TIPIKAL na pamilyang Pilipino ang mga Nievez--pamilya ni Yllac. Close-knitted, hindi puwedeng hindi alam ang nangyayari sa isa't isa. Beinte nueve na si Yllac at may sarili nang tirahan, isang bungalow na nabili niya sa isang subdivision sa Alabang, pero kailangan pa rin niyang mag-text o tumawag sa ina kung aalis siya ng bahay niya at mapapadpad sa malayo.
Obligado rin siyang mag-report sa ina kung hindi makakauwi, sino ang kasama, saan siya tutuloy, ano ang gagawin nila. At kahit kilo-kilometro ang layo nila sa isa't isa, nagagawa pa rin ng ina na asikasuhin siya, dadalhan ng pagkain kapag naparami ang luto, susulpot sa bahay niya para magligpit, labhan ang makikitang damit sa hamper, punuin ng grocery ang ref at cabinets.
Yep, Yllac was spoiled. Natural lang siguro dahil bunso siya at nag-iisang lalaki. Sampung taon bago nanganak uli sa kanya ang ina. Na-baby siya nang husto ng dalawang Ate. Kung hindi pa nagsi-asawa ang mga ito ng taga-ibang bansa, malamang makakagawa ng paraan para sa kanya tumira at masubaybayan siya.
Although it pissed him off sometimes, Yllac don't have the heart--and the backbone--to tell them off. Mahal niya ang mga Ate, ang ina. Unconditionally. Kaya kahit nagmistulang pig pen ang bahay niya dahil kinaray ng mga ate ang mga chikiting mula Australia at Greece, mahal pa rin niya ang mga ito, hindi niya kayang palayasin. Buntong-hininga na lang ang nagawa ni Yllac nang makitang nakatumba na naman ang bookshelf niya sa sala, ginawang bangka ng magagaling na mga pamangkin.
"Ay ano ba 'yan kayo? Pinaglaruan n'yo na naman 'yan!" singhal ni Ate Lilian, the middle child, dalawa ang anak sa isang Australian na dating amo nito. May pag-aaring courier company ang lalaki, encoder dati roon ang ate niya.
"Whot mummy?" sagot ni Lucas, makapal ang Australian accent na kung minsan, nakakaasar nang kausapin.
"Don't what mommy me, Lucas. Get off that thing and wash your hands, all of you. We're going to eat na. Go." Nagkumpas-kumpas sa ere si Ate Lilian hanggang magpulasan ang mga bata. Yumukod ito para itayo ang shelf--at napatili nang mapansin si Yllac. "Ginagawa mo diyan sa dilim?"
"I'm watching your kids wreck my home," hinaluan niya ng tonong nagbibiro ang boses. Nasa isang sulok siya ng sala, katabi ang bintanang hindi niya inabalang hawiin ang makapal na kurtina, nakaupo sa paboritong couch. Nanonood siya ng TV kanina nang magsulputan ang apat na chikiting. Wala na siyang maintindihan sa pinapanood. Siya na lang ang nag-adjust.
Itinayo ni Ate Lilian ang shelf, dinampot ang ilang libro. "Pasensiyahan mo na muna ang mga bata, Lac. Mag-aasawa at magkakaanak ka rin one day, you'll understand. Lika na sa labas. Doon na lang daw tayo kumain."
Sa hardin niya sa gilid, na carabao grass at mga punong mangga lang ang makikitang nakatanim, inilabas ng mga ate ang lumang dining table niya. Mas praktikal nga kung doon sila palaging kakain. The rowdy kids always knock things off. Ilang baso at pinggan na ang nabasag ng mga ito. Mas madali ring maglinis sa labas, wawalisin lang, i-spray-an ng hose kapag may natapong pagkain. Sa dining area niya, mag-mo-mop pa ang mga ito. Kapag amoy ulam pa rin ang paligid, ang ina na nila ang gagawa ng paraan. Mano-manong kukuskusin ng basahang may Domex ang tiles. Ayaw naman papigil sa kanila, hindi raw mapalagay na malansa ang sahig na tinatapakan nila.
