Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

WILD WAR: The Battles in Chromoa (Tagalog)

Jefferson_Naga
--
chs / week
--
NOT RATINGS
12.4k
Views
Synopsis
WILD WAR STORY : Series #1 "The Road To Entertainment" PAUNAWA : Ang "THE BATTLES IN CHROMOA" ay ang Una sa Limang Bahagi ng kabuuang Kwento. Naglalaman ng Limang Yugto ang kada Bahagi, kung saan ang bawat Yugto ay binubuo naman ng tig-Tatlong Serye. ____________________ "Walang hindi mapagsasama bilang iisa, ang kaharian na lumalaban ng sama-sama..." Mga kataga ng unang emperador dalawandaang taon na ang nakararaan, layuning nagtagumpay at naitala sa kasaysayan, isang imperyo na naging sagisag ng pagkakaisa sa ilalim ng kalangitan, isang alamat na nakapagbuklod sa lahat ng mga tao, lipi, bayan, kaharian, at siyang nakapagpahinto sa mga digmaan... Lumipas ang mahabang panahon, ang imperyo na noon ay matiwasay, maayos at mayabong ay biglang nagwakas at tuluyang nawasak, nahati sa anim na kaharian, bunga ng pagnanais ng kapangyarihan, nasasakupan, karangalan, paghihigante at karangyaan... Karanasan ang siyang bumubuhat sa atin upang magtagumpay sa bawat landas na ating pinapangarap na marating, layunin ang magpapatibay sa isip at puso na nagbibigay alab upang malampasan ang mga hirap na kahaharapin, mga bagay na magdadala sa atin mula sa nakaraan patungo sa bukas na magbibigay daan sa mas makabuluhang tagpo at yugto ng buhay na sa kasaysayan ay bubuklatin at magbibigay inspirasyon sa mga susunod na henerasyon na darating... Ganito ang armas na ating gagamitin, upang mapaglabanan at mapagtagumpayan ang lahat ng hamon at hirap na magpapabagsak sa atin, ito ang natatangi at maaari nating mapanghawakan upang wakasan ang halos walang katapusan na sa buhay ay tinaguriang MABANGIS NA DIGMAAN (WILD WAR)!
VIEW MORE

Chapter 1 - Notice To The. Public

PAALALA: Nais ko ipaalam na ang kuwento na inyong mababasa ay nagtataglay ng malalalim na tagalog na maaaring hindi ninyo agad maintindihan, humihingi ako ng inyong malawak na pang-unawa at mahabang pasensiya sa pagbabasa nito, layunin ko lamang na maibahagi ang mga salitang tagalog na unti-unti na rin natin nalilimutan sa paglipas ng panahon at kulturang dapat natin pagyamanin hanggang sa mga susunod na henerasyon.

Ang libro na inyong mababasa ay maaaring may nilalaman ng maseselang tema, lengguwahe, karahasan, seksuwal, horror o droga na hindi angkop sa mga bata. Pagiging mapanuri, responsable, at malawak na pang-unawa ang kailangan.

This is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents either are the products of the author's imagination or are used fictitiously, and any resemblance to actual persons, living or dead, business establishments, events, or locales is entirely coincidental.

All rights reserved.

No part of this book may be reproduced or utilized in any forms or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any storage or retrieval system, without the prior written consent of the author and publisher.

Copyright © May, 2020 by 3D_Emperor