"ILIGTAS mo siya. Unti-unti nang tumitigil ang tibok ng puso niya."
"Batid ko 'yon! Mas malapit ako sa hangal, mas dinig ko ang nagaganap sa kanyang katawan."
"Wala kang planong iligtas siya."
"Sapagkat hindi ako nahihibang. Batid mo ang katumbas ng nais mong mangyari. Katapusan ko."
"May paraan upang makaligtas ka sa katapusang iyon. Habang ang nilalang na ito...tuluyan siyang lalamunin ng dilim. Hindi na siya maaaring bumalik."
"At bakit ko isusugal ang sarili kong kaligtasan para sa hangal na ito?"
"Sapagkat may kakayahan tayo. Kung ang mga puno't hayop, nagagawa nating iligtas, bakit hindi ang Taong 'to? Nilikha rin sila, kawangis natin...kung hindi mo gagawin, ako ang gagawa. Ako ang hihilom sa kanya--"
"HINDI!"
Napamulat si Yllac. Luminga-linga, hinanap ang mga boses. Until it dawned on him. He's dreaming again. It was the same dream. Nasa dilim siya, walang makita pero may narararamdaman, may nadidinig. Naisip niya na hindi naman talaga panaginip lang iyon. It could be his memories that manifested into a dream. Memory noong naghihingalo na siya. Kaya madilim, dahil ayon sa isang boses, nilalamon na siya noon. She was pertaining to death. Yes, she. Dalawang she. Babae ang mga boses. Nagtatalo kung ililigtas siya. Maaaring boses iyon ng mga taong nakakita sa kanya. O ng mga nurse na gumamot sa kanya.
Pero naisip ni Yllac, may nurse ba na tatawag ng "hangal" sa pasyenteng naghihingalo na? One of the voices kept on calling him that. Hangal. Well, maybe he was.
Napapitlag si Yllac nang may tumunog sa bandang uluhan niya. His phone. Tumatawag si Buddy, his closest friend. Graphic artist din pero hindi freelance. Sinagot niya ang tawag.
"Bud," aniya, sinulyapan ang digital clock sa bedside table. Seven thirty one PM.
"Lac, bro, may hihingin sana akong pabor."
Bumangon siya, nagkamot sa tiyan, humikab. "Mm-hmm?"
"Baka puwedeng makitulog. Pinalayas ako ni Issa."
Natawa siya. Live-partner nito si Issa. May pagka-bipolar. Naglilihi. "Again? Sige, punta ka lang. Saan ka ba?"
"Sa 7-11 malapit sa street n'yo. Bibili ako ng beer. O may stock ka na ulit?"
Pina-dispatsa ng mga ate niya ang lahat ng alak sa bahay niya bago dumating ang mga ito. Baka maulit ang nangyari last time. One of his nephews somehow managed to sneak a beer from the ref. Mabuti na lang, iyong nakabote ang nakuha. Hindi nito nabuksan.
"Wala pa. Don't buy too much. I'm not yet allowed to drink," aniya. "Huwag ka nang bumili ng pulutan. Magluluto na lang ako." Nagugutom na rin naman siya.
Tumungo siya sa kusina matapos ibaba ang cellphone. Umalis na nakaraang araw ang mga ate't pamangkin. Bumalik na rin sa bahay nila sa Pasig si Mama Lourdes. Ayaw pa nga siyang iwan kung hindi lang tawag nang tawag ang Uncle Ed niya, bunsong kapatid nito. Dagsa ang orders sa litsunan ng manok--ang regalo nilang magkakapatid sa ina noong sixtieth birthday nito. That was three years ago. It was their mother's dream. Ganoon ang negosyo nila dati, noong buhay pa ang Papa Nestor niya. Nalugi ang litsunan at napabayaan nang magkasakit ang ama nila may isang dekada na ang nakalilipas.
And thinking of litson manok. May iniwang isang buo sa ref si Mama Lourdes. Iinitin na lang niya sa microwave. At dahil kilala niyang matakaw sa pulutan si Buddy, alam niyang kulang ang isang buong manok dito. Inilabas niya ang naka-Tupperware na pusit, isang pack ng Crispy Fry, mantika...
Isinalang niya ang kawali matapos paikot-ikutin sa mangkok ng Crispy Fry ang mga ginayat na pusit, binuhos ang isang boteng mantika, sinindihan ang stove.
Natigilan si Yllac. Ipinaling ang ulo sa gawing kanan ng island counter. May halamang palmera sa dulo, nakatanim sa malaking plastic na paso. He sensed movement from there.
Gumagalaw-galaw pa nga ang mga dahon hanggang sa sandaling iyon. Yllac moved closer and peered at the leaves. He suddenly felt weird. Pakiramdam niya, may ibang presensiya malapit sa kanya. Ginalaw-galaw niya ang dahon ng palmera, baka sakaling may mahulog doon. May nahulog, pero mga natuyong dahon. The plant wasn't looking good, he noticed. Hindi na niya napaarawan gaya ng bilin ng ina.
"Lac! I'm here na. Yu-hoo!" dinig niyang sigaw ni Buddy mula sa gate. Nagsalang muna siya ng pusit bago nilabas ang kaibigan. "Sira doorbell mo, 'tol."
"Oo. Ipapaayos ko pa lang." Binuksan niya ang gate, hinintay na ipasok ni Buddy ang motorsiklo sa bakuran niya.
"Pa-jingle pala, ha."
"'Ge." Kinandado niya ang gate, sumunod kay Buddy. Nakita niya itong dumiretso sa kusina. Nandoon ang isa sa tatlong banyo ng bahay.
"Ooh, I love the smell. Calamares. Mi favorit--woah, pucha! Pucha! 'Tolll!" naaalarmang sigaw ni Buddy. Nagmura uli, mas malutong. Takbo agad si Yllac sa kinaroroonan nito. Hinablot siya nito sa braso, kanda turo sa ibaba, sa sahig ng kusina.
"Ano 'yon? Bakit?"
"Tol, may ano...may chikas!"
"Ano?"
"Babae, 'tol! May babae sa sahig!"
Babae? Dumukwang si Yllac. At napamura din nang pagkalutong-lutong. May babae nga, nakabaluktot malapit sa ilalim ng lababo.
Gumalaw-galaw ang mga talukap ng babae, nagmulat. Bumangon ito kapagkuwan, umupo at iniunat ang mga braso, tila ininspeksiyon ang mga iyon.
Then, she stood up and saw them standing there like an oaf. Sa tabi niya, napamura uli si Buddy. Gusto ring mapamura uli ni Yllac. Paanong hindi? Hubo't hubad ang babae. Kulay papel ang balat. Contrast na contrast sa buhok nito. Raven black hair. And it was so long. Sayad hanggang sahig. Parang real life Rapunzel ang nakikita niya. The dark-head version.
Tumuon kay Yllac ang bilugan at itim na itim na mga mata ng babae.
Napaatras siya nang biglang umasim ang mukha nito. She looked pissed. At him. Sa kadahilanang hindi niya alam.
"Nagugutom ako," maawtoridad na wika nito. "Bigyan mo ako ng makakain. At ang saplot ko--isauli mo. Binatang hangal."
Shit, Yllac thought.
Hangal.
He'd heard that word before. And the voice...hindi 'yon ang unang beses na nadinig iyon, sigurado siya.
Umiling-iling si Yllac. What in the world was happening?