Chereads / WINGLESS (Filipino) / Chapter 4 - ADA AND RUA

Chapter 4 - ADA AND RUA

Naging normal na tanawin na kay Yllac si Ada mula nang dumating sa sitio. He was there to attend a wedding. Abay siya. Taga-roon ang napangasawa ng dating katrabaho niyang si Lenon.

He still wanted to explore the place so he told Lenon he'll stay for a few days. Bumalik sa Manila si Lenon at asawa nito, lilipad pa-Singapore para sa honeymoon. Sa isang inn sa downtown ng sitio siya nanatili, ilang hakbang lang, nasa talipapa na siya.

Tuwing lalabas siya, nadadaanan niya si Ada, nakaupo sa sidewalk, may nakalatag na tela sa harap, nakalinya roon ang iba't ibang klase ng tuyong tangkay, ugat ng kahoy, bato, may pakpak pa ng paniki minsan.

Nang tanungin ni Yllac kung para saan ang mga iyon, tinitigan lang siya. He assumed that perhaps, Ada was a...quack doctor. Albularya. Mga halamang gamot ang ibinebenta. Hindi raw, sabi ng isang tricycle driver. Feeling albularya lang daw ang babae. Dati may nauuto pa na bumili ng mga produkto nito, may nagpapagamot pa. Hanggang sa wala nang pumapansin sa babae.

Pero araw-araw pa rin umanong pumupunta sa bayan dala ang mga paninda na nadadampot lang daw nito sa gubat. Nahabag si Yllac. Especially when he saw her eyes. They were huge, round and looked...sad.

Nabigla rin siya nang makita ito nang malapitan. She was young. Perhaps younger than him. Marungis lang talaga. Binigyan niya ng pagkain si Ada--ayaw nitong tanggapin ang pera niya--at maiinom. Sa sumunod na mga araw, nakasanayan niyang gawin iyon. Hanggang isang araw, hindi niya nakita si Ada sa usual na puwesto nito.

That day when Yllac almost died, he was scheduled to visit this small waterfalls Lenon talked about. Nasa dulo umano ng kakahuyan. Madaling mahanap dahil may trail naman. Sundan niya lang. Sinundan nga niya.

At sa kalagitnaan, namataan niya si Ada, nakatingala sa isang puno ng star apple, may hawak na mahabang sanga ng kung anong puno, ang kabilang kamay ay hawak ang kalawanging bolo.

Nagmagandang-loob si Yllac na tulungan si Ada. But picking star apples right from the tree wasn't his forte. Naisip niya na marahil, nagugutom si Ada. Ibinigay niya rito ang baong pagkain at tubig. At sa kauna-unahang pagkakataon, nadinig niyang nagsalita ang babae.

"Ginto ang iyong kalooban, sa loob mo'y mabubuhay ang emble. Mamayang gabi, ninipis ang tabing. Lilitaw ang mga andap. Kailangan ka nilang makita. Ikaw na naliligo sa sarili mong sacra..."

Yllac left immediately. Wala siyang naunawaan sa mga pinagsasabi ni Ada pero hindi siya mananatili ng isa pang segundo sa harap nito para lang ipa-decipher dito ang litanyang binitiwan. He kept following the trail and finally saw the waterfalls. Naligo siya, naglunoy, kumuha ng maraming pictures.

Alas kuwatro na nang magpasya siyang umalis. Habang tinatahak ang trail, nakarinig ng sigaw si Yllac. Humihingi ng saklolo. Tumakbo siya, hinanap ang pinagmumulan ng boses. He saw a clearing past a line of trees.

And there, at the center, Ada was buried waist-deep in a pool of mud. Kakawag-kawag ang babae, sumisigaw sa panic. At tuwing gagalaw, napansin ni Yllac na mas lumulubog ito. Noon niya na-realize kung ano ang kinalulugmukan ng babae. Kumunoy.

Yllac dropped his things and ran towards Ada. Mahigpit niyang hinawakan ang palapulsuhan nito, hinila. Hindi niya alam kung gaano na siya katagal na naroon, nilalabanan ang puwersang humihigop kay Ada pailalim.