Umahon sa kinauupuan si Yllac, tinulungan na sa pagdampot ng mga libro at miniature sculptures ang kapatid. Nang matigilan at mapangiwi. Nasapo niya ang tiyan, iyong parteng gitna, sa pusod mismo. It was in pain again.
"Lac? Bakit? Masakit na naman tiyan mo?" Napansin ni Ate Lilian ang ginawa niya. Nadinig din marahil ang mahina niyang ungol. "Ibalik ka kaya namin kay Doc Galvez?"
"No need," aniya, kinalma ang paghinga. "Pareho pa rin naman ang sasabihin niya." Sanhi ng PTSD o Post Traumatic Stress Disorder niya ang paghilab at pagkirot ng tiyan niya. Stressed, yes. He was really stressed and traumatized. Minor lang naman daw ang PTSD niya but still. May contributing factor din ang ininom niyang gamot. Tapos na siya sa antibiotics last week. Pero puwede raw na magtagal pa nang ilang araw ang side effects. Ang inireseta na lang sa kanya, gamot sa kirot at vertigo. He felt dizzy sometimes when the wretch pain in his stomach attacks. The wound in his chest was healed fully.
Sa labas, dalawang pulgadang peklat na lang ang naiwang palatandaan na isang buwan ang nakararaan, muntik nang paglamayan si Yllac Nievez. Mabilis umano keysa normal ang paghilom ng sugat niya. His survival itself from the fatal wound was unusual. Natamaan ng kalawanging bolo ang puso ni Yllac. His punctured heart had stopped beating when someone found him in the woods. Isinugod pa rin siya sa pinakamalapit na ospital. Ayon sa mga nurse, literal na naliligo sa sariling dugo si Yllac. He lost so much blood, his heart had stopped functioning, but he's still...alive.
Miraculously.
And warm. So warm according to the nurses. Hindi normal sa isang tao na halos wala nang dugong dumadaloy sa mga ugat. Ang akala nga raw ng mga ito, may nagpaligo sa kanya ng maligamgam na tubig. Basa ng tubig ang buhok at mukha niya. Hindi raw, sabi ng mag-asawang nakakita sa kanya. Paano pa raw siya papaliguan eh hindi na nga pumipitik ang pulso niya. Kinaray siya ng mag-asawa palabas ng gubat, tumawag ng iba pang tutulong sa mga ito. May tricycle ang bayaw ng lalaki, doon isinakay si Yllac papuntang ospital.
Isang linggo lang na nanatili sa ospital sa Vigan si Yllac. Inilipat siya sa St. Luke's, nagtagal doon nang limang araw. His heart was functioning normally again, his wound was healing fast, his body recovering. Pero may mga gabi na nagigising si Yllac dahil sa masamang panaginip.
He was still traumatized. He felt...odd, paranoid. Pakiramdam niya, nasundan siya roon ng babaeng sumaksak sa kanya, pinapanood ang bawat kilos niya. He can sometimes feel as though someone was watching him.
"Sumama ka na kaya muna sa amin sa Brisbane, Lac?" wika ni Ate Lilian, nasa harap na sila ng pagkain. "Mas makakapagpahinga ka roon. At saka malinis ang hangin doon. Mas makabubuti sa puso mo, sa katawan mo."
"Oo nga, 'nak," segunda ni Mama Lourdes. "Sa makalawa na ang balik ng ate mo. Ikuha ka na namin ng ticket. Ako na ang magbabayad."
"'Ma, huwag na. Dito lang ako. Magaling na ako," aniya. Ilang beses na niyang sinabi iyon, ayaw namang maniwala. He can't go to Australia with his sister. Ano ba ang gagawin niya roon? Isa pa, may mga nakabinbin siyang projects. Na hindi niya maaaring banggitin sa harap ng mga ate at nanay niya. Lalong hindi siya iiwanan ng mga ito.
"Magaling. Eh iyang tiyan mo?" si Ate Luan, isinalpak sa bibig ng dalawang taong anak ang kutsarang may mashed potato. "At saka lagi ka pa ring binabangungot, 'di ba? Kung ayaw mo sa Brisbane, doon ka na lang sa amin."
