatiling nanlalaki ang mga mata at hindi makagalaw.
"Punyeta ka talaga! Sinabing hindi ka statue of liberty!" Mariing sigaw ni Frutzy at kinaladkad nila akong dalawa.
Nagtago kami sa ilalim ng counter area habang si Ate Jazzy ay pinipigilan ang mga higad na makapasok sa MilkTea shop.
"May klase pa tayo," tinignan naman nila ako ng masama.
"Iyan pa talaga ang naisip mo sa kalagayan natin ngayon ghorl? Halos na 555 sardines na tayo kanina, do you think titigilan tayo ng mga alupihang 'yan?Sarap mong iumpog sa counter top!" Singhal ni Nolem sa'kin.
"Bwiset naman kasing F3 'yon e, dinaig pa ang fans club ni Marty bebe, the man of my dreams." At naglakbay agad ang imahinasyon ko sa moment kung saan nag di-dribble siya ng bola habang nakasando lang kaya bakat na bakat ang abs niya isama pa ang malaki n'yang ano.. hihihi malaki n'yang ano..
"Ay muscle! Arayyy.." Napahawak ako bigla sa puso ko dahil sa gulat ng binatukan ako ni Frutzy.
"Nabuang ka na naman sa imagination mo ano? Required bang tumirik ang mga mata pag nag-iimagine? Yucksss!" Nandidiring sabi ni Frutzy kaya agad kong hinila ang buhok niya.
"Ouchhh! Bitch ka talaga!" Reklamo niya.
"Kailan ba kasi babalik 'yong si Marty? Inagaw na ng tatlong 'yon ang fans club niya!" Napanguso ako sa sobrang inis.
Nakakainis! May dala pa atang kamalasan ang tatlong 'yon.
Sa school pa talaga namin sila maghahasik ng lagim.
"Lumabas na kayo d'yan, wala na ang mga alagad ng kapatid kong nangibang amo." Sabay hinampas ni Ate Jazzy ang counter top. Kaya dahan-dahan naming nailabas ang kanya-kanyang mga ulo dahil baka mamaya pinagkanulo niya kami sa mga higad na 'yon.
Nakangising mukha ni Ate Jazzy ang agad tumambad sa amin.
Napalunok ako sa ngising 'yon.
Mukhang tama ang hinala ko.
"Pasalamat kayo sa kanila dahil nakuha nilang pigilan ang mga sugo ng kalandian."
Ha?
Sinong nila?
Sabay-sabay kaming nagkatinginang tatlo bago dahan-dahang tumayo upang makita ang mga tinutukoy ni Ate Jazzy.
"Kayo?!" Sabay-sabay na sigaw naming tatlo.
To be continued ---