When he finally pulled Ada out, it was dusk already. Habang kinakalma ang paghinga, nakita niyang tumayo si Ada at lumapit sa hilera ng mga puno na...patay?

May kadiliman pero naaaninag niya ang silhouette ng mga iyon. They looked like skeletal hands that protruded out of the ground. The view made Yllac's skin crawl.

Nakita niyang hinawakan ni Ada ang isang puno. Then she started laughing. Yllac stood up and quickly gathered his things. Wala na siyang balak magpaalam kay Ada. Ni ayaw niyang lingunin ang babae.

And that's when he felt it. May tao sa likod niya. Awtomatiko siyang pumihit paharap. Hindi pa man rumerehistro ang mukha ng taong nakaharap niya, naramdaman na ni Yllac ang matigas na bagay na tumarak sa dibdib niya. The thing went deeper...deeper until he screamed in agony and fell on the ground.

Ada was leaning over him, one hand on his chest. Nakita ni Yllac ang patalim na pilit nitong ibinabaon pa sa dibdib niya. It was the rusty bolo she was holding that morning. Kasabay ng paghugot nito sa patalim ang pagsagitsit ng dugo niya. Ada laughed again. And left him there dying.

When Yllac gained consciousness in the hospital, there's a policeman inside the room with him. Kinunan siya ng statement. Nang malaman ng mga ito na si Ada ang suspect niya, the policeman was shocked.

Then he told him the news. Habang ginagamot siya sa ospital, isang insidente ang gumising sa mga residente ng Sitio Tusoc. Nasusunog ang kubo ni Ada, kumalat na ang apoy sa gubat. Naapula naman agad ang apoy pero hindi na naisalba ang bahay. O ang katawan na na-trap sa loob. Ada set the hut on fire and locked herself inside, ayon sa mga imbestigador. Maybe she snapped and decided to kill herself. Or she killed herself out of guilt. O baka naman daw, ayon sa kuro-kuro ng ilang residente, hindi nakayanan ng babae ang ginawa niya rito, piniling kitilin na lang ang sariling buhay.

Nanindigan si Yllac na inosente siya, na biktima siya. Wala namang ebidensiya ang mga pulis na ginawan niya ng masama si Ada maliban sa tsismis ng mga taga-sitio. Eventually, they let him leave the hospital. At nangako si Yllac, hindi na uli siya tatapak sa lugar na iyon.

"Tatawa-tawa ka pa diyan," sita ng Ate Luan niya, dahilan para bumalik sa kasalukuyan ang isip ni Yllac. "We almost lost you. We can't afford that. Mababaliw kami kapag nawala ka sa amin, Yllac. Kaya please, mag-ingat ka naman."

"I will. And I'm sorry again, na pinag-alala ko kayo," sincere niyang sabi.

"Siya, siya, kain na," wika ni Mama Lourdes. Binalingan nito ang mga pamangkin niya. "Mga apo, eat well, okay? Kapag umalis na kayo, matagal na naman bago n'yo matitikman ang luto ni Granny."

Tumango-tango si Maria, ang nag-iisang apo nito na nakakaintindi ng Tagalog. "I will miss you and your cooking, Granny." Tumingin ito sa kanya. "I will miss you, too, Uncle. And your little friend. Can you tell her that for me? And oh, can you give her fruits every day when we leave? She likes fruits so much. Especially oranges."

"Uh...what?" Naguguluhang tumingin siya kay Luan, na awang ang bibig na nakatingin naman sa panganay na anak. "Ano'ng sinasabi niya? Sinong little friend ko?" Mula nang makarating sa mga kakilala at kaibigan ang nangyari sa kanya, halos araw-araw, may bisita sila roon. "Ah, you mean si Trinny." Her daw, eh. Babae. Trinny was his ex. Ito lang naman ang maliit na babaeng nakita nina Maria na pumunta roon.

"No, Uncle. Her name's not Trinny. She said her name is Rua. She can't understand me when I'm talking in English or Greek. But she understand Filipino. I can't talk much Filipino though. I'll listen to Mama more 'pag teach niya ako," salaysay ng bata habang maya't maya ang subo ng ginayat na carrots.