Lihim siyang napangiwi. Sa Greece? Mas lalong ayaw niya. Dahil mapipilitan siyang pakisamahan ang asawa nitong Griyego at pamilya n'on. Yllac wasn't fond of Ate Luan's in-laws. Hindi naman sa masasama ang ugali ng mga ito. In fact, they're nice. Too nice to him. Kasi may kailangan. Gustong asawahin niya ang bunsong anak. That's so fuck up.
"Oo nga. Puwede. Sabi mo 'di ba, ate, nasa inyo ngayon si Yvanova?"
He grunted. 'Yon. Iyon mismo ang dahilan kaya ayaw niyang sumama sa Greece. Yvanova was there, the woman they kept on pushing to him. Hipag ni Ate Luan si Yvanova at type na type si Yllac. The last time he was at his sister's house, Yllac woke up with Yvanova on top of him, naked. Muntik na siyang magahasa at mapikot ng babaeng Griyego. Hindi niya alam kung paanong nakapasok ang babae sa silid na tinutuluyan niya gayong nag-double lock siya. Kahit may kopya ng susi ng silid ang babae, imposible talagang makapasok ito. Inimbitahan niya raw ang babae roon, ayon dito. Yvanova's lies were blown up by their own niece--Maria. Biglang sumabat ang anim na taong gulang na bata at nagsumbong.
"Auntie Yvanova went inside the room and hid under the bed while Uncle Yllac was outside, picking oranges. I saw her. Auntie told me to shut my mouth. But I can't. She's always mean to me."
Nahuli ng mga kasama ang disgusto sa mukha niya at ang padabog na pagsalpak niya ng pagkain sa bibig. Nakita niyang nagkatinginan ang mga ate niya.
"Have you seen Yva now? She got prettier. She lost weight na rin, 'di ba, Ate Lu?"
"She's still weird." Oo, nakita niya ang pictures nito sa FB, naka-tag ba naman sa bawat selfie ang ate niya. Kung hindi ba naman weirdong tunay. Ilang beses na ring nagpadala ng request sa kanya ang babae. Lagi niyang binubura hanggang i-mark as spam na niya. Ayaw na niyang mag-FB kung hindi lang kailangan sa trabaho niya. Doon niya pino-promote ang sarili--he's a freelance graphic artists--, doon din minsan nakakahanap ng prospect clients. Kailangan niya ang social media para kumita. "And I'm not into tall girls," dugtong niya, umaasang tumigil na ang dalawang kapatid. Five-eleven ang height ni Yvanova, kapag naka-heels, mas mataas na kay Yllac. Kailan ba nakita ng mga ate niya na nagka-girlfriend siya ng lalagpas sa five-five ang height? O may boobs na size D--Yvanova's cup size? He likes his woman short and tiny, with an average size breasts.
Bumuntong-hininga ang mga ate niya, looking defeated. Mabuti naman.
Nagsalita si Ate Luan. "Fine, hindi na namin ipipilit si Yva sa'yo. But you have to promise, Yllac. You're not going to go back to your job immediately. At hindi ka na uli tatapak sa mga liblib na area like that Sitio Tusoc. Ugh, the irony of that name. I hate it."
Yllac couldn't stop his snigger.
Sitio Tusoc, ang lugar kung saan may babaeng baliw na tumusok sa dibdib niya. Kilalang may sira sa tuktok ang babae--si Ada--sa Sitio Tusoc.
Pero may mga pagkakataon na matino naman itong kausap. Dayo umano ito roon dati pero walang nakakaalam kung saan talaga nagmula.
Isang araw, sumulpot na lang sa sitio, nakitira kung kani-kanino, hindi na umalis. Hinayaan na rin ng mga residente na tumirik ng bahay sa gubat si Ada at makisalamuha sa mga ito. Hindi naman daw nananakit.
Pero nananaksak ng kalawanging bolo. Iyon umano ang unang insidente na may inatake si Ada. Napasama pa nga ang pangalan ni Yllac. May mga naghinala na ginawan niya ng masama si Ada kaya inatake siya. Ano naman ang gagawin niyang masama sa babae? Tinulungan pa nga niya, binigyan ng pagkain at tubig.