Nagkatinginan sila ni Luan. "May friend kang Rua?"

"Wala," tugon niya. Rua. What an odd name.

"Baka isa na naman sa imaginary friend niya, Ate," sabi ni Lilian. May ganoong history si Maria. Maraming imaginary friends mula nang matutong magsalita. Pero ang sabi ni Luan, huminto na iyon mula nang mag-aral si Maria.

"She's not imaginary, Auntie Lil," sabi ni Maria, tumingin uli sa kanya. "I saw her, I speak to her. Tapos, the other day, I saw her went inside Uncle Yllac's pants while Uncle was asleep."

Suminghap ang mga adult sa mesa.

Ang ate Luan niya, nabitiwan ang tinidor. "Callysto!" banggit na nito sa totoong pangalan niya. "Wala naman kaming paki kung makipagharutan ka dito, bahay mo 'to pero huwag mo namang ipakita sa mga bata."

"I swear I'm not messing around with anyone here," depensa niya. "Paano ko magagawa iyon? Halos nga ayaw n'yong alisin ang mga mata n'yo sa akin."

"Hindi imagination lang ang nakita ni Maria. Saan niya makukuha ang ganoong ideya, huh? Unless, she actually saw it."

"Baka sa inyo ni Kuya Miggo," si Lilian.

"We are not animals. Bakit namin gagawin iyon sa harap ng mga anak namin?"

Magsasalita pa sana si Lilian nang humagikgik si Maria. Sabay turo sa ulo ni Yllac. "She's there, Uncle! She's in your hair."

"What? How--" Shit. Nanigas si Yllac. Praning lang ba siya o parang may naramdaman siyang gumagalaw sa buhok niya?

"'Told you, she's tiny! Like this!" Dumampot ng ginayat na carrots si Maria at ipinakita sa kanila. Dalawang pulgada niya lang ang haba n'on. "And she wants to get inside your tummy, Uncle."

Shit. Shit! Tumayo si Yllac at pinagpag ang buhok. May tumusok sa anit niya. Sa sulok ng mga mata niya, may nakitang nahulog sa damuhan si Yllac. Kulay itim at puti. Nakita pa niyang gumalaw iyon at sumuot sa ilalim ng carabao grass. What the fuck was that? Bakit parang may...buhok? Bubuwit? Higad? Sa huling naisip, parang nangati siya bigla.

"I-I'll go. Shower," paalam niya sa mga kasama na nakatunganga lang sa kanya. Tumalikod na siya, naglakad at dumiretso sa banyo sa loob ng silid niya. Naghubo siya, tumapat sa ilalim ng shower, nag-shampoo ng buhok.

May nahulog sa sahig, bumara sa drain kasama ang ilang hibla ng buhok niya. Kulay itim. Nang damputin iyon, nagulat siya. Kapiraso ng...parang tela. He set it on his palm and took a twizzer inside the cabinet. Kay Lilian iyon, nakikigamit ng banyo niya ang kapatid kapag okupado ang banyo sa labas. Inayos-ayos niya sa palad ang kapiraso ng tela gamit ang twizzer pagkatapos ay ininspeksiyon nang malapitan.

Yllac's forehead knotted with confusion.

"Is this...a dress?" Little black dress. Literal. Damit ng Barbie dolls ng mga pamangkin niya? Pero bakit sobrang liit? Ni hindi nga yata kakasya sa kamay ni Barbie. At paanong natahi ang ganoon kaliit na damit? He was amazed and...got more confused.

Biglang bumalik sa isip niya ang mga sinabi ni Maria kanina. "She's there, Uncle! She's in your hair."

Ah fuck you antibiotics. My head's so fucked up now. Hindi pa nakontento na tiyan niya ang sinisira.

Pinitik niya papunta sa isang sulok ng banyo ang damit, shoot sa trashcan, at bumalik sa shower. He washed his hair...along with the silly thoughts his over creative niece planted inside his head.